c. Fight 4
Two years ago...
Scarlyn' Point of View
Dali dali kong hinawakan ang kamay ni Alyssa kahit na nanlalabo na yung paningin ko dahil sa luhang masaganang bumuhas mula sa mga mata ko. Mabuti nalang at kaagad kong nahawakan ang isang kamay nya bago pa sya tuluyang mahulog.
Mabilis ko syang inangat at nadaganan pa nya ako. Tingin ko, marami nang dugo ang nawala sa kanya. Dahil na rin nawalan na sya ng malay. Bwesit na babaeng yun talaga. Ganun ba sya ka walang puso at kaya nyang dungisan ang sariling mga kamay para lang patayin ang kambal nya? Pinapagahasa nya rin ito noon dahil lang sa hindi ko sya pinili bilang kaibigan. Ang babaw nya talaga kahit kailan. At na frame up pa ako. Bwesit talaga ang isang 'yon.
Dali dali kong hinubad ang blouse ko at wala akong pake kung naka bra na ako ngayon at tinali sa dibdib nya kung saan natamaan ng bala. Malapit ito sa puso, good thing at sumablay ang kakambal nya dahil pagnagkataon, ako talaga ang papatay sa kanya!
Kahit medyo nabibigatan ako ay binuhat ko pa rin sya papunta sa kotse ko. Nilapag ko sya sa back seat at ang video cam sa passenger seat. Balang araw, magagamit din kita.
Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan para mabilis kong marating ang pinaka malapit na hospital.
Panay din ang punas ko sa luha kong walang humpay kung umagos. Panay din ang lingon ko kay Alyssa. Ang putla putla na nya kaya mas binilisan ko pa ng maigi ang pagmamaneho. At walang humpay na pinapatunog ang busina.
"Please, Alyssa, wag kang bibitaw okay?"
Tumatakbo na ako kasama ang mga nurse na nakakita sa akin papunta sa ER.
"Maam, bawal na po kayo sa loob. Gamitin nyo na muna ito."
Binigyan ako ng lalaking nurse ng lab gown. Kaagad ko rin itong sinuot at muling tumingin kay Alyssa mula sa labas.
"Sana magiging okay lang sya. Please Lord."
Paulit ulit ko yang ipinagdasal sa Panginoon sa mga oras na nasa loob pa sya ng ER.
Hindi man halata, pero kapatid na ang turing ko sa kanya. Kahit pa nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan namin. Alam kong galit na galit sya sa akin dahil sa nangyari sa kanya. Nagpapaliwanag naman ako sa kanya na na frame up lang ako. Pero ayaw nya talagang maiwala. Ayaw nyang maniwala kasi hindi ko sinabi sa kanya kung sino ang taong nasa likuran ng lahat. Pero hindi ko magawang sabihin dahil bukod sa ayaw kong masira ng tuluyan ang relasyon ng kambal, ay ayaw ko ring mawala ang nag-iisang kaibigan ko. Dahil pag nalaman ni Vanyce na alam ni Alyssa, hindi sya magdadalawang isip na papatayin nya ito. Oo, ganyan sya kababaw. Walanya talaga ang isang 'yun.
At pinagsisihan ko kung bakit di ko nalang sinabi sa kanya noon. Siguro hindi kami hahantung sa ganito. At walang mangyayaring ganito. Pero malabo rin. Dahil andyan si maam Angelika. Noong panahon din kasi na yun ay pinapasunog nito ang unit ni Alyssa. Dahil ayaw nitong umuwi.
"Maam, kayo po ba ang pamilya ng pasyente?"
Napaangat ang tingin ko sa Doctor na lumabas. Kaagad ko itong nilapitan.
"Kaibigan nya po ako. Kumusta na po ang pasyente Doc?"
Nginitian nya muna ako saka nagsalita.
"Okay na sya. Stable na. Buti nalang at mabilis mo syang nadala dito."
Nakahinga ako ng maluwag dahil aa narinig ko. Para na rin akong nabunutan ng sobrang talim na tinik sa dibdib.
"Papunta na ba rito ang mga pamilya nya?"
Hula ko, baguhan lang 'tong doctor na 'to. Dahil hindi nya kilala si Alyssa. Pero sabagay, di rin naman sya palaging nagpapakita sa kahit anobg events o gatheringa na involve sa business ng pamilya kung saan may mga taga media na umaaligid aligid.
"Nasa ibang bansa po kasi ang pamilya nya. Nandito lang naman kami para magbakasyob. Pero hindi ko aakalaing mababaril sya ng hindi ko kilalang nilalang. Natagpuan ko nalang kasi syang nakahandusay sa sahig."
Wala akong planong isiwalat ang buobg katotohanan. Mas maigi ng malaman muna ni Alyssa ang boung katotohanan at sya na ang bahala kung ano ang magigibmng hakbang nya. Alam kong pag nakita nyang may solid evidence sa nangyayari sa kanya, may gagawin na syang hakbang nito. Kilala ko na yun, kaya alam ko kung ano ang dapat kung gawin. Minsan na rin namin itong nagawa noon. Pero sa roleplay lang iyon. Ako yung gumawa ng script pero pina iba nya. Masyado daw kasing cliché.
Tumango lang iyong doctor na kausap ko at nagpaalam na bumalik sa loob. Hindi pa pwedeng papasukin pero sabi nya maya maya nalang daw ay ipapatransfer na sya sa isang private room.
"Hey."
Tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa room nya. Nilingon nya ako at inirapan. Ang maldita talaga.
"You owe me your life dear."
Nakangisi ko pang sabi sabay upo sa gilid nya. Kinunotan nya lang ako ng tingin pagkaraay nagbuntong hininga. Akala ko pa naman mag thank you sya pero tinulugan nya lang ako. Tsk! What do you expect Scarlyn? Yayakapin ka nya at magiiyakan kayo kasi nga niligtas mo yung buhay nya, pagkatapos ng ginawa mo sayo noon sa kanya? Pero talagang nakakasakit na kasi sya e. Grabehan lang? Hanggang ngayon, di pa rin nya ako napapatawad? Hindi ko naman kasi kasalanan e. Hindi ko talaga kasalanan. Na frame up lang ako. At na blackmail na din. Pero nagsisisi naman ako ah. Tsk!
Pinalis ko yung luhang lumandas sa pisngi ko. Ang sakit sakit naman kasing isipin na hanggang ngayon, galit pa rin sya sa akin. Malaking galit. Siguro nga dahil sa galit nya, kinalimutan na rin nya yung mga pinagsamahan namin.
Limot mo na ba talaga ako Alyssa? Limot mo na ba talaga ako bessy? Talaga bang binura mo na ako sa alaala mo?
Napatakip ako ng bibig para hindi malakas yung paghikbi ko. Pero nagulat ako dahil dumilat si Alyssa.
"Ang oa ha? Umiiyak ka ba kasi iniisip mo na patay na ako at nakaratay na ako ngayon sa harapan mo?"
Sumimangot ako. Bakit ba ganito na sya mag-isip? Talaga bang nagbago na sya?
"Anyway, patingin nga sa video?"
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. At alam kong nagets nya naman iyon dahil inirapan nya ulit ako. Ang hilig hilig na nyang umirap ngayon na kung tutuusin, noon nga naiirita sya sa mga babaeng nang-iirap daw. Talaga nga namang ang mga tao ay parang panahon lang din. Pa iba iba ng ugali.
"Hello? Hindi naman ako magpapabaril kung alam kong dehada ako. Pwede ko namang iwasan yun. Pero kasi, nakita kita di kalayuan. Kaya alam kong pwede kang makakuha ng tyempo na kunan iyon ng video. Ikaw pa, ang hilig hilig mong gumawa ng documentary."
Napapangiti ako dahil sa huling sinabi nya. Ibig sabihin, naalala pa nya talaga ako. Kung ano ako noon. At hindi nya talaga ako totoong kinalimutan.
Pero maasar nga saglit.
"Kung kailan naman kasi kailangan ko ng video cam para makapag documentary sana, saka pa nasira yung camera ko. Kaya, pasensya nya bessy. Di ko na videohan yun. Pero don't worry, pwede naman akong magiging witness e."
Nginitian nya rin ako pabalik. At talaga namang kinikilabutan ako aa ngiti nya. Panigurado, iba na na ang iniisip nito.
"Pwede ko rin namang palabasin na ikaw ang bumaril sa akin. May witness din ako. Si Doctor Batungbakal. Nagsisinungaling ka sa kanya di ba?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Paano nya nalamang nagsisinungaling ako? At bakit nya kilala ang Doctor na yun?
At anak ng- ang bantot pakinggan ng apilyedo nya ha? Parang yung kaklase lang namin noon sa manila.
"Grabe naman Scarlyn. Nakalimutan mo na kaagad ako?"
Napalingon ako sa nagsalita. Yung doctor pala. Pero grabe din ha?
"Kilala mo 'ko?"
"Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang nag-iisang my labs so sweet ko noon."
Seryoso, nandidiri ako sa sinasabi nya. At dun ko lang din naalala na sya pala 'yung kaklase ko noon na ultimate crush daw ako. Grabehan na 'to.
"At bakit isang doktor ka na ngayon ha? Bakit nandito ka?"
"Because fate brought me to be here? And to see you too. Sabi sayo e. Kahit saan ka magpupunta, mahahanap pa rin kita. Alam mo namang ikaw lang ang laging laman ng compass, tracker, mapa---
"Hep hep hep! Tama na please."
Grabe talaga, nasusuka ako sa mga pinagsasabi nya. At ang nakakainis pa, pinagtawanan lang kami parehas ni Alyssa. Pero seryoso na 'to. Hindi ko talaga nagegets kung bakit sya nagiging doktor. Ang bilis ah?
"Pero seryoso, paano ka nga nagiging doctor agad?"
"Parents ko nagmamay-ari ng hospital na 'to at nandito lang ako para tumulong sa kanila. Hindi pa naman ako ganap na doktor kasi hindi pa naman ako graduate. Advance lang talaga ang mga natutunan ko sa school. At ako rin yung nagtanggal ng bala ni Anasthasiah."
Napa face palm ako. Paano kung napano si Alyssa di ba? Kung ganun, baka marami ng namatay dahil sa kanya pag nagkataon di ba? At sinuwerte lang si bessy?
"Wag kang mag-alala wala pa naman akong napatay. Puso mo nga kahit walang natamong sugat, di ko nga magawang patayin. Patay na patay sa akin."
Nakangisi pa nyang sabi sa akin. At talaga nga namang ang korny korny nya kahit kailan. Ang ewan pa ng mga banat nya. Jusko!
"By the way, ayaw kong may makakaalam sa nangyari sa akin. Okay? At ikaw."
Turo ni Alyssa sa akin. Saviour ko talaga 'to kahit kailan. Binalingan ko sya ng tingin.
"Bring to manila tomorrow. Doon ako magpapagaling."
Seeyah! :)
A/N: and yes, flashback po itong lahat :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top