c. Fight 10
Vanyce's Point of View
Mamu is not in the house. I quickly fixed my self and grabed my things then stormed out.
I glance at my wrist watch for a while as I open my Lamborghini. Damn! I'm 30 minutes late sa date namin ni Ford ko!
Kanina pa ako kinakabahan at hindi mapakali! Ang lakas ng kabog ng puso ko. Isama pang ang tagal umalis ni mamu kanina. Nagpaalam ako pero hindi ako pinayagan. Seriously? What's up with that old woman?!
Ayan tuloy na late ako sa pupuntahan ko!
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko habang nagpeperfume! Aba kailangang mabango ako sa harapan ng mahal ko!
Napangiti ako ng wala sa oras. Inaalala ang mga pangyayari sa loob ng dalawang taon. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng date namin ni Ford ko ay talagang ngayon ako na excite ng sobra!
Bumusina pa ako ng malakas ng may paharang harang na Chevrolet sa harapan ko! Bwesit 'tong nagmamaniho nito! Sarap paslangin! Kitang nagmamadali ako e!
Nakalusot ako at magkatabi na kami ngayon, binaba ko yung bintana sa gilid ko at nag dirty finger sabay paharurot. Serves you right retard!
Maya maya pa, napansin kong nasundan pala ako ng loko!
Lumevel sya sa akin at kaagad kong binuksan ang bintana ko nang may matanaw akong nag overtake na motor sa harapan ko! Punyetang motor iyan!
Inis akong lumingon sa gilid ko at nanlaki ang mata ko ng makita kong may binato sa aking papel iyong punyetang babae na iyon!
That Monicque! Muntikan na akong makabundol ng sasakyan! Stop pala.
Nilingon ko ulit sya pero nakasarado na ang bintana ng sasakyan nya.
Tiningnan ko yung papel na hinagis nya na sumakto talaga sa mukha ko! Ang ganda kong mukha!
Ang sakit pa! Ano bang meron sa papel na ito?
Parang may laman kasi sa loob. Pinabilog kasi ang papel na sinadya ding gusutin. Pinagbubuklat ko iyon at tumambad sa akin ang isang kulay itim na box.
Maliit lang sya at malambot ang telang bumabalot sa box serves as cover. Binuksan ko iyon at lumantad sa akin ang maliit na figurine ng isang kamay at nakataas ang middle finger.
Nalaglag ang panga ko. What the fudge?!
"Hey!"
Inis akong nilingon sya. Nakangisi sya sa akin ngayon ng nakakaloko.
"Good luck!"
Sabay pinaharurot ang sasakyan at saktong nagkaroon ng alikabok at pumasok sa bintana ang mga iyon!
"Fvck! Aaarrgghhh! Bwesit!"
Panay ang pahid ko sa mukha ko! Nakakainis! Ang dumi dumi na ng mukha ko! Bwesit na babae!
Makakatikim ka rin sa akin!
Naiinis pa ako sa bumusina sa likod ko. Ang atat ha?!
"Fvck you!"
Sigaw ko habang nakalabas ang ulo sa bintana at nag middle finger tapos lumarga.
Nakakainis! Nasisira tuloy ang make up ko!
Nagmumukha na ako ngayong haggard! Punyetang babae!
Busangot ang mukha ko ng dumating ako sa movie house. Halos mag-iisang oras na din ata akong late!
Punuan sa loob pagdating ko. Hindi ko iyon pinansin at pumunta na sa usual spot ko.
Nakatanggap pa ako ng text ni Ford ko na nagccr pa daw sya. Tinext ko kasi syang nasa labas na ako kanina at pinadiretso nya muna ako dito sa loob.
Wala talaga ako sa mood na nanunuod ng isang palabas ngayon. Punyetang babae naman kasi e!
"Hey, Trystan right?"
Napataas ang kilay ko ng marinig ko iyan mula sa harapan. Sa screen.
Isa itong airport scene. Teka, anong palabas ba ito?
"Miss? Anong title ba nyan?"
Tanong ko dun sa unahan. Nilingon nya ako saka ngumiti. Ang ganda ng ngiti nya. Parang may kakaiba.
"Casanova's Tale."
What's with the title? Hindi ata pamilyar sa akin iyan?
Takte! Ang tagal naman ni Ford ko!
Naisipan ko syang itext muna pero napatigil din ng may marinig ako.
"Hey! Kung di ako nagkakamali, ikaw yung fiancee ko diba??? Anasthasiah?? Alyyssa Anas----"
"What the hell?!"
Napatayo talaga ako sa sobrang gulat!
Tell me anong kagaguhan to?! Paanong? Sinong? Aaarrrggghhh!!! This isn't happening right?!
"Hey, chill. Let's just enjoy the show."
Sabi pa nitong di ko kilala na lalaki. Pero namumukhaan ko sya! Sya iyong pinsan ni Ford ko na nagmamay-ari ng isang restaurant!
Walang ganang bumalik ako sa pagkakaupo. Tila ba namamanhid ang mga tuhod ko sa napanuod. Nawalan na din ata ako ng lakas. Ang lakas pa ng kabog ng puso ko..pero nakakaramdam ako ng sakit bawat kabog nito. Para bang gustong kumuwala nito at umalis sa katawan ko.
Ang sakit sa pakiramdam. Napapangiwi pa ako. At nanakit din ang lalamunan ko. Patuloy lang sa pagtulo ang mga mainit kong luha sa pisngi.
Hindi ko magawang punasan iyon dahil nanatili ang mga mata ko sa harapan. Ayaw kong matanggal ang paningin ko sa screen. At isa pa, wala akong lakas magpunas ng luha. Para akong isang lantang gulay. Wala nang kabuhaybuhay.
So, this is their story huh?
Nagbalik sa aking isipan ang nangyari makalipas ang dalawang taon. Walang ibang nakakaalam nun, kundi ako lang. Dahil patay na rin naman si Anasthasiah.
Pero bakit kahit patay na sya, ito pa rin at sinisira nya ang mood ko. Parang buhay na buhay pa sya kung tutuusin.
Napatingin ako sa mga ngiti nya, ang asaran ng dalawa. Ang mga kislap sa mga mata ni Ford ko tuwing inaasar niya si Anasthasiah. Iyong mga panahong nasa Thailand pa ako.
Naiinis ako. Sobrang dami na pala ng pinagsamahan ng dalawa! Kung tutuusin, mas marami silang nagpagsamahan kumpara sa amin ni Ford ko.
Sa loob ng dalawang taon naming mag-on ni Ford ko, bilang lang ang mga araw na magkakasama kami. Pero sila, halos araw-araw! Palagi pang magkasama!
Bakit hindi ito nareport ni Adrian sa akin ang lahat?! Pumapanig na ba sya doon sa ipokretang kambal ko?!
Ang saya saya nila parehas. Hindi ko mapigilang lalong mapaiyak.
Nasasaktan ako. Hindi ko naranasan na maasar ni Ford ko kung paano nya inasar si Anasthasiah.
At hindi ko din inaasahan ang isa ko pang nakita, palagi syang kinukonan ng litrato ni Anasthasiah. Kung ano anong ekspresyon ang nakita ko mula sa lalaking mahal ko na kailanman di ko pa nakikita.
Napatingin ako sa cellphone na hawak ko, ito pa rin ang cellphone ni Anasthasiah. Bakit noong tiningnan ko ang boung laman nito, wala akong nakitang pictures nya? Dinelete nya ba?
Nag angat ako ng tingin. Ito yung time na nasa Tops sila parehas. Alam kong hindi ako ang kasama nya. Dahil iba ang sout nya.
Lalo akong tahimik na napahagulhol nang muntikan na nilang magawa iyon.
Pero hindi natuloy dahil biglang umiyak si Anasthasiah. Humagulhol ito ng humagulhol. Niyakap naman sya ng mahigpit ni Ford ko at panay ang sorry.
Kailan man, hindi nya nagawa sa akin iyan. Hanggang first base lang kami dahil sabi nya, nirerespito nya ako. Yun pala ang totoo, natatakot sya. Natatakot syang muling mangyari ang nangyari noon.
Nagkakamali sya. Hindi kailanman mangyayari iyan sa akin dahil hindi naman ako ang na-rape.
Sumagi sa aking isipan ang ginawa ko noon sa kanya. Kung paano ko nagawang i-frame up ang walanghiyang Scarlyn na iyon at nag utos din ng isang lalaking rape-pin sya.
Napakurap ako at muling nanikip ang dibdib.
Halo halong emosyon ang meron ako ngayon.
Pero nangingibabaw ang galit ko sa kambal kong iyon! Oo galit ako! Galit pa rin ako hanggang ngayon sa kanya! Galit na galit! Gusto kong lusubin sya kung nasaan man sya ngayon! Kahit pa impyerno iyan!
Tinuon ko muli ang pansin sa screen. Nakakuyom ang mga kamao ko sa galit.
Muling bumalik sila sa Tops, iyon ang panahon na ako na ang kaharap nya. Ang panahon kung kailan nya ako niligawan.
Ang romantic ng dating. Napapangiti pa ako ng wala sa oras. Inaalala ang mga pangayayaring iyon. Iyon na din siguro ang pinakamasayang bagay na nangyari sa akin. Sobrang saya ko sa mga panahong iyon. Halos ilang gabi din akong hindi makatulog sa kadahilanang hindi ako makapaniwala na kami na nga talaga ni Ford ko.
Isa sa pinakamasarap na pakiramdam ay ang mahalin ka ng taong mahal na mahal mo.
Nagpunas na ako ngayon ng luha. Nakangiti na din ako ng malawak.
Inaalala ko ang mga masasayang date naming dalawa noon. Ang palaging pagpunta namin dito. Ang pagsusurprisa nya sa akin ng mga romantic candle light dinner sa tabi ng dagat. Yun kasi talaga ang gusto ko.
Ang kasunod na scene ay iyong first anniversary namin na sinurprisa nya ako sa harap ng aming bahay na may maraming bulaklak. Iba't ibang klaseng bulaklak. Sa gitna noon ay ang napakalaking karatola na 'Happy First Anniversary!' Halos masira ang umaga ko noon dahil ayaw na ayaw ko talaga sa mga bulaklak pero hindi ko pinahalata.
Bumaba ako noon ng hagdan at pumunta sa main door upang tingnan kung nandun ba sya pero wala. Lalo lamang akong nadismaya.
May biglang yumakap sa akin mula sa likuran at hinalikan ako sa balikat sabay sabing 'Happy First Anniversary Ana ko.'
Sobrang bango ng hininga nya pero ako, ni suklay nga wala pa. Kakagising ko lang kasi nun tapos binulabog na kaagad ako ng maid namin.
May sinuot sya sa akin nun. Isang necklace. Infinity necklace. Nakaukit doon ang pangalan naming dalawa.
Sa oras na iyon, gustong gusto kong itapon iyon dahil hindi ko nagustuhan ang pangalang nakalagay. 'Trys ♡ Ana'. Pero pinigilan ko.
Kilig na kilig pa ang mga tauhan namin. Samantalang si mamu ay panay ang isnab sa akin nun.
Napangiti pa ako ng malawak nang mapunta ulit sa scene na kinantahan nya ako during our second anniversary.
Hindi ko aakalain na gagawin nya iyon sa akin. Napakaswerte kong babae. Ako na ata ang pinaka maswerteng babae sa balat ng lupa.
Ang sarap ng buhay mo Anasthasiah.
Minsan kailangan mo ring mamuhay bilang ibang tao para sumaya.
Wala rin namang nakakaalam nun kundi ikaw lang din mismo.
Kumbaga sa isang palabas, fantasy is better than reality. Why? Dito kasi alam mong happy ending lang samantalang wala namang kasiguraduhan sa realidad.
Mapait kasi ang realidad. Iyong reality na hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may mahal na syang iba. Aba'y pakamatay ka na.
Kaya hindi ako nagsisisi sa pagpatay ko sa kambal ko. Buti lang iyon sa kanya. Mang-aagaw sya.
Biglang may humarang na tela sa mukha ko. Piniringan nila ako! Sheet ano to?!
"Why on earth?!"
"What's this all about?!"
Nagpupumiglas ako dahil pinatayo ako ni hindi ko kilalang nilalang! Sino ba itong mga 'to?!
"Hey! What kind of fool are you?!"
Ngunit walang sumagot. Naramdaman ko nalang na iniwan nila ako sa hindi ko alam na lugar!
Sa inis ko, marahas kong tinanggal ang piring. Nakangiting mga mukha ang bumungad sa akin. Lahat sila nakatingin sa akin. May tumama pang spot light kaya medyo nasilaw pa ako.
Parang may biglang nabasag na sound effects kaya nilingon ko yung screen. May nag crack doon kunware isang bildo. Nawala iyon at napalitan ng universal countdown.
"10"
"09"
Sumabay din ang mga tao sa pagbibilang. Ako naman itong nalilito sa mga pangyayari. Isa pa, hanggang ngayon wala pa rin si Ford ko! Di ko tuloy maiwasang kabahan. Baka ano na ang nangyari sa mahal ko!
"03"
"02"
"01"
"00"
Pagkatapos nun isang tunog ang nag ingay kasabay lumabas ang,
"WILL YOU MARRY ME, ALYSSA ANASTHASIAH ANTONETTE ALBERCA?"
Napaiyak ako. Napahagulhol. Gusto kong maglupasay!
Ang sakit! Ang sakit sakit! Ngayon ko lang na realize ang lahat.
Tumalikod ako at gusto kong tumakbo. Pero isang malapad na dibdib ang nabangga ko.
Nag angat ako ng tingin at doon ko nakita ang nakangising mukha ni Ford ko. Ang mga mata nya ay sobrang nagagalak. Inaakala nya siguro'y umiiyak ako sa saya.
Pero hindi! Hindi ako umiiyak dahil sa masaya ako! Umiiyak ako sa inis! Galit! Poot! At nasasaktan ako!
All this time, niloloko ko lang pala ang sarili ko!
At pati itong taong mahal ko, dinamay ko pa sa kalokohan ko! Ang inosente nya!
Pero hindi nyo din ako masisisi, tao lang din ako! Marunong magmahal!
Nakangiti syang lumuhod sa harapan ko at may nilabas na kulay pulang box mula sa bulsa ng pantalon nya.
Lalo akong napahagulhol ng iyak.
Ngayon ko lang na realize ang lahat. Walang Vanyce Antonette Alberca na nag-eexist sa mundo ni Ford ko. Wala din syang babaeng minahal na nagngangalang Vanyce Antonette Alberca. Kundi, si Alyssa Anasthasiah Antonette Alberca ang bukod tanging nag-eexist at mahal na mahal pa nya.
Ang sakit.
"Ana ko, Will you marry me?"
Pati sa nickname, iba din. Siya pa rin. Ikaw pa rin talaga Anasthasiah! Ikaw pa rin! Matapos kitang patayin, ikaw pa rin?! Aba! Hindi ako makakapayag nyan!
Patay ka na di ba?! At ako na ngayon si Anasthasiah! Si Alyssa Anasthasiah Antonette Alberca! Si Ana, ang babaeng mahal na mahal ni Trystan Clifford Roosevelt!
Pinalis ko yung mga luha ko at ngumiti.
"Y-yes."
Masaya syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Nagsipalakpakan ang lahat.
Maraming luha ang dumaloy sa aking pisngi. Lalong nanikip ang dibdib ko. Parang hindi ata ako makahinga. Pumikit ako ng mariin upang kumalma. Lalong naglabasan ang mga luha ko.
Nakakakonsensya? Oo. Nakakaguilty? Oo. Nakakasakit? Oo. Pero ang mahalaga, minahal ako ng taong mahal ko. Yun ang masaya.
Kayang kaya kong kumitil ng buhay kahit pa kambal ko iyan, para lang sa pagmamahal mo Ford ko. Handa akong gawin ang lahat, mamahalin mo lang ako.
Ganyan kita kamahal. Sana lang wala nang hahadlang pa dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin sya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top