CHAPTER 31
CHAPTER 31
Leigh's POV
"Break na ba kayo ni Jacey?" tanong ni Dianne sa akin.
"Hindi. Bakit?"
"Hindi ko na kayo nakikitang magkasama."
"Busy lang siya sa school."
"Busy ba talaga siya? Baka may iba na yun."
Natahimik ako sa sinabi niya. Sa totoo lang kahit ako hindi na sigurado sa relationships namin. Habang tumatagal lumalabo.
Pagkatapos ko sabihin sa ospital na itutuloy ko sa ang pag-aaral sa Manila, naging mailap na siya sa akin. Sabi nila Kei, may inaasikaso lang sila sa school kaya wala silang oras ngayon.
"Dito na daan ko. Bye!" paalam ko sabay buntong hininga.
"May sasakyan," sigaw bigla ni Jacey. Natauhan naman ako nang hilain niya ako. Tinignan niya ako ng masama.
"Magpapakamatay ka pa? Paano na ako kung mawawala ka? Hindi pa nga tayo kasal mawawalan na agad ako ng asawa," pagdadrama niya sa harap ko. Nag-init bigla ang ulo ko.
Hinampas ko sa kanya ang bag ko saka siya sinigawan.
"Kasalanan mo ito!"
"Bakit ako may kasalanan? Ikaw diyan naglalakad ng wala sa sarili."
"B-basta! Kasalanan mo!"
Ayoko nga sabihin na iniisip siya kanina kaya hindi ko napansin na may sasakyan.
"May sakit ka ba? Bakit namumula ka?"
Hahawakan niya na sana ang noo ko pero agad ko ito tinapik.
"Wala ako sakit. Naiinitan lang ako. Tapos na ba ginagawa mo?" tanong ko. Ningitian niya ako bigla.
"Oo. Hinihintay ko na lang ang resulta."
"Sigurado maganda resulta niyon. Pinaghirapan mo eh!"
"Sana nga. Tara sa computer shop. Namiss ka na daw nila Xian," hila niya sa akin.
"Pati nga pala sila busy. Ano ba pinagkakaabalahan niyo, bakit naging busy kayo lahat?"
"Busy kami sa future namin. Namiss mo kami no?"
"Oo. Miss na miss na ko na kayo. Lalo na ikaw. Miss na kitang suntukin, batukan at sipain."
"Tsk.tsk. Grabe ka talaga magpakita ng pagmamahal sa akin. Masyadong sadista--Aww!"
Kinurot ko siya sa tagiliran para manahimik na siya. Sinubukan niya umiwas. Para tuloy siya gumigiling. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa hanggang sa halikan niya ako.
Nanlaki ang mata ko.
"Hahaha. Matagal ko na gusto gawin yun. Bye," aniya sabay takbo.
"Jacey!!!" sigaw ko saka siya hinabol. Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya. Nasa daanan kami.
Sa kakahabol ko sa kanya umabot na kami sa computer shop. Pagdating namin doon pareho kaming hinihingal.
"Galing ba kayo sa marathon?" tanong ni Xian sa amin.
"Leigh! I miss you!!!" yakap bigla sa akin ni Sam.
"Hindi ako makahinga," reklamo ko. Sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin napasubsob ako sa dibdib niya.
"Sorry!"
Binitawan na niya ako sabay tawa.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Jacey sa kanya.
"Siyempre hindi pwedeng hindi ako kasama sa late celebration party niyo," masayang sabi nito.
"Celebration?" tanong ko.
"Celebration nila sa paglabas nila ng ospital at nakauwi ka ng ligtas. Wag ka mag-aalala sagot nila ang pagkain at inumin. Hindi ba sinabi sayo ni Jacey?" paliwanag ni Sam.
"Hindi. Niyaya niya lang ako pumunta dito. Matagal na din ako hindi nakakapunta dito kaya hindi na ako nagtanong."
"Umupo na kayo. Mag-uumpisa na tayo," sambit ni Xian.
Agad ako umupo sa tabi ni Alas.
"Kamusta kayo ni Hailey?" tanong ko sa kanya.
"Ayos naman. Bakit hindi ka tumabi kay Jacey? Ang sama tuloy ng tingin niya sa akin," pabulong na sagot niya.
"Hayaan mo siya," pabalik na bulong ko.
"Nag-away nanaman kayo?"
"Hindi."
"Leigh, halika muna dito saglit," lapit sa akin ni Jacey.
"Mamaya na. Kumaka--"
"Kapag hindi ka umalis diyan hahalikan kita sa harapan nila," bulong niya sa akin. Nag-init bigla ang mukha ko. Hindi na yata ako masasanay sa kanya tuwing magiging sweet siya sa akin.
Sumunod na lang ako sa kanya. Dinala niya ako tabi ni Sam at doon kami umupo. Napatingin sila sa amin.
"Okay! Kain na tayo!" masayang sabi ni Sam. Nag-order lang sila ng pizza at bumili ng beer.
Kukuha na sana ako ng pagkain pero ayaw bitawan ni Jacey ang kamay ko.
"Yung kamay ko," reklamo ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama.
"Susubuan na lang kita," aniya sabay kuha ng pizza para sa akin. Iniwas ko ang mukha ko.
"May sakit ka ba ngayon? Ang weird mo?" nagtatakang tanong ko sabay hawak sa noo niya.
"Grabe ka naman sa akin. Masama bang maging sweet?" reklamo niya.
"Hindi ako sanay kapag sweet ka," seryosong sagot ko sa kanya.
"Masanay ka na. Simula ngayon mas magiging sweet ako sayo."
"Bakit?"
"Dahil boyfriend mo ko. Teka! Bakit parang ayaw mo?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Kinikilabutan ako kapag sweet ka," nahihiyang sabi ko.
"What?"
"Pffft! Hahahahaha," tawa nila Sam.
"Kinikilabutan daw siya sayo," ulit ni Xian habang tumatawa.
"Kinikilabutan? Baka kinikilig," bulong ni Jacey. Nang marinig ko yun napahampas ako sa likod niya.
"Awww! Ano nanaman ginawa ko sayo?" reklamo niya. Kamuntik na siya mapasubsob sa mesa dahil sa lakas ng hampas ko.
"Sorry. Ito pizza para sayo. Manahimik ka na, okay?" nakangiting sabi ko sa kanya sabay saksak ng pizza sa bunganga niya.
"Grabe ka naman magsubo. Pwede bang maging sweet ka naman sa akin kahit papaano?"
"Gaano ba kasweet gusto mo? Ganito ba? Babe, say ahh!"
Nilambingan ko ang boses ko katulad ng ginagawa ng mga ex niya. Natahimik sila bigla. Si Jacey nakatulala lang sa akin. Nahiya tuloy ako bigla.
"Ehem. Joke lang," bawi ko sabay kain ng pizza na isusubo ko sana sa kanya.
"So cute," komento ni Sam. Nakatingin siya sa akin. Pakiramdam ko kumikislap ang mata niya.
"Natahimik ka yata? Kinilig ka no?" pang-aasar ni Xian kay Jacey. Pagtingin ko sa kanya, namumula ang tenga niya.
"Ehem. Hindi ah!"
Kumain na lang din siya ng pizza at hindi na ulit nangulit. Nag-inuman kami pagkatapos. Konti lang ang ininom dahil ayoko malasing.
"Leigh, ang cute mo!" lasing na sabi ni Jacey sabay kurot sa pisngi ko. Kanina pa niya ako pinagigilan.
"Dito ka lang sa tabi ko!" aniya sabay yakap naman sa akin. Sinubukan ko alisin ang kamay niya pero mas malakas siya sa akin.
"Bitawan mo ko!" inis na sabi ko. Ngayon ko lang nalaman na mas malakas siya kapag lasing. Kapag nasa tamang katinuan kasi siya kontrolado niya ang lakas niya kaya may laban ako sa kanya. Pero ngayon...
"Ayoko nga! Dito ka lang," parang batang sabi niya sabay subsob ng mukha niya sa leeg ko.
"Hey! Nakikiliti ako," reklamo ko. Tinulak ko ulo niya pero lalo lang niya nilapit ang ulo niya. Ramdam ko ang hininga sa leeg ko. Nagsitayuan bigla ang mga buhok ko sa batok at kamay.
"Jacey!!" sigaw ko sabay suntok sa kanya pero sinalo niya ang kamao ko. Tinignan niya ako ng seryoso.
"Lasing na si Jacey," tumatawang sabi ni Blue.
"Hindi ako lasing," sagot sa kanya ni Jacey sabay bitaw sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tubok ng puso ko. Sa unang pagkakataon nagmukha siyang lalaki sa paningin ko. Nawala ang pagiging baklang aura niya. Pinagmasdan ko siya at napaisip kung bakit nga ba bakla ang tingin ko sa kanya?
"Sigurado ka kaya niyo umuwi?" tanong ni Sid.
"Kaya ko pa naman maglakad," sagot ni Jacey.
"Ako na bahala sa kanya. Konti lang naman nainom ko," sabi ko sa kanila.
"Ingat kayo," paalam niya sa amin. Pagtingin ko kay Jacey, nauna na siya sa akin. Diretso naman ang lakad niya. Baka nawala na talaga ang pagkalasing niya kanina.
"Bilisan mo diyan. Ihahatid na muna kita sa inyo," sabi niya bigla sa akin. Hinintay niya ako na makahabol.
Pagkalapit ko sa kanya hinawakan niya ang kamay ko saka muling naglakad. Gusto ko magsalita pero wala ako masabi. Nakakabingi ang katahimikan. Gabi pa naman at wala na tao sa kalsada.
"Leigh..." tawag niya sa akin.
"Oh?"
"Kapag nasa Manila ka na, ayokong lumalapit ka sa ibang lalaki. Wag na wag ka magkakaibigan sa kanila," tinignan niya ako ng masama na parang sinasabi 'lagot ka sa akin kapag nakipagkaibigan ka sa lalaki.'
"Paano kung sila kusang lumapit sa akin?"
"Layuan mo sila. Wag ka makikipag-usap sa kanila," malakas na sabi niya. Medyo nagulat pa ako dahil sa pagsigaw niya.
"Okay?"
"Bakit parang hindi ka sigurado? Makikipagkaibigan ka pa rin no?" humarap siya sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at nagdududang tinigan.
"Bukas na tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing," kalmadong sabi ko. Hindi magandang makipagtalo sa isang lasing.
"Seryoso ako Leigh."
"Wala ka ba tiwala sa akin?"
"Meron siyempre."
"Ayun naman pala eh. Hindi mo kailangan mag-aalala. Hindi kita ipagpapalit sa iba. Okay na? Umuwi na tayo," pagtatapos ko sa isapan. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at binilisan ang paglalakad.
"Ayoko ng LDR..."
Ayaw niya ng LDR? Makikipaghiwalay ba siya sa akin dahil pupunta akong Manila?
"Aalis pa rin ako kahit ano sabihin mo."
"Hindi naman kita pipigilan sa gusto mo."
"Wag mo sabihing makikipaghiwalay ka sa akin dahil aalis pa rin ako?"
"Ha? Ano pinagsasabi mo? Lasing ka ba?"
"Ikaw ang lasing sa atin."
Minsan talaga ang gulo niya kausap. Tulad ngayon... tumawa siya bigla. Kanina lang ang drama niya ngayon ang saya niya.
"Hindi ka pa ba tapos tumawa? Gusto ko na umuwi," inis na sabi ko.
"Sorry. Hahaha. Ang layo nanaman ng narating ng isip mo. Ayoko ng LDR pero hindi ibig sabihin nun makikipaghiwalay ako," paliwanag niya.
"Dapat lang. Tatamaan ka sa akin kapag nakipaghiwalay ka sa akin dahil doon," pananakot sa kanya sabay taas ng kamao ko.
"Yes boss. Umuwi na tayo," inakbayan niya ako at sinabay sa paglalakad niya.
Sa wakas makakauwi na din ako.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top