c. Fight 8
Trystan' Point of View
"You're here again."
Puna sa akin ni Monicque nang makita nyang ako ang nag door bell sa harap ng pinto nya.
Nakahalukipkip sya at akmang pagsarhan nya ako ng pinto pero kaagad ko itong pinigilan.
She's been like this kahapon pa! Mula noong bumalik sya dito hindi na ako pinapasok sa unit nya.
Nag manila lang sya pagbalik nya hindi na ako welcome. Nakakasama ng loob iyon! I thought we're best friends?!
Huminga ako ng malalim at saka nagsalita.
"Why are you doing this to me?"
Nag iwas sya ng tingin. She clenched her fist at muling tumingin sa akin. Pinaghalong lungkot at galit ang nakikita ko ngayon sa mga mata nya.
Para saan iyon? What did I do?
"I'm just tired Trystan."
Walang ganang sabi nya. Parang ibang Monicque ang kausap at kaharap ko ngayon.
"Really Monicque? You're fucking tired? For what reason ha? You're just gone for three days pagbalik mo ganyan ka na! Tell me, what did you bastard boyfriend do to you?!"
Nasasaktan ako sa bawat tinging binigay nya sa akin ngayon. Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito. What did I missed?
"Kung sana may alam ka. Tss. Lumayas ka na nga matsing. Naiirita ako sa'yo!"
Naningkit ang mga mata ko. Umagang umaga ganyan sya. And here goes again her other side. Damn!
"Naglilihi ka ba? Are you pregnant? "
Wala naman akong ibang maisip na dahilan kung bakit sya nagkakaganyan. Isa pa, may boyfriend sya! Kung sasabihin nyang oo, maiitindihan ko. Magpapakita nalang ako palagi sa kanya para lalo pa syang mainis at maging kamukha ko ang magiging anak nya! Sana lalaki!
Nanlaki ang mga mata nya at parang umuusok pa yung ilong. Ganito ba ang mga naglilihi?
"WHERE THE HELL DID YOU GET THAT IDEA, TRYSTAN?! I AM NOT PREGNANT! GOODNESS! "
Nakapamewang pa sya nyan at sapo ang noo. Nagtataka akong tiningnan sya.
"Then, bakit galit ka sa akin?"
"I'm not galit! I said, naiirita ako sa'yo!"
This time medyo kumalma na sya pero halata pa rin sa boses nya ang inis.
"Ano bang kasalanang nagawa ko monkey? "
Kung kinailangang lambingin, lalambingin ko sya. Magkabati lang kami. Sayang magpapatulong pa naman sana ako sa kanya.
Hinawi nya ang braso kong nakapulupot sa maliit na bewang nya. Ngayon ko lang napansin ang pabango nya. Nag-iba na pala sya ng taste of perfume? Parang kay Ana ko lang noon.
Hay, girls.
"Don't touch me. Umalis ka na nga. May lakad ako ngayon."
Ang aga aga, pinapalayas na ako! Namimiss ko lang naman sya! Ang best friend kong nagmanila lang nagiging masungit na.
"Can I go with you?"
"No."
"Why?"
Sinamaan nya ako ng tingin. At nagpatuloy sa pag akyat sa hagdanan.
"Wag ka ngang ngingiti ng ganyan. Para ka talagang unggoy."
Ano ba talagang meron sa babaeng 'to? Ang random nya. Kung ano anong pinagsasabi. At napuna pa nya ang pag ngiti ko. Ang ganda kaya ng ngiti ko. Nakakainlove kaya.
Wait, in love? Di kaya..
"Tell me, are you in love with me?"
Bigla syang natalisod at kamuntik ng mahulog! Good thing naging alerto ako at nahawakan ko ang bewang nya.
Base on her reaction, parang nalaman ko na rin ang sagot sa tanong ko.
I'm not dense, simula noong maging kami ni Ana ko, nag-iba sya. Hindi na sya iyong mapang-asar na Monicque. At sa tuwing binabanggit ko si Ana ko sa kanya, naiinis sya agad.
Akala ko parte lang iyon ng pagiging moody nya, pero iba na pala.
At maaari ko pa syang masasaktan dahil may balak na akong magpropose mamaya kay Ana ko!
Sana naman maiintindihan nya ako.
"Umalis ka na Trystan."
Hindi sya makatingin sa akin ng diretso. Kahit pa anong huli ng mga mata ko sa kanya.
Nasa unang baitang pa lang kami ng hagdanan. Nagpupumilit syang kumawala sa akin at nagpatuloy aa pag akyat.
Hindi ko sya hinayaan at mabilis ko syang inangat na parang sako. Nagtitili sya at panay ang hampas sa likod ko.
Nang makarating sa couch ay agad ko syang nilagay doon. Nakaluhod ako sa harapan nya at nilagay ang dalawang braso ko sa magkabilang gilid nya.
"Tell me, are you in love with me?"
Seryoso kong sabi pero tinawanan nya lang ako. Napahampas sya sa couch. Hindi nya namalayan, may tumulong luha sa mga mata nya habang tumatawa ito.
Pinahid ko iyon at saglit syang huminto. Kitang kita ko na ngayon ang matinding kalungkutan sa mga mata nya. Nasasaktan ako sa nakikitang nasasaktan sya.
Pero mas nasasaktan ako sa sarili ko dahil ako ang kagagawan nito. AKo ang dahilan kung bakit sya nasaktan ngayon.
Kung sana alam ko lang. If I could only turn back time!
Tumikhim sya at iniwas ang mukha nya sa akin.
"I'm sorry."
Yun lang ang tanging nasabi ko at niyakap sya ng mahigpit.
"I'm really sorry."
Paulit ulit kong sabi hanggang sa niyakap nya din ako. Napapikit ako at may tumulong luha sa mga mata ko.
I hate this. I hate seeing her cry. Pero ako ang may kagagawan nun.
Maybe I should stay away from her for a while para hindu na ako lalong maguilty. Pero kakayanin ko ba?
She's been there for me thru good and bad. She saw everything of me that Ana ko don't.
Kakayanin ko kayang mawala sya ng tuluyan sa akin? Ang best friend ko na walang ibang ginawa kundi ang intindihin ang mga drama ko sa buhay.
Ang best friend ko na minahal ako higit pa sa inaakala ko?
Kakayanin ko bang baliwalain ang pinagsamahan namin dahil lang aa in love sya sa akin at ako sa iba?
Parang pinipiga ang puso ko sa biglaang pag flashback ng mga masasayang memories namin.
Hindi ko kayang mawala sya, parang kadugtong na sya ng buhay ko. Pero hindi ko rin kayang saktan sya.
Why does it have to be this hard?
I don't want to choose but I need to.
"A-are you really in love with her?"
I was stund for a moment dahil sa tanong nya. I know who she means.
Mahal ko nga ba si Ana ko?
Kailangan ba talagang may dahilan ka kung bakit mo mahal ang isang tao?
Kasi kung ako ang tatanungin, wala akong makita dahilan para mahalin si Ana ko.
Pero bakit minahal ko sya ng husto? Yun bang handa kong iwan ang lahat, wag lang syang lumayo sa akin. Kahit pa ang pagkakaibigan namin nitong si mobkeyt, kaya kong gawin iyon kahit pa ala kong masasaktan sya.
Sobrang mahal na mahal ko si Ana ko higit pa sa buhay ko. Wala na ata akong ibang kayang gawin kundi ang mahalin lang sya ng lubusan.
"Y-yes."
Pikit mata kong sabi. I know mas masasaktan ko sya ngayon.
Hindi ko nalang dinugtungan pa dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na nadarama nya.
I maybe an asshole but I'm not a sadist. I love girls. I respect them for being them. Dahil sa kanila ako nagiging masaya sa mga panahong may kailangan ako.
I want to do it with Ana ko, pero hindi pa ngayon. Ayaw kong makita syang magdamagang umiyak at naginginig sa sobrang takot habang inaalala ang mapait nyang kahapon. Ayaw kong makita ulit ang nasaksihan ko noon sa Tops.
Sobrang sakit na makita syang ganun.
Humigpit ang kapit nya sa aking balikat. Yumugyog din ang balikat nya hudyat na umiiyak pa rin sya.
Tanging hagod lang ang naibigay ko sa kanya.
"I'm sorry for the pain."
That I've caused you. Really Trystan, maibabalik ba ng sorry mo ang nawasak nyang puso?
Ang laki mong gago.
Bumitaw na sya sa yakap nya at nakangiti ng mapakla habang nagpunas ng mukha. Pinalis nya ang mga luhang walang tuloy sa pagbagsak.
"Damn it. "
Napamura pa sya nang hindi talaga tumigil ang mga iyon.
Hindi na ako nakatiis at hinalikan ko na sya sa labi.
I don't want you to cry. I don't like seeing a woman cry right in front if my eyes.
Humiwalay na ako at hinuli ko ang mga mata nya. Nanatili pa rin syang tulala.
"Please, don't love me, Monicque."
And immediately leave her unit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top