Chapter 8

🌻☀️

ASH'S POV

Dahan-dahan akong gumalaw at inalis ang pagkakayakap ni Blue sa beywang ko ng makaramdam ako ng tawag nang kalikasan pero ng akmang babangon na ako ay agad akong napahiga ulit.

Ang sakit ng likod ko hanggang pang-upo. Mahapdi na mainit na ewan hindi ko ma tanto.

Tinitigan ko si Blue na nakahiga parin sa tabi ko, nakakatawa na sa tindi ng training niya hindi siya basta-basta nagigising, baka dahil kampante siya na ako ang kasama niya?

Susubok sana akong bumangon ulit ng yakapin niya ako.

"Saan ka pupunta?" Ungot niya sa akin sabay yakap ulit.

"Naiihi ako." nahihiyang sabi ko.
"Saka gutom na rin."

"Kaya mo ba? Hindi ba masakit?" Nakakalokong ngumiti siya sa akin.

"Ikaw kaya e bottom ko riyan? Maka tanong to parang hindi mo ako inararo magdamag, sapakin kita eh." naiinis kong tinampal siya sa balikat.

"Binibiro lang eh galit naman agad. I love you baby." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Amoy laway ako!" Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya.

"Amoy baby ka, 'lika, hatid na kita... Kawawa naman ang baby ko." natatawang sabi niya sa akin.

Inaasar talaga ako nito.

"Nakakatawa ba Asul? Gawin kitang violet gusto mo?!" Asik ko sa kanya.

Kahit gaanong pandidilat ko sa kanya, naka plaster parin ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

Hindi ako nakakilos ulit nang dinaluhong niya na naman ako ng yakap at hinalik halikan ako sa leeg.
Nagpipigil sa tawang pinilit kong umiwas.

"Blue ano ba!!! Nakakainis eh. Naiihi nga ako." tinampal ko na naman siya sa balikat pero patuloy parin niya akong hinahalikan sa leeg.

Aha! Napaisip ako ng paraan. Pinalambing ko ang boses at saka nagsalita.

"Babe, Gutom na talaga ako..." nagpapaawang sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang tumingin sa akin, Namumula ang mukha.

"Hala.. Nag blush yan?" Asar ko sa kanya sabay sundot ng pisngi niyang namumula. "Kilig yan?!" Lalo akong natawa ng wala siyang reaksyon.

Napailing si Blue saka biglang natawa.
"Gutom ka diba? Kainin mo ako baby." nakabawi na yata ang loko at ayan nang-aasar na.

"No, thanks, Hindi ako cannibal." inirapan ko siya. Itinaas ko ang dalawang braso ko at umastang magpapabuhat.
"Hindi ko na kaya talaga, Naiihi na ako saka aka masakit." nakangusong sabi ko sa kanya.

Buti tumalab naman at binuhat ako papuntang bathroom, napadaan kami sa salamin ng bintana at saka ko na realize na malayo pala kami sa pampang.

Nag alala pa naman ako na baka may nakarinig ng mga sigaw ko kagabi. Nakakahiya.
Nag-iinit ang mukhang itinago ko ang sarili sa dibdib ni Blue.

"Ngayon ka pa nahiya, Nakita ko na lahat yan." natatawang sabi niya ng ayusin ko ang laylayan ng malaking tshirt niya na sout ko.

"Wala kang pakialam!" Asik ko sa kanya para pagtakpan ang kahihiyan.

Natatawang ibinaba niya ako sa mismong pinto ng banyo.
"Anong gusto mong kainin baby?"

"Kahit anong pagkain pa yan papatusin ko, Gutom na ako babe." pumasok na ako kahit hindi pa siya sumagot.

Nagtagal ako doon habang masusing nilinis ang sarili ko, ang plano kong ihi lang nauwi sa ligo, sinuot ko ulit ang damit ni Blue, mabango naman saka malinis, agad akong naglakad ng matapos pero napatigil ng gumapang ulit ang sakit mula kaibuturan ko hanggang balakang.

"Tang-ina, na  scam ako ni Kuya Tawan, Ganito pala ka sakit sabi niya hindi eh." napapangiwing sabi ko habang minamasahe ang balakang ko.

Lumabas ako ng banyo at naamoy ko agad ang bagong sangag na kanin at pritong hotdog.

Paika-ika akong naglakad palapit sa mesa.
Naikiskis ko pa ang mga palad ko ng makita ang nakahain.
"May ref ka pala rito? Mukhang masarap."

Inalalayan niya akong maupo sa tabi niya, pinaglagay niya ako ng sinangag at ulam sa plato ko at pinagsalin ng tubig sa baso.

"Salamat." nangingiti kong sabi sa kanya.

"Kain na baby. Kanina ka pa kamo nagugutom."

Agad akong kumain, parang feeling ko hindi ako kumain kagabi.

"May pain reliever ka babe?" Sabi ko sa kanya habang ngumunguya.

"Ito, Katabi ng baso mo. Inumin mo agad pagkatapos mong kumain.. Masakit parin ba talaga? I thought I was gentle last night." Nakangiti na naman siya parang baliw.

Nakakainis kasi ang gwapo niya parin kahit naka ngising aso.
Wala yatang pangit sa taong to. Lahat perfect kahit sa batuta niya perfect.
Lihim akong napatawa sa naisip pero pinalis ko agad nang naramdaman ko ang sakit ng pang-upo ko.

"Huwag kang ngingiti-ngiti! Kasalanan mo 'to." duro ko sa mukha niya ng hawak kong tinidor. Pero agad din akong sumeryoso ng may maalala.

"Anong plano mo sa atin Blue? Huhulihin mo ba ako? Or plano mo na lahat ng to, Para madakip ako?"

Ibinaba niya ang kubyertos at tumingin ng deretso sa mukha ko.
"Kung yan ang plano ko, wala ka sa tabi ko ngayon kundi nasa presinto.. Mahal kita Ash, Kaya kong baliin ang batas para sayo."

"Ang Ama mo... Si Tatay... Ang mga kapatid ko, Paano ko sasabihin sa kanila ang ugnayan natin? Pinagbabawal sa amin na makipag ugnayan sa mga alagad ng batas. Magagalit si Tatay babe." napahinto ako sa pagkain.

Hinawakan niya ang kamay ko.
"Give it time. Let's keep this to ourselves muna para walang gulo. Tapos pag nasa tamang panahon na saka natin ipaalam sa kanila. Trust me okay?"

Napatango ako. Sana magiging madali lang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top