CHAPTER 30
Leigh's POV
"Naiintindihan ko. Kung wala ang pandak na yan pwede na ako maging boss niyo," sambit ng baklang lion saka ito tumawa. Pumalakpak pa siya sa ako tinuro.
"Patayin ang babaeng yan!" seryosong utos niya. May nagsilabasan na panibagong armadong kalalakihan. Halos mapatingala kami sa tangkad nila at sa laki ng katawan nila. Unang tingin pa lang mahahalata mong foreigner sila. Humarang sila Sid sa harapan ko.
"Hey! Nandito pa kami. Dadaan muna kayo sa amin," sabi ni Sid.
"Nandito man si Leigh o wala never ka namin pipiliin. Ayaw namin sa bakla," sabi naman ni Xian.
"Jacey, Alas, mauna na kayong umalis. Sa amin nag-umpisa ang gulong ito," utos ni Sid.
"Hindi ako aalis! Hindi ako papayag na maiwan kayo. Kung hindi ako nadukot hindi manyayari ito," kontra ko.
"Leigh, mas importante ang kaligtasan mo," sabi sa akin ni Kei.
Tinignan ko si Jacey upang tanungin kung ano desisyon niya.
"Let's go!" hinawakan niya ako sa kamay para hilain pero hindi ako nagpahila.
"Ayoko! Hindi ako aalis dito!"
"Leigh, wag matigas ang ulo mo. Hindi na biro itong sitwasyon natin. Gusto ka nila patayin."
"Alam ko. Pero hindi ko iiwan ang kaibigan ko. Hindi ako aalis dito kahit mamatay ako."
"Leigh makinig ka nga sa akin kahit ngayon lang!" inis na sabi ni Jacey pero tinignan ko lang siya ng masama.
"Ayoko!"
Natigilan na lang kami nang paputukan kami. Kamuntik na ako matamaan. Mabuti na lang nahila ako ni Jacey at agad na niyakap.
"Nakita mo na! Delikado dito!" sigaw niya sa akin. Natahimik ako dahil gulat. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit kahit madalas kami magtalo. Natulala na lang ako sa kanya at bago pa ako makakilos binuhat niya ako saka tumakbo.
"No! Hindi ako aalis! Bitawan mo ko!" reklamo ko sabay hampas sa kanya. Subalit balewala ang ginagawa ko. Napatingin na lang ako kila Alas na nakasunod sa amin. Hawak niya sa kamay si Hailey.
"Professional ang mga iyon. Wala tayong laban sa kanila," sabi sa akin ni Alas. Napatingin na lang ako sa likod namin. Pilit na pinipigilan nila Sid ang mga gustong humabol sa amin hanggang sa mabaril si Kei.
"Kei! Jacey, si Kei nabaril!" sigaw ko. Naramdaman ko paghigpit ng kamay ni Jacey sa akin. Doon ko napagtanto na ayaw niya din umalis pero wala siya magagawa.
"Tara sa police station," seryosong sabi ni Alas.
"No! Pati sila kuya madadamay," kontra ni Hailey.
"Bumalik na tayo at tulungan sila. Jacey, balik na tayo," pangkukumbinsi ko pero ayaw niya ako pasinin. Mukhang wala ako magagawa kundi gawin ang bagay na yun.
Hinawakan ko siya mukha at pilit na hinarap ito sa akin saka ko siya hinalikan. Natigilan ito bigla sa pagtakbo. Gulat siyang napatingin sa akin dahil sa ginawa ko.
"Please," pagpapacute ko sa kanya. Namula bigla ang mukha niya. Napamura ito sabay tingin kila Sid na duguan na sa pakikipaglaban.
"Fine! Alas, iwan niyo na kami."
"Nasisiraan ka na ba? Kung hindi kayo aalis, hindi din ako," kontra ni Alas.
"Paano si Hailey?" tanong ni Jacey.
"Ayos lang ako. Ang totoo niyan, ayoko din iwan si kuya dito. Nakikiusap ako na tulungan niyo siya," pakiusap ni Hailey.
"Mukhang wala na ako magagawa. Tara Leigh! Ipakita natin sa kanila ang tunay na lakas natin," diterminadong sabi ni Jacey. Binaba na niya ako.
"Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo yan," masayang sabi ko. Pinatunog ko ang kamay ko.
May nakita akong track sa tabi namin. Nagtunggo ako doon saka ito tinulak. Sumunod naman sa akin si Jacey at tinulungan ako sa pagtulak.
"Dito kayo sa likod," sabi ni Jacey kila Alas.
Sa una mabagal ang pagtulak namin hanggang sa pabilis ito ng pabilis. Halos patakbo na ginagawa namin.
"May paparating na truck!" sigaw nila. Tumigil ni Jacey pagtulak. Hindi namin kita ang harapan.
"Tumigil? Sandali! Walang driver!" rinig kong sigaw nila. Hinanda namin ang baril na pinulot namin. Sumenyas si Jacey ng tatlong bilang sa daliri niya bago kami sumugod. Tinulungan nila ako makaakyat sa taas ng truck habang sila sa magkabilaang tumakbo sa gilid ng sasakyan.
Tumalon ako sabay paputok ng baril habang pabagsak ako mula sa langit! Bang! Bang! Bang!
"Hindi kami magpapatalo sa inyo!" sigaw ko. Babarilin na sana ako nang isa sa kanila ngunit sinipa ni Tyron ang kamay nito.
Nag-umpisa na din umatake sila Jacey at Alas. Umikot ako sa ere saka ko sinipa sa mukha ang isa sa malaking lalaki. Sunod-sunod ang ginawa kong pagsipa dito hanggang sa bumagsak ito. Nakatayo ako sa dibdib niya pagkatumba niya.
"Makikita niyo ang tunay na lakas ko!" sigaw ko at muling umatake.
"Two better than one," nakangiting sabi ni Jacey at saka ako tinulungan. Sa sobrang lakas ng suntok namin rinig namin ang pagtumog ng buto nila tuwing tinatamaan namin sila.
Nagtungo ako sa likod ni Jacey saka lumundag dito. Pumatong ako sa balikat niya at doon tumalon paitaas sabay sinipa ang sunod na target ko.
"Impossible! Ano ginagawa niyo? Dalawa lang sila! Pigilan niyo sila!" galit na sigaw ni Lion.
"Boss, malakas sila..." sagot ng isa sa napatumba nila.
"Wala ako pakialam. Tapusin ni--" bago pa matapos sa pagsasalita si Lion hinagisan ko ito ng sapatos ng kasamagan niya. Tumama ito sa mukha niya.
"Tama na ang utos. Kanina ko pa napapansin na hindi ka lumalaban. Kung gusto mo makuha sila Sid kailangan mo muna matalo ako. Bilang boss nila hinahamon kita. Kapag nanalo ako, titigilan mo sila Sid!" paghahamon ko.
"Hoy Leigh! Ano pinagsasabi mo? Wag ka maghanap ng away," kontra ni Jacey.
"Hindi ako naghahanap ng away. Saka seryoso ako."
Hinawakan ako sa balikat ni Sid.
"Hindi mo kailangan gawin yan. Manalo ka man o matalo hindi pa rin titigil si Lion. Sa pagkakantanda ko matagal na dapat tapos ito," aniya sabay tingin kay Lion.
"No! Ginagawa niya ito dahil hindi siya makapaniwala na ako ang pinili niyo. Kung mapapatunayan ko sa kanya na mas malakas ako sa kanya, madali na lang niya matanggap ang lahat. Kaya naman baklang lion hinahamon kita!"
"Tama ka. Tapusin na natin ito. Oras na matalo mo ko titigilan ko na sila pero kapag manalo ako akin na sila. Pati boyfriend mo," nakangising sabi ni Lion.
"Kung ganun mas gagalingan ko. Hinding-hindi ko sila ibibigay sayo."
Nag-umpisa na ako sumugod. Pansin ko na madali niya naiiwasan ang atake ko pero ganun din naman ako sa kanya. Habang patagal ng patagal pabilis ng pabilis ang kilos namin. Ang pinagkaiba nga lang mas lumakas ang atake ko dahil sa naiinis na ako habang wala pa rin pinagbago sa kanya.
Nasipa ko siya sa dibdib at tumalsik ito sa truck na tinulak namin kanina. Subalit hindi pa doon natatapos ang atake ko. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na natamaan siya. Sa labang ito kung sino unang tamaan siya ang talo. At mangyayari lang iyon kung hindi siya makakabawi. Hinila ko ang kuwelyo at saka siya pinagsusuntok hanggang sa makutento na ako.
"S-suko na ako. Ma...lakas ka nga," sambit ni Lion habang nakahiga sa sirang daan. Sa sobrang lakas ng suntok ko pati kalsada nagkaroon ng sira.
"Ikaw ang kauna-unahang hindi nawalan ng malay pagkatapos ko bugbugin," sambit ko.
Ngumiti lang ito at saka pumikit. Nawalan na yata ito ng malay.
"Congrats!" napatingin ako sa kaibigan ng pinsan ko. Pi
"Saan ka galing? Ngayon lang kita nakita?"
"Nagtago ako. Ayoko makisali sa gulo," bulong niya sa akin. Kinuhaan niya ng picture si Lion.
"Para saan yan?" tanong ko.
"Ipapakita ko sa pinsan mo. Ano kaya magiging reaction niya kapag sinabi ko na ikaw magawa nito. Pwede na kayo makaalis. Ako na bahala dito," pagtataboy niya sa amin.
"Salamat."
Nilapitan ko si Jacey. Natingin ako sa balikat niya kung saan nakapatong sina Kei at Ryden. Para siyang nagbubuhat ng sako ng bigas. Inalalayan naman ni Hailey si Sid. Ganun din ang ginawa ni Alas kay Xian. Tinignan ko si Blue na nakaupo lang.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko sa kanya.
"Ako na bahala sa kanya," sabi sa akin ni Tyron. Sugatan din ito pero mas nakakatayo pa ito kumpara sa iba. Inakbay niya sa kanya si Blue saka ito sumunod kila Jacey.
Nagtunggo kami sa ospital. Wala kami pinagsabihan sa nangyari. Pagkatapos ng lahat ng nangyari isang balita ang kumalat tungkol sa isang babae na tumalo sa pinakamalakas na gangster. Tinawag nila itong "the strongest girl".
"Sikat ka na Leigh," natatawang sabi ni Xian pagkatapos malaman ang balita. May kukamalat din kasi na picture ko habang nakaapak kay Lion. Mabuti na lang nakatalikod ko. Kapag nalaman ko kung sino nagpakalat nito, lagot siya sa akin.
"Sino sa tingin niyo ang may kasalanan? Kapag nalaman ito ni Mama, lagot ako. Tapos na ang tahimik kong buhay," napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kamay ko.
Simula ng kumalat ang balita marami ang humahanap sa akin. May iilan na nakakilala sa akin kaya hindi maiwasang may humamon sa akin tuwing nasa labas ko. Pero sa huli si Jacey ang nakikipaglaban sa kanila. Kailangan muna daw siya matalo bago ako makalaban.
"Sorry. Kasalanan namin kung bakit ka napasok sa mundo ng mga gangster," sabi sa akin ni Sid.
"Ayos lang. May iba pa naman paraan para bumalik sa dati ang tahimik kong buhay," makahulugang sabi ko. Tinignan ko si Jacey. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang final decision ko tungkol sa pag-aaral ko sa Manila.
"Sa Manila ako mag-aaral ng college. After graduation pupunta ako doon," sabi ko sa kanila pero nakatingin lang ako kay Jacey.
"Sorry," sabi ko sa kanya saka sila iniwanan sa ospital. Alam ko na kontra pa rin siya sa desisyon ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top