Chapter 1
BLUE
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
YEAR 2015
"BACHELOR OF SCIENCE IN CRIMINOLOGY, CLASS MANDIRIGMA SUMMA CUM LAUDE, VELEZ MAGNAYON, BLUE EZEYKEL."
Nag angat ako nang tingin sa mga magulang ko na nakaupo sa tabi ko, inaasahan ko na ang parangal na 'to dahil ilang taon ko ding pinagsikapan para makuha ang latin award na ito.
"Escorted by his parents, PNP Chief of Staff, General Alfred Velez and Our former Miss Philippines '79 Dr. Estifina Velez Phd."
Napailing ako, bakit kailangan pang banggitin kung ano sila? Hanggang ngayon na a-awkward parin ako sa katayuan sa buhay nang mga kinikilala kong magulang.
Many years ago, si Mommy ang naka tokang doctor na gumamot sa akin noong nangyari ang sunog sa hospicio.
Dahil sa wala akong mga magulang, at nalaman nila ang nangyari, sa pakiusap ni Mommy kay Daddy, nagawa nila akong ampunin.
Kung gaano ka mapagbigay si Mommy ay siya namang higpit at strikto ni Daddy.
Kaya pinagsikapan ko na mapanatili ang kanilang pagiging proud sa akin.
Nag sikap ako sa pag-aaral at bawat parangal, taos puso kong inaalay sa kanila.
Habang paakyat ng stage, nahagip ng mata ko ang black bracelet na hinabi ko ilang taon na ang lumipas.
Naalala ko ang laki ng ngiti ni Ash noong binigay ko sa kanya ang kapares nito.
'Hahanapin kita Ash, Pagbubutihin ko.'
***
ASH'S POV
"Pupunta ka sa ABO ngayon?" Nag angat ng tingin si Gene sa akin mula sa kanyang pagsusulat sa laptop.
Exclusive writer siya ng Diamond Pages.
Ashes of Blue Orphanage ang ibig sabihin ng ABO, ipinatayo ko ito limang taon ang nakaraan sa mismong lugar kung saan nakatirik dati ang nasunog na Hospicio de San Manuel bilang alaala sa akin kay Blue.
Kung nasaan man siya, kung buhay pa o nasa America. Sana makita niya kung ano na ako ngayon.
Isa na akong CEO ng pharmaceutical company na pag aari ni Don Manolo Sanueztre, siya ang umampon sa amin.
Pagkatapos noong sunog sa Hospicio, nailipat kami sa ibang ampunan, nakita namin na unti-unti at nauubos ang mga bata dahil nauunang maampon, hanggang lima na lang kaming natira, Ako, si Genesis, si Anson, si Trent at si Mike.
Ako ang pinaka bata sa lahat. Laking tuwa namin noong dumating si Don Manolo at sabay kaming kinuha.
Pinag aral, binigyan ng pangalan, inampon, at sinanay maging bihasa sa pagpatay at pakikipaglaban.
Pero hindi kami nananakit ng inosente.
Ang aming layunin ay lipulin lahat ng abusado at tiwaling opisyal ng gobyerno. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan nagmula ang galit ni Tatay sa sa mga tiwaling opisyal.
Sabi niya makakaalis kami sa samahan kapag tumuntong kami sa edad na tatlumpo.
Ang samahang ito ay tinatawag naming Dark Angels Society dahil para raw kasi kaming mga anghel noong una kaming makita ni Tatay.
Kaka-birthday ko lang noong December, 24 pa lang ako. May anim na taon pa at makakalaya na ako, nakakapagod na at nakaka stress kapag may misyon.
Napatango ako kay Gene.
"Oo bibisita ako sa mga bata, sasama ka?"
Napailing siya.
"Deadline ng pasahan ko ng manuscript eh. Saka na lang."
"Sila Kuya, nasaan?" Tanong ko sabay linga sa paligid ng sala.
Nakakapagtaka na araw ng Linggo wala akong mahagilap ni isa sa mga kapatid ko.
"Si Kuya Trent sumama kay Tatay sa Makati, may esesettle daw. Si Mike naman may misyon, Si Anson nasa kusina ginugulo si Nanay Luz."
Tumango ako ulit at sinukbit ng maayos ang bag ko, "Alis na ako." tinapik ko ang balikat niya, "Paki sabi kay Nanay, though nagpaalam na ako kagabi pa."
"Sige! Ingat ka." kumaway pa si Gene sa akin saka ipinagpatuloy ang gunagawa sa laptop.
Agad akong sumakay sa kotse ko, ang pinambili ko dito iyong parte ko noong nasakote namin ang isang deal ng mga Taiwanese.
Hindi lamang kami kumikitil ng buhay ng mga tiwaling opisyal.
Hinaharang din namin ang mga transakyon ng mga drug lords at sindikato.
Bilin ni Tatay na pag may transaction, pera lang ang kukunin. Itapon or sunugin ang drugs at iimbak ang mga baril sa mga safehouses namin.
Marami kaming nakakalat na safe houses na pawang lehitimo.
Marami raw kaming pwedeng paggagamitan sa pera.
May matutulungan pa kami.
Sinalubong ako ng mga bata pagkapasok ko pa lang sa ampunan.
"Ash! Diyos kong bata ka. Buti napadalaw ka." natutuwang sabi sa akin ni Sister Seon, inabot ko ang kamay niya at nagmano.
"Medyo maluwang ang schedule ko ngayon sister, Kumusta ang mga bata?"
Inabot ko sa kanya ang makapal na sobreng may pera.
"Kayo na po ang bahala, Pagkain ang dala ko ngayon."
Tinuro ko sa labas ang van na may lamang take out mula sa kilalang fastfood na inasikaso ng secretary ko bago pa man ako pumunta dito.
"Naku! Salamat Ash, Malaking bagay na ang ginagawa mong pag sponsor, Maliban sa ikaw mismo ang nagpatayo ng ampunang ito. Isa kang anghel."
Natawa ako sa salitang anghel.
Anghel naman talaga kami.
Anghel ng kamatayan.
Napailing ako. Tanggap ko na ang buhay ko.
Pero minsan naiisip ko kung sapat ba o dapat ba ang ginagawa namin.
Sinikap kong alisin ang mag naiisip na makaka distract sa akin at nag focus ako sa mga bata.
Pinakain namin ang mga bata at nakipag laro ako sa kanila. Naglagi ako doon ng mga tatlong oras.
Naalala ko na naman si Blue at ang mga pangyayari noon.
***
BLUE'S POV
"Anak, hindi ibig sabihin na nagtapos ka na may malaking parangal ay may position ka na agad. Magsimula ka sa baba. Abutin mo ang position ko na pinaghirapan mo at hindi dahil anak ka ng isang opisyal na may mataas na ranggo." Sabi ni Dad noong unang araw ko sa trabaho.
Nilagay niya ako bilang Agent sa National Bureau of Investigation.
Hindi ko maintindihan kung bakit dito niya ako inilagay at hindi sa police station, pero hindi ako nag tanong, mula sa simula animo robot ako na sunod-sunoran sa gusto ng mga taong umampon sa akin. Pakiramdam ko obligasyon ko na sundin ang kagustuhan nila bilang pagtanaw ng utang na loob.
Taas noo kong sinalubong ang tingin niya.
"Yes Dad.. I will strive on my own."
"Good luck." tinapik niya ako sa balikat.
Ganoon nga ang nangyari.
Nagtrabaho ako sa NBI bilang normal na agent. Hindi bilang anak ng Chief of Staff ng PNP.
Hanggang dumating ang panahon na nabigyan ako ng special assignment.
Palagi na lang pipitsuging kaso ang inaatupag namin, sana naman bago na ito ngayon.
"Velez, Pinapatawag ka ng Director."
Agad akong napatayo sa aking mesa.
Napapagod na ako dito sa opisina, ngayong walang kaso, nasa opisina ako at gumagawa ng paperworks. Parang nabalewala ang training ko, Kaso hindi ako pwedeng magreklamo.
Mapapahiya ang mga magulang ko.
Maingat kong binuksan ang pinto ng opisina ng Director.
"Sir, Agent Velez, Reporting for duty." Sumaludo ako sa kanya.
Sinalubong niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Confident naman ako.
Nauna siyang magbaba ng kamay sa salutation, saka ako sumunod.
"Maupo ka Velez. Bilib ako sa tibay at respeto mo sa Ama mo. Pumayag ka na mapunta sa mababang position na kung tutuusin mataas ang parangal mo sa University. Well anyway... Lahat dumaan talaga sa mababang position kahit ang ama mo. So here's a special case for you.. This small time organization of Vigilantes are the primary suspects upon the killings of the high profile government employees, senators, governors and many more. Lahat sila notorious. Magagaling. Bawat isa may nakatokang gawin. May palatandaan pero sa paglipas ng taon. Iisa nalang ang natira sa kanila. Ito ang folder ng profile nang nag iisang Dark Angel. "
Inabot ko ang folder at binuklat 'yon.
Muntik akong matawa sa nakita.
"OPERATION : ARREST, ALYAS KANA"
***
ITUTULOY
Waanjai Erottika 😎
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top