c. THIRTY TWO
Anasthasiah's Point of View
nagising ako dahil sa may napansin akong mabigat sa may tyan ko at pati na rin sa may liig ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Ang bigat naman kasi.
Nilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto. At inaalala ang mga nangyari. Napangiti pa ako nung maisip ko yung kagabi. At bigla na ring napasingkit ang aking mata nang maalala ko yung . . . . yung . . . . yung . . . .
"Gggaaaahhhhh! Tae ka talaga Trys! Gusto mo pa talaga akong patayin ha?!"
"......*snore 5x*......."
"Badtrip ka ah!"
agad ko namang kinuha yung braso nya sa may liig ko. Pati na rin yung binti nya na nasa tyanan ko.
'Tangina talaga 'tong hayop na 'to.'
bumangon ako at tiningnan ang pwesto nya. Muntikan pa akong malaglag.
'Tae talaga! Buti nalang nagising ako. Kundi sa sahig ako nito pupulutin.'
paano kasi, yung posisyon nya, naka spread lahat, yung kamay at paa. Para syang si Patrick ng spongebob squrepants.
Humilik na naman sya kaya tiningnan ko yung mukha nya.
"Yuuuuccckkk! Tulo laway! Napuyat ba 'to masyado?"
tumayo nalang ako at pumuntang cr. Umihi ako at nag hilamos.
Di ko trip mag lagay ng make up ngayon kaya, nag suklay nalang ng buhok.
Nag toothbrush na din, buti may extra sila dito. Balak ko pa sanang maligo, kaso wala naman akong dalang damit kaya sa bahay nalang.
Lumabas na ako ng cr at---
"Nyeta! Tulog pa rin!?"
nilapitan ko ulit sya at pumwesto sa gilid nya at buong lakas kong hinablot ang kumot na nakapulupot sa katawan nya dahilan para mapasama sya sa kumot kaya naman.
*BOG!*
"WHAT THE FUCK! WHO THE HELL DID THA----ouch."
sapul sa floor ang pwet nya sabay hampas ko sa kanya ng unan.
"Good morning."
nginitian ko sya ng bongga. Hahaha picture-ran ko nga.
"Ano yang ginawa mo?"
"Isn't it obvious? I'm taking picture of you with your position wearing that face expression of yours."
sabi ko sabay ligpit ng phone ko sa bulsa ko.
"Fuck! I-delete mo yan! Ngayon din!"
hindi pa rin sya tumayo kaya nilapitan ko na sya.
"Why should I?"
sabay offer ko sa hands ko. Kinuha nya naman ito. Walang alilangan talaga? Hindi man lang nya naisip na baka may gagawin ako sa kanya?
Nung half way na sya para makatayo ay agad ko ring binitawan ang kamay nya.
"What the!"
"Opps, sorry, my hand's slip."
sabi ko sabay takip ng bibig ko. Hahaha itsura mo Trys! Again, nilabas ko ulit yung phone ko at kinuhanan sya ng litrato. Agad naman akong tumakbo papuntang pinto at binuksan ito bago pa man sya makatayo para habulin ako. Lumabas ako pero sinilip ko muna sya.
"Sa labas lang ako. Ayusin mo muna yang sarili mo."
at iniwan ko na sya. Ngayon ko lang nalaman, sarap palang pagtripan nitong Trys na 'to.
Natawa pa ko sabay umiling.
Pumunta naman ako dun sa inuupuan namin kagabi. At grabe, ngayon ko lang talaga nakita ng buong buo ang itsura ng Tops.
Kung maganda sa gabi, di ko naman akalain na may mas igaganda pa din pala ito pag umaga. Kinuhanan ko ng litrato ang buong Tops.
Grabe, ramdam ko pa rin yung lamig kahit alas nuebe na ng umaga.
May fog kasi e. Ang ganda lang. Lumapit naman ako sa parang Telescope at nag sight seeing ako dun. Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang buong syudad ng Cebu. May mga sasakyan at mga taong busyng busy.
"Brrr, grabe lamig."
ang hangin kasi kahit maaraw. Ang sarap pala tumira dito noh?
Trystan's Point of View
nakita ko si Ana na busy sa pag sa-sight seeing. Naalala ko na naman yung ginawa nya sa akin kanina. Lakas talaga ng trip nung isang 'to. Ang sakit kaya ng pwet ko. Hanggang ngayon nga kumikirot pa rin.
Pinagmasdan ko lang sya habang abalang abala sa pagtingin tingin tingin sa buong syudad. Minsan tumatawa pa ito.
Habang pinagmasdan ko sya biglang humangin ng malakas kaya yung buhok nya parang sumasayaw.
Ngayon ko lang napansin, mas lalong gumanda sya kasi walang make up. Pasikreto ko syang kinuhanan ng picture.
Maya maya pa, bigla nya akong napansin. Nataranta pa ako kasi naman kanina pa ako titig ng titig sa kanya. Baka kung anong iisipin nya.
"Alam kong maganda ako kahit di mo na ko titigan pa okay?"
"Asa."
napaismid pa ako kunwari.
"Totoo naman."
"Tsk. Ang kapal mo talaga. Gutom lang yan. Uwi na nga tayo."
iniwan ko na sya at pumunta na sa kotse.
Maya maya pa, dumating na din sya. Umalis na kami dun sa Tops.
"Uy Trys!"
"Oh?"
"Anong meron dyan sa Lantaw Restaurant na yan?"
turo nya dun sa signage sa unahan.
"Ewan. Di pa naman ako nakakain dyan e."
"Try natin. Kumanan ka."
kumanan naman ako. Gutom na rin kasi ako e.
Pagkapasok namin bumungan sa amin ang magandang tanawin. Kitang kita dito ang malawak na dagat kahit pa nasa bundok pa rin kami.
"Ano, tutunganga na ba lang tayo o oorder ka para naman makakain na tayo?"
"Oo na po. Bossy nito oh. Ano bang gusto mo?"
"Pag may makikita kang lamang dagat kunin mo lahat yun."
ayus ah?
"Grabe ka, may plano ka bang ubusin 'tong pera ko?"
"Sus. Mayaman ka naman. Sige na! Bilis! Gutom na mga alaga ko!"
grabeng babae ang bossy. Tss! Di na nahiya.
Sabi nya lamang dagat daw, edi susundin!
Habang kumakain kami pansin ko, yung may shrimp ang tinitira nya sa lahat tho kinakain rin nya naman yung iba pero mas marami pa din yung may shrimp.
"Mahilig ka sa shrimp?"
"Kakainin ko kaya yan ng todo kung di pa ako mahilig nyan?"
"Nagtanong ako ng maayos, sagutin mo rin ng maayos."
"E bakit ka pa nagtanong, alam mo naman ang sagot?"
"Ang sungit. Bilisan mo nga dyan. Takaw nito."
pagkatapos namin kumain umalis na din agad kami.
Habang nasa sasakyan wala syang ibang ginawa kundi ang dumighay ng dumighay.
"Haay grabe! Thank God! Ang sarap ng pagkain nila. Tataba yata ako nito."
"Babae ka ba talaga?"
"Oh? Napansin mo?"
"Whhaaat!?"
"Oa? May kambal nga ako di ba?"
kung wala talaga 'tong kambal naku talaga!
"Oo na. Oo na."
I tsked, grabeng babae, bukod kay Monkey, sa kanya lang din ako na badtrip at nairita ng husto. Pwede nga talagang maging magbestfriend yung dalawa.
"Wait Trys! Itigil mo dyan!"
"Ano na naman?!"
kainis ha? Bigla ba namang sisigaw?
"Punta tayo dyan!"
"Pwede ba, wag kang sumigaw?"
tiningnan ko yung nginusu nya. Pwede namang ituro, nginuso pa talaga.
"Hardin de Busay?"
"Yep! Tara dyan!"
oh? Mahilig sya sa Flowers? Akala ko ba puro panlalaki lang ang hilig nito?
Pagdating namin sa baba, ang daming flowers. Iba't ibang klaseng flowers. At ito namang kasama ko, parang timang.
"Hoy! Okay ka lang?"
paano kasi, kada may madadaanang bulaklak ayun aamoyin tapos mag seselfie kasama ang bulaklak. Nanghiram pa nga sya ng sombrero dun sa care taker at dun nagseselfie na naman.
"Uy Trys! Pwede ba tayong mag-uwi ng mga bulaklak?"
"No."
hindi naman sa ayaw ko sa mga bulaklak. Madudumihan kasi yung sasakyan ko.
"Arte nito. Uy kuya, sa susunod nalang ah? Salamat ulit."
umalis na kami dun at umuwi na talaga.
Habang nasa IT park na kami ng bigla syang sumigaw.
"Ano na naman?!"
"Mag U-turn ka! Bilis!"
sinunod ko naman.
"Ayan, hinto ka. Hintayin mo lang ako dito ah?"
tiningnan ko yung pinasukan nya.
'Krispy Kreme?'
after 10 minutes, lumabas na din sya.
"Mahilig ka sa daughnut?"
"Nope. Yung kaibigan ko."
"May kaibigan ka?"
"Yep."
"Babae?"
"Lalaki."
"LALAKI?! May kaibigan kang lalaki?!"
"Bakit, masamang magkaroon ng kaibigan na lalaki?!"
"Hindi."
"Oh yun naman pala e. Makareact ka dyan."
Anasthasiah's Point of View
pagkauwi ko sa bahay sinalubong agad ako ni mamu.
Tiningnan nya naman ako ulo hanggang paa. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Ikaw na nga talaga."
"Anong drama naman yan mamu?"
"Akala ko ahhh never mind. Loyal ka naman siguro sa fiancé mo noh?"
"Kahit pa umayaw ako, wala naman akong choice di ba?"
TH talaga! Tss!
"Haha nga pala Antonette."
naningkit yung dalawang mata ko. Tss! That name again.
"Ikaw ha, napapadalas na yata yang pagsama mo kay Trystan ha? Baka kung saan pa mapunta yan."
"Whatever mamu. Oh, gusto mo nito?"
sabi ko sabay pakita sa bit bit ko.
"Aba! Mahal mo talaga ang mamu mo noh?"
hahaha alam ko kasi, bawal na yan sa sweets.
"Naman mamu, kaya maiinggit ka nalang ha? Sige mamu, maliligo lang ako."
sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi nya. Mabait ako dito e. Tss!
Nakakainis, wala akong mapagtripan dito..
*see yah! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top