CHAPTER 17

CHAPTER 17

Leigh's POV

"Ikaw pala si Leigh? Ang cute mo naman," sabi ng isang babaeng matangkad sa akin. Pinisil pa niya pisngi ko sabay yakap sa akin na mahigpit.

"Ako nga pala si Sam. Girlfriend ni Sid," nakangiting sabi niya.

"May girlfriend ka pala?" tanong ko kay Sid. Hindi naman siya nagkukwento.

"Yeah," sagot sa akin ni Sid.

"Ikaw daw yung pumalit sa akin. Sabi nila malakas ka daw. Pero ngayong nakita kita parang ayoko ng maniwala," aniya habang sinusuri ako. Nakahawak pa siya sa ilalim ng baba niya.

"Pakitaan mo nga yan Leigh," sabi naman ni Xian.

"Ayoko. Tinatamad ako. Sige, uwi na ako. May ginagawa pa ako sa bahay," paalam ko sa kanila. Nagpunta lang naman kasi ako dito dahil sinundo ako sa amin ni Jacey. May ipapakilala daw sila sa akin.

"Pagpasensyahan niyo na yan. Meron kasi ngayon," sabi ni Jacey saka sumunod sa akin.

Aba! Pati pa naman yun nalaman niya? May tagos ba ako?

"Paano mo nalaman meron ako?" tanong ko.

"Binugbog mo lang naman ako na walang dahilan kanina. Ginagawa mo lang naman yun kapag meron ka. Saka tinatamad ka kumilos ngayon," paliwanag niya.

"Makita ko lang kasi pagmumukha mo naiinis na ako," sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa akin."

"Sa susunod takpan mo mukha mo para hindi ko makita."

"Hindi naman pwede yun. Hindi mo makikita kagwapuhan ko."

"Wala naman ako makitang kagwapuhan," pagsisinungaling ko kahit gwapong-gwapo ako sa kanya.

"Patingin mo na mata mo. Malabo na dahil sa kakadota mo."

"Hindi ka lang talaga gwapo. Kukunin mo na ba laptop mo? Tapos ko na gamitin," tanong ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng bahay. Tinatamad talaga ako ngayon. Pati sa pakikipagtalo wala ako sa mood.

"Oo," sagot niya.

"Kukunin ko lang sa loob. Hintayin mo na," sabi ko sa kanya saka pumasok. Nandoon lang naman sa sala yung laptop kaya saglit lang yun. Paglabas ko kapansin-pansin yung seryosong mukha niya.

"Oh! Ito na laptop mo. Salamat," sabi ko sa kanya. Iaabot ko na sana ito nang may sabihin siya na ikinatigil ko.

"Leigh, may sasabihin ako."

Seryoso mukha niya habang sinasabi niya yun. Kaya naman binaba ko muna yung pagkaabot ko ng laptop. Ayaw niya pa kasi kunin.

"Gusto kita Leigh. Matagal na," aniya habang nakatingin sa akin.

"Huh? Wag ka nga magbiro ng ganyan," sabi ko sa kanya. Loko ito ah. Porket gusto ko siya binibiro na niya ako.

"Ah! Basta gusto kita," ulit niya saka umalis.

"Hoy! Yung laptop mo!" sigaw ko pero hindi na niya ako nilingon. Ano nangyari doon? Saka ano daw? Gusto niya ako? Seryoso ba siya? Nagtapat ba siya sa akin?

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at nahiga habang iniisip yung sinabi ni Jacey. Wala kasi ako maitindihan sa sinabi niya. Gusto niya daw ako tapos biglang umalis.

Kinabukasan...

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong sa akin ni Alas na napadaan sa nililinis kong table. Napabuntong hininga ako.

"Si Jacey kasi eh. Umamin  na gusto ako pero hindi naman nagsabi kung manliligaw siya. Pinagtitripan niya lang siguro ako," pagkuwento ko.

"Bakit hindi mo siya tanungin?"

"Ayun na nga  balak ko mamaya. Pero tingin mo seryoso siya?"

Nagshrug lang siya ng shoulder bilang tugon bago bumalik sa ginagawa niya. Pagkagaling ko sa part time job, dumiretso agad ako kila Jacey. Naabutan ko siyang natutulog sa kwarto niya kaya ginising ko siya. Mukhang nainis pa siya dahil naputol tulog niya.

******

Jacey's POV

Ang tagal ko pinag-isipan kung aamin ako kay Leigh kahapon at yun umamin din ako. Yun nga lang sa sobrang kaba ko umalis na lang ako pagkatapos ko magtapat. Hindi ko na nga nakuha laptop ko.

"Hoy pre! Yung bola," sigaw ng teammate ko. Nagpapraktis kasi kami ng basketball dahil malapit na laban namin. Kami ang representative ng barangay namin. Si Leigh din kasali doon naman siya sa babae.

Pinasa ko yung bolang hawak ko dahil nakalimutan kong nasa akin pa pala ito dahil sa kakaisip kay Leigh. Hanggang dito pa naman ginugulo niya ako.

Pagkatapos ng praktis namin umuwi akong pagod kaya nakatulog agad ako. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ko nang binulabog ako ni Leigh.

"Jacey! Bumangon ka diyan mag-uusap tayo," sigaw bigla ng isang babae habang hinahampas ako.

"Pagod ako. Bukas na tayo mag-usap," sabi ko sa kanya.

"Ngayon na. Wala ako maitindihan doon sa sinabi mo kahapon," pangungulit ni Leigh. Dapat yata hindi muna ako umamin. Kulit din ng babaeng ito.

"Bukas na. Matutulog muna ako," sagot ko sabay takip ng unan.

"Ngayon na!" sinubukan niyang hilain yung unan pero hinigpitan ko pagkakahawak ko.

"Ano ba hindi mo maitindihan?" tanong ko sabay silip sa unan.

"Ulitin mo yung sinabi mo," sabi niya sa akin.

"Ayoko nga. Hindi ka naman bingi para ulitin ko," tugon ko sabay takip ng unan. Ang hirap kaya mag-ipon ng lakas na loob para lang masabi yun tapos pauulit niya lang sa akin.

"Kainis naman ito. Ulitin mo na," pangungulit niya sabay sipa sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Bahala ka diyan. Matutulog na ako," sagot ko hanggang sa may naramdaman na lang akong kumagat sa akin.

"Araaayyyyy Leigh!" sigaw ko sabay bangon. Walanghiya! Kinagat pa naman ako sa braso.

"Ano? Matutulog ka pa ba?" tanong niya habang tinitignan ko yung kagat niya. Bumakat yung ngipin niya sa balat ko.

"Ang sakit nun ah," reklamo ko.

"Ito na laptop mo," aniya sabay abot sa akin ng laptop ko. Buti hindi na siya nagtanong tungkol kahapon.

Binuksan ko yung laptop ko at nagulat ako sa bumungad sa akin.

"Hoy ano itong pinaglalagay mo sa laptop ko. Ikaw ha?" sabi ko sa kanya habang nakangisi. Tinignan niya yung laptop ko.

"Hindi ako naglagay niyan ha!" paliwanag niya.

"Weh? Nanood ka pala ng porn ha," umiiling sabi ko.

"Hindi nga sabi. Kapatid ko naglagay niyan," aniya na may kasama pang hampas. Halatang naiinis na siya. Nakaganti din ako sa panggulit niya.

"Dinamay mo pa kapatid mo. Manyak ka lang talaga. Kababae mong tao. Tsk. Tsk," pang-aasar ko pa.

"Hindi ako manyak. Bahala ka nga diyan," inis na sabi niya. Hinampas pa niya sa akin yung unan ko bago umalis.

Pagkalabas niya hindi ko mapigilang tumawa. Naasar ko nanaman kasi siya. Sinara ko na yung laptop ko saka siya sinundan.

"Bakit ka nasunod? Diba matutulog ka?" tanong niya sa akin nang mapansin niyang nakabuntot ako.

"May itatanong pa pala ako," tugon ko habang sinunsundan siya. Tumugil siya sa paglalakad saka ako nilingon.

"Ano nanaman itatanong mo?"

"Pwede manligaw?"

"Seryoso ka talaga doon sa sinabi mo kahapon?" gulat na tanong niya.

"Paulit-ulit ka naman eh. Seryoso nga ako."

"Ano ba sinabi mo kahapon?" tanong niya kahit alam naman niya kung ano yun.

"Ayoko nga ulitin."

"Ano ba yan? Parang yun lang ayaw pa sabihin. Ulitin mo na. Hindi ko masyado narinig yung sinabi mo kahapon."

"Bahala ka diyan," sagot ko.

"Wala kang kwentang manliligaw. Lumayas ka nga sa harapan ko," pagtataboy niya sa akin.

"Nasa likod mo kaya ako. Ikaw itong humaharap sa akin."

"Ewan ko sayo. Bwisit ka!" aniya sabay talikod sa akin at lakad paalis. Sinundan ko pa rin siya hanggang sa makauwi siya sa bahay nila.

"Saya natin ha?" napalingon ako kay Alas. Nakatayo siya doon sa eskinita kung saan  walang ilaw kaya hindi siya kapansin-pansin.

Hindi nga lang siya yung nandoon. Pati sila Sid nandoon.

"Ano ginagawa niyo diyan?" tanong ko sa kanila.

"Sabi ni Alas umamin ka na daw. Ano? Nanliligaw ka na ba?" tanong ni Xian.

"Ang bilis naman kumalat ng balita," sabi ko.

"Kei, saan ka pupunta?" tanong ni Blue. Napansi ko na papunta si Kei sa bahay nila Leigh.

"Manliligaw. Bago pa ako malamangan ni Jacey," tugon niya.

"Woi! Sa akin lang si Leigh," sabi ko sa kanya. Aagawan  talaga ako ng loko. Kaya ayoko ipakilala sa kanila noon si Leigh. Madadagdagan karibal ko.

"Hindi pa naman kayo eh," nakangising sabi niya.

"Kahit na. Nauna na ako. Ano ba ginagawa niyo dito?"

"Inaabangan si Leigh," tugon ni Ryden.

"Magsiuwi na nga kayo. Gabi na," sabi ko sa kanila.

"Maaga pa. Tara sa bahay niyo," suhestiyon ni Xian. Akala ko pa naman makakatulog  na ako pero mukhang malabo.

"Ayaw niya yata. Doon na lang tayo kila Leigh," sabi naman ni Blue.

"Walang pupunta kila Leigh. Sige na. Doon na kayo sa amin," tugon ko.

"Ayun! Makakapunta din kami sa inyo," nakangiting sabi ni Xian.

Tagal kong iniwasan na hindi sila papuntahin doon tapos ganito lang. Sigurado magiging makalat kwarto ko.

"Inom tayo," pagyaya ni Blue.

"Sagot mo?" tanong ko.

"Hindi. Sagot ni Kei, siya mayaman dito."

"Ako nanaman. Si Sid na lang," turo naman ni Kei kay Sid.

"Sa akin pulutan," sabi ni Sid. Tinignan namin si Kei dahil alak na lang problema.

"Si Tyron din manlilibre diba?" turo niya kay Tyron na isa ding rich kid.

"Dalawa tayo," tugon ni Tyron.

"Ayun! Dalawa daw kayo. Kay Sid na pulutan. Wala na tayo problema," sambit ni Xian. Matagal-tagal na din nung huli namin itong ginawa.

Bago kami pumunta sa bahay, bumili na muna kami ng maiinom at pulutan. Puro chichirya lang maman yung binili nilang pulutan. Goodluck na lang sa kwarto ko mamaya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top