CHAPTER 6
CHAPTER 6
Leigh's POV
"Inom ka pa ng gatas para lumaki ka agad," sabi ko sa kuting. Dumila naman siya doon sa gatas na binigay ko sa kanya.
"Meow," aniya nang maubos niya ito.
"Very good!" nakangiting sabi ko sabay hawak sa ulo niya.
"Anak, may gagawin ka ba? Ikaw na lang sana mamalengke," tanong sa akin ni mama habang naglalaba.
"Sige po," sagot ko. Wala naman ako ginagawa saka mas gusto ko na mamalengke kaysa maglaba.
"Ito bibilhin mo," aniya sabay abot ng listahan. Binigyan niya ako ng isang libo panggastos ko.
"Dito ka lang. Alis lang ako saglit," paalam ko sa kuting.
Habang papunta ako sa palengke, nasalubong ko si Jacey.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin habang sinasabayan ako.
"Palengke," sagot ko.
"Pusa mo ba ito? Kanina pa nasunod sayo," tanong niya kaya natigilan ako. Napatingin ako sa ibaba at doon nakita ko yung kuting ni Alas.
"Bakit ka sumama? Sabi ko sayo sa bahay ka lang," sermon ko dito saka binuhat. Nag-'meow' lang siya sa akin.
"Pati naman sa pusa ang sungit mo," komento ni Jacey.
"Hindi ko siya sinusingitan. Saka kuting siya, hindi pusa."
"Parehas lang yun."
"Magkaiba yun. Yung kuting baby pa, yung pusa malaki na."
"Oo na lang. Bahala ka diyan."
"Hoy teka!" pigil ko sa kanya sabay abot ng kuting.
"Ano gagawin ko dito? May binibigay mo sa akin?" tanong niya.
"Sayo na muna. Kukunin ko na lang mamaya. Bantayan mo yan. Kapag yan nawala, lagot ko sa akin," pananakot ko sa kanya bago siya iwanan.
Pagkadating ko sa palengke, pansin ko na parang nakakagulo. Hindi ko na lang ako nakisali at lumapit sa nagtitinda ng baboy.
"Isang kilo nga pong baboy," sabi ko habang kinukuha sa wallet yung isang libo.
"Hay naku! Sa halip na pigilan nila, nakinuod pa sila. Hindi na sila naawa sa bata," sabi ni manang habang kinikilo yung baboy na binili ko.
"Hayaan mo na. Tama lang yun sa kanya para matuto," kontra naman ni manong.
"Nasaan na ba kasi ang magulang niya. Bakit pinapababayaan nila ang anak nila na magnakaw?" daldal pa nito sabay abot ng baboy sa akin. Binigay ko naman yung dala kong pera.
"Wala ka bang barya?" tanong niya.
"Wala po," tugon ko. Umalis muna siya saglit para siguro magpabarya. Habang hinihintay ko siya tumingin ako doon sa kumpulan na malapit lang sa kinatatayuan ko.
"Sinasabi ko sayo bata ka. Ulitin mo pa yung ginawa mo, ipapakulong na kita," sigaw ng isang matandang lalaki. Lumabas ito mula sa kumpulan habang may hawak na kahoy. Teka! Siya din yung matandang ninakawan ni Alas.
Nagsialisan na yung mga kumpulan at doon bumungad sa akin ang isang lalaki nakaupo sa kalsada. Puno ng sugat yung braso niya.
"Ne, ito na sukli mo."
Agad ko kinuha yung sukli saka nilapitan yung lalaki. Hindi ito gumagalaw. Nakayuko lamang ito pero buhok pa lang kilala ko na siya.
"Nagnakaw ka nanaman?" tanong ko kaya napaangat siya ng ulo.
"Paki mo? Pakilamera ka talaga kahit kailan."
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Nilahad ko yung kamay ko para tulungan siya makatayo. Pero hinampas lan niya yung kamay ko.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo," aniya sabay tayo.
"Kung hindi ka lang bugbog sarado, nabatukan na kita. Ikaw na nga itong tinutulungan," inis na sabi ko.
"Sinabi ko bang tulungan mo ko? Naawa ka lang naman sa akin."
"Ako maawa sayo? Never. Bahala ka nga diyan."
Paalis na sana ako paea ituloy yung pamamalengke ko nang hawakan niya ako sa braso.
"Ano??" tanong ko sa kanya dahil alam kong may sasabihin siya.
"May pagkain ka ba diyan?" tanong niya.
"Wala."
"Sige salamat.;
Binitawan niya na ako saka naglakad palayo.
"Wait!" sigaw ko. Tumigil naman siya sa paglalakad.
"Pero kung sasama ka sa akin, bibigyan kita ng pagkain."
Nilapitan ko siya at hinila.
"Samahan mo muna ako manalengke. Tapos doon ka na sa bahay kumain. Pero siyempre ikaw magbubuhat ng pinamili ko kapalit ng pagkain," sabi ko sa kanya sabay abot ng bitbit ko. Alam ko naman hindi siya na libre lang kaya siya na lang pabibitbitin ko.
"Ako na rin maghuhugas ng pinagkainan," aniya sabay kuha ng hawak ko.
"Ikaw bahala," sagot ko. Binilisan ko na ang pamimili dahil pinagtitinginan kami.
"Hindi ba magagalit mama mo?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang bahay.
"Hindi yan. Ako bahala sayo. Kung gusto mo papuntahin ko na din si Jacey para may kasama ka," suhestiyon ko.
"Pwede ba?" tanong niya.
"Tatawagan ko," sagot ko. Kinuha ko cellphone at nakakaisang ring pa lang sinagot na niya agad yung tawag ko.
"Yung kuting mo mana sayo. Kinalmot ako," bungad niya sa akin.
"Dalhin mo na lang siya dito sa bahay. Kakauwi ko lang. Dito ka na din mananghalian kasama ni Alas," sagot ko.
"Bakit napunta diyan si Alas? Close na ba kayo?" tanong niya.
"Basta. Punta ka na lang dito," utos ko sa kanya.
"Papunta na ako," aniya saka ako binabaan.
"Papunta na daw siya. Tara na. Ayun na bahay namin," sabi ko kay Alas sabay turo sa bahay namin. Malapit na kasi kami.
"Hintayin ko na lang si Jacey dito sa labas," aniya sabay tigil sa paglalakad.
"Sa loob mo na siya hintayin. Saka para magamot na din sugat mo, pumasok ka na."
"Baka makilala ako ng mama mo."
"Ako nga bahala sayo," pamimilit ko. Hihilain ko na sana siya nang marinig ko si Mama.
"Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay. Bakit hindi ka pa pumasok?" tanong ni Mama.
"Kasama ko nga pala kaibigan namin ni Jacey. Dito siya manananghalian kasama ni Jacey," paalam ko.
"Jusko! Ano nangyari sayo iho? Binugbog ka pa ni Leigh?"
"Mama naman!"
"Hindi po tita. Napagtripan lang po ako ng mga tambay kanina," sagot ni Alas. Mukhang hindi siya nakilala ni Mama. Makakalimutin talaga yan sa itsura kaya malabong maalala niya si Alas agad.
"Hay naku! Dami talaga siraulo ngayon. Sige na pumasok na kayo," sabi ni Mama kaya hinila ko na si Alas. Iniwan na lang namin yung pinamili namin sa mesa. Kumuha ako ng towel.
"Doon yun cr. Hugasan mo na muna ng sabon sugat mo. Ito towel," utos ko kay Alas sabay hagis ng towel. Sinalo naman niya ito at dumiretso agad sa banyo.
"Ma, may bibilhin lang po ako saglit," paalam ko at dali-daling lumabas. Buti na lang may malapit na drugstore sa amin. Bumili ako ng isang pack na bandaid, bulak at isang maliit na betadine.
Pag-uwi ko, rinig ko agad boses ni Jacey.
"Tol, ano nangyari sayo?"
Nakita ko silang dalawa sa sala. Hindi siya sinagot ni Alas pero pansin ko na hawak na niya yung kuting.
"Bakit sayo gusto niya? Tignan mo ginawa niya sa akin," reklamo ni Jacey sabay pakita ng mga kalmot niya sa kamay.
"Bakla ka daw kasi," pang-aasar ko sa kanya. Tumabi ako kay Alas at hinanda yung mga pinamili ko. Nilagyan ko ng betadine yung cotton ball saka kinuha yung kamay ni Alas.
"Ako na diyan. Tulungan mo na lang si Tita magluto," pigil sa akin ni Jacey sabay alis ng kamay ko sa kamay ni Alas.
Pinanood ko siya sa paggamot kay Alas.
"Aray! Wag no naman diinan," reklamo ni Alas.
"Tama lang yan. Mas malala pa nga manggamot si Leigh," aniya habang tuloy sa paglilinis ng sugat ni Alas.
"Hindi ka lang marunong manggamot. Ako na diyan," sabi ko pero inilayo niya lang kamay ni Alas.
"Doon ka na lang kay tita."
"Sus! Gusto mo lang mahawakan kamay ni Alas. Bakla ka kasi," pang-aasar ko dahil ayaw niya ipagamot sa akin si Alas.
"Gwapo ko namang bakla. Ikaw nga diyan tomboy eh. Kaya walang pumapatol sayo," aniya kaya sinipa ko siya.
"Anong wala? Masyado ka lang talaga pakilamero kaya walang pumapatol sa akin."
"Mga bakla kasi sila kaya nagsisiatrasan sila kapag nakikita nila ako."
"Takot kasi sila sa pagmumukha mo. Pangit ka kasi!"
"Weh? Crush mo nga ako eh," pang-aasar niya sa akin.
"Asa ka Bakla! Doon ka nga! Hindi mo naman nagagamot ng maayos si Alas," pagtataboy ko sa kanya. Sapilitan ko siya hinila para mapaalis siya sa kinauupuan niya.
*******
Jacey's POV
Badtrip na yan. Bakit ba kasi nandito si Alas? Saka kailan pa sila naging close? Pinanonood ko na lang si Leigh habang ginagamot si Alas. May pahipan pa siyang nalalaman tapos dahan dahan lang, pero kapag sa akin sobrang diin tapos alcohol pa gamit niya. Pinipisil pa niya lalo sugat ko. Natrauma na nga dahil sa pinakakagawa niya kaya iniiwasan kong masugatan.
"Ayos na," aniya saka niligpit yung mga kalat niya.
"Akala ko ba ayaw mo kay Leigh?" tanong ko kay Alas pag-alis ni Leigh.
"Nung una Oo pero ngayon..."
"Ngayon ano?"
"Okay na siya sa akin. Hindi na rin masamang makipagkaibigan sa kanya. Wag ka mag-alala, wala ako balak agawin siya."
"Huh? Bakit naman ako mag-aalala?"
"May gusto ka sa kanya diba?" tanong niya. Napansin ko na papalapit na si Leigh kaya tumawa ako.
"Ako makakagusto sa tomboy na yan? Imposible. Si Dianne gusto ko, magpapalakad nga ako sa kanya," sagot ko sabay lingon kay Leigh.
"May paa ka naman bakit ka pa magpapalakad?" tanong ni Leigh. Seryoso ang mukha niya. Walang bakas na pagkainis.
"Kaibigan mo siya siyempre. Saka sungit ka niya. Tulungan mo ko manligaw sa kanya ha?"
"Bahala ka manligaw! Wag mo ko idamay," aniya sabay punta sa kwarto niya.
"Siraulo ka talaga!" sabi sa akin ni Alas pero hindi ko na ito pinansin.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top