Chapter 04

Dedicated to: xelbearstrio

“Kindly form a circle!”

I looked at Mr. Frank Gomez, our Physics instructor. Matamlay na sinunod ang sinabi niya. We’re done forming a circle and he directed us to draw ourselves.

Kahit wala ako sa mood ay ginawa ko pa rin. But in a while, hindi ko namalayang unti-unti na palang nawawala ang kabad-moodan ko dahil sa activity na ginawa namin.

Sino ba namang hindi matatawa. Ginawa naming katatawanan ang sarili naming mukha. Naturingang engineering pero daig pa kinder kung gumuhit.

“So, this is out of lessons activity. I want you to enjoy today. Ang gagawin n’yo ay ipapasa n’yo ‘yan sa mga katabi n’yo then pasa lang ng pasa hanggang sa bumalik na ito sa inyo at the end. During the cycle, you’re going to do is you need to describe that person in both positive and negative way.”

Everyone is making noise about the activity. We are now starting and it’s actually enjoyable.

Nabalik na sa amin ang sarili naming papel. I can see now their descriptions on me. Mostly, pretty, friendly and jolly ang description nila sa ’kin. Sensitive, oa, intimidated naman on the other hand. May nag-confess din na crush nila ako, maybe just a joke.

But majority is the word ‘Mr. A.’

Ano namang connect n’yan sa character ko? Hindi pa rin sila nag-mo-move on.

Tahimik lang akong nakatingin sa papel. Then suddenly, Ashton came up again in my mind.

May nilagay kaya siya sa ’kin?

Sad to say, wala akong nakita.

I already know his penmanship and well, sad to admit... he’s pretty well good at that, pero wala akong nakita. Siguro wala siyang nilagay.

Nakauwi ako ng bahay na hindi ko nadatnan sila Mama kaya dumeretso na ako sa kwarto. Agad akong nagbihis at kumain. Tapos na ’ko nang makauwi na sila kaya ginawa ko nalang ang night routine ko.

Sumalampak na ako sa kama at hindi na muna gagawin ang mga homeworks. I’m exhausted. Bigla nalang akong napatayo at nakikita ang sariling kinuha sa bag ang papel na ginawa naming activity kanina. Curious pa rin talaga ako kung may nilagay siya about sa ’kin. Kahit sa negative side man lang.

Sa pagtitig ko, sa wakas at may nakita akong anonymous word sa dulo at may na-se-sense talaga ako sa penmanship na ‘yon. Agad akong nag-online at chi-nat si Cherry.

Me:
pahingi ng picture mo kanina sa activity.

Agad naman siyang nagsend sa ’kin at tinignan ko agad ang word na inilarawan ng nag-iisang penmanship na ‘yon sa papel ni Cherry.

‘nice girl’

Iyan ‘yong description niya kay Cherry at makikita mong siya lang ang may red ink na ballpen na ginamit sa activity.

Me:
che, kilala mo ba kung sino ang nagmamay-ari ng red ink na ballpen kanina?

Cherry:
ah oo, sa pagkakatanda ko si Ashton, why?

Tinignan ko ulit ang salitang ‘yon sa papel ko. Hindi red ink ballpen ang ginamit niya sa pagsulat sa ’kin pero makikita mong may konting red ink na nasulat niya sa unang letra at pinalitan niya ‘yon ng itim sa pangalawa hanggang sa dulo at parehong-pareho talaga ang penmanship sa nakasulat kay Cherry na pulang tinta ang ginamit.

Wala siyang nilagay sa ’kin sa positive side pero meron sa negative.

So, this means, siya ang naglagay ng salitang...

badtrip’ (?)

Sobrang laki ba talaga ng kasalanan ko para magalit siya ng ganito sa ’kin? Ako? Badtrip? Maybe, but he really needs to say that?

He hates me that much.

I disappointedly threw the paper in my small hand made trash can. Pinalitan pa talaga niya ng kulay ang tinta para ‘di ko mahalata. What’s the point?

Kung gusto niyang sabihin ‘yon. Sa harapan ko sana. O hindi kaya nilakihan niya ang pagsulat no’n at pulang tinta ang ginamit niya para damang-dama.

Sinubukan kong ayusin ang sarili at umupo nalang. Inumpisahan ko nalang mag-aral dahil may exam pala kami bukas.

9:30 na akong natapos mag-aral at nag-desisyon na akong matulog na dahil maaga pa ’ko bukas.

Nakarating ako ng school ng sobrang aga kinabukasan kaya ako palang mag-isa ang nandito sa loob ng classroom. Nag-review nalang ako habang hinihintay ang ibang dumating.

Minutes passed. I heard some single step arrived. Maybe, one of my classmates.

Lumingon na ako sa pintuan para hintayin kung sino man ang darating. I gulped when I realize that it was him.

I’ve been played by chances.

Naging awkward ang pagpasok niya habang naglalakad at umupo na sa harapan.

“Nag-re-review ka?”

I secretly gulped again. Is he talking to me? Siyempre oo, dahil kami pa namang dalawa ang nandito.

I just nod. No words came out.

Tumango lang din siya sa pagtango ko at ilang sandali pa ay bigla siyang lumabas ng classroom.

Naibuga ko na naman ang lahat ng hangin na matagal kong inipon kanina.

Bakit siya umalis matapos niyang itanong ‘yon? At totoo ba talagang kinausap niya ako? Akala ko ba irritable siya sa presensya ko? Badtrip ako ‘di ba?

I decided to go outside. I walked in the corridor but my real motive is to find him and I saw him. He’s just studying in the opposite room.

So ibig-sabihin, lumipat lang talaga siya rito para bigyan ako ng lugar na makapag-review ng maayos? O lumipat lang siya kasi nababadtrip siya sa mukha ko?

Either of the two, hindi ko dapat problema ‘yon.

Bumalik ako ng classroom at nag-review nalang ulit. Unti-unti namang dumadating ang iba pa naming kaklase hanggang sa dumating na rin si Miss Donna.

Nagsimula na ang exam and it was not bad at all dahil nasagutan ko lahat, hindi naman kasi Math-related kaya nakasagot ako kahit papaano. Hindi nga lang ako sigurado sa iba, kung tama pero confident akong malaki ang score ko ro’n.

Nagpaalam na si Miss Donna sa ’min kaya nagsitayuan na rin kami. Dere-deretso akong naglakad papalabas ng pintuan at muntik pa kaming magkabunggoan ni Ashton dahil galing pala siya sa labas.

Nilampasan niya lang ako ng hindi man lang magawang tumingin sa ’kin. Deadma nalang din ako at nagpatuloy sa paglakad.

Minsan talaga ang hirap niyang basahin. Minsan okay siya sa ’kin, minsan hindi.

Lumabas nalang ako ng tuluyan sa classroom at sumamang maglakad kay Cherry.

Lumipat kami sa Engineering department para sa next subject. Magkatabi kami ngayon ni Cherry at tumitingin-tingin lang ng mga pictures sa Pinterest habang ang iba ay busy din sa ibang bagay. Hindi pa kasi nagpakita si Miss Christina, ang chemistry instructor namin.

“Ang gwapo talaga ni Kim Soo Hyun.” Kinikilig ‘yon na compliment niya sa Korean actor, na crush naming dalawa.

Naputol lang ang atensyon namin sa Korean actor nang biglang ni-slide ni Ashton daliri niya sa screen.

Pinindot-pindot lang naman niya ang phone na tinitignan namin at prenteng umalis.

Anong nangyayari?

“Anong nangyari ro’n? Nagpapapansin sa ’yo si Ashton?" Cherry asked me confusedly.

And that was my question too.

“Wala lang sigurong magawa sa buhay.” I just said.

“Guys, hindi na raw papasok si Miss Christina pero may binilin siyang activity.”

It was Nikka. May ibinigay siyang mga papel bawat isa sa amin. Siguro iyon ‘yong sasagutan namin ngayon.

“By partner daw ‘to.” She added.

Nagkatinginan naman kami ni Cherry sa isa’t-isa at nababasa na namin pareho ang gusto naming mangyari.

Nabigyan na kaming lahat at nag-decide kaming magtungo sa library for different sources.

Magkasabay kami ni Cherry ngayon at nagpahuli kami sa paglalakad. Nakaakbay ako ngayon sa kanya habang siya ay nakahawak sa beywang ko.

Napahinto lang kami nang biglang may kumalabit sa ’kin galing sa likuran. Napalingon ako dahil do’n pero wala na ang taong kumalabit no’n at naramdaman kong agad itong pumunta sa harapan.

“Omg Mazie, pangalawa na ’to ah. Ano nang meron ah?” She’s now grinning at me.

I’m actually don’t know what’s happening.

Ano bang meron? Bakit ginagawa ‘to ni Ashton ngayon? Nababaliw na ba siya?

“Hay salamat, natapos rin. Ano punta muna tayong canteen?” aya ko kay Cherry.

Natapos na namin ang activity dito sa library at ginutom talaga ako. Tumango naman siya at tumayo na. She touches her belly.

“Nakakagutom nga.”

“Kaya nga. May klase ba bukas? Hindi ba bukas na ang culmination ng buwan ng wika?” I asked her habang umo-order na kami ng foods.

“Oo, maghanda ka na ng banner para sa future boyfriend mo.” She started teasing me again.

“Sira! Future enemy kamo.”

“Asus, nagpapansin na sa ’yo. Sign na ‘yon na kayo talaga magkakatuluyan.”

“Tigil-tigilan mo ’ko.” I warned her. “Ayan na ‘yong siopao mo.”

“Oo na, alam ko. May mata ako, remember?” pagbibiro niya sa akin. Tumawa ako at nauna ng umupo sa area namin.

“Che, sa tingin mo... may chance bang magkagusto sa ’kin si Ashton?”

I out of nowhere asked her without any intention.

She nodded. “Oo naman, kung ako si Ashton magugustuhan kita.”

I laughed. “Sinasabi mo lang ba ‘yan kasi kaibigan mo ’ko?”

“Parang ganoon na nga.”

Sinampal ko ang balikat niya dahil do’n. Tumawa lang siya.

“But seriously, Mazie. You’re the type of girl that everyone likes. You’re attractive.”

Well, you’re wrong for that Cherry. Not everyone.

“Magandang hapon sa ating lahat. Ngayon, masasaksihan na natin ang mga naggagandahang dilag at binata sa pagdiriwang natin sa Buwan ng Wika.”

Wala nga kaming class sa morning dahil abala ang lahat sa paghahanda sa Buwan ng Wika.

Nag-simula na ang event. Hindi ko alam kung bakit nandito pa ako at nanonood sa kanila. I’m bored.

Kung lalabas naman ako ng gym eh wala akong magagawa ro’n kasi halos nandito lahat ng mga tao. Magmumukmok lang ako ro’n.

“Che, bili tayo pagkain,” aya ko nalang.
“Hindi ako gutom eh,” sagot niya at nanatiling nasa stage pa rin ang tingin.

Kaya mo naman sigurong lumabas mag-isa Mazie.

Lumabas na nga ako ng gym. Nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin. Sobrang init naman kasi sa loob.

Naririnig ko pa rin ang ingay galing doon kaya lumayo na ako sa mismong lugar. Lumabas ako ng gate at naghanap ng kung saan pwedeng makapag-snack. May nakita akong isang stall na nagbebenta ng chicken skin; my fave street food, kaya lumapit agad ako.

“Ba’t mag-isa ka lang?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top