c. Fight 12

Anasthasiah's Point of View

"Who was that?"

"None of your business. "

Tinawagan ko kasi si Scarlyn, dahil may ipapagawa ako sa kanya at itong kaibigan naman ni Vanyce kanina pa sunod ng sunod sa akin.

Nauna na akong pumasok sa loob at nakasunod naman si Stefan de Vougn. That's his name. Yun ang nakuha ko mula sa paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon ni Vanyce.

Nalaman ko rin na ito ang best friend nya dito. He's not from Thailand, nagkataon lang na dito ito nagbabakasyon noong bata pa lang at nagkita sila ng kambal ko.

Dito na din nito napiling magtayo ng sariling business at hindi ko na alam kung bakit. Siguro kasi ayaw nitong mahiwalay kay Vanyce. Actually,  He's three years older than us.

"By the way, you look gorgeous. Bagay sa'yo ang nakalugay na buhok."

Hindi ko sya pinansin. Tinali ko ang buhok ko like how Vanyce tied her hair.

Nakatagalog sya ng konti, siguro dahil tinuruan ito ni Vanyce noon.

Medyo may jetlag pa ako at wala din akong maayos na tulog mula pa kahapon pagkarating namin dito dahil dumiretso kami sa lawyer ni Vanyce para ibigay sa kanya ang lahat ng mga ebidensya sa panglilinlang ng dalawa nitong katiwala.

"Good morning Señorita."

Yumuko isa isa ang mga empleyado pagkapasok ko palang sa building ni Vanyce.

"Ang laki ng pinagbago ng kompanya mo. You lost almost 3/4 of your employees here, dahil iba nag resign at lumipat yung iba naman sapilitang tinanggal."

Tumango ako sa kanila. May lungkot sa kanilang mga mukha. Ganito ba sila ka devoted kay Vanyce? Or nalulungkot lang sila dahil baka mawalan na din sila ng trabaho?

"We're sorry about what happened to your company Señorita."

Sabi nung isang empleyado na naka corporate attire. May name plate sya.

"It's okay Nam. I'll fix this mess."

Kahit kibakabahan ako, kailangan kong tibayin ang loob ko. At pati na rin ang fighting spirit ng mga tauhan dito. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa may-ari nitong kompanya.

Palagay ko rin, mabait si Vanyce sa mga empleyado nya. Dahil na rin sa pakikitungo nila sa akin. Ang mga ngiti nilang totoo at talagang dinadamayan ka.

Hindi talaga nalilimutan ni Vanyce ang mga turo ng mga magulang namin na tratuhin ng maayos at mahalin na parang pamilya ang mga empleyado mo. Dahil sila ang tunay na nagpapalago ng negosyo mo. Kung wala sila, wala rin ang negosyong 'to.

Kumbaga, sila ang makina.

Kaya hindi na rin ako nagtaka at tinira sya patalikod ng dalawang taong pinagkatiwalaan nya.

Magtiwala nalang kasi sya, sa maling tao pa.

Kung sino pa iyong tunay na may pakialam sa kanya sila pa iyong tinuring nyang basura.

Nanlaki ang mata ng sekretarya ni Vanyce nang makita nya akong papasok sa malawak nitong opisina.

Natataranta din itong pinindot ang speaker ng intercom at akmang magsasalita na sana, pero mabilis na lumapit si Stefan sa kanya at tiningnan sya nito ng masama.

Sa sobrang takot napaupo ang kawawang sekretarya.

Dire diretso lang akong pumasok sa malaking double doors ng opisina ni Vanyce and when they all looked at my direction, they seems a bit surprised. Some of them were enlightened when they finally saw me.

Perhaps I intrude something. It's kinda they're having a serious meeting here. Well, this where I actually needed the most.

"At last! You've come. We thought of you left your company for good."

Said the guy with glasses. He seems on his thirties. Probably one of the members of the board.

"Certainly,  no."

I answered without looking him. I'm not in the mood to act like 'it's good to be back!' .. I eyed this certain woman right in front of me. She's standing and she's smiling widely. Uh, fake.

"Thank God! You're back! I've been calling you but cannot be reach. Where have you been?" Said the woman. Her name is Jacqueline,  Vanyce's assistant CEO.

She's walking fast to give me a hug. I hug her back. Seems like this woman is her closest friend. Look at how she treated me. It's as if she is really happy that i'm right here in front of her, on flesh.

Poor Vanyce. She trusted wrong person. Now what do we need to do?

"So, how's my company?" I asked not minding her question. I am here to fix this mess and not to have a chitchat.

They all looked down. Hesitant to tell the truth. I'm not actually asking them, I'm asking her.

If I'm not mistaken, I saw a glimpse of fear on her eyes but vanished right away. Replaced by a pretentious excite.

"Answer me first. Where have you been?"

"And who are you to command me?"

She's stund for a moment. Seems like she's not prepared for that.

"H-hey.. w-what happened to you Antonette?"

Now she's calling her her second name. She allows it? Hmm..

"Nothing. Well, if you don't answer me, then I'll ask them." I cleared my throat before I face the boards. "Gentlemen, tell me, is this legit?"

Nilabas ko yung tabloid na naglalaman ng balita tungkol sa kompanyang 'to. Lalo lamang na nagbaba sila ng tingin. Halos hindi na nga nila ako tingnan.

Nilingon ko yung babaeng katabi ko dahil inagaw nya sa akin ang newspaper.

"Nah. They're just rumors, you know tabloids? "

Sabi pa nya as if that's just some kind of a boring book she's holding. She rolled it and throw it to the trash bin.

"I may be like this, but I can't be fooled, Jack."

Vanyce is not really the type of businesswoman na masyadong sineryoso ang pamamalakad ng negosyo pero talagang magaling lang syang pagdating sa ganitong field. It's her expertise. I can tell that she's 'happy-go-lucky' when it comes to this.

Pero kahit ganun, alam kong pinahalagahan nya ito ng husto. After all, this is her passion.

Magsasalita pa sana sya pero biglang bumukas ang pintuan at sumigaw iyong secretary.

"Jack!"

"Min!" She paused for a second and looked at the police officers who are holding Min's arm. "Why... what is this?!" She seems horrified of what she saw.

Napatayo na din ang iba pa. Pumasok si attorney Allen together with Stefan. Lumapit ang head ng pulisya kay Jacqueline at binigyan ng isang papel.

"You're under arrest. "

"Wait, what?!"

Nilagpasan kami ni attorney at pumunta sa harapan kung nasaan si Jacqueline kanina at may usb na sinaksak sa laptop nito. Tumabi naman sa akin si Stefan.

"You stole big amount from the company and transferred them to your private account.  And not just that, you have your own company where most of our major investors are now yours."

Marami pang sinabi si attorney tungkol sa panlilinlang ng tumatayong CEO kasabay nun ang paglitaw ng mga ebidensya sa projector. Nagbulong bulungan na ang mga membro ng board dahil sa nalaman at masama din ang tingin na binigay nila sa traydor.

Masamang tingin ang pinukol ng taksil sa akin. Nginitian ko sya like how Vanyce smiled at me when she's winning.

"I hate traitors Jack. And apparently , not just a piece of cake CEO that can be manipulated by a very closed friend. "

Jeez, I really hate how Vanyce throw her words like this. Parang ang corny kasi pakinggan. Parang bata lang ang pinagsabihan. Hindi naman ako bata. Kaya mas magaling pa rin talaga ako magbato ng mga salita, kaya naman lagi iyong nababadtrip sa akin.

Bago tuluyang kinaladkad ng pulis si Jacqueline ay nagbigay muna sya ng pahayag na hindi pa raw sya tapos at gaganti daw sya.

Subukan nya lang kung kaya pa nya.

"Wanna bet?"

Hindi ko muna sya hinayaang makalabas. May pasabog pa ako kaya pinigilan ko iyong mga pulis.

I really hate surprises,  pero Vanyce thaught me how to love and embrace them. It started when I woke up from my not-so-deep-slumber.

"Give up now Miss Chai."

Sabi ni Mr. Lee. Isa sa mga major investors nya na galing pa dito. Napag-alaman ko din kasi na isa isa sila nitong ninakawan ng malaking halaga sa mga accounts nila. At ang culprit ay ang traydor din mismo.

Kaya naman gumawa na ako ng aksyon na magtawag ng isang urgent meeting sa kanilang lahat kaninang madaling araw at napatunayan naman iyon agad.

At ngayon, it's payback time!

Isa isang pumasok ang mga investors nya at masama kaagad ang mga tingin nila rito.

Kinuntsaba din namin ang boung council ng company nya at pumayag naman. Sila din mismo ay hindi nagustuhan ang pamamalakad nito. Anilay, maliit daw ang sahod. Kaya pinili nalang din nilang tumulong. Yung iba ay nag resign na at lumapit ng ibang kompanya. Ang iba din naman ay nag apply dito sa kompanya ni Vanyce since kulang na nga sila ng manpower.

Payag din silang sa medyo mababa na posisyon muna dahil kailangan pa raw nilang kilalanin at alamin ang pamamalakad nito. Which is I disagree. Bakit pa? E alam ko namang may alam na sila sa kung papaano magpapatakbo ng negosyo pero they insist. Kaya sa huli, sinabihan ko nalang ang mga managers dito from different department na i-hire sila agad. But, base on their experiences muna.

Hindi din naman sila magsisimula sa pinakamababa. Mabilis ang promotion nito noon dahil mga magagaling ang mga empleyado ni Vanyce kaya na rin ito lumalago.

Her company is the number two top supplier of goods in the asia. She actually has two branches na kaka open lang din before she left. Ang number one ay walang iba kundi itong katabi kong pa ngisi-ngisi lang na tiningnan si Jacqueline na tuluyan ng kinaladkad ng mga pulis kasama si Min.

Sobrang compatible nila sa isa't isa pero bakit may ganitong issue sila? Ang ooa nila.

Isa pa, bakit di nalang itong si Stefan ang mamahalin ni Vanyce?

Bakit kailangan pa nyang balikan si Trystan?

Bakit kailangan pa nyang agawin ito sa akin?

Talaga bang lagpas langit na ang pagkamuhi nya sa akin at ayaw na nya akong makitang masaya?

Nasa kanya na nga ang lahat, pati ba naman sya, kukunin pa nya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top