c. Fight 13
Vanyce's Point of View
Makalipas ang dalawang araw, hindi pa rin ako mapakali. Ilang minuto akong nakatulala na nakaharap sa kisame. Bumangon ako pero heto ako ngayon at palakad lakad na naman.
"Fvck! Cannot be reach! Nasaan na ba ang dalawang iyon?!"
Kanina pa nangangalay ang kamay ko sa ilang beses ko ng pagtawag sa dalawa. Pero hanggang ngayon hindi ko talaga makontak.
Kung kailan kakailanganin saka pa hindi makontak!
Lumapit ako sa study table at binuhay ang laptop.
Kailangan kong malaman kung ano na ang nangyayari sa business ko. Kung bakit ito papabagsak.
Binuksan ko yung email at nag send ng letter sa isa sa mga empleyado ko doon.
Gustuhin ko mang lilipad agad doon pero hindi ko magawa. Nandito si mamu boung araw! Dalawang araw na syang hindi umaalis ng bahay. Hindi tuloy ako makaalis.
May narinig akong katok sa pintuan.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Madame Angelika."
Sabi nung kasambahay sa labas. Napairap ako. Anong kailangan ni mamu sa akin?
"Susunod ako."
"Sige po ma'am. "
Hinintay ko pa kasing mag reply iyong empleyado ko. Bakit ba ang tagal nya mag reply?
Pumunta nalang ako sa menu ng website at nagtitingin ng mga hot news.
Nahagip ng mata ko ang nasa trending news. Sa pang walo, nandun ang pangalan ng kompanya ko.
Bubuksan ko sana pero may nag pop out bigla sa gilid, agad ko iyong binuksan at binasa ang reply ng empleyado ko.
"Good day Senyorita, your company is doing well now since Miss Jacqueline and Miss Min got jailed. We've been receiving mails for an application and we are now currently hiring new employees. There are lots of investors who wants to invest again in your company. Some of them are new and they're coming from different countries. As for the production of the goods we produce, glad to say that it increase now unlike before that it keeps on decreasing. And the money that Miss Jacqueline and Miss Min stole were now in your account again, also to the company's account. That's all for now Senyorita. I'm happy to say this to you that, we're going to have a good image again in corporate world. "
Matapos kong basahin iyon ay nabuhayan ako ng loob. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nakulong ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko? Ang sabi, ninakaw ang pera ko at ng kompanya!
Punyetang dalawang yun! Ako pa talaga niloko nila! Mabuti nga at nakulong na ang dalawang iyon!
Kaya pala hindi na ako kinontak. May pinagkaabalahan pala. Akala ko pa naman.. tss.
Malaking pasalamat ko sa ibang empleyado ko na tunay na loyal sa akin. Pagbalik ko dun, pasasalamatan ko sila. Kung hindi dahil sa kanila, malamang tuluyan ng nawala ang kompanya ko sa akin.
May kumatok muli sa pinto. Tumayo ako at sisinghalan ko na sana ang katulong pero si mamu ang nakasalubong ko.
"Oh mamu. Papunta na sana ako sa library mo. "
Ngumiti ako sa kanya para naman hindi nya mahalata ang pagkairita ko kanina. Akala ko kasi iyong mga estupidang kasambahay na naman.
Sinipat ako ni mamu mula ulo hanggang paa. Ano na namang kalokohan iyan?
"Himala at nagsosout ka na ng ganyan."
Napatingin ako sa sout ko. Manipis na spaghetti strap na sando at maikling shorts. Anong problema nya sa sout ko?
Nag angat ako ng tingin kay mamu. Tipid syang ngumiti. Teka lang muna..
Shoot! Ibig sabihin, ngayon lang nagsusout si Anasthasiah ng ganitong klaseng damit? Pambahay nga ito. Ano bang sinusuot nya pag nasa bahay? Gown? Dress? Ano?
"Anyway, may kailangan tayong pag-uusapan Antonette. Sumunod ka sa akin."
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. Hindi kaya nakahalata na si mamu?
"Sige po."
Bahagya pa syang napahinto at muli ding naglakad. Weird.
Pagkarating sa library nya, pinaupo nya kaagad ako sa mahabang sofa.
Tumikhim sya tsaka tiim bagang tiningnan ako. Napalunok ako ng wala sa oras.
"Hindi ko ata napapansing lumalabas ka ngayon ng bahay."
Panimula nya. Napairap ako. Hindi ko kasi napigilan.
"Paano ako makakaalis kung hindi mo din naman ako papayagan."
Pinanliitan nya ako ng mata. Nakapagtataka, may mali ba akong nasabi?
Totoo nga iyong sinabi ko. Tumikhim ako at umayos ng upo.
"I mean, wala din naman akong gagawin sa labas."
Bakit ba ako nagpapaliwanag? Kung magpapaalam ba ako, papayagan nya ako?
May naalala ako, hindi pa pala graduate si Anasthasiah ng kolehiyo. At ito ang last year nya. Pero summer pa naman. Ano ba ang pinagkakaabalahan nun pag summer? Pumupunta ba sya ng beach? Or bar? Or mall? Heck! Bakit wala akong makuhang sagot?!
Nagtaas ng kilay si mamu at humilig sa swivel chair nya. Magkadaop na ngayon ang dalawang kamay nya na nakapahinga sa tiyan nya.
"I see. Hindi mo man lang ba dadalawin ang negosyo mo?"
Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. P-paanong? Wait! Baka naman mali lang ang pagkaka interpret ko sa tanong ni mamu.
Pero, ibig sabihin nito, may negosyo si Anasthasiah? Ano?! Bwesit naman talaga ito oh! Baka mabisto ako nito!
"Wala ka bang balak mag expand? What if maglagay ka rin ng isang branch doon sa bagong mall natin, sa SM Seaside?"
Nanunuya ang lalamunan ko sa mga narinig ko. Anong klaseng negosyo ba ang pinapatakbo ni Anasthasiah? Foods? Accessories? Bags? Shoes? Damit? Ano?!
Kailangan kong may maisagot sa mga tanong ni mamu! Mamaya nyan paghinalaan pa ako!
Tumikhim muna ako tsaka ngumiti.
"Nakausap ko na yung manager kanina, maganda naman ang takbo ng negosyo at yang pag eexpand, pag-iisipan ko pa po muna."
Pagkatapos nito, kailangan kong umalis para puntahan ang mga mall na pinagmamay-ari ni mamu! Kailangan kong malaman kung anong klaseng negosyo ang pinagkaabalahan ni Anasthasiah!
"Okay. Nga pala, paki sabi sa manager mo kailangan ko syang makausap."
Doon na ako tuluyang napahinto! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Pinagpapawisan na din ako! Nanginginig na din ang mga kamay ko!
Ano ba Vanyce! Umayos ka nga!
Paano ako aayos kung hindi ko man lang alam kung ano ang negosyo ni Anasthasiah at ni hindi ko man lang kilala kung sino ang manager nya!
Maghahire kaya ako ng pwedeng maging manager? Pwede pa iyon, pero ang laking problema lang talaga ay iyong negosyo niya!
Paano kung tatanungin ako ni mamu? Ay hindi, paano kung iyong manager ang tatanungin ni mamu?! Pareho kaming nganga!
Mabilis kong pinahid ang butil ng pawis sa noo ko kunwari inipit ko yung tikwas ng buhok ko. Punyeta! Ang init! Hindi talaga ako sanay na nakalugay lang ang buhok! Naiinitan ako!
"Bakit pa mamu? May kailangan ka bang tanungin sa kanya? Ako nalang ang tanungin mo, since ako naman ang may-ari."
Medyo nairita ako dala na rin ng hindi ko malaman na negosyo ni Anasthasiah at ang init init pa! Malakas naman ang aircon pero talagang naiinitan ako. Kinakabahan kasi ako. Baka kung saan ito patungong pag-uusap namin.
"As expected. "
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni mamu. Anong ibig nyang sabihin?
"What?"
Hindi ko alam pero may himig talagang pagkainis sa boses ko ngayon. Ganito talaga ako pag kinakabahan. Ganito rin ba si Anasthasiah?
Bahagya akong kinikilabutan sa pagngiti ni mamu. Panandaliang nanindig ang balahibo ko.
"Nevermind. Hindi ka ba papasok ngayon?"
"Pagkatapos ng lunch muna mamu."
Dahil may kailangan pa akong gawin. Alamin ko pa kung anong klaseng negosyo ang pinapatakbo nya. Para naman sa susunod, may matinong sagot na ako kung sakaling mangangamusta ulit si mamu.
"Anyway, tapos na ba tayo mamu? Kailangan ko ng bumalik sa kwarto dahil may importante pa akong gagawin."
Kailangan ko ng makaalis agad dito. Hindi pwedeng magtagal kami ni mamu na ganito ang pinag-uusapan.
"Alright. You can go now."
Tumayo na ako at bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita si mamu.
"By the way, nakausap ko Monicque kahapon. Sa kanya ko rin nalaman na engage na pala kayo ni Trystan. Kailan nyo ba balak i-announce iyan?"
Tumigil ako sa paglalakad at malapad ang ngiti ng hinarap si mamu.
"Ngayong sabado mamu."
And that would be two days from now. Excited na ako! Sa wakas, mabroadcast na din sa boung mundo ang pagpapakasal namin!
Ngumiti si mamu at tumango.
"Sige, umalis ka na."
Malamig nyang tugon at nagpakabusy na sa harap ng laptop. Tuluyan na din akong lumabas ng library.
Angelika's Point of View
Muli akong napatingin sa pinto kung saan kakalabas lang ng apo ko. Saglit akong napatitig ng ilang segundo doon.
Nagbuga ako ng hangin at sumandal sa swivel chair. Hinilot ko ng konti ang sintido ko.
"Anong ginagawa mo Vanyce?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top