Chapter 07
Dedicated to: shadyazure
“Group study daw mamaya kina Ashton.”
I caught wind of that news as I was about to enter the room. I saw Ashton’s friend relay the information, mentioning that many would be attending.
I want to join.
Lately, naging close ko ang kapatid niyang babae. Her name is Sam. I think, bunso nila. And she is the reason why I’d like to go.
I want to see his sister in person.
His sister is undeniably stunning. It’s not just because she’s the sister of someone I once liked, but I genuinely appreciate her beauty. That’s why I quickly responded when she asked if she’s pretty in her story, which was a poll. That marked our first interaction and the beginning of getting closer.
Napaayos ako at lumapit sa banda nila.
“Pwedeng sumama?” I asked Fred without any hesitation.
He grinned. “Sure.”
“Wait, ipaalam mo muna kay Ashton,” suggest ko sa kanya. Baka siya lang ‘tong oo ng oo tapos ang may-ari ng bahay walang alam.
“Sus, matic na ‘yon. Group study naman ang pupuntahan, ‘di ba?” He suddenly asked that, reason why I did gulp in front of him.
“Oo naman, may magtuturo ba?”
He nodded. “Yes, kakilala nilang Engr.”
I smiled. That’s a nice idea. Medyo mahina ako sa Calculus at need ko ‘yon. Tumawa lang siya sa tugon ko kaya umalis na ako sa harap nila.
Agad kong binuksan ang phone at chi-nat agad ang friend ko ring engineering na kaklase namin.
Hindi pa siya dumadating kaya nag-iwan nalang ako ng message sa kanya na sumama kaming dalawa papunta sa bahay nila Ashton. May motor kasi siya kaya siya ang naisip kong samahan.
Me:
may gs kina Ashton mamayang gabi. sa motor mo ako sasakay, ako na bahala sa gas.
Ron:
sige sige
Napangiti ako ro’n at ibinalik na sa bulsa ang phone. I smiled again as I want to say to Ashton’s sister na bibisita ako sa kanila mamaya.
Me:
mag-go-group study kami mamaya sa inyo. can i see you?
It takes a minute for her to reply.
Sam:
for real? classmate pala kayo ng kuya ko? haha
I hesitate to say yes. Baka sabihin niya kino-close ko lang siya dahil magkapatid sila ng nagugustuhan ko. Sana naman hindi niya alam na naging crush ko ang kuya niya.
Me:
u mean Ashton? def. yeah haha
Sam:
i bet sa office kayo n’yan mag-go-group study medyo malayo sa bahay
Napahinto ako. So, hindi pala sa mismong bahay nila.
Me:
so, hindi kita makikita? hys
Ni-haha react niya ang message kong ‘yon.
Sam:
okay okay ate, pakita ako pero saglit lang. papa-print lang ako sa office mamaya.
Me:
yey! see u later
Sam:
see u ate ^_^
With that thought, napangiti ako and basically can’t wait for that moment.
“Sasama ka pala mamaya?”
Nabigla ako sa pagsulpot ni Jane sa harap ko. I nod for response.
“I see.”
“Ikaw?” Naisipan kong itanong. Umiling siya bilang sagot.
“Hindi ako papayagan ng land lady. Pero mag-vi-video call kami mamaya habang nag-re-review kayo,” masayang dagdag niya.
I roamed my eyes every corner for that thought and stared again at her and smiled.
“Then, see you later.”
Sinabi ko ‘yon kasabay ng pagtayo ko. Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Ashton na papasok na ng classroom. I cleared my throat before I decided to talk to him.
“Hey,” mahinang tawag ko.
He stopped but didn’t bother to look at me. He’s just waiting for me to talk again.
“Sasama ako mamaya sa group study, ayos lang ba?”
Tumingin ako sa mukha niya to see his reaction but it’s always been blank. Hindi siya sumagot at tuluyan ng pumasok sa loob.
So, it’s a no.
Nakita kong lumapit sa kanya si Jane and I saw him jumbled Jane’s hair like she is like a little kid.
Ron:
hindi ako makakapunta Mazie, lakas ng ulan!
I smiled bitterly. Iyan din naman ang sasabihin ko sa magkaibang dahilan. Naunahan lang niya ako. I replied to him that it was okay and also let Sam know I can’t come.
Napaupo nalang ako sa kama habang nakatingala sa labas ng bintana, madilim ang kalangitan.
Even the weather is opposing.
Fred:
where na u?
That was the message of his friend. Inaasahang dadating ako.
Me:
hindi na kami tutuloy, malakas ang ulan dito.
Fred:
ay sayang, malapit na kami magsimula.
Me:
sige lang, study well.
Fred:
sige ikaw din d’yan.
Napabuntong-hininga ako sa panghihinayang. Humahadlang talaga sa ‘min halos lahat ng bagay.
Napahiga nalang ako sa kama at tinignan ang mga pictures nila sa gc. Nakita ko agad si Ashton na parang may ka video call sa phone at alam ko na kung sino ‘yon.
Jane:
parang wala ka
Me:
yes ‘di kami tumuloy
Jane:
why?
Me:
malakas ang ulan
Jane:
ay sayang
Si-nad react ko nalang ang message na ‘yon at bumangon nalang para mag-aral. Ang hirap pa naman ng exam, para sa ’kin.
It’s all about limits.
Biglang kumulog kaya mas lalo akong kabado mag-aral. Nakakasakit na sa ulo.
Limit c sub x approaching a is called constant. Kapag makikita mo ang ganyang equation, constant ang tawag d’yan. And, the derivative of a constant is zero.
Bakit parang feeling ko magiging derivate of a constant score ko neto bukas.
Naiintindihan ko pa ang ibang limit theorems na nasa unahan pero pagdating sa huli, para ng mabibiyak ang ulo ko. Lalo na siguro sa actual.
Ti-nry kong i-solve ang mga exercises sa libro na maaaring lalabas sa exam. Nasagutan ko naman ‘yong iba pero hindi ko na pipilitin pa ang ayaw magpa-intindi.
Naabutan ako ng alas-dose sa pag-so-solve kagabi kaya sobrang lutang ko ngayon. Buti sa hapon pa ‘yong midterm exam. Kailangan ko munang mag-energize.
The noise around me is headache-inducing due to the various voices discussing different topics for the upcoming exam, some of which I’m not familiar with.
Oh God, please guide me later.
“Nakapag-review ka?”
Napatingin ako kay Yana na sobrang energetic sa harap ko. Paano ba maging siya?
Inaantok na ’ko.
“Hindi pa ba halata sa mukha ko?” I instead questioned her sarcastically. As usual, tumawa lang siya.
Kailan kaya ‘to mapipikon?
“Baka ma-perfect mo ha!” asar niya pa.
As if. Sa panaginip ko lang siguro ma-i-experience ma-perfect ang engineering exams.
“How sweet, couple goals!”
Napukaw naman ang atensyon ko sa pag-iiba niya ng usapan kaya napatingin din ako sa tinitignan niya. Nakita ko naman ngayon si Ashton at Jane na focus sa pag-re-review.
“Ay mali, ang sweet ng mag-kaibigan.” She sarcastically added. It was a double meaning.
I instantly close my eyes for that and turned my focus to my notes; full of formulas.
“Magkaibigan lang ba talaga sila?” tanong ulit ni Yana.
I groaned inside sa kakulitan ng kasama ko. Napaka-tsismosa at walang pinipiling araw at lugar. Hindi ba niya ramdam na may exam mamaya?
“May boyfriend si Jane kaya malabo,” I answered her lifelessly. Sana tumigil na siya kaka-daldal.
She tsked. “Hindi na ba pwedeng mag-two-time?”
Agad kong tinakpan ang bibig niya. Babaeng walang preno ang bibig. At saka hindi naman siguro ganoon si Jane. Friendly lang talaga siya pero hindi naman siguro siya manloloko.
“Hindi naman ata ganyan si Jane.” I gave her my inner opinion habang nakatingin sa notes.
“Hindi ka sure?”
I closed my notebook and irritably looked at her. She’s too consistent of annoying me.
“Tumigil ka na, pwede? Napaka-bitter mo sa kanila.”
“Nagpaka-bitter ako para sa ‘yo.”
Hindi ko nalang inisip ang sinabi niya dahil na-bo-bother na talaga ako sa exam mamaya.
Natapos ang morning class namin at sabay kami ngayong kumain ni Yana sa karenderya. Bigla siyang nagpaalam sa ’kin after naming kumain dahil bigla siyang pinatawag ng land lady sa kanyang tinitirhang boarding house.
I composed myself, stood up, and headed back to the department. Suddenly, my gaze caught Ashton and Jane walking hand in hand.
Hindi ko na tuloy maintindihan ang relasyon nilang dalawa.
I wish someone would comprehend why I consider it a significant matter. It seems like I haven’t fully grasped the entire reality of what’s happening around me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top