c. THIRTY ONE p. ONE

Anasthasiah's Point of View

"I thought, 'that' was long time ago?"

inaasar ba ako nito?

"Oo nga. Why?"

naglakad na kami palabas ngayon. Di ko talaga trip magtagal doon. Siguro kasi may dinadamdam ako.

"Then, what was that?"

"Don't take it seriously. I can kill joy and happiness anytime I want."

"So, you mean yo---

"Yeah."

pinutol ko sya. Ang boring kaya. Tss. Napansin kong nagbuntong hininga sya.

'Oh? Affected? Tss. Halata namang wala kaming mapupuntahan nito. We're both casanovas then.'

I just tsked of my thoughts. What matters the most is on 'how we played and enjoy our own game'.

"By the way. Are you serious with your words lately?"

lumingon sya sa akin. Nasa parking lot na kami ngayon at kasalukuyang pinupuntahan yung car nya. Yes, sa car nya ako sasakay. E sa tinatamad akong magdrive e.

"Hmm-mm."

tumango lang sya nyan. What's with him? Kani-kanina lang ang daldal tapos ngayon biglang tameme?

Pinagbuksan nya ako ng pinto pero bago ako pumasok hinalikan ko muna sya for about 1 minute lang, torrid kiss yun with feelings. Haha I can tell magaling ako mambitin. Tss!

"It's okay. Mas magaling naman akong humalik kesa sa 'hinampas-sa-lupa-ang-mukha' na yun at mas masarap pa."

sabi ko pagkatapos sa halikan naming torrid with feelings. Pffft~ natawa ako sa 'with feelings' thingy na yan. Pumasok naman ako sa kanina pa nakaawang na pintuan. Sumunod naman sya sa kabilang side. Lihim naman akong napapangiti. Pano kasi napansin kong ngumiti sya pagkapasok ko sa loob.

"Sus, yun lang pala ang gusto mo."

"Sinira mo kasi yung moment ko kanina dun sa chix."

"Well, I can tell I'm hella gorgeous than her. And besides, ang unfair naman kasi, nagpakasaya ka samantalang lugmok naman ako."

natawa pa sya ng konti. Nice, bumalik na sya sa kanyang sarili.

"Kaya ka nandamay ng inosente."

"Excuse me, as far as I remember, you were the one who offered right?"

I said between my rolling eyes act.

"Excuse me too, as far as I remember also, you refused it right?"

sabi pa nya sa tonong pagkakasabi ko kanina kasabay nun ang trying hard nyang pag irap. Haha mukha syang ewan. Parang yung sa 'the Healing' lang yung itsura nya.

"Gaya gaya."

sabi ko nalang sabay labas ng phone ko. Tinext ko yung manager ng bar at sinabing paki bantayan na lang muna yung sasakyan ko. Close kami e.


"Malayo pa ba?"

tanong ko sa kanya. Malapit na talaga akong mainis ha? Kanina pa kami pa liko liko dito tapos mukhang papunta ata kami sa pinakatutok ng bundok. Paikot ikot kasi ito na pataas. Mag-aalas dose na at medyo madilim na din sa labas.

"Yeah, konting tiis pa."

"Kanina pa ako nagtitiis dito! Ilang konti ba ang tinutukoy mo?"

"Baby, you know the saying 'patience is a virtue'?"

"Whatever. My time is gold."

"Don't worry, our venue is really worth the wait."

"Just tell me where are we going."

"Tops."

Tops?? He mean, nasa lahug kami? Tiningnan ko yung paligid at sakto namang may nakita akong sign na 'Chatteu de busay' ibig sabihin, nasa Lahug nga kami.

Honestly speaking di ko pa 'to napupuntahang lugar na 'to.

"Okay. Iidlip muna ako."

inaantok ako e.

"Sure."

pagkasabi nya nun binaba nya yung glass sa bintana. At nalanghap ko ang sobrang sariwang hangin na ngayon ko lang ata nalanghap. Sobrang ganda sa paligid at sobrang lamig din. Siguro kasi nasa tuktok kami ng bundok. Lalo tuloy akong inaantok.

Trystan's Point of View

nakatulog na sya. Ang amo ng mukha nya.

Aaminin ko, kahit ako namangha sa paligid ko. Ang ganda kasi , ano pa kaya kung makarating na kami sa Tops.

Actually, hindi ko naman talaga alam ang ruta papunta dito. Thanks to my GPS na syang nagbibigay alam sa akin.

Siguro one hour and half din ang binyahe namin. Okay lang naman boung gabi kami nandito, kasi may mini-hotel naman sila dito ayun sa research ko na pwede raw tulugan pag mag over night ka may bayad nga lang. Pero no worries, may dala naman akong pira.

Nagbayad na ako sa entrance, binigyan naman nya ako ng dalawang ticket.

"Enjoy your stay sir."

sabi dun sa babae sa entrance sabay ngiti. Pinark ko muna yung sasakyan ko. Sinarado ang bintana.

"Baby, andito na tayo."

niyugyog ko pa sya ng malakas, ang tibay lang.

"Aba't tulog mantika pala 'tong isang 'to ah."

wala na akong nagawa kundi lumabas ng kotse , pinuntahan ko sya at binuhat.

"Sir ticket po."

binigay ko sa kanya yung ticket naming dalawa. Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang napakalawak na bermuda. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya di ko maiwasang mamangha.

"Hmmmm."

umungol sya pagkababa ko sa kanya sa isang bench at naupo naman ako.

Sinandal ko sya sa balikat ko. Hanggang ngayon, tulog pa rin sya? Di man lang ininda ang lamig?

"Hey, Ana."

tinapik tapik ko pa yung pisngi nya.

"Hmmm---asdfghjkbssgghh"

"Shit!"

napatayo ako ng di oras. Buti nalang talaga at mabilis akong nakalayo sa kanya. Ayokong mangyari na naman sa amin yung nangyari noon.

Tiningnan ko lang sya na hanggang ngayon sumusuka pa rin. Limang minuto na ang lumipas sumusuka pa rin sya! Seryoso ba talaga syang uubusin nya lahat ng kinain nya?

Mabuti nalang talaga at nasa bandang sulok kami kaya di masyadong kita. Nakakahiya kaya, ang daming tao oh, karamihan pa mga taga ibang bansa.

Nilapitan ko sya sa likuran nya at hinahagud hagod yung likod.

"Okay ka na?"

"Yeah, sorry ah?"

"It's okay. Sandali lang, tatawag lang ako ng maglilinis nyan at ikukuha na rin kita ng hot soup. Dyan ka muna."

iniwan ko na sya at lumapit dun sa crew ng lugar na 'to.

Pagkatapos kong sabihin sa kanyang may lilinisin sya , agad din naman syang umalis at hindi ko na alam kung saan yung pumasok.

Lumapit ako sa mini kainan daw nila. May chinese food, korean food , japanese food , filipino food at iba't ibang putahi ang meron sila na nandun.

Anasthasiah's Point of View

Tumayo ako sa bench at nilibot ang boung paligid ng tingin.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ata ako na amaze ng bongga. Tumingala ako. Ang daming stars! Pumunta naman ako sa pinakadulo, dumungaw pa ako ng konti.

Na-curious lang talaga ako kung anong meron sa baba. Pagtingin ko may sulat na 'Tops Busay'. So, ito pala ang itsura ng Tops? Akala ko nasa tuktok ka lang ng bundok pero hindi ko naman inaasahang may ganitong theme pala dito.

Lumingon ako at pinagmasdan ang itsura ng Tops. Pabilog ito at may naka crescent moon like na makikita mo. At yun ay ang mga . . . . Hindi ko talaga alam kung anong tawag dyan basta may kainan, may mini-bar , may cr at yun ay sa right side.

Tapos sa left side naman ay parang tunel-like sa loob na made of stones! Na may table at pahabang upuan din na made of stones din, haha nilapitan ko pa talaga ang bandang 'to, curious lang ako kung anong meron dito sa tunel-like na 'to e. (A/N: kung sinong nakakita na ng must be love noon, malalaman nyo ang itsura ng tunel-like na tinutukoy ni Anasthasiah. Yung scene na nag confess si Kath kay Daniel.).

At sa gitna naman ay yun yung entrance.

Yung entrance katapat lang pala sa pwesto ko kanina. Kaya bumalik ulit ako at kitang kita ko ang boung syudad ng Cebu.

Grabe! Ang ganda talaga! Di ko akalaing makakapunta ako sa lugar na 'to.

Hindi naman kasi talaga ako mahihilig sa mga ganito. Tanging bar-school-mall-bahay lang ako.

"I already love this place na."

at first time kong mag-like sa isang lugar.

May parang telescope pa sa tabi ko. Balak ko sanang mag sight seeing e ano namang makikita ko? Gabi na kaya. So, may bukas pa naman siguro right?

Humampas sa akin ang napakalamig na hangin. Kahit na kanina ko pa nararamdamang nilalamig na ako sa lugar na 'to hindi ko magawang magreklamo. Siguro dahil sobrang ganda lang talaga sa lugar na 'to na di mo kayang hayaang maging negative ang mga thoughts mo.

I realised something. I suddenly forgot kung anong nangyari sa akin ngayong araw na 'to or should I say, yesterday. 12:30 na kasi e.

Tama nga si Trys. Nakakalimutan ko talaga ang problema ko ng hindi ko alam kung ilang minuto.

Humampas ulit sa akin ang malamig na simoy ng hangin kaya ini-spread ko yung dalawang kamay ko.

Nakatayo lang ako na naka-spread ang mga kamay. Dinadamdam ang bawat ihip ng malalamig na hangin.

'Aaaaahhh, so relaxing.'

'I felt relief!'

"Pwede bang dito nalang ako forever?"

"Sure naman basta kasama mo 'ko."

nilingon ko yung nagsalita. Si Trys pala.

"Edi, magtayo nalang ako ng kagaya nito dun sa kabilang bundok."

"Haha, ayaw mo talaga akong makasama noh?"

"Nah, sinabi mo pa."

nalungkot sya! Oh? Anong ginawa ko? Wala naman ah?

"Tsk. Halika na nga. Kainin na natin yung inorder ko."

sumunod na lamang ako sa kanya. Nagutom rin naman kasi ako noh? Nakakagutom kaya ang lugar na'to. Isama mo na ring sumuka ako ng isang balde ata. Tss!

Tahimik lang kaming kumain. Ang sarap pala ng luto nila dito. Para kang nasa 5 star hotel!

"Nga pala, pinapaalam na kita kay mamu Angelica mo."

"Na?"

"Na may over night tayo. Na kasama mo 'ko at si Monique. At di dapat sya mababahala dahil wala naman akong gawing masama sa'yo. At nasa safe naman tayong lugar."

paliwanag nya.

"Seryoso? Kailangan pa ba talagang magsinungaling? Di ba pwede sabihing nasiraan , walang masasakyan kaya nag check in sa isang hotel?"

"Seryoso ka ba? Pag yun ang palusot ko, pwedeng pwede nya naman tayong ipapasundo ng driver nyo."

sabagay, may point sya, knowing mamu --- pero wait ,

"Kilala mo mamu ko?"

"Yep."

"Since when?"

"Since we were 6 yrs old."

so???

"Wait, you're Trystan right?"

Trystan. . . . Tapos, may TAN sa name nya!

Tumango naman sya. Kita sa mukha nya ang pagkagulat na di ata makapaniwalang di ko sya kilala.

"So, you must be the 'Tan' na kinababaliwan ng kambal ko since bata pa lang?"

"Ewan. Malakas na ba talaga sex appeal ko noong bata pa lang?"

ang yabang naman. Umihip bigla ng kay lakas ang hangin. Hahaha! Ayan kasi!

"Haha ayan, yabang kasi e. Haha ewan ko lang. Isang beses lang naman kitang nakita at yung--- wait! If you're Tan na laging bukambibig ng kambal ko at laging kalaro din nya na may kasamang batang babae din, sino yung girl? Kilala mo? Asan sya ngayon?."

"Makalimutin ka ba? Ulyanin?"

"Ahh, hihi, oo e."

nahiya pa ako. Totoo naman. Tss!

"Si Monique yun."

"What!? Wait, sya yung lagi mong kasama di ba? Yung sabi mong yaya mo? Yung---

"Laging tumatawag sa'yong bestriend. Okay na, di mo na kailangang isa isahin pa."

oh? Naging ganun na pala ang dating ko? Ibig sabihin, bumalik ako sa dating ako!? Paano!?

"Tss. Panira ka."

"Haha ang cute mo pala pag ganun yung reaksyon mo."

tumingin ako sa left side ko. Namula ako e. Nakakainis ha?

"Nga pala, bakit nung welcome party ni Vanyce, di ka man lang lumapit o bumati sa kanya? Di ba, childhood friends kayo?"

naalala ko yun. Yun yung ugghh ewan! Tapos sya pa yung nakakita sa akin dun sa club house na nagwala.

"Ayaw ko kasi sa kanya. And I bet, ganun din si Monique."

"Bakit naman?"

"Ewan."

sabagay plastik kasi yun. At di nalang ako magtaka pa. Tss! Naalala ko na naman yung plano nya sa akin.

Bumuntong hininga ako. Ayaw ko siraan ang magandang atmosphere idagdag mo pa ang magandang paligid.

"Tara dun!"

turo ko sa bench na nasa gitna.

Lumapit kami dun at umupo.

Nakatingin lang ako sa boung syudad at tumingala. Ang daming stars.

"Nga pala . . ."

itutuloy ko ba? First time 'ko 'tong sabihin na sincere ako.

Lumingon sya sa akin..

"T-thank you."

*see yah! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top