CHAPTER 16

CHAPTER 16

Leigh's POV

Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa itong si Jacey. Sasabihin ko naman talaga sa kanya kaso ung papunta ako sa kanila nakita ko silang dalawa ni Dianne. Mukhang nagkakamabutihan na sila. Hindi ko tuloy maiwasang magselos kaya dumiretso na lang sa computer shop.

"Ano ba gagawin ko?" bulong ko habang naglalakad sa tapat ng bahay nila Jacey. Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o aalis na lang. Dalawang lingo na kami hindi nag-uusap. Naiinis din kaya ako sa kanya. Sa dinami-dami ng liligawan niya yung kaibigan ko pa.

"Bahala na nga!" lumapit ako sa gate nila at sakto palabas si Jacey. Nagkatinginan kami pero ang loko bumalik ng sa loob. Hindi man lang kinausap.

"HOY JACEY! LUMABAS KA DIYAN MAG-USAP TAYO. WAG MO KO TAGUAN," sigaw ko. Binuksan niya yung pinto saka sumilip.

"Ano pag-uusapan natin?" tanong niya.

"Papasukin mo muna ako," tugon ko kaya lumabas na siya at pinagbuksan ko. Pagkapasok ko, sinipa ko siya sa paa para mapayuko siya saka ko siya binatukan at pinaghahampas at pinagsisipa. Napaupo na nga siya dahil pangbubugbog ko sa kanya.

"Aray! Akala ko ba mag-uusap tayo bakit mo ko binubugbog?" reklamo niya.

"Eh sa naiinis ako sayo eh."

"Ano nanaman ginawa ko? Ikaw nga itong may kasalanan."

"Nagseselos ako kay Dianne. Nakita ko kayo kahapon habang papunta ako sa inyo para sabihin yung tungkol sa Manila. Ay ewan! Bahala ka diyan," pagtatapat ko sabay alis. Nahiya kasi ako bigla sa pinagsasabi ko.

Hinawakan niya ako bigla sa kamay bago pa ako makalayo.

"Wag ka na lang umalis. Kung nagagalit ka dahil sa panliligaw ko kay Dianne, titigil na ako. Dito ka na lang Leigh," sabi niya sa akin.

"Buo na ang desisyon ko," sabi ko sa kanya. Binatawan naman niya saka tumayo.

"Ayaw mo ba talaga magpapigil?"

"Oo."

"Bahala ka nga. Tampo pa rin ako sayo. Ayaw mo magpapigil," aniya saka pumasok sa kanila. Umuwi na lang ako sa amin.

Kaya ayaw ko magpapigil sa kanya dahil siya din naman dahilan ng pag-alis ko. Mas maganda na nasa Manila ako para malayo ako sa kanya. Mas makakamove on ako hindi tulad dito na puro pasakit lang.

"Leigh, ayos na ba mga requirement mo? Ipapadala na natin sa tita mo para maasikaso niya," sabi ni Mama pagdating ko.

"Opo," tugon ko. Kinuha ko yung envelope na pinaglagyan ko ng mga requirement saka binigay kay Mama. Siya kasi magpapadala kay tita.

Kinabukasan, nabulabog ako ng tawag mula kay Jacey. Hapon nun at ang sarap ng tulog ko.

"Hello?" inis na sabi ko sa kanya.

"Online ka ba?" tanong niya agad.

"Hindi. Natutulog ako," tugon ko.

"Sabi na nga ba eh. Mag-online ka. Nahack yata account mo. Chat ng chat sa akin eh hindi mo naman ako kinakausap doon kaya nagtaka na ako," aniya kaya napatayo ako.

"Ano?! Pahiram laptop mo, papunta na ako sa inyo," sabi ko saka tumayo para magbihis. Lokong hacker yun ah. Account ko pa yung biniktima. Hindi ba niya alam na hacker din ako. Humanda siya sa akin kapag nahuli ko siya.

*****

Jacey's POV

Pagdating ni Leigh sa bahay diretso siya agad sa laptop ko. Binuksan niya agad yung account niya saka nagpipindot doon. Galit na galit pa yung itsura niya halos hindi na maipinta yung mukha niya. Pero cute pa rin siya. Hindi ko na lang siya inistorbo at baka ako pa pag-initan niya.

"Hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong ko sa kanya nang mapansing maggabi na. Balak pa yata niya dito matulog ah.

"Hindi pa. Wag ka muna magulo," aniya habang tutok na tutok sa laptop ko.

"Jacey, kakain na. Pumunta na kayo dito ni Leigh," tawag sa amin ni Mama.

"Kakain na daw. Mamaya na yan," pag-uulit ko sa sinabi ni Mama. Tumigil naman si Leigh at sumunod sa akin.

"Sabi ng Mama mo mag-aaral ka daw sa Manila?" tanong ni Mama kay Leigh.

"Wala pa po. Magpapasa pa lang ako ng application," tugon ni Leigh.

"Sigurado makakapasa ka doon agad. Matalino ka naman," pagsuporta sa kanya ni Mama.

"Hindi naman po," nahihiyang sabi ni Leigh. Kung si Mama sinasabing papasa siya, hinihiling ko naman na bumagsak siya para hindi na siya tumuloy.

Pagkatapos namin kumain balik nanaman si Leigh sa ginagawa niya. Hinayaan ko na lang siya doon hanggang sa makita ko na lang na natutulog sa sofa. Tinignan ko yung orasan. Alas dose na pala kaya naman pala nakatulog na ang babaeng ito.

Nilipat ko siya sa kwarto ko at ako yung pumalit sa sofa para matulog. Sabi na nga ba ganito mangyayari.

"Jacey! Gising!" dumilat ako at tinignan si Leigh.

"Uwi na ako. Pahiram muna ng laptop mo ha?" paalam niya sa akin.

"Sige. Kunin mo na lang diyan," tugon ko saka muling natulog dahil inaantok pa ako.

"Doon ka na sa kwarto mo," rinig kong sabi niya pero hindi muna ako bumangon. Siguro mga tatlong minuto bago ako lumipat sa kwarto ko dahil hindi na ako makatulog.

"Jacey, bumangon ka na diyan. Tanghali na!" tawag sa akin ni Mama. Tinignan ko yung oras. 11:45 na ng tanghali.

Pagkalabas ko nakita ko sila Mama na kumakain na. Naghilamos muna ako saka nagtoothbrush bago nakisabay sa kanila. Gutom na din ako.

Pagkatapos ko kumain, naligo ako at nagbihis para pumunta kila Sid.

"Kamusta? Ayos na ba kayo ni Leigh?" tanong sa akin ni Blue. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Bakit nga pala nagdeactivate yun?" tanong sa akin ni Kei.

"Nahack account niya. Nagdeactivate muna siya habang hinahanap yung hacker niya," paliwanag ko.

"Paano niya mahahanap? May alam ba siya sa ganun?" tanong ni Xian.

"Si Leigh pa? Hacker din kaya yung babaeng yun," tugon ko.

"Cool. Parang si Tyron din pala si Leigh eh," komento ni Ryden.

"Kuya, yung grupo nila goku nandito," sabi ni Hailey pagkaakyat nito. Nasa second floor kasi kami habang siya bantay sa computer shop. Yung goku na sinasabi niya tawag namin yun doon sa pinakamalakas na grupo na iniiwasan naming nakaharap. Yung tinakbuhan namin nung isang araw.

"Naloko na. Wala na tayo takas. Nakita na nila yung tambayan," komento ni Blue.

"Lalaban na ba tayo?" tanong ni Tyron.

"Ano pa ba magagawa natin? Sila na nalapit," sabi ni Sid saka tumayo senyales na lalaban kami. Wala naman ako problema doon. Alam ko namang mananalo kami. Hindi ko nga alam kung bakit namin sila iniiwasan.

Pagkababa namin naabutan namig tumba na ang mga member ni Goku. Hindi naman sila ganun karami, hindi tulad nung huling nakaharap namin sila ni Leigh.

Isang babae na na nakatalikod ang nakaapak sa isa sa mga dito habang kinakausap si Goku na naiwang nakatayo.

"Ano? Lalaban ka ba?" matapang  na tanong ng babae.

"Babalikan ko kayo," inis na sabi ni Goku sabay alis.

"Samantha!" masayang sabi ni Blue sa babaeng tumalo sa member ni Goku.

"Yow! Namiss niyo ko?" tanong niya sa amin nang harapin niya kami.

"Oo naman. Tagal mong hindi nagpakita sa amin," tugon ni Xian. Si Samantha kasi isa din sa barkada namin na kaibigan ni Hailey. Dahil talaga sakanya kaya kumalat ang balita na babae ang boss namin. Palaaway kasi yan akala mo hindi babae.

"Ano ginagawa mo dito? Kapag nalaman ng Daddy mo na pumunta ka dito, sigurado malalagot ka nanaman," sermon ni Sid sa kanya. Kaya kasi siya hindi na nagpapakita sa amin dahil sa kami ang sinisisi ng Daddy niya kung bakit napapaaway si Sam.

"Hayaan mo siya. Wala naman siya magagawa kung gusto ko kayo makita. Anim na buwan din ako doon sa bundok. Akala naman niya may mababago sa akin kapag nilayo ako sa inyo," tugon ni Sam. Rebelde kasi ang babaeng yan. Siya kaya ang black sheep sa pamilya niya.

"Ayan ang gusto ko sayo. Palaban," natatawang sabi ni Xian.

"Nasaan si Alas? Mana sa akin ang isang yun eh," aniya sabay hanap kay Alas na wala ngayon.

"Wag mo siya itulad sayo. Mukha  lang siyang nagrerebelde pero mas matino  siya sayo. Wala siya ngayon dito. Nasa trabaho," tugon ni Sid.

"Hard mo talaga sa akin. Nagseselos ka lang eh. Wag ka mag-aalala ikaw pa rin love ko babe," sagot sa kanya ni Sam sabay pulupot ng braso niya. Naging sila  kasi ni Sid pero hindi ko alam kung sila pa rin dahil pinaghihiwalay sila ng Daddy ni Sam.

"Kayo pa rin ba?" tanong ni Xian.

"Bakit? Naghiwalay ba kami?" tugon ni Sid.

"Eh? Ano yung ka Leigh?" tanong ni Kei.

"Pinagseselos ko lang yung isa diyan. Ayaw pa kasing umamin," tugon ni Sid sabay tingin sa akin.

"Sino si Leigh?" tanong ni Sam.

"Yung pumalit sayo habang wala ka. Kapag nakilala mo siya sigurado makakasundo kayo. Palaban  din yun hindi lang halata," pagkukwento ni Xian. Daldal talaga niya.

"Talaga? Malakas ba siya? Gusto ko siya makilala," sabik na sabi ni Sam.

"Paalam ka kay Jacey," turo nila sa akin.

"Pakilala mo naman siya sa akin," pangungulit ni Samantha.

"Ayoko nga. Baka turuan mo pa siya ng mga kalokohan mo," sagot mo.

"Nagbago na kaya ako. Mabait na ako. Kapag hindi mo siya pinakilala sa akin ibibitin kita patiwarik," aniya na may kasamang pananakot. Effective naman yung pananakot niya. Kapag kasi sinabi niya, gagawin niya talaga.

"Mamaya. Papupuntahin ko dito. Busy pa yun," sabi ko sa kanya.

"Okay. Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa kanya. Mukhang  close kayo eh. Nililigawan mo ba siya?"

Hinila niya ako papasok. Kung ako tatanungin parang Leigh din siya mas worst lang siya. Pagdating naman sa height magkabaliktaran sila. Kung si Leigh kinulang sa height, si Sam naman nasobrahan.

"Ano? Nililigawan mo ba siya?" tanong niya sa akin nang makaakyat kami at makaupo. Hindi agad ako sumagot dahil nandito sila Sid. Mukhang mapaamin ako dito ah.

"Kapag hindi ka nagsabi ng totoo alam mo na manyayari sayo," nakangiting sabi ni Sam. Napalunok ako bigla ng laway dahil naisip ko bigla yung pagbitin niya sa akin patiwarik sa puno habang nakatali. Ginagawa niya yun kapag naiinis siya sa tao. Kaya kapag may nakikita kaming ganun sa school noon, alam namin siya ang may gawa.

"Hindi pa," sagot ko.

"Hindi pa, ibig sa amin balak ka manligaw?" tanong niya. Tinanguan ko siya.

"Sabi na nga ba. May gusto ka kay Leigh. Si Sam lang pala magpapaamin sayo," pang-aasar ni Xian. Kaya ayoko umamin sa kanila eh. Aasarin lang nila.

"Oo na may gusto ako sa kanya. Kaya walang pwedeng manligaw sa kanya maliban sa akin," sabi ko sa kanila.

"Paano yan? Gusto ko din siya. Balak ko na nga umamin eh," sagot ni Kei.

"Subukan mo lang," banta ko.

"Unahan na lang tayo sa kanya," nakangiting sabi niya. Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya pero kinabahan ako sa sinabi niya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top