Prologue
“Ma’am, Elaurza Group is waiting for your decision. Are you going to reschedule the meeting?”
Napahawak na lang ako sa noo. Mahina ko itong hinilot. Ang dami ng trabaho ko at puno ang schedule ko this week. Dumagdag pa sa iniisip ko si Dylan. Gusto niya raw na mag-invest sa company ko at gawing supplier kami sa mga mall nila. Pinangako ko noon sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na magtagpo ulit kaming dalawa. I can clearly remember, simple lang naman ang gusto niya. Mas gusto niya mga banda kaysa sa fashion. Bakit kailangan na sa company ko pa kung marami naman na company riyan.
“Tell them that I will be meeting them next week. Ako kamo ang pupunta sa Pilipinas para harapin sila,” I answered.
I changed, pero hindi ako selfish. Kapag naging selfish ako, para na rin akong gumaya sa magulang ko. Hindi ako katulad nila and I don’t want to be like them.
“Would you like to come with me?” alok ko.
Bumakas ang pagkagulat sa mukha niya pero agad rin na nakabawi bago matamis na ngumiti sa'kin.
“Syempre, ma’am. It’s been three years since they started pursuing you. I’m glad you agreed. Na-background check ko na ang company nila, I will email it.”
I just shook my head. Three years na pala. I don’t care, hindi niya ako kailangan. Masaya na siya, for sure.
Mapait akong napangiti habang inaalala iyon.
I don’t need their company background check. I’m not interested; hindi na ako nakibalita sa kanya simula noong maghiwalay kami.
“Call our Fyline Branch in the Philippines; inform them.” Tumango siya habang may kinalikot ang iPad na hawak niya. “Tell them to clean my office wala naman na gamit doon na masyado hindi sila mahihirapan,” I added.
“Copy, Ma’am!”
“Alright! I will send an email to Eluarza Company, and I will message Mr. Aguilar’s secretary to inform him you’re going home. Is there anything you need, Ma’am?”
“Wala na.” Yumuko siya bago nagpaalam para umalis.
Napatingin na lang ako sa nilabasan niyang pinto. Napahilamos ako sa mukha ko. I did this all by myself, and now Fyline is all over the world. Marami na ang may gusto sa ‘kin ngayon, hindi katulad noon na ni simpleng atensyon, hindi man lang nila maiibigay sa akin.
Tears escape from my eyes. I feel like an idiot. I felt worthless at that time. Marami akong na-realize. I’m brave now, hindi na ako ‘yong dati.
Pinunasan ko ang kaunting luha na lumandas sa pisngi ko at pinaypay ang palad ko. Tumingala ako para pigilin ang luha kung nagbabadya ulit na malaglag sa pisngi ko.
In that week, tinapos ko lahat ng trabaho ko. Minsan nakakatulong na ako sa study table ko. And after those busy and sleepless nights, finally lumipad na kami pauwi ng Pilipinas. At pagdating pa lang sa airport ay sinalubong agad kami maraming reporters.
“How’s Frances Miss Fyline De Chaves?” tanong ng isang reporter. Pilit itong sumisiksik para makuha ang panayam ko sa kapwa niya reporter.
“Why are you here in the Philippines? Why did you go home all of a sudden?” Napatigil ako saglit ng marinig ko ang tanong na iyon.
“Let’s go, Ma’am! Pasensya na hindi ko nasabihan ‘yong security natin mukhang kulang pa.”
“Is it true that you are dating one of the most famous actor?” tanong ng isa sa kanila, kaya napangiwi ako. Pati ang issue na iyon buhay pa rin. Nagkaniya-kaniya silang tanong, pero wala akong sinagot ni isa sa kanila. Mabuti na lang at naharang agad sila ng guard dito sa airlines at security ko.
Rumors there, rumors here, rumors everywhere. I’m used to it anyway.
Hindi ako nagpasundo sa mga kaibigan ko. Busy mga ‘yon, kaya dumiretso na lang ako sa hotel malapit sa venue ng meeting. Doon na rin kami magpapalipas ng gabi.
“See you tomorrow, Ma’am!” I give Niana a small smile before I enter my hotel room.
Maaga akong gumising para maghanda sa meeting para matapos na agad at makaalis na ako. Kahit papaano’y wala akong ibang nararamdaman sa kanya, mlaiban sa galit at panghihinayang na meron ako.
I wore a maroon crowl pencil-cut dress with black stilettos and handbag. I applied make-up too before I went out.
Nasa lobby na si Niana, naghihintay sa ‘kin. Kaya naman isang hakbang ko pa lang mula sa elevator nakita ko kaagad siya.
“Good morning, Ma’am!” masaya na bati niya.
“My schedule, Niana?” Agad naman niya na chineck sa iPad niya na palaging dala. Marami ang napatingin sa gawi naming, pero hinayaan ko na lang sila.
“You have a meeting with Mr. Aguilar this morning at 9:00 o’clock, the CEO of Eluarza Company. By 10:00 o’clock; you will visit our branch in Manila. This afternoon, you’re going to meet your friends at Sweetheart Café. And your schedule for the next day is vacant. This is not the final, baka may mag-a-point pa. Also, Mr. Kim messaged me about his order. Hindi n’yo pa napirmahan ‘yong approval ng delivery noon. Na-email ko na sa inyo noong pagpunta ko, you forgot about it."
“Did he choose color and design already?” tanong ko. Ang akala ko ay hindi pa iyon maayos.
“Yes, Ma’am! I also included it in my email,” she answered politely.
“By the way, you have to come with me when I meet Mr. Aguilar,” I said sarcastically. Napatigil si Niana sa sinabi ko.
Napanguso na lang ako. “What, Niana?”
Hindi ko naman kailangan na itago ang ugali ko sa kaniya. I’m friendly, especially to my employee; hindi pwede ang demonyo sa kompanya ko.
“You know him, Ma’am?” Hindi ko nga pala nasabi sa kanya lahat. Umiling na lang ako bago pumasok sa backseat.
Hindi ko siya sinagot, tumingin lang ako sa driver seat at inutusan ang driver na umalis na.
“Kuya, let’s go.” Agad naming tumalima ang driver ko. Sabay kami na bumaba sa kotse nang makarating kami sa harap ng main company. It was a big glass door and windows.
Sinalubong agad kami ng crew nila, alam na yata nila na darating kami. Someone guide us, kaya no need na tanongin ang front desk, at kilala kami ng crew nila.
“Good morning, Miss De Chaves!” sabay nilang bati, lahat sila ay nakapila habang naglalakad kami. May iba pa na napapatili nang makita ako.
Nakilala siguro nila ako. There’s a lot of magazine that I was featured. Isang sikat na fashion designer at may-ari ng Fyline Company. My achievements were all over the world. Ganoon ako ngayon ka sikat.
“Ma’am, I did some background check about Mr. Aguilar, and I found out that he handsome,” kwento ni Niana. Gustong-gusto ko sagutin at sabihing ‘matagal ko nang alam’, pero pinigilan ko ang sarili ko.
“I’m not asking about him, Niana, and besides I came here because we have a meeting. It’s not because of him. Hindi ako interesado sa hitsura niya.” Pumunta si Niana sa dulo ng elevator. Lumayo sa ‘kin.
“Relax, Ma’am, defensive. Dati ka bang may galit kay Sir?” Niyakap nito ang sarili kaya napairap ako. “Ma’am, sabihin mo lang para resbak mo ako mamaya kapag sinugod mo siya.”
“Just shut up!”
Habang palapit nang palapit kami sa tamang floor, hindi na ako mapakali. Lalong kumalabog ng malakas ang puso ko nang tumunog ang bell, hudyat na nasa tamang floor na kami. Dahan-dahan akong naglakad palabas. Kinalma ko muna ang sarili ko. Why I should be affected? I looked tensed.
Sinalubong agad kami ng secretary niya nang nakangiti. Kaya sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti.
“They are waiting for you, Ma’am!” Napakunot ang noo ko.
They are waiting. Hindi lang naman pala kaming dalawa, kaya gumaan ang pakiramdam ko. Wala akong dapat na ikakaba. The hell? It’s just him it just Dylan.
“Ma’am, hihintayin na lang kita rito.” Tumango ako.
Kaya lang naman ako payag na kasama ko siya sa loob ay para tatlo kami, pero may tao naman na iba, kaya no need to worry. Wala naman akong masayadong kailangan sa loob.
Binuksan ng secretary niya ‘yong malaking pintuan para sa akin para makapasok ako sa conference room.
Nagpasalamat ako bago tuluyang pumasok. Pero halos malaglag ang panga ko nang makita ‘yong tatlong nakatingin sa ‘kin. Nanlaki ang mata nila, except kay Mr. Aguilar—or I should say Dylan.
They looked really mature, si Benedict at si Dylan naka-Tuxedo. Si Mark, naka-long sleeves na puti, nakatupi iyon hanggang siko, pero maayos pa rin siyang tingnan.
Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko palapit. I plaster a smile; I need to be professional in front of them. I will show him kung ano ‘yong sinayang niya. This is the best revenge I can do right?
“Good day, Mr. Mark Lazaro and Mr. Benidict Geronimo, nice to meet you!” Nakipag-kamay ako sa dalawa.
“Nice meeting you. We’ve met already, parang kinalimutan mo na agad kami. Matagal na nga nating kilala ang isa’t isa,” natatawang ani ni Mark.
“Wow! Long time no see, Alexis! Hindi ko akalain na tatangapin mo talaga ang offer namin sa ‘yo. You’re too hard to reach, you’re more than successful. Tatlong taon naming sinubukan, pero tinangihan mo,” bati rin ni Benidict, may halong papuri at hinanakit. “How’s France? May boyfriend ka na ba?” dagdag pa niya. Ngumiti na lang ako ng tipid, bago nilipat ang tingin sa kaniya.
“I’m sorry about that, can you stop asking about my private life?”
Humingi ulit siya ng paumanhin. “Sorry again. Shall we start?”
Nahihiyang umiling ang dalawa. “I’m sorry, it’s been 6 years,” si Mark.
Tumingin ako sa lalaki na tahimik sa tabi nila. I smile before offer my hand for a shake hands. “Nice to meet you, Mr. Dylan Aguilar!” Malamig siyang tumingin sa ‘kin bago sa kamay ko.
Bahagya pa akong nagulat ng kaunti nang tanggapin niya ang naka-alok kung kamay. Naghahalo ang lamig at init ng mga kamay namin.
“Nice meeting you.”
Dapat hindi na ako affected. Napakalamig ng mga mata niya, pero ang init naman ng mga kamay, dahilan para makaramdam ako na para akong napaso, kaya bumitaw na rin kaagad. Hindi nga namin kilala ang isa’t isa, tama ‘yon.
“Have a seat!” Kung gaano siya ka socialable noon sa ibang tao, at ng mga panahon na ‘yon, kabaliktaran siya nang taong nasa harap ko ngayon.
Kinalimutan ko na ‘yon nakaraan, pero nang makita ko siya ngayon sa harap ko, lahat ng naramdaman ko noon ay unti-unti akong binabalikan. Kinakain na naman ako ng takot at pangamba. Pero ngayon ay makakaya ko nang lumaban.
The best revenge I could offer. I forget those people who didn’t want to stay, set them free and show them what they lost.
Note: Hello guys CBCA book is still open sa gustong humabol na mag order pm me on.
FB Ash Adyliah
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top