13
HINDI mapakali si Marcus. Dalawang araw ng nawawala ang dalaga, ayaw man niyang mahalata ng mga kaibigan ang kabang nararamdaman pero pati trabaho niya naapektuhan na rin.
"Marcus, can you please concentrate first?" Suway sa kaniya ng choreo nila. Magkakaroon kasi sila ng world tour kaya pinaghahandaan ulit nila iyon.
"How I wish I can do that. I'm sorry, "Badtrip na naupo siya sa tabi at kinuha ang bote ng Gatorade na inumin.
"You and Ben are the same. There's nothing wrong with love, but I hope when it's time to work, put your love problems aside. We are all facing our own problems but please learn to render your self, "dismayadong sabi ng choreo nila. Ngayon lang kasi nito nakita na nagkakaganito ang mga magkakaibigan. Ilang taon na siyang Choreo ng Cassio, at ito ang pinakauna niyang makita na hindi makontrol ng mga ito ang nararamdaman.
Wala tuloy magawa ang mga kaibigan niya kundi magpahinga muna rin.
Nilingon niya ang tumapik sa kaniyang balikat. It's Sam.
"Don't worry, she's safe. "Marcus frowned. "How did you know that? Nahanap na ba nila si Alexa?"Marcus bombered questions to Sam.
Umiling na nakangiti ang binata. "She's a Montreal bro. Don't forget who is she, kaya niya ang sarili niya. "
Bagsak ang balikat, bumuntong-hininga si Marcus. "I can't help it, Sam. "
Hanggang sa matapos ang dance training nila ay magulo pa rin ang isip ng binata. He needs to calm down dahil baka makapatay siya ngayon. Lalo na't nasa kamay na ng grupo nila ang pumatay sa tatay ni Marcus.
"Where is he?" Tanong nito sa isa mga tauhan niya. Kasama niya ngayon si Evren dahil hindi siya masasamahan ni Sam ngayon.
"In the basement, sir Marcus, "sagot nito at tahimik na sinundan sila ni Evren. Sa basement sa ilalim ng bahay niya.
Bumungad sa kanila ang nasa 50 anyos na koreano, nakasuot pa ito ng pang militar. Ngumisi si Marcus ng makita ang mga medal sa damit nito na nagsasaad ng rango.
"You did have a luxurious and lively life, sir. How does it feel that you are now above? Can't you hear those whispers of dead people that you kill in order for you to reach your throne?" Marcus asked. Ngumisi lang ang matanda.
"Well, it's pretty wonderful up there, child. And thanks to your father, I'm now enjoying the best of my li-"bago pa nito matapos ang sasabihin ay kaagad niya na itong sinikmuraan.
"Your filthy mouth has no filter, huh, "saad ni Marcus habang patuloy na binubugbog ang matanda. Samantala ay tahimik lang siyang pinapanood ni Evren.
He knows na sa mga ganitong sitwasyon ay lumalabas ang kakaibang katauhan ng kaibigan. Marcus became a complete different person now. From a sweet and gentle happy virus to a dangerous and ruthless monster.
NAPAKUNOT-NOO si Darius ng madatnan ang kakaibang mga kinikilos ng mga tauhan niya.
"Where is Tyler? Si Alexa? Tulog na ba?" He's pertaining to his secretary.
Napakamot sa ulo ang isang bodyguard, hindi alam ang sasabihin.
"Ahm. N-nasa library po boss. Kakarating lang din po ni M-Madam Alexa. "Nauutal na sagot nito.
Napailing na pumasok na siya sa loob ng bahay at dumeretso sa second floor kung saan naroon ang kwarto ng dalaga. Napakunot ang noo niya ng makitang hindi man lang nagsindi ng ilaw ang dalaga. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang dalaga.
Pumasok siya at akmang isasara ang pinto ng maramdaman niya ang isang dulo ng baril na nakatutok sa ulo niya.
"Fuck you, Darius. "
Dahan-dahan siyang pumihit paharap at bumungad sa kaniya ang isang seryosong mukha ng lalaki.
He know that voice. "Knight? What the hell are you doing here, dude-"
"Shut the fuck up, Darius! Don't you know how fucking worried we are? Where is she?"
Tinaas ni Darius ang kamay sa ere at natatawang hinarap si Knight.
"Chill, man. "
"Wala akong ginawa kay Alexa. We are just running an important but dangerous errands. So, chill. Your Alexa is safe, "Darius said.
"What did you tell her? Bakit mo ba pinapangunahan ang lahat, Darius? "
"So what? We'll just hide the truth in the past? Kilala mo ako Vasquez, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nasisingil ang mga pumatay sa mga magulang ko! "
"But you don't have to involve her! Masasaktan siya! "Giit ni Knight tsaka frustrated na sinuklay ang buhok.
"Anong tawag mo sa ginagawa mo? You are hiding the truth from us, Knight! You are our friend but you are hurting us bro. "Nakatalikod lang si Knight. Ito ang ikinakatakot niya. Kaya itinago niya ito sa dalaga para makapamuhay siya ng maayos.
"I'm just protecting her, I'm protecting the two of you!"giit ni Knight sa kaibigan.
"Protecting? With your lies? "Pagak na natawa si Darius.
"This is fucking hilarious. Pasalamat ka at kaibigan ka namin ni Alexa dahil kung hindi matagal ka ng pinaglalamayan ng asawa mo. "
"And do you think hindi siya masasaktan kapag nalaman niyang nagsisinungaling ka sa kaniya? Na naglilihim ka? Do you think she'll be able to live in peace sa takteng mga kasinungalingan mo?!"hindi mapigilang sigaw sa kaniya ni Darius. Inis na hinarap ni Knight ang binata at kinuwelyuhan ito.
"Continue finding justice and chasing after those demons pero huwag mong idadamay si Alexa! Malapit na ako, Darius. Maiibigay ko na sa inyo ni Alexa ang kailangan niyo. "Hindi na alam ng binata kung anong gagawin. Alam na ni nila Darius at Alexa.
Lumayo na ito sa kaniya. "Fine. Pero kung si Alexa na mismo ang nagdesisyon para sa sarili niya, please dude, let her know the truth. "
"Hanggang saan ang nalaman niya?" Knight asked.
"Alexandro's affair. "Mabuti na lamang at hindi nag-usisa pa ang binata at tahimik na lumabas. Hawak na ni Darius sa leeg ang doctor at kasalukuyang din siyang pinasa ilalim sa DNA test ang 4 na pinsan niya at ang kaibigang si Knight. Naghihinala na rin ito sa ikinikilos ng binata.
Akay-akay ni Alfonso si Alexa na sobrang lango. Sa buong buhay niya ngayon niya lang nakita na naglasing ang dalaga ng ganito kagrabe.
He is about to load her in his car when someone shot his precious Lamborghini car.
"Fuck!"
Dahan-dahan niyang pinaupo sa sahig ang dalaga at kinuha ang baril tsaka hinarap ang sinumang tampalasan na bumaril sa kaniyang kotse.
"You-"
"Yes, me. "Knight cut him off. Mabilis ang kilos nito at nakuha agad ni Knight si Alexa. Maraming bodyguards ang nakapalibot sa kanila.
"Where do you think you are taking her?" His cold voice and poker face is enough to make you run in fear.
"Well, sa isang nakatatandang kapatid ay napakapabaya mo. "
"Akala ko ba iuuwi mo siya kaagad?" Darius asked Knight. Humigop muna ng kape si Knight habang prenteng nakaupo sa sofa.
"Well, I want to talk to her first and I'll take your idea na matatagpuan natin siya sa Korea or so whatever you are planning Darius. "
May iniabot sa kaniya si Knight. "What is this? Ano naman ang gagawin ko rito?"tanong ni Darius.
"You want to know his affair? I have a file about that. A year ago I spent my fucking precious time to dig more from the past, "salaysay ni Knight. "That will bring storm to Montreal Family. Kaya huwag muna ngayon, Darius. I just give that to you because after all your father is the victim here. He died in his merciless hands. "
Tumigil sila sa pag-uusap sa bagay na iyon ng makitang pababa na ang dalaga sa hagdan.
"Good morn-"
"Good morning, cous. We have a guest. "
Alexa's eyes widened as she saw Knight comfortably sitting at the sofa.
"What-How did you find me?"
"Alam ko na ang lahat, Alexa. Bakit ba ang hilig mong ibato ang sarili sa impyerno? You make me fucking worried!" Nang makalapit naman siya sa binata ay hinapit siya nito sa bewang para yakapin.
"I'm sorry, "iyon lang ang tanging naiusal ng dalaga.
"After this breakfast, iuuwi na kita. "
Kaagad naman kumalas sa yakap si Alexa. "No, I can't. Knight please, I need to finish this. "
"Finish this with your broken heart? No, sweetheart. I won't allow that. Weather you like it or not, sasama ka sa akin, "matigas na sabi nito.
"We'll fly to Seoul after this, para hindi mabulyaso ang pinaghirapan niyo ni Darius palalabasin nating nakidnap ka at doon kita nahanap sa Seoul. "
Walang magawa kaya nakasimangot na tinungo na lang ng dalaga ang dinning room. Pagkatapos kumain ay nakinig lang siya sa plano ng dalawa. Wala na tuloy siyang nagawa, kasali na si Knight sa ginagawa niyang pasekretong pag-imbistiga.
Hindi sila nag-aksaya ng oras at kaagad na lumipad papuntang Seoul. Ewan ba niya, pwede naman siyang iuwi ng deretso, siya na bahala mag-alibi na hindi nadadamay ang kaniyang pinsan.
MASAMA na tingin ang ipinukol ni Alexa sa dalawang kasama na abala kumain ng sausage. Kasalukuyan silang nasa Lotte World, ang tinaguriang Disney Land ng Korea. Well, maganda naman dito pero mababaliw na ata siya sa trip nila Darius at Knight.
Pagkatapos kasi nila kumain sa isang restaurant ay dumaan muna sila sa mall para mag-shopping ng damit. And guess what? Nag bihis sila ng pang estudyante na outfit like what are they planning?
"What's with you two? Seriously dito talaga, Knight? Darius? Saan ka nakakitang nakatakas sa kidnapper na dito sa Lotte World dederetso? "Sermon niya sa dalawa.
Nginisihan lang siya ng dalawa tsaka tumayo na ang mga ito. "Chill, insan. Huwag kang masyadong hot, baka biglang maging summer dito. "Inirapan lang niya ang mga ito.
"You know what, babe. Hindi sa bar ang magandang puntahan kapag may problema. Ito..."
Inilibot ni Knight ang hawak na camera tsaka muling itinutok sa kaniya ito. "This is the perfect place to chill out. Hindi alak ang solusyon. You need to enjoy and absorb the vibe here to at least calm your nerves. "
Pinatay na nito ang camera tsaka siya inakbayan. "You are not helping. Kayo lang naman ang nag-eenjoy eh!"nakasimangot na sabi ni Alexa.
"I know it hurts and it's hard to believe. Pero subukan mong kumalma, alisin mo sa isip mo, isantabi mo muna. Tumingin ka sa paligid mo, try to smile and feel the vibe of this beautiful place, Alexa. "
"I don't know if I'll be thankful dahil ganun lang ang ginawa niya o masasaktan ako. I don't know how to act in front of my family after this. "
Hinarap siya ni Darius. "Kaya nga kailangan nating magpalamig dahil mahirap na kung madala natin hanggang sa bahay niyo itong mabigat na nararamdaman natin. Mapupunta lang sa wala ang mga pinaghirapan natin kapag nagkamali ka ng kilos. "
Nagets naman niya iyon, baka mabulyaso lang ang plano nila at mas worst ay baka bantay sarado nanaman siya ng mga kuya niya para hindi niya na matuloy ang binabalak.
She remembered that they used to go here after their class noong mga nasa highschool pa lang sila. Ito ang takbuhan nila kapag napapagalitan ng mga nanay nila.
She smiled. "I'll try. "
"So, let's go?" Aya ni Knight at tsaka hinila na siya ng dalawa sa mga rides.
NAPATAYO si Darren ng makita ang video na isinend nila Knight. Nahanap na daw nila ang kapatid at kasalukuyan pa silang nasa Lotte World at nagsasaya.
"Really? Ang lakas ng loob nilang magsaya after my sister got kidnapped?"
"Kalma lang, kuya. I trust Knight na hindi niya pababayaan si Alexa, "saad ni Clinton. Iniligpit ni Darren ang mga gamit.
"But I don't trust our cousin. He's a suicidal maniac. Baka mahawa pa sa kaniya si Alexa, "halos magdugtong ang mga kilay nito sa pagkakakunot ng noo niya. Natawa naman si Brennan sa sinabi ni Darren. Well, Darren is right, masyadong reckless ang mga galaw ni Darius.
Kinuha nito ang tuxedo at isang 45 caliber gun na nasa drawer nito. "But don't you think, D? Baka nagpapalamig muna sila doon, you know our sister, hindi lang halata pero may trauma pa rin siya dahil sa nangyari 15 years ago. "
"Yeah, Clint is right brother. Hayaan mo muna sila. " Matalim ang tingin na ipinukol niya sa dalawa.
"Iuuwi ko lang si Alexa, hindi ako gagawa ng eksena doon. If you want, come with me para masiguro niyo na hindi ako gagawa ng kahit ano. "
PAGOD na humiga sa kama si Alexa. Sa wakas ay nakauwi na rin sila sa tagal ng pagagala nila sa kalye ng Seoul. Hindi pa kasi nakuntento sila Knight at Darius at nag-aya pa na pumunta sa concert ng BillieGirls. At ang ending, imbis na magluto siya ng hapunan nila ay om-order na lang sila ng pagkain dahil sa sobrang pagod.
Kahit papaano naman ay nabawasan ang mabigat na nararamdaman niya. Tumayo siya ng marinig ang katok. Bumakas ang pinto at bumungad si Knight na may dalang isang baso ng gatas.
"I hope this helps you to sleep well tonight. "nakangiting sabi ni Knight. Tinanggap niya ang baso. "Thank you, "pasasalamat ni Alexa tsaka ininom ang gatas. Nang matapos ay ibinalik niya ito sa binata.
"Thank you talaga, Knight. And I'm sorry, "wika ng dalaga. "Sorry for what?"tanong ni Knight. "Sorry kasi pati ikaw naisturbo ko. I know day off mo ngayon and you should spent your time with your son and ate Trina. "
Ginulo ni Knight ang buhok niya. "Para sa akin hindi ka istorbo, Alexa. I'll always run into you whenever you need me. Trina understand our situation, "saad niya. "Tsaka bago ka kinidnap ng gago kong kaibigan nag out of the country ako kasama sila. "
"Kahit na. Kilala mo ako, Knight. Ayokong nakakaabala at ayokong maramdaman niyo itong mabigat na pakiramdam na meron ako. Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko pero ang hirap talaga tanggapin, "kinabig siya palapit ni Knight at isinandal nito ang ulo niya sa balikat nito.
"Sometimes you need to be selfish, you need to lie and sometimes you need to endure the pain to protect the person you cherished. There's nothing wrong with that. But, you know what's wrong?"tiningala niya ang binata.
"Ano?"
"You. Being selfless. Sometimes you need someone's help, you need someone to lean on and to cry on. Wala namang masamang magpahinga muna, Alexa, pero bakit hindi mo magawa? You are killing those people around you because you are draining yourself in order to protect them. "
Nalungkot ang mukha ng dalaga. "That is... that is the only thing I know, Knight. "
"Maraming nagmamahal sayo, Alexa. Kaya simula ngayon, learn to love yourself and find yourself. Hindi pwede yung you are already broken because of what you discovered and yet you are pushing yourself on the cliff just to know more, "salaysay ni Knight.
"I'm sorry. "A tear escaped from her eyes. "No need to be sorry, Alexa. "Knight wiped her tears.
"You need to heal first bago tayo bumalik sa pinas. "Tumayo na ang binata.
"Now go to sleep. Feel the rest of the night and throw those fucking worries of yours. Gagala pa tayo bukas, "malaking ngiting sabi ni Knight.
"Good night, princess. Sweetdreams!" Sabi pa nito bago lumabas ng kwarto niya. Kahit papaano ay guminhawa na siya. Bago siya matulog, she decided na mag cold shower muna. At nagbihis ng komportableng pantulog.
Ngunit akmang hihiga pa lamang siya ng tumunog ang cellphone niya na ngayon niya lang nilabas.
A message from Sam.
Kinuha niya ang cellphone at binasa ang message.
Where are you Alexa? We badly need you! Isang araw ng nagkukulong sa kwarto si Marcus.
Napakunot ang noo niya ng mabasa ito. 30 minutes ago lang ang message.
She immediately type a message.
I'm sorry. What happened, Sam? Is this because of me? I got kidnapped and many things happened. I'm sorry if I make all of you worried.
Napasapo ng noo si Alexa. She forgot that one person na unang maapektuhan sa ginawa niyang walang pasabing paglalayas. Teka, sino bang naglayas ang nagpapaalam? Malamang wala!
I know what happened to you. No need to explain.
Yes, he is worried about you. Actually, all of us. But, this matter is ahm it's quite sensitive. He needs you, Alexa.
Okay I'm coming. Pero ang problema ang masasakyan. She typed a message.
Nasaan ka ba? I'll fetch you.
She again replied.
I'm currently in Seoul right now.
Alexa let a heavy sigh. She need to do this again. Lalayas siya ngayon para mauna ng umuwi sa Pilipinas.
Akmang mag-bobook siya ng flight ng mag-po up ang message ni Sam.
I'll send you the location. Wait me there, I'll fetch you with my private plane.
Nanlaki ang mata niya sa gulat. Nangangamoy yayamanin.
Wala na siyang sinayang na oras, dala ang cellphone ay lumabas siya ng hotel at kaagad na nagpara ng taxi papunta sa nasabing lugar. Buti na lang at tulog mantika ang mga kasama niya kaya hindi siya nahirapang lumabas.
HINDI maipaliwanag ni Marcus ang nararamdaman. Naguguluhan siya. Kahapon nakatakas si Choi Min Ho at dahil iyon sa mga pesteng nakapasok sa hideout nila na mga nagpanggap na mga tauhan nila for almost 5 months. At dahil doon nakatakas ang hudas, muntik ng mapatay ng mga ito si Ben buti na lang at naisugod kaagad sa hospital at hindi malala ang tama, dinamay din nito ang ina na mabuti na lamang ay nalate sa flight nito at hindi nakasama sa sumabog na eroplano.
Nang mahuli ni Marcus ang demonyong nangahas na dagdagan pa ang kasalanan ay nandilim ang paningin niya. Nilagay niya na sa kamay niya ang batas. Dahil bago pa madala ng korean embassy si Choi ay palihim nila itong kinuha at pinalabas na namatay.
Hindi niya pinatay sa baril si Choi, gamit ang sariling kamay ay pinatay niya ito sa bugbog at ng mapagod ay doon niya pinasunog ang katawan ni Choi Min Ho. Sadyang nga talagang lumalabas ang hindi magandang kulay ng isang tao kapag talagang ginalit niyo na ito.
At ngayon ay hindi lumabas si Marcus sa kaniyang kwarto. Kinulong niya ang sarili. Halo-halong pakiramdam ang dinadamdam niya. Takot na mawalan ulit ng isang magulang at ng kaibigan. Sinisisi niya rin ang sarili niya dahil nagpabaya siya at dahil doon ay namatay siya ng mga tauhan.
Nakarinig siya ng katok ngunit katulad kahapon ay hindi niya ito pinagbuksan.
"Marcus, lumabas ka diyan! What do you think you are doing to your self? Stop overthinking and blaming your self on what happened because it is not your fucking fault!"
"No! You don't know what you are saying! "Nagtakip pa siya ng unan sa tenga para hindi marinig ang boses ng mga kaibigan pero lalo lang lumalakas ang kalabog ng pinto kaya naiinis siyang naupo sa kama.
"Umalis na kayo! Hindi niyo ako naiintindihan. J-Just leave me alone! I want to rest!"sigaw ni Marcus.
Nang marinig ni Alexa ang sinabi ni Marcus ay mas lalo siyang nainis tsaka hinarap si Mio. "Pahiram ng palakol. "
Saglit na napakurap-kurap si Mio pero dahil sa seryuso ng boses ng dalaga ay kaagad siyang tumalima.
"O-Okay. "
Hindi naman nagtagal si Mio at ibinigay kay Alexa ang palakol.
"Ayaw mong lumabas ah! "Banta ni Alexa. Napatayo si Marcus ng marealize kung kanino ang boses na iyon. Huli na ang lahat ng bumukas ang pinto at bumungad ang bulto ng isang babae na may hawak na palakol.
Lumakad ito patungo sa may switch at binuksan ang ilaw.
Nang makita ng dalaga ang kalunos-lunos na ayos ng binata. Magulo na buhok at namumugtong mga mata. Magulo rin ang kwarto ni Marcus, nagkalat ang mga bote ng alak at mga basyo ng flavor ng vape.
Kaagad na sinugod ni Alexa si Marcus ng mahigpit na yakap. Umiyak lang ang binata.
"Ssshh, I'm sorry, Marcus. I'm sorry dahil wala ako sa tabi ng mga oras na iyon. Andito na ako. Hush now, you can tell me everything. Hindi kita iiwan. "
Nag-stay sila sa ganoong sitwasyon hanggang sa kumalas si Marcus sa yakap ng kumalma na siya.
"I put the justice on my hand, Alexa. Masama akong tao, n-nakapatay ako. "Nakita ni Alexa na nanginginig si Marcus kaya hinawakan nito ang kamay niya. "Calm down, Marcus. If you are not yet ready to tell me, you can take your time. Basta huwag mo na uulitin ito. You scared the hell out of me! "
"No, Alexa. I need to tell you. I'm a bad person now, wala na akong ipinagkaiba sa kanila dahil sa ginawa ko. T-This is my first time to torture someone out of anger, "pag-amin ni Marcus. Nalungkot ang dalaga. Nakikita niya ang sarili niya kay Marcus. Noon ay gusto rin niyang ilagay sa kamay niya ang batas. Lihim siyang gumagawa ng hakbang at bawat taong konektado sa pagkamatay ng ama niya ay winawasak niya.
"Kahapon, nahuli ko na ang pumatay kay Dad. H-He is your commander in that camp sa Seoul noong nag military service ka. He said that he wants you pero hindi siya makalapit dahil may malaking tao ang pomoprotekta sayo. Nakatakas siya dahil may mga traidor sa mga tauhan namin. He plan to kill my mom but he never succeed and he almost kill Mio. Darkness and anger eat me. And because of that I become a monster, Alexa. "
Deretso siyang tinitigan ng binata sa mga mata. "I don't deserve you. You are so pure while me, I can't control my inner me whenever they are triggering my-"itinapat ni Alexa ang daliri sa bibig ng binata.
"That bastard deserve what he got. And please stop blaming yourself and making you as a fucking suspect here because you are the victim, Marcus. "
Bahagya pang natawa ang dalaga. "And stop saying I'm pure. I came from the family of mafia, people who are not afraid to kill but my difference is I kill those bastard who really deserve death. "
"Wala namang perpektong tao, Marcus. Lahat tayo nagkakasala at nagkakamali pero huwag lang natin hayaan na mabaon tayo sa kadiliman dahil sa mga hindi magandang kaisipan. "Pangaral ng dalaga.
"Now, stand up Marcus. Show them na mali sila mg taong kinalaban. Stop hiding in shadow like a prey. Sila ang sindakin mo. Bumangon ka, Marcus. Huwag ka magpatalo diyan sa sinisigaw ng konsensya mo dahil mga halang ang kaluluwa ng mga pinatay mo. "
Tumayo na ang dalaga. "4 days na akong wala sa bahay. I a-actually not what you think, Marcus. I'm doing something behind my brothers back. Sinusuway ko sila at katulad mo nilagay ko na sa kamay ko ang batas. "
Tumalikod na ang dalaga. "Osya, ipagluluto muna kita ng pagkain. Take a cold shower para mahimasmasan ka naman. "
Binuhat nila Ben ang nasirang pintuan. Nakasalubong naman ni Alexa si Sam patungo sa kusina.
"Thank you for coming. I know you are busy, "saad ni Sam. Huminga ng malalim sa Alexa.
"Naku wala iyon. Sakto rin naman na itinigil ko muna ang ginagawa ko. Knight intrude in our investigation. "
Sam patted her shoulder. "You'll get through this, Alexa. You know this is not yet the ending. Nag-uumpisa pa lang ang lahat. "
"I know. I'm trying my best not to get away sa plano natin. "Bago siya pumasok sa kusina ay may dinukot siya sa bulsa niya.
Iniabot niya iyon kay Sam. "Maybe you know this thing. "Napakunot noong tinanggap ni Sam ang maliit na kahon. Luminga-linga siya sa paligid para masigurong walang nakikinig sa kanila.
Bahagya niyang binuksan ang kahon. Kaagad na nag-iba ang timpla ni Sam dahil sa nakita. "Where did you get this?" He curiously asked.
"Sa tagapagmana ni Alfonso. I met him twice at ang huling pagkakataon ay kahapon. He's about to bring me in their hideout-"
"What the heck?! Plano mo ba magpakamatay?!"hindi maiwasang maibulalas ni Sam.
"Chill. May kasama ako and you know me hindi ako sumusuong sa laban ng hindi handa noe. "
"As what I say, he's about to bring me there. Kaso umepal si Knight. Actually the heir of Alfonso is looks like you. May pagkakahawig kayo. And I remember sabi niya that thing was gave by his mother noong birthday niya. "
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top