CHAPTER 19
CHAPTER 19
Jacey's POV
"Ang tagal naman ni Leigh. Baka naligaw na yun," naiinip na sabi ni Xian.
"Malapit na daw siya," sabi ko.
"Ayun na pala siya. May kasama siyang lalaki," turo ni Blue kay Leigh. May kausap itong lalaki na nakatalikod sa amin habang si Leigh nakaharap. Kalahati lang ng mukha ni Leigh yung kita ko dahil natatakpan siya nung lalaki. Lumapit ako sa kanila.
"Nandito ka na pala. Hindi mo sinasabi," sambit ko nang makalapit ako. Hindi ko pinansin yung kausap niya. Ayaw ko na siyang tignan dahil alam kong mas gwapo ako sa kanya.
"Palapit na nga ako sa inyo, may pinag-usapan lang kami saglit ni Ku--" tugon niya pero hindi natapos dahil nagsalita bigla yung lalaking katabi ko.
"Jacey, kamusta? Long time no see," aniya sabay akbay sa akin.
"Paul, ikaw pala yan. Akala ko naman kung sino na yung lalaking kausap ni Leigh."
"Bakit? Selos ka? May hindi ba ako alam?" tanong niya.
"Niligawan ko na siya bro," bulong ko.
"Ah! Kayo ah! Nawala lang ako nagligawan na kayo. Tsk.tsk," pang-aasar niya sa amin.
"Kuya naman," sambit ni Leigh.
"Maiwan ko na kayo. Makikipagkita pa ako sa girlfriend ko. Leigh, text na lang kita kung saan tayo magkikita mamaya. Bro, ikaw na bahala sa pinsan ko," paalam niya sa amin. Hindi ko man lang siya napakilala kila Sid.
"Sino yung lalaking kausap niyo?" tanong ni Xian.
"Si Kuya Paul... pinsan ko," tugon ni Leigh.
"Ah! Kumpleto na tayo. Tara na."
Nanonood kami ng horror movie.
"Aaahhhh!" sigaw ni Leigh sabay takip ng mukha. Ang cute niya. Hahaha. Sumisilip na lang siya sa kamay niya dahil sa takot. Ilang saglit pa napakapit siya sa akin sabay tago ng mukha niya sa bandang balikat ko. Matatakutin talaga si Leigh sa multo.
"Leigh, ayos ka lang?" tanong ni Alas na katabi din Leigh. Napapagitnaan kasi namin si Leigh.
"Oo. Ayos lang ako," sagot ni Leigh sabay upo ng maayos. Subalit may multo nanamang nagpakita kaya muli siyang napakapit sa akin saka nagtago sa bandang balikat ko. Pagkatapos namin manood kumain na muna kami.
"Hinay-hinay lang Leigh. Hindi ka mauubusan," sabi ko.
"Nagutom ako. Bakit ba?" sagot niya sa akin. Takaw talaga niya.
"Dude, ang gaganda nung bagong pasok," turo ni Xian sa mga bagong pasok na limang babae. Natulala na ako sa kanila, paano pa naman kasi ang tatangkad, ang puputi tapos sexy pa. Hindi ko namalayan na sinundan ko na pala sila ng tinggin hanggang sa biglang kalabog ng mesa namin at sabay kami napatayo dahil nasira ito.
"L-leigh," kinakabahang sabi ko. Paano pa naman kasi ang sama ng tingin niya sa akin tapos alam ko siya yung sumira sa mesa.
"Excuse me? Ano nangyari dito?" tanong ng manager sa amin.
"Luma na yata itong mesa niyo. Nasira na lang bigla pagkapukpok ko. Magkano po ba ito? Babayaran ko," pakikipag-usap ni Leigh habang nakangiti.
"Ma'am bago lang po yan. Mga nasa 3,500 po yan," sagot nito.
"3,500 lang pala. Hahaha," tawa ni Leigh pero alam kong pilit. Nilingon niya ako.
"May pera ka?" tanong niya sa akin. Umiling ako bilang tugon. Gusto ko man siya tulungan peri wala akong pera.
"Ako na magbabayad," napatingin kami kay Kei nang magsalita ito. Binayaran niya yung 3,500 habang si Sid naman binayaran yung mga pagkain na in-order namin.
"Sorry guys," pagsosorry ni Leigh nang makalabas kami.
"Ayos lang. Wag mo na isipin yun," tugon ni Sid.
"Salamat Kei sa pagbayad doon sa nasira ko. Kapag nakasahod na ako sa part time job ko babayaran kita," pagpapasalamat nito.
"Kahit wag na," nakangiting sagot ni Kei.
"Hindi ako papayag. Babayaran kita. Kasalanan ko kung bakit nasira yun. Hindi ko kasi nacontrol yung inis ko sa isa diyan," sambit ni Leigh. Napatingon tuloy sa akin sila Sid. Ako nanaman may kasalanan.
"Ano nanaman ginawa ko?" tanong ko. Pero hindi ako sinagot ni Leigh. Tumuloy lang siya sa paglalakad.
"Nagseselos yan doon sa mga babaeng tinititigan mo kanina," bulong ni Blue. Patay! Nakita niya pala yun? Akala ko sa pagkain lang siya nakatutok.
*
*****
Leigh's POV
Kainis! Kung makatingin siya doon sa babae kanina, parang gusto na niya lapitan. Siguro kung hindi nila ako kasama, pinormahan na niya. Hindi naman maganda yung mga yun, mapuputi lang.
"Leigh," tawag sa akin ni Jacey.
"Ang cute nung panda," sabi ko sabay lapit doon sa nadaanan namin shop na puro teddy bear. Hindi ko pinansin si Jacey dahil badtrip ako sa kanya.
"Leigh naman oh," pangungulit niya sa akin. May nakita akong unggoy na teddy bear.
"Parang may kamukha ito," sabi ko sabay kuha doon. Tinabi ko ito kay Jacey na kasalukuyang nakasimangot.
"Sabi na nga ba. May kamukha siya. Hindi naglalayo itsura niyo," sambit ko.
"Oo nga no? Mukha ka palang unggoy," sabi naman ni Xian.
"Gwapo ko namang unggoy," tugon ni Jacey.
"Tara dito tayo. Ang cute," sabi ng isang babae sa mga kasama niya. Pumasok din sila sa loob ng shop tapos yung babae kinuha yung unggoy din na teddy bear.
Napakunot na lang ako ng noo dahil yung nga babaeng pumasok yung tinitignan ni Jacey. Sinamaan ko ng tingin si Jacey nang mapansin kong nakatingin siya sa doon.
"Lapitan mo na. Nahiya ka pa," sarcastic na sabi ko. Binalik ko yung kinuha kong teddy bear saka lumabas. Badtrip. Bakit ba lagi na lang dumadating yung nga yun? Kung nasaan kami, nandoon dib sila. Sinusundan ba nila kami?
"Leigh!" tawag sa akin ni Jacey.
"Wag mo ko susundan. Uuwi na ako," sabi ko sa kanya.
"Mamaya ka na umuwi. Usap muna tayo."
"Ayaw kita kausap. Kung gusto mo ng kausap, puntahan mo yung mga babae kanina. Gusto mo naman sila eh."
"Hindi ko sila gusto. Ikaw lang gusto ko."
"Wag mo ko pinagloloko. Hindi yan uubra sa akin."
"Hindi kita niloloko. Seryoso ako sayo."
"Seryoso ka? Sige nga patunayan mo," panghahamon ko.
"Paano ko ba mapapatunayan?" tanong niya.
"Bahala ka mag-isip," tugon ko. Nag-umpisa na ako maglakad ulit.
"Leigh," tawag niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Pagharap ko sa kanya agad niya ako hinila palapit sa kanya at hinalikan. Nanigas ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Ito kasi yung kauna-unahang beses na may humalik sa akin in public.
"Wala akong maisip ibang maisip na paraan para mapatunayan na mahal kita," aniya pagkatapos ako hinalikan.
Dahil hindi ko din alam kung ano gagawin ko sinuntok ko na lang siya.
"Sabi na nga ba ganyan gagawin mo. Alam ko na galawan mo," aniya pagkatapos niya ito iwasan. Medyo nainis ako dahil hindi ko siya natamaan kaya sumuntok ulit ako pero naiwasan nanaman niya.
Inatake nang sunod-sumod pero ayun naiwasan niya lahat ng atake ko. Sumipa at sumuntok na ako pero wala man lang tumama. Bakit ganun? Parang nababasa niya gagawin ko?
Tinignan ko siya ng masama dahil naiinis ako na hindi ko siya nabubugbog. Sumugod ako ulit. Tumagilid siya bigla saka hinawakan ang kamay ko sabay hawak sa bewang ko gamit ang isa pang kamay niya.
"I love you," bulong niya. Nang bitawan niya ako napaupo na lang ako sa sahig. Parang nanghina tuhod ko dahil sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.
"Hoy ikaw! Sinong nagsabi na halikan mo ko?! Ha? May pa-I love you ka nalalaman diyan. Akala mo naman maidadaan mo ko diyan," sabi ko sa kanya.
"Bakit? Hindi ba?" tanong niya habang malapit ang mukha niya sa akin.
"Layo mo nga mukha mo sa akin baka nasapak ko yan," sabi ko sabay tulak sa mukha niya.
"Hindi mo nga ako matamaan eh," pang-aasar niya.
"Hindi pala ah," sambit ko saka pumosisyon na katulad ng posisyon kapag umpisa ng paligsahan sa takbuhan. Tinignan ko siya ng matalim kaya napaatras siya bigla.
"Humanda ka sa akin," sabi ko saka tumakbo palapit sa kanya. Mahahawakan ko na sana siya nang humarang si Sid.
"Tama na yan. Gumagawa na kayo ng eksena," aniya kaya napatingin ako sa paligid. Dami na palang nanonood sa amin. Nahiya tuloy ako bigla. Yumuko ako sabay ayos ng tayo.
"Labas na tayo," sabi ko sa kanila.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Blue nang makapalabas kami.
"Hindi pa ako pwedeng umuwi. Hihintayin ko pa pinsan ko," sabi ko.
"Edi sasamahan ka namin maghintay," sabi ni Jacey.
"Hanap tayo ng tatambayan," suhestiyon ni Ryden. Habang naghahanap kami ng matatambayan dito sa labas, bumili muna kami ng makakain.
"Hindi siguro dito mapupunta yung mga babae kanina," sabi ko nang makakita kami ng mauupuan.
"Ayun ang akala mo. Ayun sila oh," turo ni Alas sa mga babae
"Pati pa naman dito," napabuntong hininga na lang ako.
"Sinusundan yata nila tayo. Iba talaga kapag gwapo," sabi naman ni Xian.
"Pansin ko nga. Pasulyap-sulyap sila sa atin," sambit ni Kei.
"Halata naman na type nila kayo," komento ko. Kaya ako naiinis. Napapansin kong nagpapacute sila. Hindi ko lang alam kung kanino. Kapag nalaman kong kay Jacey sila nagpapacute, humanda sila sa akin.
"Salamat. Nakita rin namin kayo," sabay kami napalingon sa nagsalita.
"Sam," sabay na sabi nila.
"Kayong walo. May balak pala kayo pumunta dito, hindi niyo man lang kayo nagyaya," galit na sabi ni Sam habang pinapatunog yung kamay niya. Biglang nagdikit-dikit silang pito maliban kay Sid.
"Sid, pigilan mo yang girlfriend mo," kinakabahang sabi ni Xian. Hindi ko akalain na takot talaga sila kay Sam.
"Hailey, ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Sid sa kapatid niya.
"Naghila ako ni Sam. Dalhin ko daw siya kung nasaan kayo," tugon nito.
"Aray Sam! Tama na," sigaw ni Xian habang pinipilipit ni Sam yung isang kamay niya. Tumigil na ito saka lumapit sa amin habang si Xian naiwang nakaupo. Kawawang Xian.
"Hi Leigh," nakangiting sabi niya sa akin. Inakbayan niya ako saka bumulong. "Ano? May mga babae bang lumapit sa kanila?"
"Wala naman. Pero may nasunod sa amin," tugon ko.
"Saan? Sugurin na ba natin?" tanong niya.
"Gusto ko sana pero wag muna hanggang hindi sila nalapit," tugon ko.
"Awww!" sabay na sabi namin nang batukan kami ni Sid.
"Tigil niyo yang binabalak niyo. Ayoko ng gulo," sermon niya sa amin.
"Wala naman kaming binabalak. Nag-uusap lang kami. Haaay. Nagugutom ako. Kain tayo," tugon ni Sam sabay hila sa amin. Okay. Wala na yata kami ibang ginawa kundi kumain.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top