CHAPTER 14

CHAPTER 14

Jacey's POV

Ang sarap manapak ngayon. Bakit ang sweet nilang dalawa? Hindi naman sila ganyan dati. Bihira nga lang sila mag-usap tapos ano? Sila na agad? Ayos din itong si Sid palihim kung kumilos hindi ko man lang napansin. Akala ko sila Kei at Alas yung pumoporma kay Leigh, yun pala siya.

"Baby, pansinin mo naman ako. Kanina pa ako dito kwento ng kwento hindi ka naman nakikinig. Bakit ka ba tingin ng tingin kila Sid?" pangungulit sa akin ni Loisa. Isa pa ito eh. Dikit ng dikit sa akin. Iba talaga kapag gwapo.

"Ano tingin mo sa kanila? Mukha bang sila?" tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na sila talaga.

"Oo. Magkaholding hands sila. Tapos magkatabi. Ang sweet nga nila oh. Hinalikan pa siya sa pisngi ni Si--"

"Saan?"

Napatingin ako bigla kila Leigh. Kay Loisa kasi ako nakatingin kanina kaya hindi ko nakita yung sinasabi niyang kiss. Hinalikan ba talaga niya?

"May gusto ka ba kay Leigh?" seryosong tanong ni Loisa.

"Wala bakit?"

"Wala? Bakit parang nagseselos ka? Hindi naman ako magagalit kung aamin ka sa akin. Wag ka mag-aalala hindi ko sasabihin kahit kanino. Gusto ko lang malaman kung may iba kang gusto para hindi ako umaasa sayo."

Muli kong nilingon si Leigh at Sid. Nagkaakbay na ngayon si Sid sa kanya.

"Para saan pa ang pag-amin? Kung wala na din ako pag-asa," malungkot na sabi ko.

"May gusto ka nga sa kanya?" tanong niya. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon. Bumuntong siya bigla.

"Okay. Suko na ako. Kung ako tatanungin mas bagay kayo ni Leigh. Saka tingin ko may gusto din siya sayo."

"Talaga? Tingin mo?"

"Torpe ka na nga, manhid ka pa. Hindi mo napansin na nagseselos siya sa akin? Halata naman may gusto yun sayo. Kaya hindi ko maintindihan kung paanong naging sila ni Sid."

"Ang tanong sila nga ba?" singit bigla ni Hailey.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.

"Hindi naman pero naabutan ko yung umamin ka na gusto ko si Leigh," nakangising sabi niya. Umupo siya sa tabi ko. Bale nasa gitna na nila ako.

"Wag ka maingay. Kapag nalaman nila Sid, sigurado aasarin ako ng mga yun."

"Alam na nila yun kahit hindi ko sabihin. Obvious ka!" aniya sabay irap.

"Alam nila?"

"Oo. Hindi mo ba napapansin na kaya sila dikit ng dikit kay Leigh para mapaamin ka? Pero pwede din naman na may gusto talaga sila sa kanya."

"Matutuwa na sana ako doon sa ginagawa lang nila yan para mapaamin ako. Ang dami ko namang karibal."

"Eh kung pormahan mo na kaya siya para hindi ka na maunahan? Duh! Kaya ka nauunahan kasi amg bagal-bagal mo," sermon sa akin ni Loisa.

"Oo nga. Para kang hindi lalaki," pagsang-ayon naman ni Hailey.

"Hindi ko alam kung paano uumipisahan. Saka gusto ko muna masigurado kung gusto niya talaga ako," sabi ko. Ayokong kaya sumugal basta-basta. Nakasalalay din doon pagkakaibigan namin

"Hanggang kailan naman kaya yang paninigurado mo? Kapag may iba si Leigh?" tanong ni Hailey.

"Siyempre hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba. Kahit sa kuya mo pa yan," sabi ko sa kanya.

"Ano balak mo?"

"Uuwi."

"Uuwi?"

"Oo. Uuwi kasama ni Leigh. Mauna na kami sa inyo," sambit ko saka tumayo para kunin gamit namin. Wala namang masyaso dala si Leigh kaya hindi din ako nagtagal.

"Iho, aalis na kayo?" tanong ng lola ni Xian.

"Hindi po. Kami lang po ni Leigh. May emergency po kasi sa kanila, kailangan na niya umuwi," pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Ingat kayo sa pag-uwi," tugon nito.

"Salamat po. Pakisabi na lang po sa iba na nauna na kaming umalis kapag may nagtanong," pakiusap ko bago umalis bitbit ang bag namin ni Leigh.

Paglabas ko saktong papasok si Leigh. Hindi na niya kasama sila Sid kaya pagkakataon ko na ito.

"Bakit dala mo bag ko? Saan mo dadalhin yan?" tanong niya.

"Uuwi na tayo," seryosong sabi ko.

"Huh? Bakit biglaan? Akala ko ba bukas pa ng umaga?"

"Basta uuwi na tayo. Mamaya ka na magtanong. Saka  wala ka naman dalang damit kaya hindi ka pwedeng magtagal dito."

"Pahihiramin daw ako ni Hailey."

"Hindi kasya sayo yun. Maliit ka."

"Anong sabi mo?" sigaw niya. Patay! Nakalimutan ko na ayaw niya palang tinatawag siyang maliit.

"Sabi ko maluwag sayo yun. Pangit tignan," pagsisinungaling ko.

"Hindi yun sinabi mo. Sinabihan mo ba akong maliit?" tinignan niya ako ng masama habang pinapatunog yung daliri niya. At bago pa ako tamamaan tumakbo na ako.

"Sige takbo pa. Kapag naabutan kita lagot ka sa akin," sigaw niya habang hinahabol ako. Sa kakatakbo namin nakaabot kami sa kalsada kung saan nag-aabang ng masasakyang jeep papuntang bayan.

"Aray! Tama na Leigh," reklamo ko habang pinaghahampas at pinagsisipa niya ako.

"Buti nga sayo. Pinagod mo ko," aniya  pagkatapos niya ako bugbugin. Buti pa kung pagmamahal niya yung pinanghahampas at pinangsisipa niya matutuwa  pa ako.

May tumigil na jeep sa harapan namin dahil may nagpara.

"Sakay na tayo," sabi ko sa kanya sabay tulak sa kanya papunta doon sa jeep pa paunahin siya. Sumakay naman siya kaya sumunod na ako.

"Teka! Hindi pa pala tayo nakakapagpaalam," aniya nung mapagtanto niya na uuwi na kami.

"Hayaan mo sila. Nakapagsabi   na din ako sa lola ni Xian saka alam ni Hailey," sagot ko.

"Alam mo ba kung paano umuwi?" tanong niya.

"Hindi," sagot ko kaya nakatikim nanaman ako ng batok sa kanya.

"Hindi ka talaga nag-iisip. Lakas ng loob mo magyayang umuwi, hindi mo naman pala alam kung paano," sermon niya sa akin.

"Nawala sa isip ko eh."

"Nawala sa isip? O wala ka talagang isip. Kapag tayo naligaw, sasapakin kita."

"Kung ako walang isip, ikaw walang puso. Maliligaw na nga tayo, sasapakin mo pa ako?"

"Ewan ko sayo. Naiwan ko pa phone ko. Balik na lang tayo. Manong ba--hmmmp"

"Manong saan po sakayan ng bus dito?" tanong habang tinatakpan yun bibig ni Leigh.

"Meron tayo madadaanang bus station. Baba ba kayo?" tugon ni manong.

"Opo manong. Pakibaba po ka--Aray!" napasigaw ako nang kagatin ni Leigh kamay ko.

"Yung cellphone ko," aniya sabay tingin sa akin ng masama.

"Itetext ko na lang sila Sid na ibigay sayo pagkauwi nila."

"Kapag yun nnawala, palitan mo yun."

"Hindi yun mawawala. Bakit mo kasi iniwan?"

"Hinirap kasi ni Alas. Saka pupunta lang sana ako banyo kanina."

"Nasabihan ko na silang lahat. Tinext ko na din number mo," sabi ko sa kanya sabay pakita ng text ko na nakasend to many.

Me: Hoy mga pangit! Nauna na kami ni Leigh umuwi. Naiwan daw niye cp niya. Pakitago na lang at pakibalik sa kanya.

"Sabihin mo kapag hindi yun nabalik babatukan sila isa-isa."

"Ikaw na magsabi."

Pinahiram ko na lang sa kanya yun cellphone ko. Bahala na siya magsabi sa kanila. Nanahimik na si Leigh pero kapansin-pansin naman yung pagpindot  niya sa phone ko. May pangiti-ngiti pa siya.

"Ano ginagawa mo?" tanong ko.

"Nagtetext."

"Sino katext mo?"

"Sila Sid."

"Patingin nga! Baka kung ano na pinag-uusapan niyo."

"Wala lang yun. Tinuturuan lang nila ako kung paano umuwi," aniya habang nilalayo cellphone ko.

"Patingin nga. Bakit ayaw mo ipabasa?"

"Nasa bus station na tayo. Baba na yung baba," sabi ni manong  kaya bumababa na si Leigh. Ako naman nagbayad muna bago bumaba. Nakalimutan ko kasi magbayad agad.

Pagkababa ko binalik na sa akin ni Leigh yung cellphone ko.

"Alam ko na pauwi," aniya at nauna ng pumunta sa may bus. Ako naman sumunod sa kanya habang tinitignan yung messages. Walanghiya! Binura  yung convo nila.

"Ikaw magbayad ah. Wala akong dalang extrang pera," aniya bago kami sumakay.

"Oo na," sagot ko sabay kuha ng pera pambayad.

"Bakit ka nga pala nagyayang umuwi bigla? Yung totoo?" tanong niya nung makaupo kami.

"Kayo ba talaga ni Sid?" tanong ko.

"Bakit ka interesado?"

"Kailan pa siya nanligaw?"

"Bakit ba tanong din yung sinasagot mo sa tanong ko? Ako unang nagtanong. Sagutin mo muna tanong ko bago ka magtanong. Ulit. Bakit ka nga nagyaya umuwi?" tanong niya.

"Masama pakiramdam ko. Kayo ba ni Sid?"

"Hindi. Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Kung hindi kayo, bakit kayo nagpanggap?"

"Hindi ko rin alam sa kanya. Siya na lang tanungin mo. Sinakyan ko lang trip niya."

Tumingin ako sa gilid saka ngumiti. Akala ko naman naunahan na ako. Hindi pa pala.

"Buti nagyaya kang umuwi. Ayoko din magtagal doon. Mas okay pa matulog sa bahay," aniya sabay sandal sa upuan. Makalipas ang ilang minuto napasandal na siya sa balikat ko at ayun tulog.

Natulog lang siya buong biyahe. Halos mangalay nga balikat ko sa kanya. Pasimple ko pa siya kinuhaan ng picture habang tulog. Kumuha din ako ng picture naming dalawa. Pangprofile picture ko sa fb mamaya.

Matagal din ang naging biyahe namin. Yung dahilan ko kanina, nagkatotoo dahil sumama pakiramdam ko sa pagod.

"Nakauwi din sa wakas! Pasok na ako," paalam niya nung nasa tapat na kami ng gate.

Tinanguan ko siya bilang tugon saka hinintay siya makapasok bago umuwi. Pagdating ko sa bahay, nilapag ko lang bag ko sa kwarto saka nahiga para matulog. Hindi kasi ako nakatulog sa biyahe dahil kay Leigh. Baka biglang magpreno yung bus tapos mauntog siya. Kawawa yung pag-uuntugan niya kaya binantayan ko siya habang natutulog.

Bago ako matulog, ginawa ko munang wallpaper yung mukha niya habang natutulog. Tinitigan ko pa ito hanggang sa makatulog ako.

Itutuloy...

Author note: May nahanap na akong babaeng pasok sa character ni Leigh. Papalitan ko na yung anime ng kpop. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top