CHAPTER 10

CHAPTER 10

Leigh's POV

"Hahahaha. Bakit ganyan mukha mo? Ang pangit mo. Hahaha. Hindi ka ba natulog?" tanong ko kay Jacey habang tumatawa. Mukha siyang panda. Laki ng eyebags niya.

"Kasalanan mo ito kaya ganito mukha ko ngayon. Hindi ako nakatulog sa kakaisip sayo--este sa kadate mo kahapon. Sino ba kasi yun?" sagot niya.

"Paano ko naman naging kasalanan yun? Sinabi ko ba sayo na wag ka matulog? Mamaya na nga tayo mag-usap. Papasok pa ako."

Nag-umpisa na ako maglakad. Ang aga-aga ayun bungad sa akin. Bakit ba gusto niya malaman kung sino yun?

"Ngayon na. Sasabihin mo lang naman kung sino kasama mo kahapon."

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Mukha wala siyang balak tumigil.

"Matulog ka na muna sa inyo."

"Hindi ako makakatulog hanggang hindi mo sinasabi."

"Sapakin na lang kita para makatulog ka agad."

Humarap ako sa kanya sabay taas ng kamao. Napaatras siya bigla.

"Wag naman. Masisira yung gwapo kong mukha. Sabihin mo na kasi kung sino kasama mo kagabi?"

"Walang masisira sayo dahil pangit ka na. Wag lang yung kagabi. Nagpasama lang siya sa akin sa birthday party."

"Ano? Napuyat ako dahil sa kakaisip doon. Sabi mo kagabi date," inis na sabi niya.

"Joke lang yun."

Tinignan niya ako ng masama. Halatang wala siya sa mood dahil puyat siya.

"Lalake o babae?" tanong niya bigla.

"Lalake," tugon ko agad.

"Sino?"

"Secret," nakangiting sabi ko sabay takbo.

"Leigh naman! Sabihin mo na kasi kung sino?!" sigaw niya pero hindi niya ako hinabol. Para nga siyang baliw sa kinatatayuan niya. Ginulo niya yung buhok niya tapos sinipa niya yung bato malapit sa kinatatayuan niya. Bakit ba siya naiinis? Bahala nga siya.

Binilisan ko na ang takbo ko dahil late na ako. Ang kulit naman kasi ni Jacey. Pwede naman niya ka tanungin mamaya.

"Late ka na ah. Buti wala pa si Ma'am," sabi ni Dianne. Napangiti na lang ako dahil mas late pa pala sa akin yung teacher namin. Kapag sinuswerte nga naman.

"Saan ka nga pala pumunta kahapon?" tanong ni Dianne.

"Sa birthday party ng pinsan ni Kei. Nagpasama siya sa akin," sagot ko.

"Bakit kailangan niya magpasama sayo? Pinsan naman niya yun."

"Ah! Basta. Hindi ko pwede sabihin," sagot ko. Ayoko naman ikwento yung hindi magandang karanasan ni Kei sa party ng pinsan niya last year.

"Okay. Kamusta naman? Napaaway ka no?"

Tinignan ko siya na may halong pagtataka. Para kasing alam na niya yung nangyari. Totoo nga yata yung sinabi ni Jacey na manghuhula si Dianne.

"Tama ako no? Napaaway ka nga," sabi pa niya.

"Hindi no. Nakipagsagutan lang ako. Umalis din kami agad bago pa ako makipag-away ng tuluyan."

"Ano dahilan? Kilala kita. Hindi ka naman basta-basta mang-aaway."

"Ang landi kasi ng babaeng yun. Grabe kung makadikit kay Kei. Ayaw na nga sa kanya ng tao, pinagpipilitan pa yung sarili. Parang si Kei lang lalake sa mundo, kung makakapit siya. Tapos mukha daw akong elementary. Buti napigilan ko pa sarili ko, kundi tinamaan na siya sa akin," pagkukwento ko.

"Ang tapang mo talaga. Buti na lang talaga hinahabaan mo pasensya mo. Kundi sa ospital ang bagsak nun."

"Grabe ka naman sa akin. Hindi naman ako ganun kalakas para mapunta siya sa ospital."

"Pahumble ka pa. Kaya mo nga bumuhat mg sasakyan. Hindi pa ba malakas yun?"

"Hindi. Normal lang yun sa akin," sagot ko. Normal lang talaga sa akin magbuhat ng ganun. Bata pa lang ako nagbubuhat na ako ng mabibigat. Hindi ko nga alam kung bakit ganito eh. Sabi ni ni mama lagi daw siya nanonood ng palabas na may superhero nung pinagbubuntis niya ako kata daw siguro pinanganak akong ganito. Pinakaborito daw niya si Hulk. Buti daw hindi ako naging kulay green dahil mukha na akong Princess Fiona ng Shrek kapag daw nakaganun.

Natapos ang klase na wala akong naitindihan dahil lumilipad ang isip ko. Natulog na kaya si Jacey? O iniisip niya pa rin kung sino kasama ko kagabi? Hindi ko talaga minsan maitindihan yung lalaking yun. Si Dianne daw gusto niya pero kung makatanong kanina, akala mo nagseselos. Feeling ko tuloy ako gusto niya kaso ayoko umasa.

"Oy Leigh! Kanina ka pa tinatawag ni Kei," natauhan ako bigla nang hampasin ako sa balikat ni Dianne. Sabi ko sa inyo eh, nalipad isip ko. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng gate at tinatawag pala ako ni Kei.

"Bakit nandito ka?" tanong ko kay Kei habang tumitingin sa paligid. Baka mamaya makita kami ni Jacey.

"Nakalimutan mo na ba? Ngayon kita ililibre ng isaw," tugon niya.

"Oo nga pala."

Nilingon ko si Dianne para sana sabihin sa kanya na hindi ako makakasabay pero inunahan na niya ako.

"Sige. Una na ako. Magbabantay pa ako ng kapatid ko," aniya sabay alis.

"Saan mo ba gusto kumain ng isaw?" tanong ni Kei.

"Sunod ka sa akin."

Nagtunggo kami sa ihawan ni Aling Mercy. Kakabukas pa lang nila.

"Leigh, tagal mo na hindi pumupunta dito. Bibili ka ba ng isaw?" tanong ni Aling Mercy habang pinapaapoy yung uling.

"Opo. Namiss ko po isaw niyo. Pabili po akong lima," tugon ko sabay lingon kay Kei.

"Ikaw ba? Kumakain ka ba ng isaw?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Pinatikip na din ako ng isaw ni Alas noon. Dalawa sa akin." sagot niya.

"Padagdag po ng dalawa," sabi ko kay Aling Mercy.

"Iba kasama mo ngayon ah. Nasaan si Jacey?" tanong ni Aling Mercy.

"Hindi ko po alam. Baka tulog kung saan," sagot ko.

"Sabi na nga ba nandito ka," rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod namin.

"Ayan pala si Jacey," sambit ni Aling Mercy.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kanya.

"Aling Mercy, pabili po ako ng tatlong isaw," sabi niya kay Aling Mercy bago ako sagutin.

"Tinanong ko si Dianne. Sabi niya kakain ka daw ng isaw. Ito lang naman ang alam kong kinakainan mo ng isaw. Bakit kayo magkasama?"

Nakatinginan kami ni Kei.

"Bakit? Ikaw lang ba pwede kong makasamang kumain ng isaw?" tanong ko kay Jacey.

"Paano kapag sinabi kong 'Oo'? Ano gagawin mo?"

"Sasapakin kita."

"Sabi ko nga hindi eh."

"Tol, wag ka na magselos. Ililibre ko lang si Leigh. Kapalit ng pagtulong niya sa akin," paliwanag ni Kei sabay akbay kay Jacey.

"Hindi ako nagseselos. Nagtatanong lang."

"Naglaro ka ba ng dota magdamag? Mukha kang walang tulog."

"Hindi dahil sa dota kaya puyat ako. Iniisip ko kasi kung sino kasama ni Leigh kahapon. Ayaw niya kasi sabihin. Kapag nalaman ko talaga kung sino yung lalaking yun," sambit ni Jacey. Hindi niya alam na nasa tabi lang niya yung kasama ko kagabi.

"Ano gagawin mo sa kanya?" natatawang tanong ni Kei.

"Sasapakin ko," tugon niya.

"Sapakin din kita kapag ginawa mo yun," pananakot ko sa kanya.

"Sino ba kasi yun. Bakit ayaw mo sabihin?" pangungulit niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Kumakain ka din ba ng balot?" tanong ko kay Kei.

"No. Bibilhan na lang kita pero hindi ako kakain," sagot niya.

"Bakit siya lang? Ako din," sabat ni Jacey.

"Sige tol. Malakas ka sa akin. Alam mo naman mahal na mahal kita," tugon ni Kei sabay yakap kay Jacey.

"Matulog ka na pagkauwi mo," sabi pa niya. Natawa na lang ako sa kanila.

"Lumayo ka nga sa akin. Para kang bakla," inis na sabi ni Jacey sabay tulak kay Kei.

"Bakla agad? Baka gusto mo halikan ko si Leigh sa harapan mo," sagot ni Kei.

"Siraulo! Bakit mo naman hahalikan si Leigh?"

"Lalake kasi ako. Alangan naman ikaw  halikan ko?"

"Manghila ka na lang ng ibang babae diyan."

"Ayoko nga. Gusto ko si Leigh," nakangising sabi ni Kei. Nasalubong bigla kilay ni Jacey.

"Tol, madami na akong iniisip. Wag mo na dagdagan."

"Umamin ka na kasi para mabawasan yung iniisip mo."

"Ano aaminin ko?"

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga diyan. Kapag hindi ka pa umamin, uunahan kita."

Hindi na ako nakasabay sa usapan nila. Wala na kasi ako maintindihan. Hindi ko alam kung ano yung dapat aminin ni Jacey  at kung saan siya uunahan ni Kei. Hindi ko rin alam kung bakit nadamay ako sa kabaklaan nila.

"Luto na yung isaw. Baka gusto niyo ng kumain?" tawag ko sa dalawa nang makitang nilalagay na sa lalagyan yung isaw.

"Pagsasamahin ko na sa isang plastic yung sa inyo ha?" tanong ni Aling Mercy.

"Sige po," sagot ko.

"Ito po bayad nung tatlo," sabi ni Jacey sabay abot ng pera.

"Ito pa sa amin ni Leigh," sabi naman ni Kei. Ako naman kumuha ng binili namin saka ng sawsawan. Nilagay ko sa plastic cap yung suka saka ko iyong inabot sa kanina. Tag-iisa kasi kami ng sawsawan.

Kaya gustong-gusto ko dito kumain, malaki kasi isaw nila kahit mas mahal. Tapos  masarap pa. Pati sawsawan masarap. At dahil sa akin yung pinakamarami, ako pinakahuling kumain.

"Saan naman tayo bibili ng balot?" tanong ni Kei habang hinihintay nila ako.

"Doon kay Manong Berting," sagot ko. Kumpara kasi sa iba may sariling pwesto si Manong Berting. Tapos yung anak niya yung nag-iikot para mabilis maubos at makarami sila.

Tumayo na ako saka tinapon yung pinagkainan ko bago kami umalis. Pumunta kami sa tindahan nila Manong Berting. Sa tapat kasi ng tindahan nila nandoon si Manong Berting nagtitinda ng balot. Yung asawa niya nandoon sa loob ng maliit na tindahan.

"Ilan bibilhin?" tanong ni Kei sa amin.

"Dalawa sa akin," sagot ko.

"Takaw mo talaga. Isa lang sa akin tol," sabi naman ni Jacey.

"Pabili pong tatlong balot," sabi ni Kei kay Manong saka nagbayad. Binigay niya sa amin yung binili niya.

"Salamat," pagpapasalamat ko.

"Sige. Iwan ko na kayo. Tol, ikaw na bahala kay Leigh. Uwi na ako," paalam ni Kei.

"Sige. Salamat sa balot. Ingat ka. Tanga ka pa naman," tugon ni Jacey.

"Lol. Mas tanga ka," sagot naman ni Kei bago umalis.

"Sa bahay na natin ito kainin," sabi ko kay Jacey kaya umalis na din kami.

Doon kami sa tapat ng bahay tumambay.

"Leigh, lapit ka dito."

Sinenyasan ako ni Jacey.

"Ayoko nga. Alam ko na gagawin mo," sagot ko. Bigla siya tumayo. Tatakbo na sana ako pero nahawakan niya ako. Hinila niya ako sabay pulupot  ng braso niya sa leeg ko sabay pukpok ng balot sa noo ko para magcrack. Lagi niya yun ginagawa kaya minsan ayoko kumain ng balot  kasama siya.

Napahawak ako sa noo ko nung bitawan niya ako. Lumayo kasi siya agad dahil alam niyang tatamaan siya sa akin.

"Yung asin na sa akin pa," sigaw ko para lumapit siya.

"Bato mo na lang. Sasaluin ko."

"Ayoko nga. Bahala ka diyan kainin  mong ganyan. Papasok na ako," sabi ko sabay arte na binubuksan yung gate.

"Walang ganyanan," aniya sabay lapit para pigilan ako. Hinawakan ko agad ang kamay niya saka siya hinila para pababa para maabot ko noo niya. Ginaya yung ginawa niya kanina.

"Teka! May isa pa," sabi ko bago siya tumayo. Kinuha ko yung isa pang balot saka pinukpok sa kanya para magcrack.

"Daya! Isa lang sa akin tapos sayo dalawa," reklamo niya.

"Wag ka magreklamo. Buti nga ganyan lang ganti ko sayo. Ayan na asin mo saka suka," sabi ko sa kanya. Kinuha naman niya yun at nanahimik na dahil abala na kami sa kinakain namin.

"Hindi mo ba talaga sasabihin kung sino yung kasama mo kahapon?" tanong niya.

"Bakit ba gusto mo malaman kung sino?"

"Basta. Sino ba kasi yun? Kilala ko ba?"

"Secret."

"Bahala ka nga diyan. Malalaman ko din yang secret na yan," tumayo na siya dahil tapos na siya kumain.

"Itulog mo lang yan. Wag ka kasing mag-aadik."

"Sa isang babae lang naman ako naadik."

"Sino naman yung babaeng yun? Si Dianne?"

"Secret. Hindi si Dianne," nakangiting sabi niya bago umalis. Mukhang ako naman hindi niya papatulugin sa kakaisip. May iba pa siyang babaeng gusto?

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top