8

“Good morning class!“ bati ng instructor namin pag pasok niya.

The class will start until reces, I'm with my friends when snack time. Same break time naman. Enjoy din saka para may time kami na magbonding.

“May chissmis ako, may nakita ako noong isang araw sa may street food. Doon diba malapit sa may river side.” Bigla akong nasamid  dahil sa sinabi ni Sheena

They all looked curious si Sheena ba naman ang source. Hindi kasi ma-trip sa buhay. Lahat sila napatingin kay Sheena hinihitay sa ka sunod.

What if kaming dalawa ni Dylan ang nakita niya. Hindi pa naman ako sanay magpaliwanag sa kanila. Pero hindi naman isang krimen ang ginawa ko walang masama roon.

“Ano 'yon, Sheena?” Knight asked.

Pati ako nakikinig baka ako na yan.

“Last time kasi may ginawa kaming research about sa mga pagkain. Tapos balak din namin na kumain doon. Interview na rin kasi marami ang tao.” Tumango kaming lahat.

”Yung about sa major? ” singit na tanong ni Chion.

Tumango si Sheena.

“Tapos nakita ko si....” Napalunok ako ng tumingin siya sa'kin ng habang naka-ngisi, kinindatan ako. Napasapo lamang ako sa ulo ko, nakita niya nga kami.

“Nakita ko si Alexis na kumakain doon kasama si Dylan. They looked close, pero wala namang masama roon.” Inapakan ko ang  paa niya sa ilalim ng lamesa kaya napaaray siya at masama akong tiningnan.

“Ayaw mo naman na I share sa kanila. ” Pinanlakihan ko lang siya ng mata.

“Project ang ginawa namin, kumain lang kami roon. Saka mabait naman siya at hindi ko siya gusto.” Lahat sila ay umalma.

“Scam kaya yung salita na hindi ko siya gusto. Marami ng nag sabi niyan lahat sila nahulog.” Knight comment.

“Kaya pala ikaw 'yon!” balik ko sa kanya.

“Bakit masama ba?”sagot niya rin ng may halong pag-aamok.

“Saka hindi mo alam malay mo nahuhulog kana talaga sa kanya. Hindi mo lang maamin. Ayaw lang namin na masaktan ka, Alexis,” Chion added worriedly while eating.

Also Khate said something para pangaralan ako. “At saka playboy nga pa fall. Hindi mo lang alam isang araw gigising ka na mahal mo na siya. Ayaw kitang makitang umiiyak.”

“Alam nyo... alam ko naman ang ginagawa ko. Saka kung masasaktan man ako alam ko naman na nandyan kayo para sa'kin.” Lahat sila ay napa-ingos sa sinabi ko.

“We are pero, hindi ka namin matutulungan na alisin ang mga sakit na nararamdaman mo. Saka alam mo, Alexis, ayaw ko na may nasasaktan sa barkada.” Venaira hug me. Magkatabi lang naman kasi kami ng upuan.

“Teka nga! Bakit parang hindi na payo 'yan. Walang personalan, ha!” awat niya.

“Walang personalan!” they all said in union.

“Swimming tayo next day sa rest house namin.” Khate suddenly announce kaya our mood lit up.

“Ako na sa food,” prisenta ni Chion.

“Kailangan ko na bumili ng new bikini para may bago ako na susuotin. Mall tayo mamaya.” Agad na sabi ni Venaira. Shopping monsters talaga itong Venaira. Spoil din kasi nila Tita at Tito kaya ayos lang.

“Syempre papahuli ba naman ako, sama ako sayo later.” tuwang-tuwa si Venaira dahil sa sinabi ko.

Khate and Sheena agreed.

“Libre nyo ako may pinag iipunan ako now. Mayaman naman kayo kaya ilibre nyo ako.” Inakbayan ni Khate si Sheena.

“Ako ang bahala sa susuotin mo, yung tipo na mapapalingon mo lahat ng dadaanan natin.”she even gesture it in the air.

“Easy... Hinay hinay lang mahirap kayo bantayan.” Tumayo si Chion at tinaas ang kamay niya.  “Aalis na nga ako may lulutuin pa ako.”

“Padalhan mo ako para din 'ko mag luto mamaya. Tinatamad na din ako, para naman iba na gawin ko.” Ginulo niya ang buhok ko bago tumango.

“Oo na dadalhin ko sa classroom mo.”

Afternoon class namin ay four ang end. So maaga pa naman natapos, binigay talaga sa'kin ni Chion yung pagkain sa'kin.

Kaya sa kwarto ko na lang ako kumain. Ayaw ko na sumabay sa kanila.

Napalingon ako ng bumukas ang pinto at padabog na pumasok ang katapid ko. Inikot ko ang study chair ko para maharap siya.

“Alexis kakain na raw, bakit hindi ka pa bumaba. Pa importante ka naman, bumaba kana nga!” Nawala ang ngiti sa sinabi ko.

“Bakit ganyan mo ako i-trato ano bang nagawa ko sayo?” tanong ko pabalik sa kanya.

Umirap siya sa'kin at pinag krus ang mga braso niya. “Ano ba kakain ka ba o hindi, yon lang hindi mo masagot. Tanong ka ng tanong wala naman ako oras na makipag-usap sayo," inis na sagot nito.

Ako na mismo ang umiwas ng tingin.  “Kumain na kayo, kakain na lang ako kapag gutom naku,” sabi ko sabay talikod ko siya kaniya.

“Iyon naman pala kung ano-ano pang sinasabi mo.” Padabog niyang sinarado ang pinto sa kwarto ko kaya lumikha iyon ng malakas na ingay.

Dinamdam ko ang mga sinabi niya sa'kin. Naapakan ang pride ko. Kinabukasan hindi sana ako kakain ngunit sakto pagbaba ko kakain na sila.

“Alexis, come here and eat!" tawag sa'kin ni Daddy.

Naglakad ako papunta sa hapag ng tawagin ako ni Daddy. Baka magalit siya sa'kin kung sakaling di ako sumunod sa sinabi niya.

“Saan ka kumain kagabi, hindi naman nabawasan yung pagkain na hinanda ko para sayo?” tanong ni mommy noong makaupo ako.

“Ahm.. Binigyan po kasi ako ng food ni Chion 'yon na lang yung kinain ko,” sagot ko at ngumiti ng tipid.

“Tinuruan ba kitang manlimos ng pag kain?” pa sigaw at iritado tanong ni daddy.

Napahawak ako ng mahigpit sa kutsara ko. Napapikit ako sa subrang pag pipigil sa galit nararamdaman ko. Mas gusto ko pa na kainin ang luto ng kaibigan ko. Alam ko na pinaghirapan nila iyon na lutuin. Agad din naman siya na sinaway ni mom. Pero nandoon pa rin ang galit ko.

“Tama na yan, hon!” pigil ni mommy si Daddy.

“Hindi ko naman po nilimos ang pagkain na iyon. Binigay niya iyon sa'kin, dahil yung ang bago na dish nila sa school. Hindi ko iyon nilimos, kaibigan ko ang nagbigay noon,” mahinahon na paliwanag ko.

“Natuto kana din palang sumagot sa magulang mo. Iyan ba nakukuha mo sa pakikipag-kaibigan mo sa kanila, ang sumagot sagot sa magulang.” Pumikit ako mas lalo na kumulo ang dugo ko.

“Nag papaliwanag lang naman po ako. Pero mali na agad ang pagkakaintindi nyo.” Napatalon kami noong binagsak ni Daddy ang kutsara na hawak niya.

“Pinagtatangol mo pa siya ngayon, yan ba ang pinupunto mo?” Mabilis na lumapit si mom at pinakakalma si Dad.

“Tama na honey mabait na bata ang mga kaibigan niya. Saka ayos lang naman--” Napakit at napaatras kami ng mahulog yung baso dahil talagang galit na si Daddy.

“Iyan.. kaya ganiyan yang anak mo kasi kinokonsente mo. Kaya ganyan ang ugali, walang respeto.” Nakakuyom ang kamao ko at tahimik na umiyak.

This family was totally messed. This mess will never be fixed.

“Wag mo akong pag sasabihan sa pagiging-ina ko. Dahil mas mabuti ako sa kanila kaysa sayo!” sigaw ni mommy pabalik.

“Pinagsasabihan ko lang 'yang anak mo!”galit na sagot ni daddy kay mommy.

Natigilan ako. Mas masakit pa lang marinig na hindi ako tangap ng daddy ko.

Malakas siyang sinampal ni mommy, galit na galit ang mukha niya. “Talaga lang Anton sumusubra ka na parang hindi mo siya anak."

Maharas ako na tumayo at pabagsak na binitawan ang tinidor ko.  “Busog na po ako, aalis na ako.” Tumakbo ako papalabas ng bahay.

Nang maihatid ako ni Manong ay dumeresto ako sa likod ng school at doon umiyak.

Pagod na pagod na ako sa pamilya ko. Hindi ko na kaya, hindi ko na sila matiis pa.

Kahit pa anong gawin ko hirap na hirap pa rin akong pakisamahan sila. Hirap na hirap pa rin akong maging mabuti. Hirap pa rin akong maging maayos ang lahat.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top