CHAPTER 4
CHAPTER 4
Jacey's POV
"Narinig ko na pinaghahanap daw si Leigh ng ibang gang," balita sa akin ni Xian.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Kumalat na siguro yung balita tungkol sa kanya."
Ayan na nga ba sinasabi ko. Bakit ba kasi ang hilig makipag-away ng babaeng yun?
"Kung ako sayo papayag na ako na sumama siya sa atin kaysa mag-isa lang niyang haharapin yung kalaban," komento ni Ryden dahil hindi pa rin ako payag sa gusto nila.
"Wag niyo ng pilitin kung ayaw nila. Saka mas magandang wala yung pakilamerang yun," kontra ni Alas. Dalawa kaming ayaw isali si Leigh kaya siya lang ang kakampi ko. Pero magkaiba kami ng dahilan.
"Isa ka pa Alas. Yung ginawa niya sayo palengke senyales yun na karapatdapat siya maging boss nito," paliwanag ni Ryden.
"Acting Boss lang," pagtatama sa kanya ni Sid dahil wala naman boss dapat. Lahat kami pantay-pantay.
"Yun nga. Acting boss. Mas gusto ko na siya kaysa doon sa mga babae na gusto lang tayo ipagyabang kaya dumidikit."
"Mamaya na kayo magtalo. According to my research, kasalukuyang pinaghahanap ng ibang gang si Leigh para subukan ang lakas nito," singit ni Tyron. Siya kasi ang source of information namin.
"Saan mo naman nakuha yan?" tanong ko. Pinakita niya sa amin ang isa group chat.
"Nabasa ko sa account na nahack ko," paliwanag niya dahil hacker siya. Parehas sila ni Leigh na marunong manghack. Wala yatang hindi kaya ang babaeng yun. Kahit nga basketball kaya niya. Player din kasi siya tulad ko kahit ganun height niya.
"Ano na gagawin mo Jacey? Hindi ka pa rin ba papayag?" tanong sa akin ni Xian. Medyo napaisip na nga ako. Hindi lang kasi isang gang ang naghahabap. Sabi kasi doon sa chat hinahanap na din siya ng iba para isali sa grupo nila. Pero siyempre bago siya isali yayain muna nila makipaglaban para masigurado kung magaling nga ito.
"Mas gusto ko naman na kasama natin siya kaysa sa kanila. Kapag nagkataon na sumali siya sa kanila, makakalaban natin siya. Ayaw ko naman yun," tugon ko. Pansin kong napangiti sila maliban kay Alas na galit kay Leigh.
"Ano pa ba hinihintay natin? Unahan na natin sila," sambit ni Sid. Buti na lang may event ngayon sa school kaya wala kaming klase.
Nagpunta kami sa pinapasukan ni Leigh na Smith International High School. Pangalan pa lang pangmayaman na pero scholar lang siya diyan. Matalino kasi babaeng yun, hindi lang halata. Minsan nga nagpapaturo ako sa kanya sa mga minor subject namin.
Maaga pa lang nakatambay na kami sa harap ng school nila. Kapag nakikita nga kami ng grupo na nagtatangkang puntahan si Leigh, umaatras agad sila. Buti na lang yung mga mahihinang grupo pa lang yung nakikita namin. Kung yung iba siguro baka niyaya na kami makipaglaban.
"Nandito nanaman sila. Siguro si Leigh nanaman pinuntahan nila."
"Paano kaya sila nakilala ni Leigh? Swerte niya no?"
"Yeah swerte niya pero malas nila. Wala sila mapapala sa scholar na yun."
Rinig kong bulong-bulungan ng mga dumadaan. Napansin ko si Leigh na palabas na sa gate. Kita ko siya agad dahil siya lang maliit.
"Leigh!" tawag ko sa kanya. Kasama nanaman niya si Dianne. Lumapit sila sa amin.
"Bakit nandito kayo? Isusumbong kita kay Tita. Sasabihin ko nagcutting ka," pananakot niya sa akin.
"Hindi ako nagcutting. May event sa school kaya wala kaming klase. May battle of the band mamaya. Gusto niyo manood? May sobra akong ticket dito," tugon ko sabay pakita ng extra kong ticket. Pinilit kasi akong bumili ng kaklase ko. Tatlo na lang kasi natira tapos sabi niya bilhan ko na daw lahat. At dahil mabait ako, binili ko na lahat.
"Kasama sila?" tanong niya sabay lingon sa mga kasama ko.
"Oo naman. Meron din kaya kaming ticket," sagot ni Xian sabay pakita ng ticket niya.
"Next time na lang," tugon ni Leigh.
"Eh? Sayang 20 pesos ko kung hindi magagamit yung ticket. Pumayag ka na. Minsan lang ito," pigil ko sa kanya.
"Sino ba kasi nagsabing bumili ka ng tatlong ticket? Eh isa ka lang naman."
"Yung nagbebenta. Dali na!" pangungulit ko sa kanya.
"Bahala ka diyan," aniya saka muling naglakad pero natigilan ito nang may humarang sa kanyang limang lalaki.
"Kayo nanaman? Hindi lang yata sapak gusto niyo ano?"
"Kilala mo sila?" tanong ko.
"Nasalubong ko sila nung pagpasok ako. Sinasali nila ako grupo nila. Sa inis ko sinuntok ko yung isa," paliwanag niya sa akin. Pansin ko nga na may bandaid yung isa sa mukha.
"Diba sabi ko sayo wag na makikipag-away. Ang kulit mo talaga," sermon ko sa kanya. Pasaway talaga. Hindi nakikinig sa akin.
"Oo nga pala. Sorry. Nakalimutan ko."
Tinignan ko siya ng masama bago nilingon yung limang lalaki.
"Tigilan niyo si Leigh kung ayaw niyong ako ang sumapak sa inyo," pananakot ko sa kanila.
"Ehem. Isama mo naman kami," sambit ni Xian na nasa likod na namin.
"Boss, kumpleto sila. Alis na tayo," bulong ng isa sa kanila. Hindi na nagsalita yung boss nila at umalis na lang.
"Hoy! Saan tayo pupunta?" tanong ni Leigh nang hilain ko siya.
"Manonood," sabay pakita ng ticket.
"Pumayag ba ako?"
"Wala ka naman gagawin eh. Maglalaro ka lang ng dota."
Nanahimik naman siya dahil tama ako. Yun talaga balak niya gawin. Nilingon ko sila Xian na kasama na ni Dianne. Nakasunod sila sa likod namin.
"Wag niyo yan pagtitripan. Kaibigan yan ni Leigh," sigaw ko kila Xian. Halata kasing kinukulit nila si Dianne. Sungit pa naman yun. Mas masungit pa kay Leigh.
******
Leigh's POV
"Wala. Mas magaling pa ako kumanta sa kanila," pagmamayabang ni Blue.
"Bakit hindi ka sumali kung mas magaling ka pala?" tanong ko. Kinakausap ko na sila ngayon. Mababait naman pala talaga sila, maliban lang doon sa Alas na ang sama sa akin.
"Tinatamad ako eh," sagot niya sa akin.
"Leigh, una na ako sa inyo. Bye!" paalam ni Dianne sa akin.
"Ingat ka!" tugon ko.
Pagkaalis niya nilingon ko si Jacey.
"Bakit mo kami niyaya dito?" tanong ko. Kilala ko kasi ang isang ito. Hindi yan magyayaya ng wala lang.
"Naisip ko lang. Mas maganda siguro kung pumayag ka ng maging acting leader namin."
"Bakit nagbago bigla isip mo?"
"Basta! Pumayag ka na."
"Ayoko nga."
"Hindi ka ba naawa sa gwapo mong kaibigan? Pumayag ka na please."
"Wala akong gwapong kaibigan."
"Grabe ka. Hindi mo pala ako kaibigan."
"May sinabi ba akong hindi kita kaibigan? Kaibigan lang kita pero hindi ka gwapo."
"Hahaha. Wala ka pala Jacey kay Leigh," natatawang sabi ni Xian.
"Magsiuwi na nga kayo. Hindi naman kayo nakakatulong," tugon ni Jacey sa kanya bago binalik ang tingin sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at tinignan ng seryoso. Napatingala ako sa kanya at ginantihan din ng seryosong tingin.
"Lei, pumayag ka na. Para din ito sa kaligtasan mo. Kukulitin ka ng mga gangster kung hindi ka sasali sa amin. Mas magandang kasama mo kami."
Pinigilan ko matawa dahil ang seryoso niya masyado. Hindi bagay sa kanya
"Sige na. Payag na ako. Siguraduhin niyo lang na hindi talaga kayo gangster," sagot ko.
"Ayan pumayag na siya. Magsiuwian na tayo," sambit ni Jacey.
"Bye Lei. Ingat ka sa kasama mo," sigaw ni Ryden.
"Siya dapat mag-ingat sa akin," sagot ko.
"Ingat din sila sa inyo. Gabi pa naman," sambit ni Jacey sa mga kaibigan niya.
Nauna na kaming umalis sa kanila. Sinamahan niya ako hanggang bahay.
"Hindi ka papasok?" tanong ko.
"Hindi na. Uwi na ako."
"Sige," pumasok na ako sa loob. Sinilip ko pa siya sa bintana kung umalis na siya.
Nakita ko siyang nakatayo sa tapat namin. Parang ang lalim ng iniisip. Bakit ba siya nag-iisip? Eh wala naman siyang isip.
Lumabas ulit ako saka siya binato. Nung una hindi siya tinamaan. Dumaan lang sa harap niya. Pero yung pangalawa sinalo niya yung bato.
"Akala mo matatamaan mo ko?" pang-aasar niya sa akin. Akala mo bata pero mas matanda pa yan sa akin.
"Sana nga tinamaan ka na lang sa akin..."
'...para pareho tayong may tama sa isa't-isa.'
"Huh?"
"Wala. Sabi ko umuwi ka na bago ka pa tamaan sa akin," pumulot ako ng malaking bato sa bakod saka ito tinaas.
Nanlaki ang mata niya nang makita yung buhat ko.
"Ang laki naman yan. Sadista mo talaga."
"Hindi ka pa ba aalis? Ibabato ko sayo ito," pananakot ko.
"Ito na nga. Aalis na ako," aniya sabay takbo.
Binababa ko na yung bato saka pinagpag yung kamay ko.
"Sino kaaway mo sa labas?" tanong ni Mama.
"Wala po. Si Jacey lang po yun," sagot ko.
"Kumain ka na ba? Saan kayo galing?"
"Opo. Nanonood kami ng battle of the band sa school nila Jacey."
"Sige. Lock mo yung pinto bago ka matulog," aniya bago bumalik sa kwarto nila.
Nilock ko yung pinto saka sinarado yung bintana bago magpunta ng kwarto. Pagkabihis ko nagbukas muna ako ng facebook bago matulog.
Pansin ko na may 6 friend request ako. Pagtingin ko puro yung mga kaibigan lang ni Jacey maliban kay Alas.
In-accept ko na lang sila lahat.
Nagchat bigla sa akin si Jacey.
=======
Jacey: Bakit gising ka pa?
Me: Bakit masama?
Jacey: Hindi naman.
=====
Hindi ko na siya nireplyan dahil wala naman siyang kwentang kachat. Naglog-out na lang ako at natulog.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top