Chapter 11

Dedicated to: Itim_na_pluma

You are built to handle the pressure that comes with your calling.

That line repeats in my head right now. 

“Congratulations for the both. Since, papalapit na ang Intramurals. You should start practicing. So, both of you...” Miss Eva pointing us. “...meet me at the Stadium after Class hours together with the President and Secretary for some important session.”

We’re all nodded about what she instructed.

“That’s all for today. Class dismisses.”

Inayos ko na ang mga gamit at tumayo na para sa lunch. Nagsilabasan na ang lahat at naiwan nalang kami ni Gray sa loob.

“Good plot,” agarang sambit niya.

I rolled my eyes.

“Lucky you!”

He didn’t react but instead take my bag at my chair without my permission.

“Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Sabay na tayong kumain,” banggit niya.

Agad ko siyang pinigilan. “May kasabay ako.”

Pagkasabi ko no’n ay saktong pagbalik si Yana na kakabili lang ng ulam.

“Uh-oh, wrong timing ba ako?” pang-aasar ng gaga.

Agad kong binitiwan ang pagkakahawak ko kay Gray matapos kong makitang nakatitig si Yana dito.

She grinned.

“Mali ang iniisip mo, baliw,” I defensively uttered.

Inunahan ko na siya. Tumawa naman siya ng nakakaasar.

“So, mali bang zero ang derivative ng constant?”

Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya nauubusan ng palusot. I heard Gray laughed secretly.

“Nahiya ang genius sa iniisip mo Yana. Move on ka na, Integral na tayo,” sabi ko nalang at mas lalong natawa ang kasama namin dahil do’n.

Inis akong napatingin sa lalaki. “Ano bang nakakatawa?”

Napatuwid lang siya ng tayo. “Chill, ang sungit tanghaling-tanghali.”

“May oras ba dapat para mag-sungit?”

Nakita kong ngumisi lang si Yana. Pinagtutulungan yata ako ng mga ‘to.

“Magsama nga kayong dalawa!” maktol ko at nauna ng naglakad palabas ng campus.

I reached the inside of a small eatery where we’ll be dining. I noticed the two following me, so I began placing my order. They did the same. Once the food was ready, I started to eat. I’m not used to sharing a meal with a guy. There are still many people looking at the three of us, or maybe I can say, just at him.

“You must be very hungry,” natatawa niyang konklusyon. Inismiran ko lang siya at uminom na muna ng tubig.

“Ginutom sa derivative ng constant,” asar ‘yon ni Yana. Padabog kong inilapag ang baso at tinignan sila ng masama.

“Tigilan n’yo ‘ko ha!”

But before I could proceed to eat again, Gray interrupt.

“You have something besides your lips.” He mentioned. Nakita ko siyang nakatingin sa bibig ko kaya agad ko itong kinapa.
“No, in your left side,” singit niya kaya ginawa ko ang sinabi niya.

Nabigla nalang ako ng siya na mismo ang nagtanggal no’n. He touched the right side.

(???)

“Akala ko ba nasa kaliwa?” pagalit kong sigaw. He made a silly laughed kaya mas lalo akong napikon.

“I’m sorry, I thought you don’t know where it is.” He reasoned.

I looked at him intensely. “Ganoon na ba kabobo ang tingin mo sa ’kin? Bobo lang ako sa Engineering.” I reasoned. He’s still laughing out at me.

“I didn’t mean something.”

“Whatever.” I respond in defeat.

“Ang cute...”

Sabay kami ngayong napatingin kay Yana matapos niyang sabihin ‘yon.

“...ni Park Bo Gum,” dugtong niya at tumingin agad sa phone.

I finished my meal. I just stood up to escape their teasing. I paused when I saw Jane and Ashton exchanging glances. I hesitated on whether to pass by them. Since the eatery had no other exit, I closed my eyes, hoping they wouldn’t notice me.

I felt Gray behind me and realized he was pulling me away from that place. We stopped near the garage. He was panting, and I just kept my head down, facing him.

“Don’t think too much. It’s just a friendly stare. Walang namamagitan sa kanila. Iyon nalang dapat ang isipin mo para ‘di ka masyadong masaktan.”

“Luh pinagsasabi mo,” I just said. “Si Yana?” I asked to drop the topic.

Napatingin siya ng diretso sa ’kin. “May pupuntahan lang daw siya.”

I nodded.

“Why do you like him?”

He questioned out of nowhere. Naglakad muna ako papalapit sa may upuan. Sumunod siya at umupo sa tabi ko. Naglabas siya ng mineral water at nabigla ako nang ibigay niya ito sa'kin.

“You must be thirsty.”

Nag-aalangan akong tanggapin ‘yon.

“Don’t worry. Wala ‘yang gayuma. Hindi ka naman kagayu-gayuma.”

Napatawa naman siya sa sariling insulto niya at nag-desisyon nalang akong inumin ‘yon. Naubos ko ‘yon at itinapon na sa basurahan sa may tabi.

“Ano nga pala ‘yong tinatanong mo kanina?” I started.

“Bakit mo siya nagustuhan?”

I stilled. Tumikhim muna ako bago siya sagutin at inalala ang una naming pagkikita.

“I just love his eyes, ‘yon lang.”

I gave him the briefest reason. He shrugged and then, suddenly, he gazed intently at me, carefully examining my eyes, making me feel uneasy. He continued to stare at me for a longer period, and I just sat there, lost in thought.

“W-what are you doing?”

Binawi niya ang tingin niya at nagsimula ng magsalita.

“Kaya ka pala hindi ni-like back kasi ang panget ng mata mo,” confident niyang sabi.

“A-ano?”

“Kaya ka pala hindi ni-like back kasi ang panget ng mata mo,” inulit niya pa.

Napatayo ako. “Talaga?”

Napatitig lang siya at pinipigilang hindi matawa sa mukha ko. “Hindi kayo nababagay. Mabuti nalang talaga at hindi siya nahulog sa ’yo.”

“Mabuti nalang talaga.”

Galit akong tumalikod sa kanya para makalayo sa mga pang-iinsulto niya.

Bakit ‘di nalang siya nagsabi ng white lies sa ‘kin ‘di ba? Sinabi pa talaga niya sa harap ng mukha ko na sobrang panget ng mata ko.

Kasalanan ko bang ganito na ako pinanganak? Ako ba gumawa sa sarili ko? Piste siya. Kung makalait, akala mo naman gwapo.

Oo na gwapo na. Tangina, ang unfair ng mundo!

“For your last project. It will be do by pair. I have the list already about that pairs. I will give now the names at isa lang ang tatawagin kong tao kada pair at ‘yong taong ‘yon, sila na ang bahalang magsabi sa magiging pair nila.”

Engr. Miley started to call for names. Hindi ako natawag kaya maaaring ‘yong magiging partner ko ang tinawag. Maybe, I’ll just wait for that person to approach me.

Napatingin naman ako sa katabi kong tahimik na minamasdan ang pangalan ng ka-pair niya.

“Sino ‘yan?” itsuserang tanong ko.

Imbes na ipakita sa ‘kin ay pinunit lang niya ito at itinapon.

“Your project is sasagutin n’yo lahat ng 50 problems na ibibigay ko ngayon and comply it all then make it like a book module.”

50 problems. hoooh.

I just hope my project partner is smart enough. I really don’t want to have bad luck this time; it might be my downfall in Engineering.

A collective sigh filled the room at that announcement. Who wouldn’t breathe a sigh with 50 items? I haven’t been able to solve a single problem yet.

The class ended, and discussions revolved around the project. This is our final opportunity to pass this major subject. The second semester is also coming to a close.

“Let’s go.”

Tumayo na ako sa aya na ‘yon ng katabi ko. Sabay kami ngayon pauwi. Ihahatid daw niya ako gamit ang motor niya na sa ‘min pa galing.

Kinuha na niya ‘yon kaninang umaga dahil may pera na siyang pambayad para rito. Sabi niya ako raw una niyang isasakay para sa unang ride niya. Tinanong ko siya no’n kung bakit at ito lang sinagot niya.

“Trial card, para kapag na-disgrasya. Hindi masyadong magastos pampa-hospital. Ang kapal ng balat mo kaya hindi agad-agad magagalusan. Less hassle.”

Hindi naman siya halatang bully.

Nang makarating kami sa garahe ay nilapitan na nga namin ang motor niya.

Ang astig tignan, galing sa ‘min e.

Sumakay na siya ro’n habang ako ay ngiting-ngiti paring tinitignan ang motor niya.

“Habang buhay mo nalang ba akong titignan?”

Napakunot ang noo ko. “Asa! Motor tinitignan ko, hindi ikaw.”

Makasalita to e gwapong-gwapo sa sarili.

“Hindi ka pa ba sasakay? Iiwan na kita rito,” bagot na asal niya habang isinusuot na niya ang helmet.

Ako pa tinakot niya.

“Makakauwi ako kahit wala ka.”

But I stiffed when he quickly starts the engine. Tuluyan nga niya akong iniwan ng walang pagdadalawang-isip.

Bwesit, tinohanan talaga.

“Mazie.”

Napatigil ako sa pagmu-mukmok at napalingon sa pamilyar na boses na ‘yon. Si Ashton.

“Ako ba sadya mo?”

He remained silent and subtly handed me a small piece of paper. I accepted it and slowly read what was written.

Pangalan namin ang nakasulat.

I gulped before looking at him. “Partner tayo?”

I asked that question as if I don’t know the answer.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top