c. Fight 14

Trystan's Point of View

"Matsssiinng!!"

Binaon ko yung unan na nakuha ko sa gilid sa mukha ko. Umagang umaga may nangugulo sa akin!

"Matssiing! Open the door!"

Paulit-ulit nyang kinakalabog ang pinto ng kwarto ko. Inis akong tumayo at pumunta sa harap ng pinto.

"What?!"

Pikit-matang tanong ko sa kung sino man itong istorbo.

"Uh? Did I wake you up?"

Seriously? Isn't it obvious?! Marahas kong sinarado ang pinto. Muli na naman nyang kinalabog ito habang tumatawa.

Napasabunot ako ng buhok at sumalampak sa kama.

Narinig kong nagbukas ang pinto at malakas na hinablot ang kumot dahilan para mahila ako at mauntog ang noo sa carpet. Fvck!

"What is your damn problem?!"

Pumamewang sya at nakataas ang kilay. Pinanliitan nya ako ng mata sabay pasada ng tingin sa akin. Biglang namula ang kanyang pisngi. She looked away. Tsk!

"What are you doing here Monkey?"

Sabi ko habang hinimas himas ang noo kong humahapdi sa sakit.

Nakaupo lang ako sa carpet at nakasandal ang likod sa kama ko. Expose ang nag-aalab kong abs at naka boxer shorts lang revealing my curly hair sa binti.

"Masyado kang hot matsing, nakakapaso. Maligo ka, may pupuntahan tayo."

Sabi nya sabay hinatak ako at kinaladkad papuntang bathroom. Gusto kong umangal pero sinarado na nya ang pinto.

Anong oras na ba? Ang aga aga nangbubulabog ng monkey na ito, inaantok pa ako.

Umupo ako sa toilet bowl at pumikit.

"Jeez!  Trystan! Maligo ka na! Malelate tayo sa pupuntahan natin!"

Nagising ako sa malamig na tubig na binuhos sa akin.

"Jesus Monicque! Why the hell did you do that?!"

"Because I want to. Now, you go take a bath na, dahil 10 minutes nalang malelate na tayo sa pupuntahan natin."

Sabi nya sabay tumalikod. Saan naman kami pupunta?

We're on our way sa isang sikat na restaurant dito sa cebu at mula pa kanina walang nagsasalita sa amin. Ni hindi ko sya matanong kung anong gagawin namin doon. Dahil naalala ko pa ang nangyari noong isang araw. I kissed her. I fvcking kissed her!

"About what happened -"

Sabay naming sabi. Nag iwas sya ng tingin at bumuntong hininga.

"Look Trys, wala akong gusto sa'yo, okay? At mas lalong hindi kita mahal."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Nilingon ko sya para lang makita ang seryoso nyang mukha. What the?

"Then, you cried. What's that for?"

If she didn't like nor love me, then. There must be a reason why she cried.

Nag iwas sya ng tingin at pumikit. Tinuon ko nalang ang pansin sa daan. Noong nag red light, saka na ko na sya hinarap.

"Answer me. Bakit ka umiiyak kahapon kung wala ka talagang nararamdaman sa akin?"

You know girls, they love to pretend and act like they don't feel anything towards a guy.

Tapos pag kasama ang friends nila or malayo lang sa crush nila, nagtatalon na ito sa kilig.

"Because I want to?"

"Monicque."

"Fine!"

Huminga sya ng malalim saka nilingon ako.

"Praktis lang iyon. May balak kasi akong magpapa-audition sa isang reality show. Gusto ko kasing mag artista."

Nakangiting sabi nya at dahan dahan itong napawi hanggang sa nag iba ang itsura nya. Galit na galit itong nakatingin sa akin.

"At punyeta ka! Ang feeling feeling mo! Assumero! Hinalikan mo pa ako! Okay sana kung mabango hininga mo pero ang baho!"

Sabay hinampas hampas ako sa braso. Sinasalag ko naman.

"Ngayon, mag drive ka na at kanina pa naghihintay si wowa sa restaurant! Bilis!"

Napailing nalang ako at nagsimula ng mag drive. Hindi ko talaga magets itong babaeng ito. Minsan sweet, tapos magiging sadista, tapos cold at biglang nangungulit. Malala na 'to.

Pero kahapon, talaga bang nag praktis lang sya? Or baka ngayon lang din mismo ay nag aact lang siya? At ano raw?

Natapakan ko yung brake ng maalala ko ang sinabi nya kanina.

"The fudge Trys?! Sinisira mo ba ang kagandahan ko?!"

"Anong sabi mo kanina? Ako? Mabaho ang hininga?"

Tinuro ko pa talaga ang sarili ko. Napatingin sya doon saka sa mukha ko at ngumiti.

"Oh! That? Haha, may mouthwash sa SM nina mamu Angelika. Bumili ka ng marami ah?"

"What?!"

"Ano, mauna na ako sa loob ah? Paki park nalang ng maayos ang sasakyan kasi nakaharang ka sa daan e. Bilisan mo ah!"

At dali dali syang lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng restaurant.

Yung totoo, bakit ba ako sumama sa babaeng 'to? Dahil naguiguilty ako? Argh! Ewan!

Naiwan ko pa ang phone ko dahil kinaladkad na nya ako palabas ng unit ko. Hindi ko tuloy natawagn o natext man lang si Ana ko, my soon-to-be wife.

Ang sarap talagang isipin na mapapangasawa ko na siya. Kumusta na kaya ang wifey ko? Ang sabi nya dalawang araw na syang hindi lumalabas dahil nasa bahay lang si mamu boung araw. Ngayon kaya? Nasa bahay pa rin ba si mamu? Bakit ba kasi di ko na bitbit ang phone ko! Nakakaasar! Miss na miss ko na ang wifey ko.

Pupuntahan ko nalang kaya sya? Siguro naman papayag na si mamung lumabas kami. Ako na naman ang magpapaalam e. Sana papayag siya.

"What took you so long?"

Bulong ni monkey nang makaupo na ako sa tabi nya. Nasa harapan naming parehas si wowa nya. Kahit medyo may katandaan na, kitang kita pa rin sa itsura nya na maganda talaga sya. At ang galing din nyang manamit. Simple pero elegante.

Tsk. Why I'm here by the way?

Tumikhim ang wowa nya. Parehas kaming napatingin sa kanya. Medyo may pag ka strikta kasi ang lola nya.

"Alam nyong dalawa, hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa ni Angelika at ng best friend nya."

Paunang sabi nya. Wala man lang paligoy ligoy. Wala ring emosyon ang mukha. Pero pansin ko ang galit sa mga mata nya.

Vanyce's Point of View

"What are you doing here?"

Naningkit ang mga mata ko ng makita ang babaeng kakaupo lang sa harapan ko.

"I want to talk to you."

Seryosong sabi nya.

Kanina pa ako pagala gala dito sa sm seaside dahil ito ang inuna kong puntahan para hanapin ang business ni Anasthasiah at napagod na ako sa kakaikot sa sobrang laki nito. Di ko pa nga nakalahati, isang oras na ako dito pero wala pa akong nakikita. Napagod ako at tumambay muna sa isang restaurant dito.

Tapos makikita ko tong walang kwentang babae sa harapan ko?

"Wala akong panahon sa'yo. Busy ako. Kaya pwede ba lumayas ka na?"

Naiirita talaga ako sa pagmumukha nitong babaeng to. Naalala ko kasi sa kanya si Anasthasiah. Isa pa iyon, patay na nga, nambubwesit pa.

Nanliit ang mga mata ko ng ngumiti sya sa akin. Agad ko syang tinaasan ng kilay.

"What? "

"Gusto lang naman sana kitang kausapin tungkol sa business mo."

Fvck! Ibig sabihin, sya ang manager ng business ni Anasthasiah?

Anasthasiah, nakakabwesit ka talaga. Wala ka na nga, nakuha mo pang pahirapan ang buhay ko.

Hindi pa nga ako nakakagawa ng plano kung paano mapaalis sa buhay ni hubby ang linta na Monicque na iyon, tapos ito na namang walang kwentang babae ang mangbubwesit sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko since wala naman akong alam sa negosyo ni Anasthasiah. Shit!

"Look, I'm sorry for what I did." Agad tumaas ang kilay ko. Ano kaya ang atraso nitong bwesit na ito kay Anasthasiah?

"Sorry to ruined our friendship before." Ramdam ko ang pagiging seryoso at sinsero nya.

Pero anong nangyari sa kanila noon? They used to be good friends! Which I hated the most! Siya lang naman kasi ang kaisa-isang kaibigan ko noong panahong iyon pero mas pinili nya si Anasthasiah! Mas kinampihan nya iyong lintik na babaeng yon!

Bigla akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan!

"And I want to make it up you. I've heard what happened to your business."

Where this conversation going? Lalong kumalabog ang puso ko. Kaya ba kinamusta sa akin ni mamu ang negosyo ko dahil hindi na maganda ang nangyayari dito?

"I know it is very important to you. You strived so hard just to make it on top. At ngayong nangyari na, napalago mo na ito saka naman may anomalyang nangyayari. I was so worried about you at sa negosyo mo."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya maiintindihan.

"Kaya mabilis akong lumipad ng Thailand para ayusin ang lahat. Sana mapatawad mo na ako Vanyce."

What the hell! Napatayo ako ng wala sa oras. Nagulat ako doon. How come? Ibig sabihin sya ang nag ayos ng negosyo ko kaya sinabi ng empleyado ko na okay na ito?

At.. at.. kilala nya ako..

"You cannot fool everyone Vanyce Antonette Alberca."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top