12




Nag-public apology ang company ng Moonster kpop group. Ngunit walang narinig mula kay Choi Ah Eun. Nung una ay mas pinagdiinan niya na may relasyon sila ni Marcus at ipinakita ang mga larawan kasama ang binata. Ngunit ang mga iyon ay kuha lamang sa isang taping kung saan ay hindi inaasahan na naroon din ang binata.

"That girl almost destroy our name. I'll make sure she'll root in hell with his evil family, "Darren said with his serious tone.

"Kuya, huwag na. Hindi naman ako nasaktan ng pisikal. "Ngunit mariing umiling ang kaniyang nakakatandang kapatid.

"No one can mess with our family, Alexa. We are trying to clean this filthy surname from our grandfather. And no, I'll not let anyone to hurt or embarrassed you. "

Tumabi sa kaniya si Brennan. "And besides, Alexa our princess, the Choi family deserves that. Dahil isa sila sa mga kriminal na hinahabol natin. Maraming ebidensya na maihaharap sa korte kaya wala na silang kawala, unti-unti na rin silang iniwan ng mga investors nila at bumabagsak na ang mga kompanya nila. So, this is their karma, huwag mo silang kaawaan. Dahil anh demonyo hindi marunong maawa. "

Hindi na nagpumilit pa si Alexa at hinayaan na lang ang mga nakakatandang kapatid na gawin ang nais.

"Dinner is ready. "Umayos na sila ng upo ng dumating ang ina dala ang bagong luto na kare-kare.

Pagkatapos ng hapunan ay dumeretso kaagad si Alexa sa kwarto niya. Sinarado ang pinto at bintana para masigurong walang nakikinig o nag-eespiya sa kaniya.

"Darius." Sumeryuso ang boses ng dalaga habang abala sa pagtipa sa kaniyang laptop.

"I found the organization na tumulong o rumescue sa inyo. Hindi siya konektado sa Schemetzer Mafia Group. Mukhang may atraso si Vilardi sa mga ito, bigtime sila Alexa. Nahirapan pa nga ako sa pagkalap ng information about them, "saad ni Darius. "But you say, nahanap mo na yung batang lalaki na tumulong sayo. Why don't you ask him? Baka may nalalaman siya sa mga grupo na iyon. "

"What do you mean? "

Darius cleared his throat. "Theres a high possibility that he is one of them now. Ask him, if you can't do that, check his background. Mag-espiya ka sa kaniya. "

Alexa doesn't like that idea. It's like she's stabbing Marcus at his back.

"I'll try, Darius. How about sa mga tauhan ni Vilardi noon na naging kasangkapan niya. Meron pa bang buhay? Or if nakakulong, nahanap mo na ba?"she asked.

While talking to Darius, Alexa is busy in searching about the axe symbol na natatandaan niyang nakamarka sa mga kumidnap sa kaniya noon. At pilit din niya inaalala ang lugar na pinangyarihan ng nangyari 15 years ago.

She couldn't ask Marcus about it. She's worried baka kasi may trauma pa ang binata.

"Yes, I actually got one. And you wouldn't believe who is this guy is. "

"And anyways, try to check the wealth history of your family way back 2005. I have a hunch that Vilardi has a connection with your family-the Montreal. I'll check the medical background of your family in the incident 15 years ago. "

Naiistress na hinilot ni Alexa ang sentido. There's a mole in their family. And who would that be?

"Anyways, I gotta go. I'm currently following someone right now."

Alexa frowned. "What? Who is that? Kriminal ba? Darius, mag-ingat ka sa mga galaw mo, mabubulyaso ang plano natin. "

Narinig niyang tumawa ang binata. "Don't worry, Alexa. Hindi ko naman ipagpapalit ang plano natin sa kung sino man. Parehas tayong naghahanap ng hustisya para sa mga mahal natin sa buhay. I actually hate using this surname of us, it's disgusting. "Hindi naman niya masisi ang pinsan dahil malaki ang galit nito sa mga lolo nila. Darius is like the black sheep of the family pero alam niyang mabuti si Darius.

He just want to get rid of their family name.

"Gotta go, my pretty cousin. Baka mahuli ka pa ni Darren na kausap ako. Mas lalo tayong mabubulyaso. "

Darius Montreal is her cousin. Anak siya ng kambal ng kaniyang ama-Alejandro Montreal. She learned that Alejandro Montreal is her mother's greatest love. Pero walang nakakaalam kung sino ang pumatay sa kaniyang tito na natagpuan na lamang sa isang talahiban sa Main Road ng San Simon.

Nang gabi ring iyon ay umalis siya para ipagpatuloy ang paghahanap.

Araw-araw ng hatid sundo si Alexa ni Marcus. Sa umaga ay nagtatrabaho siya at pagsapit ng gabi kapag nasiguro niya na tulog na ang kaniyang pamilya o di kaya ang mga kasambahay ay palihim siyang aalis.

"Thank you!" Masayang tinanggap ni Alexa ang isang bouquet ng red roses.

"I'm happy you like it. "Napatigil siya ng halikan siya ng dalaga sa pisngi. "Well, you don't need to give me flowers but you making me fall inlove for doing courtship even though it's not your thing. "

May mga naging nobyo naman si Alexa noong nasa SoKor siya, pero wala ni isa ang nanligaw sa kaniya ng matino katulad ni Marcus.

"I told you handa akong patunayan sa'yo, sa pamilya mo at sa lahat na totoo ang nararamdaman ko. This is not just a simple administration. And no words can explain how much I felt for you. "

Napangiti naman ang dalaga. Pilit itinatago ang kilig na nararamdaman.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong ni Marcus sa kaniya. "Hmm, let's try in Ruis Restaurants. I heard masarap daw ang food doon, "sagot ni Alexa.

Dinala siya ng binata sa nasabing restaurant. Hindi lang pala Filipino food ang hinahain nila. It's a restaurant for asian people dahil puro popular asian food ang naroon.

"You have a good taste when it comes to food. I like it here, "Marcus commented. Kaagad naman silang omorder ng pagkain.

Hindi pa man nila nakakalahati ang kinakain ay biglang may tunawag sa pangalan ng dalaga. Kaagad namang sumimangot si Marcus ng mapagtanto lalaki ang tumawag kay Alexa.

"Darius!" Masayang sinalubong ni Alexa ang pinsan.

"It's nice seeing you here-oh"napatingin si Darius kay Marcus na parang ineexamine siya sa uri ng tingin nito sa kaniya. "You have a date. Aba't nagdadalaga na talaga. "

Napasimangot si Alexa. "Ayan ka nanaman, nawawalan nanaman ng turnilyo yang utak mo. Ang hilig mo talaga akong asarin."

"Anyways, Darius this is Marcus my soon-to-be boyfriend. And Marcus this is Darius my cousin. "Pakilala ng dalawa sa isa't-isa. Kaagad namang humupa ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.

"Oh glad to meet you, man. "Nakipagkamay ito kay Marcus. Tumayo si Marcus para pormal itong kamayan. "Same here, dude. "

Lumapit kaunti si Darius para bumulong. "Try to hurt here and I'll not hesitate to bury you 6 feet  underground. "

Hindi naman siya natakot at nagpatinag sa banta ng pinsan ni Alexa dahil kilala niya ang sarili, he'll never cheat, he never do that in relationship.

"Don't worry, dude. Before you do that, if ever, ako na mismo ang liligpit sa sarili ko. "

Napagdesisyunan nilang isama na si Darius sa dinner nila. Ngunit natigilan at parang naestatwa si Alexa ng makita ang isang pamilyar na tao. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Pero dahil masyadong matao ay kaagad din itong nawala.

"Are you okay, Alexa?"nag-aalalang tanong ni Marcus. "Namumutla at nanlalamig ka, princess. "Hinawakan ni Darius ang kamay ni Alexa. Magkatabi lamang ito. Sinundan naman agad ng tingin ni Darius ang tinitingnan ng pinsan, kahit siya ay nabigla sa nakita pero nagkunwari siyang hindi niya ito nakita.

"I'm sorry, "saad niya at saglit na mag-cr. Kaagad namang sinenyasan ni Darius si Marcus.

"Follow her. Ako ng bahala dito. Sa bahay niyo na ituloy ang dinner niyo. "Kaagad na utos ni Darius. Binitbit naman ni Marcus ang mga gamit ni Alexa at sinundan ito sa rest room.

Ligtas siyang naihatid ni Marcus sa mansyon. Para naman makasiguro si Alexa na ligtas ang binata ay pinahatid niya ito sa mga bodyguards nila.

Umidlip lang sandali ang dalaga at ng dumating ang oras ay gumising naman siya agad. Sakto at tulog na ang lahat.

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nahahalukay ang nakaraan. I need some clarifications. " Dahil hindi niya na alam. Hindi niya na alam kung tama pa ba ang pinaglalaban niya.

She decided na 5 araw o mahigit siya na mawawala, hindi na siya magpapaalam dahil seseryosohin niya na ang panghuhunting.

Sinuot niya na ang kaniyang disguise at dinala ang ilan sa mga importanteng gamit. Tinawagan niya na rin si Darius na kitain siya at sunduin. Sakto naman na nasa kamay na ng pinsan ang isa sa mga tauhan ni Vilardi noon.

Pababa pa lamang siya sa hagdan ng marinig ang boses ng kuya Brennan niya. Oh shit.

"Manang Urim?" Hindi sumagot si Alexa.

"Who are you?" Humakbang pababa ng hagdan si Alexa ngunit napatigil din siya ng marinig ang pagkasa ng baril.

"One more step and this bullet will be your death, "banta pa nito. Ngayon niya lang narinig ang seryusong boses ng kuya Brennan niya. Na tila ba handa itong pumatay ano mang oras.

Akmang sasagot siya ng makarinig siya ng malakas na pagpalo. Agad siyang lumingon at nakita si Darius na pinatulog si Brennan.

Hindi niya alam kong matutuwa siya o maiinis. But they don't have much time. They need to go.

"Let's go, princess. "

Hinila siya ni Darius papunta sa likod bahay at umakyat sa bakod. Na kung saan ay open spot, pinatulog din ni Darius ang mga bantay dito.

"Thank you, "sabi ni Alexa ng makaalis sila sa mansion sakay ang isang red limousine.

"I'm sure bukas na bukas ay hahalughugin nila kuya ang buong lugar para mahanap ako. "

"Don't worry, I leave a mark there like you were kidnaped. "Nakahinga naman siya ng maluwag.

"Pero saan tayo pupunta? "Tanong ni Alexa. Nilingon siya ng pinsan. "Sa probinsya namin. Sa Cebu. Doon ko tinago ang titirisin natin at doon nagtatago si Dr. Callahan. Remember, your family doctor 15 years ago?"

Tumango si Alexa. "Yeah, I remember him. Anong konek niya?"

"He's the doctor who operates your dad 15 years ago. At whenever your mom-tita Lydia-give birth to each of you ay siya rin. And remember what we saw in the restaurant? Alexa, I know there's something happened before that was covered up by someone. I don't mean to offend you but maybe your dad is one of them. "

Gulat niyang tiningnan ang pinsan tsaka tinaasan ng kilay. "But he's already dead. "

"Really? Do you believe he's dead after you didn't even witnessed his dead body dahil kaagad na pinacremate. Imposible naman si Dad ang nakita natin sa resto. "

Natahimik si Alexa. Kinukutuban na siya pero ayaw niyang maniwala. Takot siyang masaktan sa malalaman.

"Sleep, mahaba-haba ang byahe natin. "

"I swear! May nakapasok dito kagabi kuya! Ang mga guards sa likod bahay nakabulagta. Si Alexa nawawala. This only means one thing, they are so desperate so they kidnapped our sister!" Hindi naman matigil sa pagluha ang kanilang ina. Sa sobrang pag-aalala at takot para sa nag-iisang anak na babae.

Nagkakagulo sa mansyon. Lahat ng bodyguards ay sermon ang naging almusal. Galit na galit si Darren. Hindi naman pwedeng layasan sila ng kapatid dahil wala naman silang naging agrumento.

"Who's with her last night?"tanong ni Darren.

"Nakita ko po kagabi na maaga siyang hinatid ni Sir Marcus, "sagot ng isang bodyguard.

"Hahatiran ko nga po sana siya ng gatas pero nakita ko po na nakatulog po siya. Hindi na nga po nakapagbihis, nakasuot pa rin ng uniform nila sa hospital, "salaysay naman ng isang kasambahay.

Nasa lamesa ang cellphone nito. Walang nawala sa gamit ng dalaga. "I will fucking kill them all now. "Darren is fuming mad. Kaagad naman siyang kinalma ng kaniyang ina.

"Darren, maghunos-dili ka. Kung nasa kanila man si Alexa, hindi magandang solusyon ang dahas. Baka mapano ang kapatid mo. "

Pumasok naman ang isang bodyguard. Ito ang lagi niyang inuutusan para sundan ang kapatid.

"Bago po sila umuwi ay dumaan sila sa fastfood resto. Nakita ko po na may kasama silang isang lalaki-"

"Call Marcus now. "Kaagad namang tumalima ang bodyguard na iyon.

Nang mabalitaan ng binata ang nangyari sa sinisinta ay kaagad niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa mansyon ng mga Montreal.

Kasalukuyan na nasa basement ngayon si Alexa, pinapanood kung paano magpaamin ang mga tauhan ng pinsan. Habang si Darius, ang pinsan niya, ay abala sa pakikipaghabulan sa family doctor nila na mukhang natunugan na sinusundan siya.

Dalawang araw na siyang wala. At sa dalawang araw na iyon ay nakaipon siya ng impormasyon. Nahanap niya ang isa sa mga bata na biktima ni Vilardi 15 years ago at itinuro nito ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

Swak naman ito sa naaalala niyang lugar. Walang labis, walang kulang.

Malaki-laki rin ang nawala sa kayamanan ng mga Montreal. Pati ang dapat na mamanahin ni Darius na parte ng yaman ng tito Alejandro niya ay nawawala.

Nabigla siya rin siya sa nalaman. Ang kaniyang ina ay dating kasintahan ng ama ni Darius na kapatid naman ng kaniyang ama. Samantala ang kaniyang ama ay may unang pag-ibig iyon ay ang dating kasambahay ng mga Montreal-si Clarita Vasquez.

Nalaman niya na isang bago pa maisilang ang kaniyang kuya Darren ay nanganak si Clarita at pinaghihinalaang anak iyon ni Alexandro na kaniyang ama. Pero namatay ang usap-usapang iyon ng mapalayas sa mansyon si Clarita.

Nang isilang naman na ang kaniyang kuya Brennan ay namatay at natagpuan na lamang ang bangkay ng kaniyang tito Alejandro sa talahiban. Isang taon pa lamang si Darius noon samantalang si Darren ay dalawang taon.

5 years after, nang isilang si Alexa ay ang kamatayan naman ni Clarita Vasquez. Nahulog sa bangin ang sinasakyan kotse at sumabog. Hindi matanggap ni Alexa ang mga nalaman. Hindi niya akalain na magagawa ng iniidolong niyang ama na lokohin ang ina. Kahit pa na mahal niya ang Clarita na iyon, sana naman ay inisip niya na may masasaktan siya sa oras na ginawa niya iyon. Kaso tumindi lang ang galit ni Alexa dahil ang tinitingala niyang ama ay ang sumira sa magandang relasyon ng kaniyang ina at ng kaniyang tito Alejandro para lamang sa mana.

So after all, he's the one who left Clarita. He hurt to woman for money, for wealth and for fame. Her father destroy their life. Kaya ngayon ay nagdadalawang-isip ang dalaga kung tama pa ba talaga na pinaglalaban niya ang isang taong pinaglaruan lang silang lahat.

"Walang kasing sama ang ama niyo! Mga hangal, hindi niyo man lang namalayan na pinapaikot lang kayo ng hayop mong ama. Pare-parehas lang kayong mga Montreal! Mga mamatay tao at mga kampon ng kadiliman. "Nandilim ang paningin ng dalaga sa narinig. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim. Kalmado niyang hinarap ang matanda. Ito ang dating sekretarya ng ama.

"Sino pa ang mga anak sa labas ng aking ama? Ano pang kahayupan ang ginawa niya bago siya namatay? Nasaan siya? May katibayan ka ba na buhay pa siya? Anong nangyari noon bago pa sila nagpakasal ni mama? Tell me everything you know! Please, I'm begging you. Iyon lang ang ginawa niya diba? "

Hindi na napigilan ng dalaga na umiyak. Kaagad siyang humawak sa upuan para hindi matumba sa sobrang panghihina.

"Please tell me he's not one of them. Tell me that he is not connected to Vilardi and his evil doings, "pagsusumamo ng dalaga. Dahil hindi niya na kakayanin pa ang mga sasabihin nito. Parang pinagsisihan niyang halungkatin ang nakaraan at hanapin ang mga salarin.

"Only Doctor Rosche can only tell how many bitches he fuck and how many children he have. But I assure you, masama siyang tao, hija. Matagal na ako sa kaniya at nang hindi ko na masikmura ang mga ginagawa at ipinapagawa niya ay lumayas ako. Nagtago at nagpakalayo. "

"Pumunta ako dito para malaman kung sino sa mga tauhan ni Vilardi ang pumatay kay Dad. This is not what-"

The old man cut her sentence. "Wala kang mahahanap dahil unang una sa lahat ay hindi naman siya namatay. "

"What?" Singhal ng dalaga. Lalong lumalim ang kunot ng noo niya.

"Bakit hinahanap mo ang pumatay sa hindi naman patay. Bago ka pa masiraan ng ulo sa nangyayari hija itigil muna ito. Masasaktan ka lang sa malalaman mo. "

Hindi na nakayanan ng dalaga at kaagad na umalis sa basement. Hinintay niya ang pinsan sa bahay nito na pinagtataguan niya. Dumating na rin ang lahat ng impormasyon na kailangan niya, ang mga sinasabi ng matanda kanina at ang mga ebidensya na nasa harap niya ay nagtutugma.

"Daddy, paano mo ito nagawa? "

Parang may bumubulong sa kaniya na itigil na ang paghahabol sa pumatay sa kaniyang ama at huwag ng ibigay ang hustisya dahil hindi deserve ng kanyang ama ang paghihirap at pagsusumikap niya.

Hindi siya naniniwala na palabas lang ang lahat. Hindi siya naniniwala na walang pumatay sa ama. Matagal na itong patay at hindi man lang iyon nagawang respetuhin ng matandang iyon.

Hindi niya namalayan na nakatulogan niya na lang ito habang lumuluha. Hindi boyfriend o relasyon ang magpapaluha sa kaniya. The betrayal of her father, his sin, na ang akala niya ay natapos na ang kasamaan ng mga Montreal pero nagkakamali siya. Ang mga rebelasyon at ang mga ibinaon sa nakaraan ang pumatay sa puso ni Alexa. Mas masakit pa sa break up. Mas masakit at hinihiling niya na itigil na lang ang lahat ng ito. Pero andito na siya, ang dapat na umpisahan niya ay dapat na tapusin.

Napakunot ang noo ni Darius ng hindi sinasagot ng dalaga ang kaniyang tawag. Kung kaya ang sekretarya na lamang niya na kakatapos lang torturin ang mga nahuli nilang mga dating sangkot sa krimen.

"Where is she? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag?" He's worried to his cousin. Siguradong pinagduduhan na siya ni Darren at natatakot siyang makita si Alexa nila Darren o ng kung sino mang kalaban nila.

"Kasalukuyan pong natutulog si Ms. Alexa, sir. Katatapos lang din po naming paaminin ang mga nahuli natin at mukhang hindi kinaya ng binibini ang mga nalaman. "

Napabuntong-hininga si Darius. Ito na nga ba ang kinakatakot niya pero kailangan nilang harapin ang katotohanan para makapamuhay sila ng maayos.

Kahit siya, noong una pa lang ay pinagduduhan niya na ang tito Alexandro niya. Dahil dito ay hindi man lang niya nasilayan ang kaniyang ama. Ito ang sumira sa buhay nila. At sisiguraduhin niyang papatunayan niya sa lahat lalo na sa pinsan kung gaano kasama ang tinitingala nitong ama sa pamamagitan ng mga tunay na katibayan.

"Okay, make sure she is safe. If ever she wants to unwind, samahan niyo, huwag niyo siya hayaang lumabas ng hindi niyo kasama. "

"Yes, sir!"

"Bukas ang uwi ko, nasa akin na ang alas. Sunduin niyo ito bukas, I'll send the details. "

Gabi ng magising ang dalaga. Oras na naman ng panghuhunting niya. Kaagad siyang pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay isinuot niya na ang kaniyang pang club na damit. She hates wearing sexy dress but she needs it to seduce Alfonso. She also wear fake contact lens and make up that make her look like other person.

"Ms. Alexa?"someone called her when she's about to get out of her room.

It's Darius secretary. "Yes, this is me. What do you need?"

"Nagbilin sa akin si sir Darius na kung sakaling lalabas kayo ay kailangan niyo ng kasama, "sagot nito. She sighed.

"Okay, samahan mo ako. I track his fucking location. "

Sumunod sa kaniya ang sekretarya. "Sino po ang tinutukoy niyo, Ms. Alexa?"

"Alfonso. "

Tahimik na pinagbuksan siya ng pinto ng sekretarya at ito na rin ang nagdrive sa kotse.

"Where to go, Miss?" He asked.

"Sa De Castro Bar. "

Nang makarating sila ay nauna ng bumaba si Alexa. "You sure you don't need me there?"

Huminto si Alexa. "Fine. You can basta huwag kang pahalata na binabantayan mo ako. "

Nang makapasok ay pinili agad ni Alexa ang pwesto kung saan kitang kita ang lahat. Sa stall ng mga bartender. Mabuti na lang at may bakante pang pwesto.

"Sapphire Martini please. "

"And one Scotch on the Rock. "nilingon niya ang pamilyar na boses. "My treat, my lady. "

"I can pay, Mr. Alfonso. "Nagulat ang lalaki sa sinabi ni Alexa. Kaagad na inilabas ni Alfonso ang dalang pocket Knife. "How do you know-wait your voice sounds familiar. "

Alexa rolled her eyes ng maramdaman ang paglandas ng malamig na patalim sa kaniyang leeg. "Ang bilis mo namang makalimot, "she said at umayos ng upo. "Well, sa dami ba naman ng babae mo. But how dare you to forget your one and only Alexa. "

Nagliwanag ang mga mata ni Alfonso tsaka ngumisi. Itinago na rin niya ang kutsilyo. "My apology, my beautiful lady. "

Iniabot sa kanila ng bartender ang mga order nila. "By the way, what are you doing here? Are you kind trying to rebel? I heard that your brother and that suitor of yours is looking after you and yet andito ka lang sa Cebu. "

"Way to noisy, Alfonso. Bakit hindi ka mag-chill. "Sumimsim ng kaunti ang dalaga ng hawak na inumin.

"Don't worry, I'm just here to unwind. Uuwi din ako kaagad. I'm tired and I feel like what I'm doing is useless, "pagtatapat ng dalaga. Well, wala naman siyang dahilan para magsinungaling ngayon.

"Then come with me, be my queen. I'll make sure all the Mafia will bow to you. "

Kaagad naman niyang tinaliman ng tingin ang binata. "No thanks. Meron na ngang Vilardi na nangungulit, dadagdag ka pa. Find your own Queen, Alfonso. "

Alam nila sa isa't-isa na magkalaban sila pero hindi maintindihan ng dalaga kung bakit ito nag-oopen up sa kaniya at bakit ang gaan ng loob niya lay Alexa..  Well, hindi naman siya dapat na damay sa gulo pero dahil siya ang tagapagmana ay wala na siyang kawala.

"Well, Vilardi is more annoying than me. "

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top