CHAPTER 32

CHAPTER 32

Leigh's POV

Graduation day...

"Leigh, picture daw tayo!" tawag sa akin ni Dianne. Lumapit ako sa kanila na mga kaklase ko.

"Hindi kita yung iba."

"Sa harap yung maliit."

Hindi ko sila pinansin at hinayaang magkagulo. Nakatayo ako sa bandang likod.

"Sa harap ka," sabi sa akin ni Mark sabay akbay sa akin at itinangay sa harapan. Tumayo siya sa likod ko habang nakapating ang siko niya sa balikat ko. Nagpeace sign siya.

"Wag mo ko patungan," reklamo ko sa kanya pero ningitian niya lang ako.

"Leigh, tingin dito!" tawag sa akin ng kumukuha ng picture namin. Wala akong choice kundi ang tumingin na lang sa camera. Nakatatlong kuha sila ng group photo bago tumigil.

"Saan ka mag-aaral ng college?" tanong sa akin ni Mark.

"Sa Manila," sagot ko.

"Sa sabado na ang alis mo diba?" tanong sa akin ni Dianne.

Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Leigh!" napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Kei," gulat na sabi ko. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta sila.

"Congratulations!" bati nila sa akin.

"Salamat. Mabuti naka--" natigilan ako nang mapansin ko ang masamang tingin ni Jacey. Nakatingin siya sa kamay ni Mark na nakaakbay pa rin. Agad ko ito inalis saka sila nilapitan. Sa totoo lang wala na lang sa akin yun akbay ni Mark dahil palagi naman niya ginagawa yun.

"Sino yun? Bakit siya nakaakbay sayo?" tanong ni Jacey.

"Si Mark yun. Wala lang yun. Ganun lang talaga yun," sagot ko.

"Selos ka nanaman," pang-aasar sabi ni Xian sa kanya. Hindi umimik si Jacey. Halatang wala ito sa mood. Bahala siya sa buhay niya. Wala naman ako ginawang masama.

"May party sa bahay mamaya. Sama kayo," pagyaya sa kanila Dianne.

"Ayun hinintay namin!" sagot agad ni Xian. Naging close na din kasi sila kay Dianne. Noong mga nakaraang buwan madalas kami pumunta sa computer shop dahil sa mga projects na pinapagawa sa amin. Tinulungan nila kami sa paggawa at simula noon naging barkada na din nila si Dianne.

"Sabihan niyo din sila Hailey," aniya habang nakangiti. Close din siya kay Hailey at Sam. Minsan lumalabas kaming apat kapag may oras kami.

"Hoy! Hindi mo pa ba ako kakausapin?" tanong ko kay Jacey na kanina pa nanahimik at ang walang hiya hindi ako pinansin.

"Aray! Aww!" sambit niya nang sikuin ko siya sa tagilitaran at sipain sa likod ng tuhod.

"Wala nga lang yun. Ano pa sinisimangot mo diyan?" inis na sabi ko.

"Hindi mo kasi alam itong nararamdaman ko. Kapag ba ikaw nakita mo na kay babaeng nakakapit sa akin, ano gagawin mo?"

"Sasapakin ko yung babae."

"Ah! Okay."

Naglakad siya bigla palapit kay Mark.

"Ano gagawin mo?" habol ko sa kanya.

"Sasapakin ko siya," seryosong sagot niya.

"Wag ka nga gumawa ng gulo dito," inis na sabi ko sa kanya. Hinila ko siya palayo kay Mark. Baka kung ano pa gawin niya. Hindi ko siya binitawan.

"Uwi na tayo," pagyayaya ko bago may masamang mangyari. Sabay-sabay kaming umalis.

"Punta kayo sa bahay ha? Mga 5pm," paalam ni Dianne bago pumunta sa mama niya.

"May isang oras pa. Uuwi muna ako bago pumunta kila Dianne. Ano balak niyo?" tanong ko kila Kei.

"Doon muna kami kila Jacey," sagot ni Kei.

"Ha? Pupunta ako kila Leigh," kontra ni Jacey.

"Edi sasama kami sa inyo," tugon naman ni Xian.

"Tita, ayos lang po ba na doon muna kani sa bahay niyo?" paalam ni Blue kay mama.

"Walang problema," masayang sabi ni Mama. Madalas naman sila magpunta sa bahay kaya kilala niya na din sila. Wala na ako nagawa kundi pumayag. Sabay-sabay kami umuwi ng bahay at naghintay ng 5pm bago pumunta kila Dianne. Sa bahay na din namin hinintay sina Sam at Hailey.

"Imbitado ba buong klase niyo?" tanong ni Jacey.

"Hindi lahat. Bakit mo natanong?"

"Nadoon ba yung Mark?"

Napaisip ko sa tanong niya. Kaibigan din siya ni Dianne kaya posibleng imbitado din siya.

"Hindi ko alam kung pupunta siya," sagot ko.

Hinawakan niya ako sa kamay nang malapit na kami sa bahay nila Dianne. Malayo pa lang rinig namin ang kantahan at tawanan.

"Kanina ko pa kayo hinihintay. Pasok kayo," salubong ni Dianne sa amin.

"Thank you and Congrats!" bati ni Hailey.

"Salamat."

"Leigh!" tawag sa akin ng mga kaklase ko. Lalapit na sana ako sa kanila nang mapansin ko si Mark. Biglang umakbay sa akin si Jacey.

"Dito ka lang sa tabi ko," bulong niya. Napilitan na lang akong kumaway at ngumiti.

"Kain na muna kayo," sinamahan kami ni Dianne sa may table kung nasaan ang mga pagkain. Nagkanya-kanyang kuha kami at pwesto sa table namin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko kay Dianne.

"Nakakalungkot isipin na aalis ka na sa sabado."

"Edi wag mo isipin kung nalulungkot ka."

"Hindi ka ba nalulungkot na malalayo ka sa amin?"

"Malulungkot siyempre. Mamimiss ko kayo."

Hindi naman ako pusong bato para hindi makaramdam ng lungkot.

"Jacey, ayos lang ba sayo na LDR kayo?" tanong bigla ni Dianne.

"Hindi. Pero kahit ano naman sabihin ko hindi siya magpapapigil."

"Paano kung makahanap siya ng iba?"

"Hindi mangyayari yun. Dadaan muna sila sa akin bago nila makuha sa Leigh," aniya sabay hawak ng mahigpit sa kutsara. Sa sobrang lakas at higpit ng hawak niya nabali ito.

Napalunok ako bigla dahil sa takot. Nakakatakot talaga siya kapag galit saka kapag pinapakita niya yung totoong lakas niya. Kung seseryosohin niya ako sa isang laban sigurado talo ako sa kanya. Isa din iyon sa dahilan kung bakit nagustuhan ko siya.

"Dianne, sino sila? Mga kaibigan mo? Ngayon ko lang sila nakita," lapit sa amin ng grupo ng mga babae.

"Oo. Kaibigan namin ni Leigh."

"Ipakilala mo naman kami sa kanila."

Nagkitinginan kaming mga babae dahil isa itong hindi magandang pangitain.

"Hi! I'm Sam. Siya naman si Sid, boyfriend ko."

Kumapit siya kay Sid at habang nakangiti na may pagbabanta na tingin.

"I'm Hailey..." nahihiyang pakilala ni Hailey. Tinignan niya si Alas. Alam ko gusto niya gayahin si Sam pero nahihiya siya.

"Ako naman si Alas, boyfriend ni Hailey," nakangiting pakilala ni Alas. Kitang-kita ko ang pamumula ni Hailey dahil doon. Hindi pa rin ako umimik.

"Ehem. Ito naman si Xian, Blue, Tyron, Ryden, Kei at Jacey. Boyfriend ni Leigh si Jacey kaya wag niyo na balakin lapitan siya," pakilala ni Dianne sa iba.

"Yung iba? Single?" tanong ng isa sa kanila.

"Hindi ko alam," tinignan namin yung lima.

"May girlfriend na ako, si Ferrari," sagot ni Ryden. Tinutukoy niya yung sasakyan niya. Mas mahal daw kasi niya ang mga sasakyan niya kaysa babae.

"May girlfriend na din ako. Wala siya ngayon dito pero lagi ko siya kasama mula umaga hanggang gabi. Pati sa pagtulog katabi ko siya," tukoy naman ni Tyron sa laptop niya.

"Mukhang tatlo na lang kaming single," sambit ni Xian. Kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya kaya single siya. Hindi naman umimik ang dalawa.

"Sakto tatlo din kami. Bakit hindi tayo lumabas para mas makikilala natin ang isa't-isa," suhestiyon ng isa sa kanila.

"Sorry pero hindi ako interesado. Saka may nagugustuhan na akong babae," sagot ni Blue.

"Same," sambit naman ni Kei sabay sulyap sa ako.

"Tayong apat na lang ang lumabas. Sasamahan ko kayo kahit saan niyo gusto," sabi ni Xian.

"Playboy," sabay sabi namin.

"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Dianne saka tumayo na halatang bad mood.

"CR lang ako," paalam ko din saka sumunod kay Dianne.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya saka siya sinabayan sa paglalakad.

"May gusto na siyang iba. Wala na ako pag-asa," malungkot na sabi niya.

"Hindi pa naman sila."

"Kahit na. Masakit malaman na may ibang gusto ang gusto mo."

"Alam ko ang pakiramdam niyan. Hindi rin naman ako ang gusto ni Jacey dati. Kaya wag ka mawalan ng pag-asa. Malay mo balang araw, magkatuluyan kayo."

"Iba naman ang sa amin. Hindi kami kasing close katulad niyo ni Jacey."

"Leigh," tawag sa akin ni Mark.

"Bakit?" tanong ko. Kinabahan ako bigla. Baka mamaya makita kami ni Jacey at maselos nanaman.

"Ano ginagawa niyo dito? Dianne, kanina ka pa namin hinihintay. Hindi ka na bumalik."

"Sorry. Pabalik na ako," tugon ni Dianne at saka ito nagpaalam.

"May kailangan ka pa?" tanong ko kay Mark nang hindi siya sumunod kay Dianne.

"Boyfriend mo ba yung lalaking katabi mo?"

"Si Jacey? Oo. Bakit?"

"Ang sama matingin sa akin eh."

"Ah! Pasensya na. Ganun lang talaga siya. Kung wala ka na sasabihin, mauna na ako."

Lumabas agad ako ng bahay nila Dianne upang bumalik sa table namin. Habang palapit ako kila Jacey, napansin ko na masaya sila nakikipagkwentuhan doon sa mga babae kanina. Nakaupo na yung dalawa sa upuan namin ni Dianne.

Pagkakita ko sa mukha ni Jacey na nakikipagtawanan, agad ako lumapit sa mga kaklase ko. Parang ayoko na sila istorbohin.

"Leigh, akala ko hindi ka na lalapit sa amin."

"Umiinom pala kayo?" pansin ko.

"Oo. Minsan lang naman ito. Inom ka na rin."

Inabutan ako ng isa sa mga kaklase ko ng isang maliit na bote ng iniinom nila.

"Salamat."

Kuha ko dito agad.

"Buksan ko?" tanong ni Mark habang hawak niya yung pambukas.

Inabot ko sa kanya yung bote. Akala ko nga kukunin niya pero hinawakan lang niya ito habang nakahawak pa rin ako saka niya ito binuksan. Natulala na lang ako sa kamay niya na nakapatong sa kamay ko. Kapag nakita ito ni Jacey sigurado magagalit yun.

"Salamat," pagpapasalamat ko agad saka inom hanggang sa mangalahati yung laman ng bote.

"Ano balak niyo ngayon graduate na tayo? Diretso college ba kayo o magtatrabaho na?" tanong ng isa sa kaklase namin na babae.

"Ako itutuloy ko yung pag-aaral."

"Ako din."

"Ako magtatrabaho muna."

"Ako mag-aaral ng college," sambit ni Mark.

"Sabi nila sa Manila ka na mag-aaral? Totoo ba?"

"Oo. Nandoon kasi nakatira parents ko."

"Parehas kayo ni Leigh. Sa Manila na din siya mag-aaral," sabi ni Dianne.

"Talaga? Sa Manila ka din?" tanong ni Mark.

"Oo. Doon ako sa tita ko. Saa--"

Napatingin ako kay Jacey nang agawin niya ang boteng hawak ko. Inubos niya ang laman nito saka ibinaba sa mesa.

"Akala ko ba sa cr ka lang? Bakit hindi ka na bumalik?" inis na tanong niya.

"Ayoko makaistorbo sa inyo. Masaya bang kausap sila Kristel?" tukoy ko sa tatlong babaeng katawanan nila. Si Kristel yung nasa upuan ko. Nagtinginan kami ng masama.

"Ehem. Bakit hindi muna kayo mag-usap sa loob?" singit ni Dianne bago pa kami mag-away.

"Wala kami dapat pag-usapan," inis na sabi ko saka bumalik sa table namin. Wala na doon sila Kristel. Pinaalis na siguro nila. Mabuti naman.

"Yeah! Wala kaming dapat pag-usapan," pagsang-ayon ni Jacey. Pagbalik namin sa table hindi kami nag-imikan. Isang maling salita lang namin, siguradong away ang kahahantungan. Maganda na siguro yung ganito.

Itutuloy....













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top