c. SEVENTEEN p. ONE
Friday . . . Saturday , hmmm, tinatamad lang akong magtype, kaya ngayon lang ako mag-update. :3
HAPPY SINULOG FIESTIVAL pala sa amin. :')
------------------------------------------------------------------------
Anasthasiah's Point of View
"Mahal kita."
pag-amin ko sa kanya.
"P-pero.."
binitawan nya ang kamay ko.
"Please, maniwala ka. Totoo ang sinasabi ko. Mahal kita. Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka sa akin?"
maluhaluha kong sabi sa kanya.
"Wala. Wala kang kailangang gawin. P-pero..."
bumagsak na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Bakit? Meron na ba? May iba na ba?"
pinilit ko pa ring magsalita nang matuwid. Kahit sobrang sakit na ng nararamdam ko.
"Ahm, babe? Andyan ka ba?"
boses ng babae na nasa labas.
"Ah, oo babe. Hali ka, pasok ka dito. May ipakilala ako sayong kaibigan ko."
so kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin? Ang sakit naman. Di ko ata kerri. Simula nung dumating ka sa buhay ko, di ko na kilala ang pagkatao ko. Bakit ba ako nagkaganito? Di ako ganito noon.
"So, sya pala? Nice one. Congrats ha."
pinahid ko na yung mga luha ko. Tumalikod muna ako, para naman di masyadong halata.
"Babe. Meet my friend. Ana. Ana, meet MY GIRL A---
"What!? Sya!?"
bulalas ko bigla. Pano nangyaring? .... Paano?? Bakit, magkamukha kami? Anong nangyari??
*tok* *tok* *tok* *tok*
"Honey, buksan mo 'tong pinto."
napamulat ako ng mga mata at agad ding napabangon.
Pwew! Ang weird ng panaginip ko ah.
"Honey? Buksan mo na ang pinto!"
shet! Si matandang hukluban pala.
"Sorry mamu! Ito na po."
pinagbuksan ko na si tanda. Aga aga nambubulabog e.
"Good morning mamu."
sabay halik ko sa pisngi nya.
"Good morning. Sya nga pala, ito oh."
oh? Ano namang nakain nito?
"Para san po 'to mamu? Ano pong okasyon?"
"Haay, naku kang bata ka. Buti pa si mamu mo, naalala pa ang birthday mo, ikaw yung may birthday di mo naman alam."
ahhh, birthday ko nga pala ngayon. Ano namang meron pag may birthday? Tss! Such a waste of time! Psh!
"17 ba ngayon mamu?"
"Hayy, oo honey. Kaya mag thank you kana sa akin, dahil ako ang unang nagbigay sayo ng gift, happy birthday pala."
tsss! What's the use? I hate my birthday!
"Ow, thanks mamu."
Im a great pretender, you know. *wink*
"Oh sya, you should take a shower na. Ako na pipili ng mga susuotin mo."
im not a baby anymore mamu! Pero, okay lang. Para naman di na ko mahirapan pang maglakad papuntang closet ko. Buti nga yong araw-arawin mo mamu. Magkasundo siguro tayo.
Pumunta na ako sa banyo at nag-shower na.
After 1 hr. Tsanan! Fresh na fresh na! Hmmmm, bango! :)
lumabas na ako ng banyo at nakita ko si mamu naka-smile sa akin. Anong nalanghap nito? Ang weird mo tanda ah. Di ako sanay.
"What's with that look mamu?"
"Ahh, nothing. Masaya lang ako sa inyo."
sa INYO? Bakit? May iba pa ba?
"Ang weird mo mamu. Di ako sanay na ganyan ka. Ayusin mo nga yang mukha mo? Para kang tuta e."
maka-ngiti wagas. Punitin mo nalang kaya yang labi mo, mas maganda siguro yun. -.-
"Tsk! Ang KJ mo talaga. O sige, bababa na ako, at ikaw rin pagkatapos mong magbihis dyan, bumaba ka na rin. May mga naghihintay sayo sa baba. Kaklase at friends mo raw."
kaklase? Friends? Ahhh, yung mga head over heels pala sa akin. Hmmmm, i smell something fishy nito kay mamu. Anong nangyari nito? Bat di man lang nagtaray? Di ako sanay. Talagang talaga.
"Okay?"
ee? Weird talaga, kanina pa 'to ee. Parang may--- hay, naku! Nakakawala ng beauty to. Mabuti pa't magbihis na ako.
Bumaba na ako at agad namang bumungad sa akin ang nagsimamachohang mga papables. Ang ha-hot nila sa mga suot nila ah? Inpernes, nakaka-inlove. Pero, sorry, im not interested.
"Good morning. For you."
sabi ni di ko na maalala ang name. Sabay bigay sa akin ng malaking teddy bear. Teka nga, aanhin ko naman 'to? Marami na ako nito at di ako mahilig nito. Pero okay, dahil mabait ako dito, tatanggapin ko nalang. Isali ko nalang to sa mga donations.
"Happy 17th year of existence Anasthasiah."
di ko rin ulit kilala. Basta isa ito sa mga BFs ko noon. Hmmmm, cute itong gift ko mula sa kanya. Isang dress, na paniguradong babagay sa akin.
Halos umabot ng 2 hrs ang pag-entertain ko sa kanila. Ang dami naman kasi nila, more than 20 kaya. Hah! Bakit ba kasi ang ganda ko? Teka nga, kanina pa ako nagugutom ah, asan na ba mga tao dito sa bahay? Di man lang ako binigyan ng almusal.
"Ah, kuya, asan po ba sina daddy?"
tanong ko sa isa sa mga butler dito.
"Pinapasabi po nga pala nila na mamayang hapon pa sila makaka-uwi may kailangan lang po raw gawin, miss."
na naman? Tss! As always.
"Si mamu po?"
"Nandun po sa sala, miss."
"Ah, okay. Thanks."
sabay bow ko sa kanya. Tss! Hirap maging mabait ah? Kanina pa ako nababagot dito! Sarap manapak!
Pumunta na ako sa sala at-- anong meron?? Parang ang laki naman ata ng pinagbago? Bakit ang daming ka-echosan? Parang di naman 'to pang-isahang party ah. Bongga masyado. Pero, that's mamu. Nakakapanibago lang talaga.
"Oh, Antonette."
aish! That name again. I hate it to the bones!
"Mamu! Parang di lang 'to birthday party ah, parang may welcome party. Ano na naman 'to mamu?"
"Oh, sige , sige. Lagay mo dyan, tapos ito pa. Dagdag mo na rin 'to.. Ahh, lulu! Yung pinapahanap ko sayo? Asan na? Tsaka, lyla, yung mga pinapakuha ko sayo, alam mo na kung saan yun ilagay. Ah, isa pa, ahm, mr. Gabriel! Yung mga inumin, ihanda mo na. Tapos, yung mga designs mr. Jay paki-ayos lang ah. Ito pa, mr. De Guzman, ilagay mo 'to mamaya sa may hagdanan ah. Tsaka, wa---
"MAMU!?"
nakakainis ee, dini-deadma ang beauty ko.
"Ow, sorry, honey.. Sige, sige, balikan ko nalang kayo mamaya. Ano kasi honey, may dadalhin akong bisita mamaya at im sure magugustuhan mo. Teka, kumain ka na ba?"
"Hindi pa."
gutom na talaga ako. Kainis naman oh, ba't ba masyado silang busy ngayon? Di na man ganito noon e..
"Ah, mamu, kakain lang po muna ako."
nakakainis ang busy sa baba. 1 hr nalang mag-si-six na, pero ito pa rin ako, di mapakali. Kanina pa ako kinakabahan dito at higit sa lahat nababadtrip!
Kaya i hate my birthday ee, wala akong magawa di rin ako makapaggala, di ako papayagan ni mamu! Tss! Badtrip talaga.
Ilang minuto pa...
*tok* *tok* *tok* *tok*
"Bukas yan."
sabi ko na nakatingin sa salamin at inayos ang sarili.
"Anak, happy birthday."
"Kayo po pala mom, thanks po."
"Here anak oh, gift namin yan ng daddy mo."
tiningnan ko yung binigay nya. Isang sobra lang sya.
"Waaaa!!! Mom! My BOTIQUE na ako! Thank you so much!"
"Ohh, you're always welcome dear. Alam mo namang mahal na mahal kita. At yang botique mong yan, nasa mall yan natin."
awwwww, last year may sarili na akong mall at ngayon may botique naman! Pero maganda sana yun kung sa mall ko ilagay ang botique na yan. Pero okay na rin yun. Atleast pinagbigyan ako sa kahilingan ko.
"O sige anak. Bumaba ka na, hinintay ka na sa baba. Mauna na ako sayo."
hayyy, ang ganda ng feeling. Pero mas maganda yung nasa sariling condo ako. Mas masaya yun.
Ilang oras at natapos na rin akong magbihis para sa susuotin ko ngayon.
Huminga ako ng malalim at nagrelax muna ng ilang minuto. Ang lakas ng kaba ko e, iwan ko kung bakit.
Bumaba na ako at agad namang tumambad sa akin ang mga nakakasilaw na ilaw. Tapos may silver silver pa. Tsk! Si mamu talaga, kung ano ano ng inisiip na disenyo.
Pagkarating ko sa baba, agad naman nila akong binati, marami ring mga ka business partner nila mamu ang nandito.
"Ahmm, hi!"
tiningnan ko yung nagsalita.
"Ikaw? Sinong? Panong?"
"Wowa inveted me here."
sinong may birthday? Siya? Si mamu ba? Kainis naman oh!
"Hi! Babe! Happy birthday! Oh, Trystan andito ka pala."
bigla namang napansin ni bakla si Trystan.
"Besssttttffrriieeennddd!!!"
aish! That irritating voice! Again!
"Ahh, ahmm, okay na, wag mo na akong patayin. Maraming magluluksa."
kainis naman oh, sasakalin na yata ako nito e.
"Ow, s-sorry. Ahh nga pala, regalo ko sayo."
"Para din sayo, Ana."
Ana?? Ang baduy naman nyan?
"Ito rin pala yung akin babe. Im sure magugustuhan mo yan."
hayy naku, si bakla talaga oh. Ngiti mo abot langit!
"By the way, ang ganda mo. Bagay sayo ang suot mo."
"Tss! Kelan pa ako pumangit bak--- babe?"
muntikan na yun ah.
"O sige, pakibigay nyo lang yan kay kuya, pupuntahan ko pa si mamu e. Hoy! Babe, samahan mo naman ako."
natatawa tuloy ako sa babe namin. Pero, nakakainlove talaga ang boses ng babe ko.
Hinanap ko si mamu kahit saan pero di ko sya makita. Habang naglalakad kami ng babe ko kuno, may biglang lumitaw sa harapan ko.
"Ahm, hi!"
sino 'to??
"Ah, nga pala babe. Meet Scarlyn. Sya yung tinutukoy kong friend of mine."
ahhh, teka nga! Sino ba birthday celebrant?? Kayo?? Kasi kung ako, di ko kilala mga bwisita dito e.
"Ahm, hello?"
medyo patanong kong sagot.
"Alyssa."
Alyssa? Kakamiss ang name na yan ah. Ngayon ko lang ulit yan narinig.
"Ah, babe. Maiwan ko muna kayo ah. May pupuntahan lang ako."
"Okay."
Scarlyn's Point of View
umalis na si Adrian pero bago yun tumingin muna sya sa akin. I know that look.
"Alyssa, di mo ba ako kilala? O nakilala man lang?"
tanong ko sa kanya.
"As if namang kilalanin pa kita? Di ko nga alam pangalan mo e."
bakit ka nagkaganyan?
"Sure ka bang, wala kang matandaan?? Ako to si Scarlyn. Scarlyn Myers, ang bestfriend mo noon. Nung sa manila ka pa tumira."
napakunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Hindi ko alam kong ako ba yung may saltik sa utak dito o ikaw. Ilang ulit ko na bang sabihin sayong di nga kita kilala. Dahil lahat ng mga pangyayaring di na dapat alalahanin pa ay matagal ko ng ibinaon sa limot. Kaya pwede ba, tantanan mo na ako?"
ano?!
"Bakit? Humingi na nga ako ng tawad sa 'yo, di pa ba sapat yun? Ano bang nangyari sayo?"
"Di ko alam ang mga pinagsasabi mo."
"Wag ka ng magsinungaling pa Alyssa, kilala kita."
"Di kita kilala, yan ang tandaan mo!"
medyo tumaas yung boses nya.
"Bakit ba pinilit kalimutan ang nakaraan mo, Alyssa?"
"Dahil ayaw ko ng maalala pa ang mga yun! Dahil nakakainis lang yun! Masa---"
di natapos ang sasabihin ni Alyssa ng biglang nagsalita si maam Angelica.
"May I have your attention please! Before I start, I just want to thanks everyone for coming here. To our birthday celebrants, I would like to say happy birthday....
Marami ang nagbubulungan dahil sa sinabi ni maam angelica, celebrants, ibig sabihin, may isa pang nagbibirthday.
"Celebrants?"
bulong ni Alyssa.
"Okay, okay. I know naguguluhan na kayo dyan. Alam kong marami sa inyo ang di nakakilala ng tunay sa pamilyang ito. Everyone, let us all welcome my other grand daughter. Vanyce Antonette Alberca! The other twin of Alyssa.....
Kasabay ng pagbukas ng isang kwarto kasabay naman dun ang pag-patak ng mga fake silver snow.
"Shit!"
sabi ni Alyssa sabay tumakbo.
"Teka lang! Alyssa! Wait!"
------------------------------------------------------------------------------------------
may part 2 ito.
Hmmm, what will happen next?
Ganda ng SINULOG! As always!
Xoxo~
mhyme :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top