c. TWENTY NINE
Trystan's Point of View
"Hi babe."
Sabay pulupot ni Monkey.
"Tsk! Nanananching ka na naman."
"Eeee naman kasi Cliffordo, andun yung ex ko oh."
"Hanggang ngayon pa ba di mo parin kinakausap yang mokong na yan?"
"Duuh?? Para saan pa??"
"Tch. Ewan ko nga sayo. Tanggalin mo na nga yang kamay mo. Para kang ahas e."
"Arte nito oh."
"Hindi mo ba pansin , kanina pa tayo pinagtitinginan oh."
"E ano naman ngayon?"
"Hindi ka nahiya?"
"Psh ang sabihin mo naaasar ka lang kasi hindi ka malapitan ng mga linta dyan."
"Naah. Hindi lang naman yan e."
Binulong ko yung pang huli. Baka marinig nya kukulitin na naman ako nito. Knowing Danica Monicque Daza , DMD sa kakulitan. DMD ibig sabihin sa bisaya 'Di Ma Da' ibig sabihin hindi kerri (tch bakla ata ang dating?). Narinig ko lang yan. Ganyan kasi mga expression sa mga kamate ko.
"Hi sweetheart. *tsup*"
Nagulat ako sa ginawa ni Ana este sa gf ko. Di ko inexpect na halikan na ako sa lips pero smack lang.
"Good morning baby."
Nilapit ko pa sya ng husto sa pamamagitan ng paghapit sa bewang nya. Sexy talaga.
"Grabe talaga si Princess."
"Oo nga, kitang may kasama si Pogi."
"Napaka talaga."
"Umagang umaga naglalandi na naman."
Mga bulungan ng mga estudyanteng madadaanan namin sa hallway.
Nagtaka ako nung biglang bumitaw si Ana. Tiningnan ko sya at papunta sya ngayon sa mga estudyanteng nagbubulungan.
Nagulat ako sa sunod na ginawa nya.
"Oh em geee! What was that?"
Rinig kong mahinang sabi ni Monkey.
"Hoy Cliff! Ano yun ha? Ano yung nakita ko kanina?"
Di ko sya pinansin.
Nakatuon lang ang pansin ko kay Ana na ngayo'y hawak hawak ang buhok ng babae. Sya ata yung nagsabing landi landi thingy kay Ana.
"Wala ka bang magawa sa buhay o sadyang inggitera ka lang talaga?"
"A-aray. Sorry na Princess. Bitaw na."
"Alam mo, ang ayaw ko sa lahat ay yung plastik. Pero sige, dahil nag sorry ka kahit hindi sincere , may price ako sayo. Thou, you're not forgiven yet, and I don't have plan to forgive you, you're still lucky because I have something to give you. Para naman mabawas bawasan yang inggit mo."
Sabi nya sabay binitawan ang buhok ng babae ng pagkalakas lakas dahilan para ma out of balance sya.
"Kayo!"
Sabay turo nya isa isa sa mga estudyante sa hallway. Nasindak naman sila bigla.
"Isang tanong isang sagot!"
Tumango naman ang lahat.
"Maliban sa kanya . . .
Sabay turo nya sa akin. Seryoso sya? Di nya ko kilala. Di kasi nya ako tinawag sa pangalan. Samantalang lahat ng mga babae dito kilala ako.
. . . sino pa ang kinahuhumalingan nyo ng husto?"
"S-si A-adrian. P-princess."
Mauutal na sabi ng isang babaeng blonde mmm sexy to ah tsaka may itsura din.
"Sinong Adrian?"
Nilapitan naman niya ang babae. Halata sa mukha nito ang takot. Bakit ba sila natatakot sa kanya?
"Y-yung k-kasama m-mo p-palagi."
"Pwede ba , marami akong kasama. Kaya i-describe mo nalang."
"Matangkad , maganda ang katawan , mapupula ang mga labi , maputi din , matangos ang ilong , sobrang yummy , tsaka ideal man ko."
Sabi nang babae na nag daydreaming na ata. Papikit pikit pa kasi sabay sandal sa poste at niyayakap pa ito.
"Pfft~ ba yan!"
Rinig kong mahinang bulong ni monkey. Haha kahit ako nga rin natawa sa kanya.
"Mukha ka ng timang dyan. Tsk! Hoy lalaki!"
Sabi ni Ana sabay tawag sa lalaking dumaan. Nagningning naman ang mga mata ng mga babae.
"Oh, Anasthasiah , ikaw pala , bakit?"
Si Adrian lang pala.
Naramdaman kong kumapit ulit si monkey sa braso ko at dinikit pa lalo yung katawan nya sa akin. Tss~
"I-date mo nga yang babaeng yan. Sige bye!"
Sabi ni Ana sabay turo dun sa babae kanina. Yung babaeng tumawag sa kanyang malandi.
Pagkatapos nun ay lumakad na sya na nakataas ang noo at ngumisi ng sobrang lapad.
"Bagay kasi kayo."
Mahinang bulong niya na sigurado akong kami ni monkey lang ang nakarinig.
"Tara na sweetheart."
Sabi niya sa amin at sumunod naman kami sa kanya.
"Hoy Cliff ha? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
"At kelan pa ako nagsabi sayo?"
"Grrr~ naiinis na talaga ako sayo ha?"
"Paki ko ba?"
"Aaaarggh! Ewan ko talaga sayo."
Sabi pa nya sabay tanggal ng kamay nya sa braso ko.
"Hey baby. Sabay tayong lunch ah."
Lumingon sya sabay . .
"Okay. Anything for my sweetheart."
Sabi nya tapos ngumiti. Bakit ba ang ganda ng mg ngiti nya?
"Oh God! Di ko ata kerri 'to! Seriously , ano kayo?"
Singit naman ni monkey.
"She's my GIRLFRIEND. Isn't it obvious?"
"WHAT?! AS IN KAYO TALAGA!?"
Ingay talaga.
"Tsk. So annoying."
"Ay! Sorry bessy. Shock lang talaga ako."
"Don't call me 'bessy' , we're not friends nor best friends."
Haha ayan! Sapul!
"Yeah I know. But someday, we will."
Sabi naman ni monkey sabay ngiti. Kakaiba talagang babae ka. Pero sabagay, magkakilala naman kaming tatlo noon pa man. Ang problema lang yung kamukha lang ni Ana ang lagi naming nakakasama. Kaya siguro parang hindi kami nakilala ni Ana.
"Dream on girl."
Sabay pag iba ng daan ni Ana. Sinundan lamang namin sya ng tingin at nakita kong may lalaking lumapit sa kanya at hinalikan pa ito sa labi. Tsk! Ito na ba ang tinatawag ni Stacy na ka match ko?
"Haha ayus yun ah! May ka match ka na pala matsing."
Pagdating talaga sa babaeng 'to ang dami ko tuloy pangalan.
"Tch."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
"Cliff, mag explain ka."
"Ano na naman?"
"Yung endearments thingy nyo at yung pag boyfriend-girlfriend thingy nyo."
"Sigurado ka ba talagang sasagutin ko yan?"
"Absolutely, YES! Kasi naman oh, first time mong magpakilalang may girlfriend ka."
"Paano mo naman nalamang first time ha?"
"E kasi, kilala kita."
"Naah. Wala lang yun."
"You mean, laro laro nyo lang yun?"
"Sort of."
"Naku naku! Baka mamayan yan, mahal mo na pala si bessy."
"That's impossible."
"Pero malay mo di ba?"
"Di. May mahal na akong iba."
"T-teka! Ako na ba yun? Pambihira naman yan matsing oh! Kahit pa pinagkasundo tayo hinding hindi ako magkakagusto sayo!"
"Talaga? Baka mamaya nyan, busog na busog ka na sa mga sinasabi mo?"
Haha ang totoo nyan, inasar ko lang naman siya. Madali kasing mamula e.
"Oh kinilig ka na dyan? Tsk! Naniwala ka naman. Kaya ka siguro galit dun sa ex mong yon kasi inuto ka lang nun noon noh? Ikaw naman kasi nagpauto ka nalang bigla. Ano napala mo?"
"Tse! Isiningit mo pa talaga yun!"
Ngumiti nalang ako sa kanya. It seems that I hit the bulls eye.
"Pero seryoso. Paano pala talaga pag nahulog ka kay bessy. Rinig ko magaling pa naman daw yun magpagfall."
"Nah. Di mangyayari yan. We were just playing our own game. And di ko naman sya type. Tsaka like I said, may iba na akong mahal."
"Sino nga?"
"Si 'Monokuroo Boo'."
"Oh? Sino naman yan? Nakita ko na ba yan?"
"Nope. Kahit nga rin ako, di ko pa nga sya nakita."
"E paanong mahal mo sya di mo naman pala kita."
"2 years ago. Nakilala ko sya sa isang online site."
"Oh tapos?"
"Dun ka--teka nga! Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Aish! Panira ka naman. Hahaha napansin mo pa talaga."
"Tsk."
"Kasi naman oh , ngayon lang kaya kita nakausap ng matino."
"Tch."
Sabi ko at inunahan ko na sya sa paglalakad.
Importanteng tao kasi ang pinag uusapan natin.
Kinapa ko yung bulsa ko.
"Kailan kaya kita makikita?"
Sabi ko nalang sabay lagay ulit ng keychain na monokuro boo sa bulsa ko..
*deep sigh*
*see yah! ;)
-mhyme™
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top