c. THIRTY FOUR
A/N: lahat ng naka italic font ay flashback.
Anasthasiah's Point of View
I run as fast as I could. Trying not to look back. I am now catching my breath.
*BANG!*
Until I felt something on my feet.
'Ang s-sakit.'
"Gotcha!"
I was taken a back when I heard him.
Namamanhid na yung paa ko pero pinilit ko pa rin syang labanan. Sisipain ko na sana sya pero naunahan nya ako.
"Ack!"
sinikmuraan nya ako. Unti unti akong napaluhod.
He pushed me down. He then tied my hands above my head.
Unti unti na rin akong nawalan ng lakas.
"Trying to escape eh?"
he smile at me devilishly.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Kahit pa nagpupumiglas ako, sinikmuraan nya ulit ako. I can feel my breath suddenly stops for a second.
"Ang ayoko sa lahat yung masyadong magalaw."
He now unbutton my shirt. Wala akong nagawa kundi humagulhol ng iyak. Ramdam na ramdam ko yung lamig sa paligid pati na yung simentong hinihigaan ko. Namamanhid na din masyado yung paa ko.
Until I felt him kissing my neck. Nanginginig ang buong katawan ko.
Napansin kong tumayo sya at hinubad nya ang pants nya. Pumikit nalang ako.
Hinablot nya ng malakas ang sout kong pekpek shorts. At pilit nyang inis-spread yung hita ko habang hawak nya yung dalawang kamay ko na nasa taas ng ulo ko.
Lumingon lingon ako sa paligid para makahingi ng tulong man lang. Madilim na ang buong paligid. Hanggang sa may nakita akong bulto ng tao sa di kalayuan. Nagdilim ang paningin ko ng mapagsino ko yung taong yun.
Kasabay ng pagtakbo nya ang pagsigaw ko.
"GAAAAAAHHHHH!"
napabalikwas ako ng bangon habang yakap yakap ang sarili. Naramdaman ko ring umiiyak na pala ako.
Hanggang ngayon, sariwang sariwa pa rin sa akin ang pangyayaring 'yun.
30 minutes had passed. Huminto na ako sa pag iyak. Pinunasan ko na rin yung mukha ko. Tiningnan ko yung orasan sa table ko sa gilid.
10:30 pm.
Tumayo ako at pumunta sa cr para maghilamos. Pagkatapos pumasok ako sa walk-in closet ko.
After 10 minutes. Nasa may veranda ng kwarto na ako.
Dahan dahan akong umangat hanggang sa makatuntong ako sa railings ng veranda ko.
Tumalon ako papunta sa puno na nasa gilid ng veranda.
Maingat akong bumaba para di ako makagawa ng kahit na anong ingay. Like I always do.
Tumakbo ako papunta sa car ko na nasa garahe sa labas.
Habang nagmamaneho ako papunta sa bar na lagi kong tambayan. Hindi ko mapigilang umiyak ulit.
Ramdam ko pa rin yung sakit. Yung sakit na tinraydor ka ng sarili mong kaibigan. Worst bestfriend ko pa. Wala akong makitang ibang dahilan para magawa nya sa akin yun. Pinagkatiwalaan ko sya pero tinraydor nya lang ako. Hindi sya totoong kaibigan. Akala ko tutulungan nya ako nun pero tumakbo lang sya kaya . . . . . kaya . . . .
Napapreno ako sabay hampas ng malakas sa manibela.
"AAAAARRRRRGGGGHHHHH!!!!"
ang sakit! Pinagkatiwalaan ko sya! Tinuring ko pa syang kapatid ko! Pero tinraydor nya lang ako!
"Nagawa ko na miss Myers. Yung bayad ko ah?"
"TANGINA KA TALAGA SCARLYN! SINUSUMPA TALAGA KITA! HINDI KITA MAPAPATAWAD SA GINAWA MO!"
Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa napagod na ako. Tinaas ko yung ulo ko na kanina pa nakayuko habang umiiyak ako.
Tiningnan ko yung paligid at napansin kong nasa tapat ko na pala yung bar na tinatambayan ko. Pinark ko yung sasakyan ko sa parking lot. Pinunasan ko muna yung mukha ko.
Pagkapasok ko sa loob, ramdam ko kaagad yung init sa buong lugar. Yung ingay, yung mga taong nagsasayawan sa dance floor. Yung mga taong nagiinoman. Yung mga taong naglalandian. Hindi ko magawang ngumiti man lang sa mga lalaking lumapit sa akin. Lalong lalo na nung may humalik sa akin hindi ako gumanti at patuloy lang sa paglalakad papunta sa isang taong kakilala ko lamang..
Hindi na rin ako magtataka kung bakit may maraming lalandi sa akin dito dahil yun ang pagkakilala nila sa akin.
Huminto ako sa tapat niya habang naghahalikan sila nang kasama nyang linta.
Ilang segundo akong nakatayo dun at napansin na din nya ako kaya humiwalay sya sa babae kanina at nilapitan ako
"Hi baby."
sabay hinapit nya ako sa bewang tapos pina-upo nya ako sa lap nya.
Yumuko muna ako dahil di ko kayang magsalita muna tsaka tiningnan ko sya sa mata at sinunggaban ko sya ng halik. Pinulupot ko na rin yung kamay ko sa batok nya.
Naramdaman ko na lang na hinahagud hagod nya ang likuran ko imbis na maglalakbay yung dalawang kamay nya.
Humiwalay sya at niyakap ako ng mahigpit.
"Ssshhh, it's okay. Don't cry. I'm just here."
at dun ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Hindi ko alam pero ng sabihin nya yun humagulhul na ako ng iyak. Buti pa sya kahit lagi kong inaasar at kakilala pa lang namin, ito sya ngayon, kino-comfort ako. Lalo tuloy akong naiyak ng dahan dahan nyang pinataas baba yung kamay nya sa buhok ko at hinalikan ako sa ulo.
Basang basa na yung balikat nya ng mga luha ko. Ilang segundo pa nung hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at pilit nya akong tiningnan sa mukha. Yumuko lang ako kasi ayokong makita nya ang pangit ko na ngayong mukha.
Nung magtapat ang mukha namin, pinunasan nya yung dalawang mata ko pero sa ginawa nyang yun, lalo akong naiyak. Pansin siguro nyang hindi na talaga mauubos yung luha ko kaya hinalikan nya nalang ang dalawang mata ko at niyakap ulit ako sabay hagud sa likuran ko.
After 15 minutes, kumalma na din ako.
"Tara."
sabi pa nya sabay inalalayan nya akong tumayo. Sumunod lang ako sa kanya palabas ng bar. Iginiya nya ako papunta sa sasakyan nya at pinagbuksan ng pintuan. Pumasok naman ako.
Habang nasa byahe, walang ni isang nagsalita sa amin. Samantalang ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa daan.
After 30 minutes, huminto na yung sasakyan.
"Hey."
sabi pa nya sabay tapik ng mahina sa braso ko. Napatingin naman ako sa kanya.
"Tulala na naman? Tara labas tayo."
lumabas sya at umikot papunta sa gawi ko sabay bukas ng pinto.
Lumabas naman ako at tiningnan ang paligid.
Nagpalinga linga pa ako para malaman kung saan kami ngayon.
"Kasadya sa SRP?"
tanong ko sa kanya pagkatapos kong mabasa yung signage sa unahan.
"Yep. For you to forget everything."
napangiti naman ako sa sinabi nya at niyakap sya.
"I don't know what happen pero I think you need me."
sabay ngiti nya ng nakakaloko. Sinamaan ko sya ng tingin. If I know what you mean.
"For you to unwind."
dinugtungan nya yung sinabi nya. Tss! Kahit pa naiinis ako ngayon di ko mapagilang mapangiti. Pero sinarili ko nalang yun. Mahirap na, baka hahangin bigla ng malakas babagyohin pa kami.
He grab my hand at pumasok sa carnaval. Yes, 'Kasadya' is a carnaval. Tho, di ito tulad ng star city na tinayo talaga at permaninteng makikita mo araw-araw. Ang 'Kasadya' ay makikita mo lamang sa ganitong okasyon. Like paparating ang sinulog fiestival hanggang sa dumaan ang sinulog. Siguro mga 4-5 months lang sila. Ewan ko lang ha? I've never been here before kasi. Ngayon ngayon lang.
Pumila naman kami para bumili ng ticket. Ang dami kasing tao.
"Saan mo gusto unang pumunta."
tanong nya sa akin habang pa tingin tingin sa mga rides na nandun.
"Okay. So ganito. Pagdating natin sa pinakatuktok, sumigaw ka ha? Lahat ng mga hinanakit mo at sama ng loob, isigaw mo lahat yun. Okay?"
tumango lang ako habang umayos ng upo.
Umandar na yung ferris wheel at aaminin ko medyo natakot ako ng kunti sa pag galaw nito, dahil wala kang ibang kakapitan kundi ang railings lang na nasa harapan at wala din itong bubong sa taas namin kaya anytime pwede kang bubuwal sa kinauupuan mo. Pero di naman siguro mangyari yung mabubuwal di ba?
Pataas na kami at rinig ko na yung sigawan sa paligid at sinamahan pa ng sobrang lamig.
"Open your eyes."
dumilat naman ako. Natatakot talaga ako, kasi naman first time kong makapunta sa ganito at makasakay sa ganito.
"Okay lang, di kita pababayaan, promise."
hinawakan pa nya yung kamay ko. Kasi naman pagdilat ko, pumikit agad ako kasi ang taas na pala namin.
Dumilat ulit ako at ngayon ay nasa tuktok na kami. Kitang kita ko ang buong paligid. Sobrang ganda lang, lalo na't gabi pa. Tiningnan ko naman yung gawing kanan ko at halos lumuwa yung mata ko sa nakita.
"Dagat?"
tanong ko sa kanya.
"Oo, di mo ba napansin yan kanina?"
bumuntong hininga ako. Pano ko mapapansin e wala ako sa sarili ko kanina. At ngayon naman para akong nasa gilid lang ng dagat.
"Aahh!"
napahawak ako bigla sa railings kasi naman biglang gumalaw yung ferris wheel, umandar lang pala.
Umikot ulit ito ng dahan dahan kasabay ng pagsigaw ng mga tao sa paligid. Hindi pa nga bumibilis, sumigaw na agad sila. Excited naman masyado.
Hanggang sa maramdaman kong pabilis ng pabilis ang pag-ikot nito at ngayon ay nasa tutok ulit kami, huminto kasi.
"Go scream."
pagkasabing pagkasabi nyang yun ay bumuntong hininga muna ako sabay . . .
"AAAAAARRRRRRRRGGGGGHHHHHHHHH!!! IIII HHHAAATTTEEE YYYOOOUUUU!!"
kasabay ng pagsigaw ko ay sabay din umandar ang ferris wheel at mabilis na umikot. Napansin kong lahat kami napasigaw na pala.
"NAPAKATRAYDOR MOOOO!!!"
sigaw ko ulit at hinabol ang hininga ko. Aaminin ko, hindi ko na naramdaman yung takot kanina.
"Sabay tayo."
sabi nya at sabay nga kaming sumigaw nung bumaba ulit at mabilis pa ito sa alas kwatro. Dalawang ikot pa na mabilis at sumigaw lang kami pagkatapos nagtawanan.
Seryoso, natawa ako sa sigawan namin, kasi naman ramdam namin yung ibang mga nakasakay dito na sumigaw dahil sa takot kasi yumugyug ng husto ang upuan pero kami tawa lang ng tawa sa nangyari sa paligid. Ang epic kasi ng mga mukha nila. Tapos sumigaw ulit kami habang nakataas yung mga kamay naman at kinampay kampay sa ere.
Bumaba na kami pero tawang tawa pa rin kaming pareho dahil sa mga kasama naming sumusuka na sa tabi pagkababa.
"Roller coster?"
wee? May ganun dito?
Sumakay ulit kami dun at ganun lang din yung nangyari. Sumigaw lang kaming parehas , wala lang, nakikisabay lang sa paligid , sabay tawa.
Lahat ng rides na makikita namin dito ay di naman pinalampas. Hanggang sa mapagod kami.
"Tara dun!"
turo ko sa horror house. Sabay hinatak ko sya patayo at tumakbo papunta dun. Pumila kami , at makalipas ang 20 minutes, kami na ang kasunod na papasok.
"Flashlight nyo po."
sabay bigay sa amin ng dalawang flashlight na may telang puti ang nakatakip sa ilaw nito. Seryoso, para saan pa 'to? E may takip naman din pala.
"Props lang. Haha"
sabi nung taga bantay sa amin. Napansin nya sigurong nakakunot ang noon namin pareho ni Trys.
I shrugged and so Trys did.
Pumasok na kami sa loob at sobrang dilim, ang creepy pa nung sound effects at ang baho din.
"Seryoso, saan an--
*DUG!*
"Aay! Tangina kang sound effects ka!"
napakapit ako ng di oras sa braso ni Trystan. Halos lumabas yung heart ko sa gulat. Nagulat talaga ako dun. Di kaya ako nakapagready.
"Hahaha chansing."
hinampas ko sya ng malakas dahilan para ma out of balance sya at sinabayan pa nung may nabasag na glass kunwari sa sound effect.
Tawang tawa ako kasi napansin ko yung itsura nya ng tapatan ko sya ng flashlight ko.
"Hahahahahah mukha mo Trys na---AY!"
hinatak nya kasi ako at naglanding tuloy ako sa dibdib nya. Natumba kasi talaga sya kanina sa paghampas ko.
"TANGINA KA! MAS CHANSING KA PALA E!"
hinampas ko sya ulit kaso di pa naglapat yung kamay ko sa braso nya may napansin ako dun sa peripheral vision ko.
Sabay pa kaming lumingon dun sa gawing yun at sabay ding
"AAAAHHHHHH!!!"
napatayo kami bigla at niyakap ang isa't isa.
"B-bakit nandito y-yung sa The Grudge?"
sa lahat ng pwedeng katakotan kay sadako at yung sa the grudge lang ako takot. Para kasing totoo sila e.
"AAAHHHH!! TAKBOOOOO!!!!"
sabay pa naming sabi nang mapansin naming gumapang sa amin palapit yung babaeng nakaputi.
Nang mapansin naming wala na yung 'the grudge' , huminto muna kami at hinabol ang hininga.
"Grabe, meron pala sila nun dito?"
tanong nya.
"Takot ka rin dun?"
tanong nya ulit.
"Ay hindi yayakapin ko pa nga sana nung lumapit e."
Sabay roll eyes ko.
"Yayakapin kaya kita at tatakbo rin kaya ako kung di ako takot dun?"
Dugtong ko naman.
"Ang maldita mo talaga. Nagtatanong lang naman."
"If you don't want a sarcastic answer then don't ask a stupid question."
Wala lang, naalala ko lang yung line na yan noon. Nasabihan na din ako nyan ng isang di kaaya-ayang nilalang.
"Alam mo, may naalala tuloy ako sa line na yan. Ang epal kasi nung babaeng yun. Kitang problemado yung tao."
agad naman nag flashback sa akin yung nangyari noon sa bar. At dun ko lang napansin ang boses nya.
"Walangya ka! Ikaw pala yun!"
"Oh? So, that was you? The 'epalogs' girl?"
saka sya nag smirk.
"Ikaw ang epal! Tangina mo!"
"Aba! Aba! Akala mo di kita papatulan ha?"
"Edi patulan mo! Pakyu ka!"
pinakitaan ko pa sya nung middle finger ko. Tangina sya, tawagin daw ba akong epal. Ako na nga 'tong nagcocomfort sa kanya noon, gaganunin nya pa ako. Teka, comfort . . . Waaaaaaa ! Bigla tuloy akong napahiya sa sarili ko. Ngayon lang ako nagising sa katinuan ko, ilang beses na kaya nya akong kinomfort! Tangina my self!
'Mahiya ka naman Anasthasiah!'
sabi ng konsensya ko. Tangina talaga.
"Sinagad mo talaga ako ha? Ako pa nagmamagandang loob sayo tapos murahin mo lang ako?"
"Oh, bakit, hiningi ko ba?"
"Kahit na! Dapat mabait ka sa akin. Ang kapal ng mukha. Di man lang nahiya."
aba! Aba! Aba! Kalalaking tao nito oh.
"Matagal ng makapal ang mukha ko! Tangina ka! Sinusu---
"Hoy! Ano ba kayo! Magtatalo pa ba kayo dyan!? Kanina pa kayo dito! Labas na!"
sabay pa kaming napatingin dun sa nagsalita at tinapat namin yung flashlight. Tumingala pa kami kasi baliktad syang nakatingin sa amin. In short, nasa taas sya at yung mukha nya katapat lang namin.
Isang zombie ang nagsalita.
"HAHAHAHAHA!"
sabay pa kaming natawa ni Trys. Tss! Paano naman kasi
"Himala, isang zombie na tuwid magsalita!"
sabi ni Trys.
"At pinagalitan pa tayo."
dugtung ko naman.
"Hahahahaha!"
sabay din naming tumawa. Wala e, epic fail kasi sila!
Tumalon naman yung zombie kunwari.
"Tangina nyo! Lumabas na nga kayo! Di ako makapanakot sa inyong dalawa!"
oh? Galit na zombie na sya ngayon. Hahaha laptrip talaga!
Nagpatuloy naman kami sa paglakad sa madilim na kwarto na mukhang maze ata.
"Hoy Trys! Sumusubra ka na ah!"
"Oh? Ano namang ginawa ko!?"
huminto pa ako at ganun din sya. Tumingin ako sa baba ko kasi parang may umapak yata sa paa ko. Nung tinapat ko yung flashlight . . . . .
"AAAAHHHHH!"
sumigaw ako sabay talon kay Trys na agad rin naman nya akong nasalo.
"Y-yung 'the grudge' , h-hinawakan y-yung p-paa ko."
bulong ko sa kanya. Dahan dahan naman siyang lumingon at napansin kong nanlaki yung mga mata nya. And the next thing I know, tumakbo na kami habang buhat buhat nya ako.
"WAAAAAAA ! TANGINA! NASUNDAN PALA TAYO!"
sigaw nya.
"Hindi ako bingi! Tangina ka! Ba't ka sumisigaw ha!?"
"Kasi ang bigat bigat mo!"
huminto sya at bumaba naman ako sa pagka 'bridal carry' nya. Inayos ko yung damit ko.
"Ang sama mo! Anong akala mo sa akin? Baboy!?"
"Oo."
"Aba't ---"
naputol ang sasabihin ko ng may humawak sa kamay ko. Sobrang lamig nito. Tiningnan ko kung sino yun at nang makilala ko.
"Trys! Si SADAAAAKKKOOO!!"
Agad ko ring hinablot ang kamay ko mula sa pagakakahawak nya.
"Tangina! Takbo ulit!"
tumakbo nga kami gaya ng sabi nya. Takot rin pala 'to kay Sadako? Kalalaking tao?
Patuloy lang kami sa pagtakbo at di pinansin yung ibang mga momo 'kuno' dun. Di naman kami takot sa kanila pwera nalang sa dalawang babae na yun.
"Ay!"
"Aray!"
sabay pa kaming napasigaw. Kasi naman, parang may nagblock sa daanan namin at sabay pa kaming nadapa.
"Kung sino may gawa nun, pag makilala kita, malilintikan ka talaga sa akin!"
pagbabanta ko naman dun sa paligid. Alam kong maraming tao dito sa loob pero para manakot.
"Hey, ayos ka lang?"
tanong ni Trys habang nakadapa pa rin.
"Mukha ba akong ayos ha!? Ang sakit kaya ng tuhod ko! Tapos tatanungin mo kong ayos lang ba ako!?"
bakit ba kasi nag dress lang ako. Ayan tuloy.
"Oh kalma lang. Masya---
bigla syang napalingon sa unahan namin. Kaya sinundan ko naman yung tingin nya.
Sa harapan namin may isang maitim na barrel ata? Ewan. Tapos may napansin kaming kamay doon. Parang kamay ng isang babae pero sobrang puti. Hanggang sa unti unti syang umahon mula sa loob at may mahabang gulo gulong buhok at nakaputi sya, papalapit sya sa amin.
"AAAAHHHHH!!!"
sabay pa kaming tumayo at tumakbo ulit papuntang labasan.
Pero bago pa kami makalabas, may humarang sa aming hindi ko alam kung anong tawag sa kanya. Basta wala syang ulo kasi bit bit nya ito at duguan.
"Pakyu!"
sabi ko dun sa momong yun ng makalagpas na kami.
Hingal hingal kaming lumabas at nakapatong yung dalawang kamay sa mga tuhod namin.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Trystan sabay tawa.
"Haha, what a coincidence."
"Haha, sinabi mo pa."
napapailing kaming lumakad ulit.
Paano kasi, pareho pala kaming takot sa dalawang babaeng 'yun.
"Maam, Sir. Picture nyo po. Don't worry, libre lang po yan. Anyways, ang cute cute nyo po dito parehas."
sabi ng isa sa mga staff dun at inabot sa amin ang isang maliit na transparent plastic na may lamang mga pictures namin.
Kumunot ang noo namin parehas.
"Ay! May mga cameras po kasi dun sa loob, di nyo yun napapansin kasi nga hidden yun. Inooperate po yun ng isa sa mga staff din namin dito."
kinuha naman namin yung pictures namin at isa isa tiningnan.
"Wahahahhaa! Mukha mo Trys oh! Bintang binta!"
asar ko sa kanya.
Nakaramdam naman kaming gutom parehas kaya kumain muna kami.
"Libre mo. Thanks."
sabi ko sa kanya sabay ngiti. Hihihihi. Dyahe, mayaman naman siya. At ayaw ko namang gamitin 'tong pera ko. Ipan-shopping ko pa 'to.
Bumalik naman kami sa bar at para kuhanin yung car ko.
"Thank you for this night Honey."
sabi ko sabay halik sa kanya. A passionate one. The kiss lasted for 5 minutes. Inayos ko muna ang sarili at ganun rin sya. Tapos lumabas na ako ng sasakyan nya.
Nagprisinta naman sya but I decline. Mapapagalitan kasi ako ni mamu pag nalaman nyang umalis ako ng bahay ng walang paalam which is, lagi naman. Di nya lang alam. Magaling ako e.
Bandang 2:40 am na akong nakauwi sa amin. Pinasok ko na yung car ko sa garahe. At mabilis na umakyat sa gate na walang kahit na anong kaluskos ang ginawa. Tumuntong muna ako sa malaking haligi dun sa gate, simento po sya at buong lakas akong tumalon para maabot ko yung isang branch ng puno at nang maabot ko ito, dahan dahan akong lumapit dun sa katawan ng puno gamit ang mga kamay ko, yun yung ginamit ko pang hakbang. Kinurve ko ang katawan ko para makaapak yung paa ko sa puno. Nang magawa ko yun, yung kanan kong paa ay nilagay sa kabilang side ng branch. Kaya ang resulta, nakasakay na ako sa branch.
Nasa first floor pa lang ako at kailangan ko pang umakyat pa sa taas ng puno para matapat ako sa veranda ko.
Kumapit ako sa isang branch na nasa ibabaw ko lang at tumayo ako. Umakyat ulit ako sa pangalawang branch gaya ng ginawa ko kanina. Hanggang sa pang limang akyat ko, natapat na ako sa veranda ko.
Tumalon ako at naglanding ako sa tapat ng sliding door ko. Dali dali akong pumasok sa loob at pumunta agad sa cr para mag half bath.
Nahiga ako sa kama ko at tinitigan yung kisame.
"Ahhh, grabe, napagod ako dun ah."
after 30 seconds, naramdaman kong papikit na ako. Biglang nag flashback sa akin ang nangyari kanina sa Kasadya. Napangiti naman ako at tuluyan ng nawalan ng ulirat.
*see yah! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top