CHAPTER 18

CHAPTER 18

Jacey's POV

"Umaga na wala ba kayong balak umuwi? May pasok pa tayo," tanong ko kila Alas na nakatulog na dito sa kwarto ko dahil sa kalasingan.

"Wag na tayo pumasok," tugon ni Xian saka natulog ulit.

"Jacey, gising ka na ba? Nandito si Leigh. Papasukin ko na labg sa kwarto mo," sigaw ni Mama. Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Leigh. Hindi pa nga niya mabuksan ng malaki yung pinto dahil nakaharang si Blue. Nakasilip lang siya.

"Anong meron?? Bakit nandito sila?" tanong niya nang makita sila Sid.

"Wala nagkayayaan lang kagabi," tugon ko sabay sipa kay Xian. Siya kasi malapit saka alam kong gising siya.

"Bumangon na kayo diyan. Nandito si Leigh," sambit ko saka isa-isa silang pinaghahampas ng unan peri walang ni isa ang gumalaw.

"Ako manggigising sa kanila. Papasukin mo ko," sabi ni Leigh. Nanlaki ang mata ko. Masakit pa naman manggising si Leigh.

"Ako na lang. Xian hoy! Kung ayaw niyo mabalian ng buto bumangon na kayo diyan. Wag niyo hintayin si Leigh gumising sa inyo" sigaw ko at ayun nagsigalaw sila.

"Good Morning Leigh," bati ni Kei sa kanya. Pinabuksan siya ng pinto ni Blue nang bumangon ito.

"Good Morning," tugon ni Leigh.

"Hindi ka pumasok?" tanong ko.

"Hindi. Pupunta ako ngayon sa Manila para sa exam ko," tugon niya.

"Ah! Wag ka sana pumasa," sabi ko.

"Thank you ah? Salamat sa suporta," sarcastic na sabi niya.

"Wag ka na kasi tumuloy," inis na sabi ko. Akala ko pa naman mapipigilan ko na siya dahil sa pagtapat ko. Hindi din pala.

"Wala pa naman eh. Exam pa lang ito," sagot niya.

"Alam ko naman na papasa ka," sabi ko. Matalino siya. Hindi malabong pumasa siya.

"Pero sana hindi talaga," habol ko. Kahit alam kong pagiging makasarili na hilingin yun.

Nakatikim ako ng isang malakas na batok sa kanya.

"Kapag ako bumagsak ikaw may kasalanan."

"Bakit kasalanan ko? Kapag bumagsak ka ibig sabihin gusto ni lord na dito ka na lang kasama ko."

"Hindi. Minalas lang talaga ako dahil sayo. Alis na nga ako. 3 days ako mawawala ah," paalam niya.

"Naks! Pumunta ka pa talaga dito para magpaalam sa kanya," komento ni Xian.

"Hindi no. Baka hanapin niya ako sa bahay habang wala ako. Kaya sinasabi ko na sa kanya," tugon niya.

"Goodluck sa exam mo. Kaya mo yan," nakangiting sabi ni Kei sabay hawak sa ulo ni Leigh.

"Buti ka pa Kei. Yung isa diyan badluck yung binibigay," tugon ni Leigh. Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Wag ka mag-aalala hindi yan uubra sa aming pito. Mag-isa lang siya," tumatawang sabi ni Blue. Grabe. Mga kaibigan ko ba talaga sila?

"Salamat Blue. Kapag pumasa ako ililibre ko kayong pito ng kwek-kwek," sabi ni Leigh.

"Umalis ka na nga. Dami mo pang sinasabi," inis na sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng kwarto.

"Oo na aalis na ako. Hindi mo kailangan manulak. Bwisit ka talagang lalaki ka," inis na sabi niya.

"Mahal mo naman," nakangiting sagot ko para maasar siya.

"Bwisit!" tugon niya sabay hampas sa akin bago umalis.

"Ingat ka," sigaw ko. Ayaw ko na siya sundan. Baka mamaya hindi lang hampas makuha ko.

"Ayos ah. Kakaiba lambingan niyo," komento ni Ryden. Nakatingin pala sila sa amin sa may pintuan.

"Kayo din. Umuwi na kayo. Maglilinis pa ako ng kalat niyo," pagtataboy ko sa kanila.

"Mamaya na. Tinatamad pa ako," sagot ni Xian sabay higa sa higaan. Yung iba naghanap ng kanya-kanyang pwesto sa kwarto ko.

"Wag niyo sabihin na wala talaga kayong balak pumasok?" tanong ko.

"Wala nga," sabay na sagot nila. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang extended yung pagtambay nila dito sa bahay.

"Parang gusto ko din pumunta sa Manila," sabi bigla ni Ryden.

"Oo nga. Para maiba naman yung environment natin," pagsang-ayon ni Xian. Parang alam ko na sunod na mangyayari ah.

"Puro air pollution meron doon. Gusto niyo pa rin ba pumunta?" tanong ni Tyron.

"Ayos lang. Gusto ko makita yung sinasabi nilang luneta," tugon ni Xian.

"Bakit hindi tayo pumunta  ngayon doon?" tanong ni Sid.

"May pasok pa tayo bukas," singit ko.

"Ayos lang yan. Tapos na naman exam. Ano? Punta tayo?" kontra ni Xian.

"Tinatanong pa ba yan. Wag natin isama si Jacey kung ayaw niya," tugon ni Ryden.

"Sino naman nagsabing hindi ako sasama? Sasama ako," sabi ko.

"Sayang! Akala ko makakaporma na ako kay Leigh," sambit ni Kei.

"Tigilan mo nga si Leigh," sabi ko sa kanya.

"Ikaw ba Alas? Ayos lang ba na mawala ka ng 3 days?" tanong ni Sid kay Alas.

"Ayos lang," tugon nito.

"Okay. Kita na lang tayo sa sakayan," nakangiting sabi ni Xian. Nagsitayuan na sila. Kung kanina tinatamad sila kumilos, ngayon ang bilis nila. Basta galaan talaga ginaganahan sila.

******

Leigh's POV

Nakakainis talaga yung lalaking yun. Alam niya talaga kung paano ako inisin. Bakit ko ba kasi siya nagustuhan? Kainis.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap. Naayos mo na ba gamit mo?" tanong ni Mama pagdating ko sa bahay.

"Pinuntahan ko lang po si Jacey. Opo, naayos ko na po kagabi," tugon ko.

"Sige. Magbibihis lang ako tapos aalis na tayo," aniya dahil kasama ko siyang pupuntang Manila tapos sa pag-uwi ako na lang mag-isa. Iiwanan niya kasi ako doon kaya ituturo na daw niya kung ano sasakyan ko.

Kinuha ko na gamit ko sa kwarto saka hinintay si Mama. Habang naghihintay ako, napaisip ako sa sinabi ni Jacey. Nagdadalawang isip na talaga ako kung tutuloy ako pero sayang kasi. Bahala na nga.

Hindi naman nagtagal lumabas na si Mama at nagpunta na kami sa Manila. Pagdating namin sa bahay ni tita grabe ang pagod ko. Hindi na nga ako nakakain at natulog na lang. Pagkagising ko doon lang ako kumain. Tinignan ko cellphone ko. Nagtext pala sa akin si Jacey.

"Nasa Manila na kayo?" text niya sa akin.

"Oo," reply ko sa kanya.

"Wag ka makikipag-usap sa kahit sinong lalaki diyan," pabala niya sa akin.

"Ayoko nga," tugon ko.

"Kapag nakipag-usap ka, sasapakin ko yung lalaki."

"Wala ka naman dito. Paano mo masasapak?"

"Nasa Manila ako."

Napatayo ako bigla nang mabasa ko text niya. Nasa Manila siya? Paano? Kailan?

"Wag mo nga ako pinagloloko. Sapakin kita diyan pagbalik ko," sagot ko.

"Seryoso ako. Kasama ko sila Sid. Tignan mo pa sa Fb," aniya kaya nag-online ako agad. At ayun nakita ko ang picture nilang walo sa may Luneta. Alam ko sa Luneta yun kahit hindi pa ako nakakapunta doon. Tinawagan ko si Jacey.

"Ano ginagawa niyo dito sa Manila?" tanong ko sa kanya nang sagutin niya tawag ko.

"Ano pa ba? Edi sinundan ka. Tatlong araw din kami dito," sagot niya.

"Diba may pasok pa kayo?"

"Bakit? Ikaw lang ba pwedeng mag-absent?

"Hello Leigh!" rinig kong sigaw ni Xian.

"Kita tayo sa MOA bukas. Ililibre daw tayo ni Sid," pag-iimbinta ni Jacey.

"Sige para mabatukan kita," sagot ko.

"Ayos lang basta makita kita kahit sapakin mo pa ako," banat niya.

Nagsitaasan balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ako sanay na ganun siya sa akin. Mas sanay ako na inaasar niya ako. Pero inaamin kong kinikilig din ako.

"Sasapakin talaga kita kapag nagkita tayo. Anong oras ba?" tanong ko.

"Mga 2pm," tugon niya.

"Okay."

"Alam mo ba papunta doon?"

"Magpapaturo ako kila tita. Bye na."

"Sige bye."

Pagkababa ko ng cellphone saktong dumaan pinsan ko.

"Kuya Paul," tawag ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad.

"Bakit?" tanong niya.

"Paano pumunta ng MOA?" tanong ko.

"Ano gagawin mo doon? Mag-isa ka lang pupunta?" tanong niya.

"Makikipagkita ako kila Jacey," sagot ko. Kilala  naman niya si Jacey. Kaya ko nga nakilala si Jacey dahil sa kanya. Sila talaga magkaibigan. At simula nung lumipat sila Tita dito sa Manila lalo kaming naging close ni Jacey.

"Nandito si Jacey Manila? Ano ginagawa niya dito?" tanong pa niya. Ang dami niyang  tanong. Hindi na lang sagutin  tanong ko.

"Hindi ko alam doon," sagot ko na lang.

"Anong oras ba kayo magkikita? Samahan na lang kita,"

"2pm daw."

"Sige. Samahan na lang kita. Tagal ko na din hindi nakikita yung siraulong yun."

"Wala ka ba pasok bukas?"

"Halfday lang ako bukas."

"Ah sige kuya. Salamat," nakangiting sabi ko. Sigurado matutuwa si Jacey kapag nagkita sila. Hindi ko na muna sasabihin sa kanya.

Bumalik na ako sa kwarto ko pasamantala para magreview. Wala naman ako ibang gagawin kaya mag-aaral na lang ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang tumawag si Jacey.

"Ano nanaman?" tanong ko agad sa kanya.

"Namiss din kita," tugon niya.

"Baliw."

Narinig ko ang mahinang tawa niya. Mang-iinis nanaman ito.

"Ano ginagawa mo?"

"Nagrereview."

"Sakto pala yung pagtawag ko. Wag ka na magreview. Lalo kang papasa  niyan eh."

"Siraulo ka talaga."

"Sayo lang naman ako ganito."

"Ano ba nakain mo? Bakit ka ganyan?"

"Siomai."

"Wag ka na ulit kakain nun. Lalo kang nagiging siraulo."

"Sa lahat ng siraulo ako na pinakagwapo."

"Ang hangin. Bakit ka ba tumawag?"

"Ah! May sasabihin ako."

"Ano?"

"I love you," aniya at dahil nabigla ako, napindot ko yung end call. Napahawak ako sa puso ko na sobrang bilis ng tibok. Walanghiyang lalaking yun. Papatayin pa yata ako sa heart attack.

Muling tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na ito sinagot dahil si Jacey nanaman yung tumatawag. Baka hindi ko na kayanin yung sasabihin niya. Ganun ba talaga yun manligaw? Aba! Lagi na lang ako binibigla tuwing nagiging sweet siya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top