☀ 🌻
BLUE'S
Humahangos na dumating ang iba pa naming kasamahan na naka antabay lang sa labas ng bar habang hinanap ko ang mga biktima na ipapadala na sana sa Japan for human trafficking pagkatapos kong siguraduhin na maayos ang lagay ni Yngrid.
Nasa isang kwarto ang mga biktima at nag-iiyakan, halo-halo, may babae, bata, bakla at may mga edad na ang iba pa.
Ayon sa aming imbestigasyon, gagawin silang donor ng kung sino man pag dumating na sila sa pagdadalhang bansa.
Dumating si Major Estrebor at tinapik ako sa balikat.
"Magaling Velez."
"Hindi ako ang pumatay sa kanya Sir. Si Kana..." pinakita ko sa kanya ang panyo na naka sealed sa zip lock bag.
"Sunugin mo yan, get this credit, Akuin mo na ikaw ang nakayari kay Quibranza." suhestiyon nito.
Napailing ako, "Sorry Sir, Hindi ko ugali ang mang angkin ng trabaho ng iba." sabi ko saka ko binuhat si Yngrid na wala paring malay.
Dinala ko siya sa hospital, ilang oras pa ang hinintay namin para magising siya.
Pagka gising niya ay agad ko siyang tinanong kung ano ang nangyari.
Napahalukipkip ako habang nakikinig ng mabuti. Kumuha ako ng sketchpad para ipa described sa kanya ang itsura ng taong nanakit sa kanya habang abala ako sa pag eesketch.
Habang patapos na sa pag drawing.
Unti untng nabuo ang hindi maipaliwang na damdamin sa dibdib ko.
'Ash?'
Sa nakita ay nakabuo na ako ng hinala.
"May ipapakiusap lang sana ako sayo Yngrid... Pwede bang ipaubaya mo na lang sa akin ang impormasyong to? Kailangan kong e settle to mag isa. Maasahan ba kita?" Nakikiusap na sabi ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti.
"It's okay Blue, Nakikita ko sa mukha mo na may posibilidad na kilala mo ang killer. Naiintindihan ko. Hayaan mo, kapag nagtanong sila sa akin, sasabihin ko na hindi ko na matandaan."
Napangiti ako. "Salamat."
❤️❤️❤️❤️
ASH'S POV
ISANG LINGGO kong tiniis na hindi siya tawagan, nag-aalangan ako.
Alam ko matalino si Blue. Sa ginawa ko sa partner niya, malalaman at malalaman nila na ako iyon.
Humarap ako sa salamin at tiningnang mabuti ang sarili ko.
Natanong ko ang sarili ko,
How can I deserve him?
Ako na mamamatay tao, kriminal, vigilante.
Noong mga bata pa kami. Nangako kami na magkasamang tatanda sa kahit anong paraan. Matutupad kaya ang pangakong iyon?
Ako, seneryoso ko iyon at hanggang ngayon dala-dala ko parin sa dibdib ko at nakatatak sa utak ko na mangyayari iyon.
Agad akong nag ayos ng sarili.
Iyong normal kong ayos.
Napatitig si Gene sa akin.
"Alam ko kung saan ka pupunta."
"Tumahimik ka na lang Gene." inirapan ko siya.
"Wala naman akong pakialam Ash, may sarili din akong problemang hinaharap. Sana magiging sandigan natin ang isat isa pagdating ng panahon." malungkot na sabi niya.
Tinapik ko siya sa balikat,
"Asahan mo ako."
Nagdadrive na ako ng walang destinasyon nang tawagan ko si Blue na agad niya namang sinagot.
"Hello? Sino to?" Narinig ko ang baritono niyang boses.
Napapikit ako "Ako to, si Ash."
"Baby... Hinihintay ko na tumawag ka.. Bakit ngayon lang?"
Napakamot ako sa ulo ko,
"Saan ba tayo magkikita?"
"Manila Yacht Clu, Manila Bay."
"Okay.. Papunta na ako doon." binaba ko na ang tawag at minaniobra ang kotse papunta doon.
Nagulat ako nang makarating ako doon na nandoon na siya at mas lalo akong nagulat nang tingnan niya ang sasakyan ko, at walang expresyon ang kanyang mukha pero nang bumaba ako sa kotse ay napalitan iyon ng matamis na ngiti.
Niyakap niya agad ako pagkalapit, gumanti din ako ng yakap at ninamnam ang init niya.
"Tara..." yaya niya akin at iginiya ako sa isang yate.
"Yate mo?" ungot ko na inihilig ang ulo sa balikat niya.
Kakatwang komportable parin kami sa isa't-isa sa kabila ng tagal ng panahon na hindi kami nagkita.
"Oo, tingnan mo." itinuro niya sa akin ang hindi kalakihang yate.
"BLUE'S ASH"
"Anong klaseng pangalan yan?" Takang tanong ko ng mabasa iyon.
"Si Blue ay pag aari ni Ash."
Bulong niya habang yakap ako sa likod ni hindi pa kami nakasampa sa yate.
Tiningala lang namin iyon at tiningnan.
"Dati mo pa sinabi yan ah? Baka hindi na ngayon?" Tukso ko sa kanya.
"Hanggang ngayon Ash."
Napapikit ako.
"Paano pag malaman mo na hindi na ako gaya ng Ash na nakilala mo. Inosente, mabait, lampa, iyakin."
"Wala akong pakialam." bulong niya sa akin.
"Paano kung may nagawa akong mga kasalanan na higit pa sa hindi mo akalain?" tanong ko ulit.
"Wala parin akong pakialam! Tadhana ang may gusto na magkita tayo ulit Ash, Kung ano ka noon o ngayon.. Wala akong pakialam." matigas na sabi niya.
Hinarap ko siya at tinitigan sa mata.
"Mamamatay tao ako Blue..." nanubig ang mata ko sa ginawa kong pag amin.
"Alam ko, Tingin mo yakap kita ng ganito ngayon kung may pakialam ako?"
"Blue..." impit na sabi ko habang nag uunahan ang luha ko sa pagpatak.
"You deserve someone else, way much better than me."
"Hindi ko kailangan ng iba Ash! Gusto ko ikaw... Nagkalayo man tayo noon nandito na tayo ngayon. Mahal kita! Sa loob ng maraming taon hindi nawala iyon."
Seryosong sabi ni Blue sa akin.
"I'm sorry." tanging nasabi ko sa kawalan ng salitang lalabas sa bibig ko.
Muntik akong napahiyaw ng buhatin niya ako paakyat sa yate..
"Mahuhulog ako Blue!"
"Sasaluhin naman kita." Tawa niya pang sabi.
Mabilis kaming nakaakyat sa taas ng yate.
Pagkalapag pa lang ng paa ko sa sahig ay agad akong hinaklit ni Blue sa beywang at hinalikan ng mariin.
Agad naman akong kumapit sa batok niya at gumanti ng halik.
Mainit, masarap at nakakakiliti sa puso ang halikan naming iyon.
Humihingal na naghiwalay kami, pero nanatiling magkadikit ang aming noo.
"Mahal kita Ash." kinintalan niya ng halik ang tungki ng aking ilong na ikinakunot ng noo ko.
"Mahal din kita Blue, Kahit bawal kang mahalin... Kahit kamatayan ang kapalit. Sabi ni Tatay, bawal kaming magmahal ng alagad ng batas pero hindi ko mapigilan eh." napailing ako.
Hinila ako ni Blue sa sofa at
Inalalayan niya akong maupo sa hita niya.
Agad kong inihilig ang ulo ko sa leeg niya.
"Naalala mo dati kapag malungkot ka, tapos dadalhin kita sa rooftop ng hospicio, titingnan natin ang mga bituin. Tinatanong mo ako kung anong gusto kong maging paglaki.." Sabi ni Blue at pinagdaop ang mga palad namin.
"Oo.. Sabi mo gusto mong magtayo ng mga building at tulay." sabi ko naman habang nakatingin sa mga kamay namin na para bang nililok ito at sadyang kasya para sa isat isa.
"Oo.. Gusto talagang maging Engineer, Pero gusto ng adoptive parents ko mag pulis ako.. Dahil nga tumatanaw ako ng utang na loob.. Sinunod ko sila."
"Ako, gano'n parin ang pangarap. Magluto, maglinis ng bahay at mag alaga ng mga magiging anak natin at maghihintay ng pag uwi mo. Nakakatawa kasi ilang taon palang ako noon pero malandi nang tunay." natatawang sabi ko.
Natawa din si Blue.
"Kahit naman ako, totoong mga bata pa tayo noon. Pero tadhana na din ang gumawa ng paraan para magkita tayo ulit at madugtungan ang nakaraan." sabi ni Blue at hinalikan ako sa noo.
"Ikuwento mo sa akin ang nangyari sa iyo noong umalis ako."
Sa ganoong posisyon, kinuwento ko lahat. Walang labis, walang kulang.
Bawat pangyayari sa buhay niya, bawat misyon.. Lahat...
Natapos ako na umiiyak.
"Pagod na ako... Pero wala pa akong tatlumpo. Ayaw kong madamay ang mga kapatid ko."
"Hahanap tayo ng paraan, ayaw ko na magkahiwalay pa tayo.. Tama na ang ilang taong nakalipas Ash.. Kaya kong iwan ang lahat.. Basta kasama kita."
Mas lalong nag unahan ang kuha ko sa pagtulo ng marinig ko iyon.
Pinunasan niya naman iyon gamit ang kamay niya.
Dahan-dahan kong inalis ang bawat butones ng sout niyang damit.
Namangha si Blue sa kinilos ko pero agad ding Napangiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top