c. Fight 17

Monicque's POV

Agad kong pinaalis si Scarlyn pagkatapos ng ilang minuto naming pag-uusap. Alam kasi ng bruha na may alam si Scarlyn sa kanyang pagbabalat kayo. Baka maisipan pa nyang may alam ako. Gusto ko sanang ganun nga ang mangyayari pero dahil sa kahilingan ni bespren, I should treat her the way I treated Anasthasiah.

Mukhang kailangan kong humingi ng tawad tungkol sa inasal ko noong isang araw.

"You're ten minutes late miss." Bungad ko agad sa kanya ng makalapit siya sa table ko.

Nasa may balcony ko piniling pumwesto dahil bukod sa nasa ibabaw ito ng cafe shop, kitang kita din dito ang highway. Malamig ang gabi, siguro dahil tag-ulan ngayon.

"Is that how you treat your boss?" She's way too different from Alyssa. The way sya kikilos at magsalita. Masyado siyang pino kung kikilos. Samantalang si bessy naman ay palaging nakataas ang noo at malayo pa lang nagsusumigaw na ang aura ng pagiging maldita. Unlike dito sa kaharap ko na bunganga lang ang nagiging maldita. Ibang iba.

Kaya ang ipinagtaka ko talaga kung bakit hindi man lang ito napansin ni matsing. Nakakabulag ba talaga ang pag-ibig?

"You know I'm a very busy person at hindi lang business mo ang minamanage ko." I can't help it. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya.

Saglit naman syang natigilan. Siguro naghahanap ng maisasagot. Serves you right impostor.

"Ikaw na nga 'tong nakiki-usap sa akin na patakbuhin muna ang negosyo mo kasi--" she cuts me off.

"Wait wait wait. Did I? Ako talaga?" Marunong ka ring babae ka. Sigurado talaga syang hindi kailanman nanghingi ng tulong sa akin si Bessy regarding with her business. Mautak.

"Fine." Sige, pagbibigyan kita ngayon. Magtitimpi ako sa'yo kasi kailangan.

"So as I was saying over the phone kanina---" napatiimbagang ako.

"Just go straight to the point. I still have lot of things to do." Tulad ng? Paghahanap sa business ni Alyssa? Patawa ka.

Huminga muna ako ng malalim bago uminom ng kape. Nakatitig lang sya sa akin. Hindi ko sya tiningnan, naiinis lang ako sa pagmumukha niya. Baka kung ano pang magawa ko.

"Right, here's the good news, lumalago na ang negosyo mo but the bad news is palagi nalang tayong nag restock tapos the same items pa, walang mga bago which is paglulumaan na din eventually." partly yes, palaging designs ko nalang kasi ang pinapalabas ko. Pero hindi naman sa akin lahat. Yung mga designs ni Alyssa iniba ko lang ng konti, may dinagdag din akong sariling design but I need to make sure na nadudun pa din ang signature style ni Bessy. At yun nga, sinabi ko kay bessy noong nasa Manila ako na kailangan niya talagang mag expand. Sobrang dinadayu ang boutique niya.

Pero, pag-isipin muna natin ang bruhang 'to. Yung tipong mamomoroblema siya.

Kanina pa nakakunot ang noo niya. Wala talaga syang ideya sa negosyo ni Bessy. Kahit mag-investigate pa siya. Wala siyang makitang negosyo na nakapangalan sa kambal niya. Bukod kasi sa sa akin na nakapangalan, may pagkamisteryoso naman ang boutique ni Bessy. I mean, hindi madaling hulaan. At pag malaman man niya, iisipin niya pa ring sa akin yun.

"Bakit ngayon mo lang sinabi yan? Sana napaghandaan ko!" Tumaas ng slight ang boses nya. Nice act pero halata sa mga mata niya na nalilito siya.

Hindi ko na ata masikmura ang babaeng 'to. Please Danica Monicque Daza, taasan mo ang iyong pasensya. Higpitan ang iyong pisi. Baka mabululyaso pa tayo. Paano nalang ang plano ng best friend mo? You stan for true love right? Dapat habaan mo ang pasensya para sa babaeng sumira ng lahat. May araw rin yan sayo, don't worry.

Matapos kong kumbinsihin ang sarili, muli akong uminom ng kape. Kape pa more.

"Ilang beses na tayong nagkita, bakit ngayon mo lang sinabi? Kaya pala kinausap ako ni mamu tungkol dyan!" there. She's not used on calling her grandma 'mamu' kapag nasa labas siya. She usually used 'tanda'. Kaya dyan pa lang, bistado na sya. I wonder kung napapansin ba iyon ni Matsing?

"You're not even worthy for the position, akala ko pa naman." I will let you pass. Pasalamat ka at natutuwa ako sa'yo ngayon.

So, ganito pala mainis sa isang bagay na wala kang kaalam-alam ang isang Vanyce Antonette Alberca? Kung ano-anong sinasabi, halatang kinakabahan.

Nakakaawa ka, alam mo yun?

You tried hard to fit in to the world you don't really belong. Stop pretending nalang kasi. I've heard, you're a successful woman sa larangan ng business sa bansang pinanggalingan mo. Bakit mo pa kasi piniling talikuran at balikan ang lalaking pinakamamahal mo?

Sinira mo lang ang magandang buhay mo. Nakakaawa ka.

Ang sarap sabihin yan sa pagmumukha ng bruha pero pinili kong ngumiti at sinagot ang tanong nya.

"Sabi mo kasi noon hindi kita dapat gambalahin pagdating sa negosyo mo pwera nalang kung kailangan." Pwede na yata akong maging writer. Ang galing ko kasing mag imbento ng kwento. Kaloka!

Saglit syang natahimik at kitang kita sa mga mata niya ang pagsisisi sa sinabi. Baka kasi mahalata ko syang nagpapanggap lang. Hindi nga kagalingan pagdating sa acting. Unang tingin pa lang, nangangapa na e.

"K-kahit na, business is business. Kahit sinabi kong huwag akong istorbohin, you should update me still." Medyo kalmado na siya ngayon pero halata pa rin ang inis. And you made a mistake there honey. Never gagawin ni Bessy yan. Hindi ko kailangang i-update kita every now and then kung monitored mo naman lahat ng galaw ko at takbo ng negosyo mo.

You really can't deceive me. You may be the second successful woman sa bansang Thailand pero hinding hindi mo mapapantayan ang talino ng kambal mo.

"I thought, set aside mo muna ang negosyo kapag on leave ka?" That shuts her up. Bahagya pang nakaawang ang labi niya. Hindi man halata sa mukha ang pamumutla niya, kitang kita ko naman ang magkasunod niyang paglunok. Napailing ako.

"Well siguro, baka nagbago na isip mo sa dalawang taong on leave." I shrugged. That should made her realize one thing, never nagbabago ang isip ni Alyssa. Alam kong alam niya yan. Her rules are always be rules. Kaya naman lalo syang hindi makapagsalita.

"Anyway, let's talk about your twin, kumusta na nga pala siya?" This time, I'm serious as fvck. Doon lang siya mukhang natauhan.

"I learned about the controversy on her company, naawa ako ng slight sa kanya. Pero hindi ko rin maiwasang mapaisip na ang tanga niya." Lihim akong napangiti nang biglang umasim ang mukha niya.

"Ang tanga tanga niya."

"Akala ko pa naman sobrang talino na niya pero sa lahat ba namang pagkatiwalaan niya, doon pa sa manlolokong tao."

"Sobrang tanga nga naman." Gusto kong humagalpak ng tawa dahil hindi na maitsura ang mukha niya. Ang sama ng tingin sa akin. Pero pinatili kong kalmado ang mukha ko. Aba, mas magaling ata 'to magtago ng damdamin.

"Tanga talaga niya. Paano ba yan, mauuna na ako." Sabi ko nalang at hindi na hinintay pa ang sagot niya.

Pero rinig na rinig ko ang mahinang mura nya sa akin bago ako bumaba ng hagdan.

Simula pa lang ito Vanyce, bruha ka. This is just the beginning of her fight.

Habang pababa, hindi ko napansin na may kasalubong pala ako. Nadanggil ko yung braso niya. Muntik pa nga akong matapunan ng kape niya. Hindi naman hot, iced coffee kasi.

"Sorry." Paumanhin ko.

"Danica?" Agad akong nag-angat ng tingin at pag minamalas ka nga naman, oo.

Happy fourth year death anniversary puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top