c. Fight 16
Scarlyn's Point of View
Pagkaalis ko dun, tinawagan ko agad si Miss Daza.
"What?"
Jezz, why does she doesn't know how to answer her phone correctly? Magkapareho talaga sila.
"I think she's looking for the boutique. Kanina ko pa siya sinusundan."
Wala na ding hello hello! Akala nila sila lang marunong ah?
"So, what should we do now?"
Napairap ako. Kaya ko nga sya tinawagan dahil baka makaisip ito ng paraan!
"Anong 'we'? Aren't you supposed to be the one who will plan for the next step? Ikaw ang may-ari di ba?"
"Nakalimutan mo atang stand-in lang ako? Anong klaseng utak ang meron ka?"
Walanghiya, bakit di nalang kaya tanggapin ni Alyssa ang katotohanang magbestfriend nga ang dalawang ito? Parehong matalas ang dila.
"Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan Miss Daza."
Seryoso kong sabi. Baka minamaliit lang ako nitong bruhang 'to. Naku talaga!
Tumawa pa sya. Nababaliw na ba ito?
"Fine fine. Chill lang naman. Magkatulad talaga kayo, high blood."
Halos lumawa na ang mga eyeballs ko sa kakairap. Akala mo naman. Tsk!
"Pwede bang magkita nalang tayo?"
Since nandito nalang din naman ako sa Cebu at kailangan naming pag-usapan ng masinsinan ito.
"Alright. Let's meet sa coffee prince,sa Capitol. You know the place right?"
Anong akala niya sa akin? Bata? Walang muwang sa mundo?
"That's my favorite place."
"Alright then, bye."
Medyo malayo pala yun dito. Bakit ba naisipan ng babaeng yun na doon pa? Tss.
Nagmamadali na akong umalis at hindi nakatakas sa mga mata ko ang babaeng nilapitan ko kanina.
Patuloy pa rin ito sa pagtingin tingin sa paligid. Uumagahin ang isang yan sa kakahanap dito. Wala naman dito ang shop ni Alyssa.
She doesn't want to be called besty or bessy anymore, she prefers calling her by name. Nag inarte pa isang yun.
Pagkarating ko sa coffee shop na pagkikitaan namin ay nadatnan ko agad siya sa labas.
"What took you so long?"
Tanong niya agad ng makita ako. She's slowly sipping her iced coffee.
"Anyway, its Thursday. Wala ka bang balak mag share ng poem or song for tonight's event?"
Every Thursday night kasi ganito ang pakana ng taga Coffee Prince. Free lang naman at magkakadiscount pa ang sasali.
I shrugged. Why would I bother?
"Kung ayaw mo, ako gusto."
Ngiting ngiti pa siya niyan. Anong nangyari dito?
"Masyado ka yatang masaya. Anong meron?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi tayo close kaya why would I tell you?"
Totoo ngang bipolar ito. Tss.
"Yeah whatever, about pala sa sasabihin ko."
Umirap pa sya bago tumango.
"Shoot."
"Like I said, parang hinahanap niya ang shop ni Alyssa. Until now hindi pa rin niya mahanap."
Sumeryoso ang mukha niya pagkatapos niyang uminom ng kape.
I did not bother to order, later nalang muna.
"Saan ba kasi siya naghahanap?"
"SM SEASIDE."
As expected, humagalpak siya ng tawa.
Kinuha ko yung kape niya at inamoy. Hindi naman amoy alak, bakit mukhang lasing itong kausap ko?
"Hey! Why did you do that?!"
Inis niyang tanong sabay bawi ng malaking baso niya.
"Kung gusto mo ng kape, umorder ka dun. Hindi yung pinakikialaman mo yung akin."
Nagmaktol pa. Parang bata lang.
Ngayon ko lang talaga napagtanto ang kabuuang pagkatao niya. Noong nasa manila kasi siya, parang takot siyang ipakita ang totoong siya. Sino bang hindi? Nakakatakot kayang tingin ang matatanggap mo kapag nag-iingay ka doon. Pasalamat na nga rin ako at hindi siya pinalayas ni Alyssa noong nag-iingay siya tuwing umaga. Nasanay na nga kami.
"Mukha kang ewan. Ano na, wala ka bang naisip na plano?"
Naiinip kong tanong. Kailan ba kami mag-uumpisa dito?
"Huwag ako ang tanungin mo. Wala ako sa mood ngayon, broken hearted ako."
Kanina lang, ang saya saya pa ng awra nuya pero bigla bigla nalabg magsesenti. Konti nalang talaga iisipin kong may sakit ito sa utak.
"Umamin ka nga, may sakit ka ba sa utak?"
Sinamangutan niya lang ako.
"Wala akong sakit sa utak, pero sa puso meron."
Mahinang sabi niya habang pinaglalaruan ang kape. Iniikot ikot nito ang straw.
"Tangena, hindi ko pala kayang itago ito. Death anniversary ng puso ko ngayon, alam mo ba?"
Mangiyak ngiyak pa siya nyan. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Mood swings at its finest!
"Its been four years pero siya pa rin. Walanghiya talaga!"
Maktol niya pa, hinayaan ko nalang. Good thing wala pa masyadong tao dito sa labas dahil nasa loob pa ang mga ito.
Dito kasi sa labas gaganapin ang event mamaya.
"Kaya ikaw ang tumawag sa kanya. Here."
Ako daw ang tatawag pero nakadial na ang IPhone niya ng ibigay niya sa akin ito.
Face time pala.
"What?"
Bungad ni Alyssa.
"I already talked to her. At gaya ng inaasahan, wala itong kaalam-alam sa boung pangyayari. Pero napaniwala ko naman siya. Problem is, hinahanap niya yata ang shop mo."
Ngumisi siya ng malapad.
"As expected."
Mahina lang pero pakiramdam ko may ibang kahulugan iyon.
"Bakit di nyo sabihin sa kanya?"
Napaisip ako. Kung sasabihin namin, sino ang magsasabi? I'm sure hindi ako iyon dahil alam niyang kilala ko ang pagbabalat kayo niya.
Napatingin ako sa kaharap ko. Nakatulala lang ito at nang mapansin na nakatingin ako sa kanya, tinaasan ako ng kilay.
"What?"
"Show yourself to her."
"Ano?! Bakit naman?!"
Reklamo niya at napatingin kay Alyssa.
"Bakit ako bes?"
Sinamaan siya ng tingin. Parehong matigas ang ulo nilang dalawa.
"Bes naman. Alam mo namang hindi kami nagkakasundo dun. Pinapaaga mo ata ang pagtanda ko."
"Ayaw mo sa kanya di ba? Edi pagkakataon mo na ito."
"Anong pagkakataon yang sinasabi mo? You want me to be close to her? Kung ikaw pa sana iyun, gugustuhin ko pa, pero siya yun e, si Vanyce yun, hindi ko masikmura bes!"
"Sinong may sabing sikmurain mo?"
Oo nga naman. Tss.
"Huh? I don't get you."
Tss. Broken hearted lang ba siya o sadyang slow lang talaga?
"Ganito kasi yan, ayaw niya sayo, simply because una, best friend ka ng taong mahal niya and at the same time, close ka sa taong kinainisan niya. At pangalawa kapag palagi ka niyang nakikita, naalala lang din niya si Alyssa. Your presence will make her insane. Ganun lang yun!"
Mahabang paliwanag ko. Sumimangot pa sya pero kalaunan ay kinuha ang iPhone niya at pinatay ang tawag ng hindi man lang nagpaalam kay Alyssa yan tuloy tinawagan ito pabalik.
Saktong pagsagot niya at tinanong kung may nakalimutan ba ito, saka siya nito binabaan.
Pareho po silang isip bata.
Muli itong sumimangot at nag-iiscan sa phone niya.
Pagkaraan ng ilang segundo ay tinapat niya ito sa tenga niya.
"Hello Miss Anasthasiah, I need to talk to you regarding with your business. This is Miss Danica Monicque Daza. Let's meet at Coffee Prince tonight. Its in Capitol branch."
After that binaba na niya. Napailing ako.
"Is that how you treat your boss?"
Ngumisi siya.
"Its part of the act. I need to pissed her, so that we'll know how she would react. Yung tipong mamomoroblema siya paano ako pakikitunguhan ng tunay na Anasthasiah. Panigurado nag-iisip na iyon para hindi siya mabisto."
Napailing ako. Good luck nalang sa'yo Vanyce. Nakakaawa ka. Kasalanan mo rin naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top