CHAPTER 22

CHAPTER 22

Leigh's POV

"Ayan na sinasabi ko. Mapapahamak lang si Leigh sa pagiging leader niya," sambit ni Jacey sa mga kasama niya. Ayan bungad niya nang makarating siya sa computer shop. Nabalitaan na niya kasi yung nangyari kanina.

"OA mo naman. Wala pa ngang nangyayari sa akin," pagtatanggol ko kila Kei.

"Eh ano? Hihintayin niyo mo pa na may masamang mangayari bago niyo gawan ng paraan? Ikaw na ngayon pinaghahanap ng mga kaaway namin. Hindi na kami. Ikaw na target nila," sagot niya sa akin.

"Bakit sa akin ka nagagalit? Ako ba nakaisip na gawin akong leader? Kung hindi kayo nakipag-away noon hindi kayo hahabulin ng mga gangster," inis na sabi ko. Ako dapat manermon sa kanya ngayon dahil sa picture na post niya.

"Oo na kasalanan na namin. Malay ba namin na gangster sila. Saka kung hindi ka naman pumayag maging leader hindi ito mangyayari."

"Ako pa ngayon sinisisi mo? Ako pa may kasalanan? Kayo diyang namilit na gawin  akong leader."

"Pwede ka naman tumanggi."

Nagtinginan kami ng masama. Ako ba talaga may kasalanan? Hindi ko nga alam kung sino ba yung nakaaway nila ngayon.

"Wag na tayo masisihan. Walang may gusto na mangyari ito. Wala tayo mapapala kung magtuturuan tayo. Ang masabuti pa umuwi na muna tayo para makapag-isip," suhestiyon ni Tyron.

"Uuwi na talaga ako. Bahala kayo," sabi ko dahil wala na ako sa mood. Sirang-sira na.

"Hatid na kita-I mean namin. Samahan ka na namin pauwi," sabi ni Kei. Hindi na ako sumagot at hinayaan silang sumunod sa akin.

"Sigurado ba kayo dito bahay niya?" natigilan ako nang may makita akong grupo ng kalalakihan sa tapat ng bahay namin. Bigla akong hinila ni Jacey  para magtago kasama nila.

"Paano nila nalaman yung bahay namin? Kapag nalaman ni Mama yung tungkol dito. Lagot ako," natarantang sabi ko. Hindi ko inaasahan na aabout sa ganito na pupunta pa sila sa bahay.

"Wag ka na muna umuwi. Doon ka muna sa bahay," suhestiyon ni Jacey.

"Hindi pwede. Bakit doon sa inyo? Doon ka na muna sa kaibigan mong babae," kontra ni Kei.

"Ayoko. Baka madamay pa si Dianne," sabi ko naman.

"Doon ka na lang kila Sam. Hindi ka naman kilala ng daddy niya kaya pwede ka doon," suhestiyon ni Sid.

"Mas mabuti pa nga kaysa kila Jacey," pagsang-ayon ni Xian.

"Grabe kayo. Wala naman ako gagawin sa kanya. Saka hindi naman iyon yung unang beses na matutulog siya sa amin," reklamo ni Jacey.

"Ssshhh. Wag ka maingay baka makita nila tayo," sabi sa kanya ni Blue. Hindi na siya nakaimik pagkatapos nun.

Pasimple kaming umalis doon para hindi kami makita. Nagpunta kami sa isang malaking bahay. Sa gate pa lang kami parang ayaw ko na tumuloy.

"Maiwan ka na namin dito. Ikaw na lang magdoorbell. Baka makita pa kami ng Daddy ni Sam. Wag ka mag-aalala nasabihan ko na si Sam tungkol dito," paalam ni Sid.

"Sige. Salamat," pagpapasalamat ko.

"Leigh, tawagan mo ko kung nagbago na isip mo," sabi naman ni Jacey.

"Tara na umuwi na tayo!" hila naman sa kanya ni Kei. Pinulupot niya yung braso niya sa leeg ni Jacey saka ito hinila. Kaya nakayuko si Jacey habang naglalakad sila.

"Bye Leigh! Goodnight!" pahabol na paalam sa akin ni Kei bago sila umalis.

"Leigh! Ano pa ginagawa mo diyan? Kanina pa kita hinihintay sa loob. Buti na lang lumabas ako. Pasok ka," sabi ni Sam. Kamuntik pa ako may masabing hindi maganda dahil sa gulat ko sa kanya. Bigla pa naman siya magsalita sa likod ko.

"Nandyan ba daddy mo?" tanong ko habang papasok kami. Base kasi sa kwento nila Sid mukhang  nakakatakot daddy niya. Kinakabahan tuloy ako.

"Mamaya pa uuwi yun. Saka wag ka mag-aalala sa lalaki lang galit yun," tugon niya.

Pagkapasok namin sa bahay nila, ang tahimik. Ang laki ng bahay pero walang tao.

"Ikaw lang mag-isa ngayon?" tanong ko.

"Dalawa kami. Ako saka si yaya. Ang tahimik no? Kaya naboboring ako dito sa bahay. Wala man lang ako makausap," pagkukwento niya.

"Dito kwarto mo. Pinaghanda na kita ng masusuot," aniya nang makarating kami sa isang kwarto. Tinignan ko yung sinasabi niyang damit.

"Mukhang bago pa ito ah," pansin ko.

"Binili ko yan dati pero hindi ko nasuot dahil masikip sa akin. Sayo na lang," paliwanag niya.

"Salamat," pagpapasalamat ko.

"Magbihis ka na. Ayun cr." turo niya sa isang pinto sa kwarto. "Kung may kailangan ka pa katukin mo lang ako sa kabilang kwarto," sabi pa niya bago umalis.

Nagbihis na ako at nahiga sa kama. Biglang tumunog cellphone ko.

"Hello Kei," sagot ko sa tawag.

"Kamusta?" tanong nito.

"Ayos naman."

"Nandyan na ba daddy ni Sam?"

"Wala pa. Nakakatakot ba talaga daddy niya?" tanong ko.

"Sobra. Mas nakakatakot pa kay Sam," tugon niya.

"Seryoso? Parang gusto ko na tuloy umuwi."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Wag ka mag-alala sa amin lang masungit yun. Akala niya kasi inaagaw namin si Sam sa kanya."

"Ah! Akala ko masungit sa lahat."

"Leigh," tawag niya bigla na may seryosong tono.

"Bakit?"

"Mag-iingat ka palagi. Lagay mo sa speed dial number ko para matawagan mo ko agad kapag kailangan mo ng tulong. Sige. Bye na," aniya sabay tapos ng tawag niya.

"Leigh, kakain na!" tawag sa akin ni Sam. Oo nga pala hindi pa ako nghahapunan. Puro snacks lang yung kinain ko.

Lalabas na sana ako nang may tumawag nanaman.

"Hello?" sagot ko.

"Ano ginagawa mo? Bakit hindi kita matawagan kanina?" bungad sa akin ni Jacey.

"May kausap kasi ako kanina. Bakit ba?"

"Sino?"

"Si Kei. Bakit ka tumawag?"

Kailan niya kaya balak sagutin tanong ko?

"Ano pinag-usapan niyo?"

"Wala. Nangamusta lang."

"Kumain ka na ba?" tanong niya bigla.

"Kakain pa lang. Hinihintay na ako ni Sam. May sasabihin ka ba?" tugon ko.

"Wala. Sige kain ka na. Tawagan na lang kita mamaya," pagkasabi niya nun binabaan na niya ako. Feeling ko may gusto siyang sabihin. Ano kaya yun? Hintayin ko na lang tawag niya mamaya.

*****

Third Person's POV

Pagkahatid nila kay Jacey kay Leigh sa bahay nila Sam, nagsiuwian na sila. Maliban sa dalawa.

"Anong plano mo?" tanong ni Tyron kay Sid habang naglalakad sila patungo sa tambayan nila noong highschool pa sila.

"Hindi ko alam. Matagal na tayo tumigil sa pakikipagbasag-ulo. At ayoko na balikan yun," tugon ni Sid.

"Pero nadadamay na sila Leigh. Wala ka ba balak sabihin sa kanila yung nakaraan natin? Ang alam lang nila hinahabol tayo ng mga gangster dahil doon sa pagligtas natin kila Sam."

"Hindi na nila kailangan malaman yun. Nakaraan na yun at wala na ako balak balikan yun."

"Sabi na nga ba didiretso kayo dito," sabi ni Ryden  habang palapit ito.

"Akala ko umuwi ka na?" gulat na tanong ni Sid.

"Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kaya naisipan ko muna pumunta dito para makapag-isip," tugon nito. Umupo ito sa lumang sofa nila at pinagmasdan ang mga nakapinta sa mga pader. Guhit ito ng mga mukha nila na may nakasulat pang pangalan nila.

"Nakakamiss yung noon na wala tayong ibang ginawa kundi makipag-away sa mga gangster noon," pagbabalik-tanaw  nito sa nakaraan nila.

"Gusto mo ba bumalik sa dati?" tanong ni Sid.

"Nangako tayo sa isa't - isa na hindi na magbabagong buhay na tayo pagkatapos natin ng Highschool at tutuparin ko yun."

Napangiti si Sid sa sinabi  nito dahil parehas sila ng iniisip.

"Pero yung pakikipaglaban sa kanila para protektahan ang kaibigan natin, iba naman yun. Kung noon nakikipag-away tayo ng walang dahilan, ngayon may dahilan na tayo. Sid, kung lalaban tayo ngayon hindi naman ibig-sabihin nun na bumabalik tayo sa dati," dugtong nito. Napatingin si Tyron kay Sid. Sang-ayon ito sa sinabi ni Ryden. Para sa kanya walang masama makipaglaban kung para naman sa iba.

"Hindi tayo si superman para gawin yun," kontra ni Sid.

"Para lang naman kila Leigh. Ikaw kaya nakaisip na magpanggap siyang leader natin," pangkukumbinsi ni Ryden.

"Alam ko. Bigyan niyo ko ng araw para makapag-isip. Sa ngayon iilayo muna natin si Leigh sa kanila," tugon ni Sid.

Samantala sa kabilang dako, habang naglalakad ang sina Blue at Xian hindi na mapigilan mapag-usapan  tungkol sa nakaraan nila.

"Hoy Blue, tingin mo kaya hinahanap nila si Leigh dahil sa atin?" tanong ni Xian.

"Siguro. Matindi galit nila sa grupo natin kaya sigurado gagawa sila ng paraan para makaganti," tugon ni Blue.

"Ano kaya plano ngayon ni Sid? Hindi naman niya siguro pababayaan sila Leigh."

"Kung ikaw na sa sitwasyon ni Sid, ano gagawin mo?"

"Aba siyempre lalabanan ko sila para matapos na lahat. Kahit ano naman iwas natin, habol pa rin sila habol."

"Pero hindi na tayo tulad dati."

"Yeah. Pero sana naman sabihin niya yung totoo kila Leigh. Para alam nila kung anong klaseng tao yung kinakaibigan nila," pagsang-ayon ni Xian. Pare-pareho silang ayaw na bumalik sa dati.

"Hindi lang yan ang problema. Si Kei. Tingin mo ba palalampasin niya ito? Alam naman natin na may gusto yun kay Leigh," sambit ni Blue.

"Isa pa yun. Wag sana siya gumawa ng ikapapahamak niya."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top