Chapter 10
Dedicated to: Helizemonnarialle
“Timpla ka raw kape!”
I stopped speculating when my brother delivered those mandates again.
“May customer na naman si Papa sa gan’tong oras?” I asked.
He gave me a nod and walked away. Nagmadali akong nagpunta sa kusina at nagsimula ng magtimpla. Nilagyan ko na ng asukal at kape ang dalawang tasa at pagkatapos ay mainit na tubig.
“Baka may lason ‘yan ah.”
I jumped from that bad surprise again.
“Shit!”
Muntik ko na siyang mabuhusan ng mainit na tubig sa gulat. Siya na naman ba ang pagtitimplahan ko ng kape? Minsan, naiisip ko ng kape lang ipinunta niya rito at hindi motor.
“That was close.” He murmured.
“Sayang nga e. Ayan na kape mo, mamatay ka sana kaka-kape.”
Padabog kong inilapit iyon sa kanya. “Wala bang kape sa inyo?” irita kong tanong.
“Ang sarap kasi ng timpla n’yo rito.”
Plastik iyon na puri niya at halatang iniinis lang ako. I sniffed and left him at the kitchen.
“Pa, kape n’yo po,” tawag ko kay Papa sabay lapag ng kape sa maliit na lamesa.
“Tapos na bang maghugas ng kamay si Abo?”
I stiffed and after I have processed his words ay agad akong napatawa.
“Sino si Abo pa? May aso ba tayo rito?”
“Iyong kaklase mo. Abo tawag ko sa kanya. Napaka-sosyal kasi ng Gray. Hindi ako sanay.”
I saw myself now laughing my ass out. Sino namang mag-aakalang gano’n ang naisip ni Papa na itawag sa kanya?
“Tumigil ka Mazie! Anong nakakatawa sa pangalang Abo?”
“Seryoso Pa? Tunog aso! Pumayag ba naman si Gray na tawagin mo siyang gano’n Pa?”
Sa halip na sagutin ako ay tiningnan lang ako ni Papa ng masama. “Umakyat ka na nga lang sa kwarto mo,” medyo galit niyang utos.
I just followed along, still laughing, and began to climb the stairs. In our house, I have to pass through the kitchen before reaching the bedroom, so I crossed paths with Gray. He’s looking at my face unaware of my actions.
“Abo pala ha,” natatawang asar ko at agad na tumakbo paakyat ng kwarto.
Napasalampak agad ako sa kama na natatawa pa rin. Naisip kong mag-myday ng kulay Gray kaya agad kong kinapa ang phone ko sa bulsa.
“Naiwan ko sa kusina.”
I immediately stood up at that thought and ran back to the kitchen. I quickly found it in the sink and uploaded what I had planned earlier. Then I glanced at the living room and saw that Papa was the only one there.
“Umuwi na si Gray pa?” curious na tanong ko.
He shook his head, then pointed towards the balcony. I acknowledged and proceeded to approach Gray. I observed him inspecting the motorcycle he intended to purchase.
“Kailan mo ‘to kukunin?” I asked him while also looking at the motorcycle.
Tumingin siya sa ’kin at ibinalik ulit ang tingin sa motor.
“Kapag naubos na kape n’yo,” walang kwenta niyang sagot.
Napatikhim siya. “Kapag nabuo ko na ‘yong pambayad dito. Binibisita ko lang siya lagi para sure akong sa ’kin ito mapupunta. Buti mabait ‘yong papa mo. Hindi mo na mana.”
“Mabait ako.” I provoked.
“Kapag tulog.”
I grimaced.
“Wala kang sasabihin?”
I gazed at him, lost in thought. I didn’t realize I was captivated by his appearance now. His black leather jacket, complemented by attractive earrings, and the absence of his eyeglasses. It suits him.
“Kailangan ba meron?” I instead question him.
Ngumisi lang siya kaya napaupo nalang ako sa may upuan. Napansin ko namang umupo rin siya sa tabi ko.
“Ba’t ‘di mo ‘ko inasar pabalik?”
He seriously asked me about that. I bit my side lip just to stop myself from laughing.
“So, gusto mong inaasar kita? Crush mo ba ‘ko?” natatawang tanong ko.
“Grabe nakapagsalita ka habang tulog?” He instead teased me back.
I rolled my eyes. “Ba’t hindi ka pa umuuwi?”
Our conversations really make no sense. It’s like we’re just kids arguing in the middle of the night.
Patakbo ako ngayong pumasok sa main gate ng University. I’m running late. We’re already in the middle of the second semester, so I shouldn’t be this irresponsible; I might end up failing.
I hurriedly walked down the pathway towards the classroom. I breathed a sigh of relief when I caught up with Gray, who was still walking outside.
May kasabay akong late.
“Abo!” hinihingal kong sigaw.
Prente lang siyang napalingon sa ‘kin. Immune na siguro sa ipinangalan sa kanya ni Papa kaya alam niyang siya ang tinutukoy.
“Hintay!”
Huminto naman siya at nakangising nakatingin sa itsura ko. Parang hindi late ah? Nakapasok pa kanang kamay niya sa bulsa. Habit na ata niya. Pa cool.
“Ba’t ka late?” agarang bungad niya.
Napailing nalang ako. Ba’t hindi niya muna tinanong sarili niya?
“Nahiya ako ah,” pailing-iling kong sabi.
“Dapat ka ngang mahiya. Pogi ng kausap mo.” Tumawa pa siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Sabay na tayo para ‘di masyadong nakakahiya,” sambit ko nalang.
He just grinned. Namalayan ko nalang na nasa pintuan na kami ng classroom. Nagsisimula na talaga ang klase.
“Good Morning, everyone. Sorry we’re late,” bati ko samantalang chill lang ang lalaking nasa likuran ko.
“Okay, come in,” tugon ng instructor namin sa Spear.
Buti nalang mabait ‘tong si Miss Eva. Nagmadali akong pumasok at umupo.
“Who’s Mazie Kaye Hernandez?”
I was about to take my seat when that name of mine was called. I raised my right hand to acknowledge. Looks like I'm in for it again. Fortunately, it’s not a Math subject.
“I want you to stand here at the front as a representative for Secretary. And you, Mr. Tan for President.”
The whole class erupted in noise, a sign that they haven’t moved on yet. Well, except for me. Pumunta na ako sa harap at sumunod si Ashton.
“Bagay,” rinig kong asar ni Nikko.
I bit my inner lip to resist myself from giving emotions. I saw Ashton give Nikko a death stare that made Nikko automatically behave. He takes a glance on me and give me a blank stare. Tumikhim nalang ako at nagsimula ng magsulat ng officer’s list.
“Okay magsimula na kayo sa voting,” utos ni Miss Eva.
“The table is now open for the nomination for President.” Ashton started.
Tahimik naman akong naghihintay sa magiging botohan.
“I nominate Mr. Hilerio for President.”
Napatingin ako kay Gray matapos siyang i-nominate. Inilista ko agad ang pangalan niya at sa pagkakataong ‘yon ay wala ng ibang nagmungkahi.
Wala bang ibang lalaban sa kanya? Tsk, la-laki na naman ulo nito.
“I guess, Mr. Hilerio will be our President since there’s no more nomination aside from him.” Si Miss Eva kaya isinulat ko na ang pangalan niya bilang President.
Nagpatuloy ang nomination at ito na nga ‘yong listahan ng mga officers.
President: Gray Jhon Hilerio
Vice President: Ashton Van Tan
Secretary: Jane Ferrer
Treasurer: Mazie Kaye Hernandez
Auditor: Daniel Cruz
Business Manager: Sarah Calipez
P.I.O: Nikko Sebastian
Nakaupo na ako ngayon, hindi na ako ang talagang secretary same as Ashton. Pinalitan ako ni Jane kaya magkatabi na silang dalawa ni Gray ngayon sa harapan.
Napailing nalang ako nang makitang si Nikko pa talaga ang ginawa nilang P.I.O. How ironic.
“Since Intramurals is coming. We, the faculties decided to conduct pageants for Mr. and Ms. INTRAMS 2020. So, I guess, it’s the best time for votings.”
Umingay naman ang buong klase sa balitang ‘yon. Habang masaya ang iba, ako naman ay napakalumbaba. Namo-mroblema dahil wala akong sports na masasalihan.
I’m not the sporty one.
“Mr. Hilerio is nominated,” rinig kong banggit ni Gray sa sarili niyang pangalan.
“I nominate Mr. Tan for Prince,” biglang mungkahi ni Jane.
Napatigil ako sandali at napatingin sa harap habang sinusulat niya ang pangalan ni Ashton. “Mr. Tan is nominated,” paggaya ni Gray.
“Other nomination?”
“Wala na, I want to close the nomination.” Liz said.
“I second the motion.” Class chorused.
Hindi naman maitatangging bagay na bagay talaga sa kanila ang position na ‘yon.
Ashton won the nomination. Now, it’s time for the muse. Unfortunately, me and Jane nominated.
I want to object.
Pero ayoko ng palalain ang sitwasyon at masabihan pang oa. Not that I’m not. Minsan, oo. I’m overreacting but not about this matter.
I won the nomination and I already know why. Gusto nila kaming pag-tandemin dalawa.
And this is the most annoying plot of my life.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top