c. TWENTY THREE
Monicque's Point of View
"Grabe babe noh? Ang ganda nya talaga kahit nasa malayo . Alam mo , nainggit talaga ako sa beauty niya. *pout*."
"Tsk! Ang layo mo naman talaga sa kanya . Diwata si miss Ana , ikaw unggoy. "
"Grabe ka naman ! Makalait parang di ka matsing!"
"Matsing? Pogi ba yun?"
What?! Di nya alam ang matsing? HAHAHA!!!
"Matsing? Oo pogi yun! Parang ikaw lang talaga ."
nagpigil talaga ako ng tawa. Hahaha big time ako nito!
"Sabagay , pogi kasi ako."
at proud pa talaga! Hahaha kung alam mo lang!
"Matsing nalang tawag ko sayo. Ayaw ko na sa 'babe' di mo rin naman ako tinawag ng ganyan."
hahaha wala eh , uto uto. Bakit naman kasi di nya alam yun? Haha makapaghigante na rin.
"Sure naman Monkey."
"It's Moni---"
"Wag ng magreklamo. Mukha ka naman talagang unggoy."
"Whatever MATSING! *roll eyes*"
"Daldal mo. Dyan ka na nga."
"Wait! Saan ka pupunta?"
"Doon."
sabay turo nya sa ground na may maraming nagkakalat na mga babae , nasa rooftop kasi kami ngayon.
Tss! Ang babaero talaga.
"T-teka!"
nakita ko kasi si Man Ko , short for manloloko.
"Ano?!"
ay nainis ata. *pout*
"Sama ako."
"Anak ng! Bakit ba?! Ilang araw na akong di nakapanchix dahil sayo e!"
"Pass ka muna dyan. Andun si Man Ko e, baka isipin dun na nagkunyare lang akong fiancée kita."
"Ano namang pakialam ko dun?!"
"Meron. Kasi fiancée kita at makikita ka nyang nanchichix. Nakakababa ng pagkababae ko yun."
"Teka. Teka. Bakit ka ba ganun sa pakialamerong Adrian na yun? Ex mo noh?"
Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya sabay yuko.
"At niloko ka nya?"
Napaangat naman ako sa sinabi niya. Paano niya ba nalaman?
"Man Ko. Obvious , ManloloKo."
"Haay! Tara na nga. Isama mo nalang ako ha?"
hinila ko na sya pababa . Pero natigilan din naman ako sa sinabi niya.
"No. Harapin mo syang mag isa. Yung hindi ka nagpapanggap na may fiancée ka na. Kahit mag fiancée nga talaga tayo , pero obvious namang di kita mahal. At mas lalong obvious sa akin na mahal mo pa rin siya , niloko ka lang kaya ka ganyan. Parang natakot ka lang na mahalin sya kasi nasaktan ka na niya kaya mo tinago yan at kunyaring nakapagmove on na."
"Alam mo ikaw! Minsan talaga nakakainis ka! Casanova Prince ka nga ba talaga o pakialamerong prinsipe?! Dami mong sinabi di naman totoo!"
"Bipolar mo talaga. Di muna kita papatulan ngayon kasi halatang sapul sa unggoy mong mukha ang mga sinabi ko e. Geh , I'll go ahead."
ginulo nya yung buhok ko sabay tumalikod at umalis.
All I could do is *sigh* !
"Bakit nga ba sapul talaga sa maganda kong mukha ang lahat ng mga sinabi nya?"
Bumaba nalang din ako.
Paano nga ba sya haharapin? Alam kong walang matinong closure ang naging hiwalayan namin. Kasi di ko talaga sya kayang makita sa mga panahon na yun , sapat na yung nakita kong mga ebidensyang niloko nya talaga ako. At lalong sapat na rin yung text kong pang closure. And speaking of manloloko. Nakatingin sya sa akin.
At masyado na rin namang halata kung iiwas bigla ako ng tingin at tatakbo o lalakad ng mabilis para lang sabihing iniiwasan ko sya o ayaw ko syang makita .
Para makaalis talaga na di halatang may iniiwasan. Nginitian ko sya naikinagulat nya at sabay iwas ng tingin at kunyaring may hinahanap. At yun! Nakita ko na rin.
"Oh, andyan ka lang pala e. Kung saan saan naman kasi nagpupunta."
kunyari binulong ko pero halata namang narinig yun ni Man Ko. Dalawang metro lang naman ang layo namin sa isa't isa. At andito rin kami sa di mataong lugar at wala masyadong booth na nakaparada.
Tatlong steps nalang para makababa na ako ng tuluyan. At nilagpasan ko sya but wait . . .
"Can WE talk?"
tsk bakit ba kasi nadaanan pa kita? Kainis , buti nalang talaga at mabilis akong nakalagpas sayo.
"Ha-ha , papunta na nga po . Sorry babe!"
Sinigaw ko yun , para kunwaring kinausap ako ni Matsing ! At para talaga marinig yun ni Man Ko. Hindi ko pinansin yung sinabi niya at tuloy lang sa paglalakad. Feeling ko sinundan nya pa rin ako ng tingin.
Wwwwwaaaaaaaaahhhhhhh!!! May manlolokong momo sa likod koooooooooo!!! - utak ko.
napansin naman agad ako ni Matsing at kunot noong tiningnan nya ako , ganun na rin ang dalawang babaeng kasama nya. Kung kailan kailangan ko ang tulong nya tsaka naman naglalandi!
uuuwwwaaahhhh ! help Matsing! - utak ko.
"Di ko kaya. Please kaladkarin mo na ako."
bulong ko kay matsing habang nakapulopot yung kamay ko sa kaliwang balikat nya. Kung tingnan nyo kami parang hinalikan ko sya sa kanang pisngi nya.
"Haha I see."
walangya , tinawanan lang talaga ako oh.
"Wait Trys/Ford!"
sigaw nung dalawang babae.
"Sorry Happy and Joy , later nalang daw muna ang plan nyo for the booths , idadate daw kasi nya muna ako. Haha bye!"
nagtataka naman akong tiningnan nung dalawang babae at agad naman napatingin sa kaliwang dibdib nila. There name tag.
"Haha what an excuse. Ikaw idadate ko??"
sabi nya sabay bitaw sa kamay ko , buti nalang talaga at sinunod nya yung sinabi ko. Kundi , patay na ako.
"In your dreams."
pagpatuloy nya.
"Waaa!!! ang sweet sweet mo talaga babe!"
nakangiting sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Napadaan kasi sya sa likod ni Matsing.
"Let's go?"
sabay pulupot ko sa braso nya.
"Dinamay mo pa ako. Canteen nga muna tayo."
"Hanggang kailan ba ako magiging ganito?"
"Hanggang matuto ka nang humarap sa katotohanan."
"Huh??"
"Sa katotohanang maamin mo na sa sarili mong mahal mo pa talaga sya at hindi ka nakapagmove on pa sa kanya."
"Ang labo naman nun Matsing!"
"Malabo? Or di mo lang talaga naintindihan."
"Malabo, kaya di ko naintindihan. Ano ba kasi yun?"
"Simple lang. Di mo kayang harapin at aminin sa sarili mo ang katotohanan na mahal mo pa rin sya at hindi ka pa rin nakapag move on sa kanya. Kasi pinilit mo syang kalimutan sa isipan mo at hayaang magpanggap na nakapagmove on ka na , kaya todo iwas ang ginawa mo ang kaso lang di tanggap ng puso mo. Tandaan mo , di nakalimot ang puso lalo na pag lubusan mong mahal."
"Ano ba dapat kong gawin?"
"Tanggapin mo."
"Na ano?"
napakamot naman sya sa batok nya. Tanggapin na ano ?? Na may mahal na talaga syang iba at hindi na ako yun at higit sa lahat na niloko lang nya ako ?
"Alam mo , nakakabobo ka."
" E ano ba kasi yun ? Na may iba na talaga sya ? At EXit na talaga ako sa buhay nya?? Yun ba yun??"
napa face palm naman sya.
"Grabe. Yun ba talaga ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko ?? "
"Mali pala? Ipaintindi mo naman kasi."
"Tsk! Dyan ka na nga! Hanap ka ng kausap mo! "
"Teka! Wait lang!"
wala eh , nakaalis na sya , di ko naman masundan sundan kasi ang daming tao.
"Nakakainis , di naman pinaintindi sa akin *pout*"
tatayo na sana ako ng biglang . . .
"Tanggapin mo na mahal mo pa sya. Harapin mo sya. Mag usap kayo , for formal closure. Yun ang ayaw mo di ba ? Kasi takot kang harapin sya kasi niloko ka nga talaga nya kaya iniiwasan mo, kumbaga may tampo ka sa kanya o hatred pero mahal mo pa rin naman. Gusto mong makalimot di ba? Dun ka dapat mag umpisa , para tuluyan mo na syang makakalimutan. Umpisahan mo sa sarili mo. Kulang lang naman sayo is yung paliwanag nya."
si Scarlyn pala. Siya pala yung girl na nasa likuran ni Matsing kanina na kaharap at kausap ko na ngayon.
"Ang bobo nyo talaga pareho ni Matsing. Paano nga ako makalimut e sa mahal kong lubos e."
"Ayan. umamin ka na rin. Mahal mo pa sya , bakit ayaw mo syang harapin?"
bakit nga ba ??
"Kasi takot ka."
siya na rin mismo ang sumagot sa mismong tanong nya. Tama nga naman.
"Takot kang marinig ang kung amunang paliwanag nya at baka mapahiya ka lang pag nalaman mo yun o takot kang malaman mo na may iba na talaga sya ??"
still I remained silent , processing on my head everything she said. And tama sya. BOTH nga e. Kainis naman ng choices nya.
"So I guess it's both. And dun ka nag stuck up. Harapin mo sya pakinggan ang mga paliwanag nya at pagkatapos nun tanggapin ang lahat lalo na yung feelings mo for him . At panghuli dun , hayaan mo na ang sarili mo na makigpag mingle sa iba at kalimutan mo na ang nakaraan , nakaraan nyung dalawa , kasi may kasabihan na pag kayo talaga ang para sa isa't isa , kayo talaga. I know it's not easy , pero lahat ng bagay ay natutunan. Remember , Past is a good place to visit but not a good place to stay."
ninanamnam ko ang lahat ng sinabi niya. Hanggang sa . . . . . . . Di ko talaga kaya , mahal ko kasi e. Kahit mahirap 'tong ginawa ko , di ko nalang papansinin. Ayaw kong makalimut. Kahit nasasaktan na ako ng sobra , hindi dahil sa may iba na sya kundi dahil sa ginawa ko. Kasalanan ko naman kasi di ako nakinig sa paliwanag nya , kaya hanggat may pulso pa ako , di ko sya kakalimutan.
"Pero na sa iyo pa rin naman ang disesyon , . Kung ano ang sinisigaw nang puso mo , sundin mo. Dahil minsan pag yan ang tumibok ng kay lakas na tila yun nalang ang narinig mo sa sobrang ingay ng paligid at sobrang gulo ng isipan mo , malamang yun ang tama at dapat sundin. Paraan na rin yun kung sobrang complicated na ng buhay mo."
sabi nya sabay inom ng juice nya.
ang labo talaga niya. Kanina gusto nitong kalimutan ko na sya ngayon naman pinilit pa akong sundin ang tibok ng puso ko. Ano ba talaga ha ?!
Pero kanina ko pa napapansin talaga na ang lakas ng tibok ng puso ko. At tama nga sya , ito lang ang narinig ko sa kabila ng lahat.
"Nasabi kong kalimutan mo na sya kasi yun ang dapat pero habang pinagmasdan kita napansin kung tila naguguluhan ka sa mga sinabi ko at ramdam na ramdam ko ang sinisigaw ng puso mo kaya sinabi kong na sa iyo pa rin ang disesyon , kaya sundin mo kung anuman yun dahil yun ang kailangan."
sabi nya tapos inubos na nya yung burger nya.
"Alam mo , di mo kailangan ang advice ng ibang tao dahil for sure pareho lang din naman sila ng sasabihin pero ang mali dun , hindi yun ang gusto mong marinig . Kaya sa bandang huli , sarili mo pa rin ang masusunod. Kinailangan mo lang talagang mag reflect."
"Teka teka teka nga! Ang dami mong alam. Pano mo nalaman ang lahat ng yun e wala naman akong sinasabi?
"Para saan pa't nag enroll ako ng BS PSYCHOLOGY? Sige , mauna na ako ah? Bye!"
sabi nya sabay nag babay pa. Infairness ang sarap nyang kausap. Sabagay may balak sigurong maging Psychologist ..
Lumabas na ako ng canteen pero bago pa ako tuluyang makalabas , may nahagip ng mga mata ko.
so siya pala??
Sa dinami dami ng tao sa mundo , BAKIT BESTFRIEND KO PA? - utak ko.
Vanyce's Point of View
Simula nung nangyari kaninang umaga sa amin ni twinnie hindi na talaga ako mapakali.
Hanggang sa nakita ko syang hinatid sya ng fiancée niya dito. Mas lalong di ako mapakali .
Bakit ang unfair nilang lahat ?? Ako na nga 'tong naging mabait , magaling at masunurin sa lahat , ako pa 'tong walang love life at freedom ! nakakainis na talaga ha?!
Naiirata na talaga ako sa kakambal ko , kahit kamukha ko pa yan.
Wait , hhhhmmmm , what a great idea!
"Si Mira ay maging si Maria. Si Maria ay maging si Mira."
napatingin naman ako sa kusina ng mga katulong namin. Ano yung narinig ko ??
"Good evening miss Anton---"
"It's VANYCE. Don't call me that name again. EVER."
pagtama ko sa kanya.
"Sorry Miss Vanyce. What can we do for you miss?"
Yumuko pa ito. Nakakairita yung yuko yuko nya ha ??
"What are you guys watching?? Wala ba kayong mga trabaho ??"
ako muna boss dito sa bahay , wala silang lahat ee. Pati na rin yung kamukha ko. Umalis , di ko naman alam kung nasaan na yun nagpupunta. Sabi sa inyo e , mas may freedom yun.
"Wala na po miss. Kung tutuusin , oras na ng pahinga namin ngayon e."
ito yata ang mayordoma.
"So , you mean , nakaabala pa ako sa pag pahinga nyo ?"
"No miss. If you like , come and join us here?"
sagot naman nya.
"No thanks. Ano ba yang pinanoud nyo?"
ang ingay eh , lakas kasi ng tawa nung babae sa palabas ang pangit naman.
"Mag ingat ka sa kulam po."
"May ganung movie ?"
"Oo. Storya ito ng magkapatid na kambal. At yung isa si Mira ang napagmanahan ng kanilang yumaong ina na mangkukulam. Kasi itong si Maria , ayaw nya sa ginawa ng kaniyang ina kaya dun kay Mira minana. Matindi ang pagkakagalit ---
"Wala na bang mas ihahaba pa dyan sa storya mo?"
sarkastiko na kung sarkastiko , boring e.
"Ano po ba ang gusto nyong malaman?"
good question.
"Kung ano yung "Si Mira ay maging si Maria---
"Ahh yun , kinulam ni Mira si Maria kasi galit sya rito. Kaya gusto ni Mira na magkapalit sila ng kaluluwa ni Maria. Kaya ayun."
walangya , di ako pinatapos.
"Ganyan ka ba ka walang galang sa amo mo ? Sasapawan mo sa pagsasalita ? I wonder kung bakit naging mayordoma ka sa bahay na to gayung ganyan ka naman."
"S-sorry po miss Vanyce."
"Sorry not sorry. *roll eyes* I wont accept simple sorry for an apology. Pero dahil nahiwagaan ako sa paliwanag mo sa kulam kulam na yan , I'll make an exception."
at tuluyan na akong umalis sa lugar na yun at umakyat sa kwarto ko.
nahagip ng mga mata ko ang katapat na kwarto ng kwarto ko at mariin ko itong tiningnan.
"You'll be MY ROOM, someday."
see you . . .
xoxo~ mhyme™
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top