c. FORTY THREE

Vanyce's Point of View

One week na din ang lumipas ang pagiging Anasthasiah ko.

Aaminin ko, sobrang saya sa pakiramdam na di ka na laging nakakulong sa kwarto at makakalabas lang pag kinakailangan.

Yung studies ko?

Sus, last year, graduate na ako. Business Ad major in Marketing. Di ako pumapasok ng school. At sa Thailand ako nag ho-home study. May bahay kami dun e. Tsaka nandudun din ang main company namin. Dun na rin din ako nag OJT.

Bumalik lang ako dito kasi gusto kong makita ang pinakamamahal kong kambal at para na rin maisagawa ang plano ko. Pero syempre di yun alam ng lahat.

At bumalik lang ako ng Thailand sa kadahilanang namiss ko din mamuhay dun at may emergencyng nangyari sa isang shop ko dun na ako ang naghirap kaya di ako nakapagpaalam ng maayos.

Pero syempre, sa sulat lang lahat ng yun.

Hindi ako matatakot na malaman nilang nawawala sj Vanyce, kasi maganda na ang pamumuhay ko sa katauhan ni Anasthasiah. Asa pa namang babalik pa ako sa pagiging Vanyce ko. Masaya na ako dito. Kahit papaano, nakamit ko din ang kalayaan kong matagal ko ng inaasam asam.

'Kyyaaa! Ang sweet naman ni Trys oh!"

"Ang swerte talaga ni Princess."

"Gosh! Ako nalang please! Akin ka nalang kasi!"

"Hoy babae! Manahimik ka nga dyan! Paparating na sya pag ikaw narinig , lagot ka talaga!"

"Oo na! Oo na! Haay! Kelan kaya ako makakaranas ng ganyan bessy?"

Nginitian ko lang yung mga echusera. Ngiting may halong pang aasar. Ha! Mainggit kayo!

Tiningnan ko naman yung taong nakatayo sa harapan ko na may dalang bouquet of flowers na may ngiting nakapaskil sa labi.

Ang swerte swerte ko talaga. Hahaha! Kumusta ka na dyan sa impyerno Anasthasiah? Kita mo kung ano na nangyari dito? Inggit ka na please. Hahahaha!

"For you."

Kinuha ko din yung bulaklak.

"Araw araw nalang ba Ford?"

Kunwari, naiinis ako. Hihihi.

"Alam kong hindi ka bobo para di mo malaman ang salitang 'ligaw' di ba?"

Oh, sungit. Pero wag ka, lihim akong napapangiti sa sinabi nya.

"Haha, we'll see kung madadala mo talaga ako sa ganito. Flowers Flowers ka pang nalalaman dyan."

Araw araw kasi, iba't ibang uri ng flowers ang binigay nya. Na lagi ko namang binibigay sa katulong namin para i-display sa bahay. Di naman kasi talaga ako mahilig sa bulaklak pero kasi bigay yun ni Tan. Kaya di bale nalang, gugustuhin ko para sa kanya.

"Haha alam ko kasing mahilig ka sa flowers. Kaya ayan. Kung saan saan ko pa yan hinanap ah? Effort din yun. Dapat appreciate mo."

Hinampas ko talaga sa kanya yung bulaklak.

"So ganun? Pinipilit mo na akong i.appreciate yang effort mo? Demanding mo ha?"

Syempre, siya pa. Malakas yan sa akin e. Kahit ano pang gawing effort nyan kahit masyado ng effortless, appreciated pa rin.

"Haha joke lang. To naman. Alam ko namang mukha ko palang appreciate mo na, paano pa kaya pag 'tong mukhang 'to mag e.effort? Naku, baka mapasagot na kita."

Ang yabang! Pero natuwa talaga ako. Ang gaan sa feeling pag sya kausap ko.

"Kung ganun, bakit hanggang ngayon, nanliligaw ka pa rin?"

Bara ko sa kanya. Pero aba! Ngumiti lang ang gwapo!

"Syempre. Kilala kasi kita."

Tapos kumindat na naman sya.

Inirapan ko lang sya. Wala akong masabi e.

Nakarating na kami sa klasrom namin.

At napansin kung nandito pala yung bruheldang Shanyce ata yun? Kaklase ko sya sa Psychology. Psh!

Napansin ko namang nakatingin sya sa akin. At dun sa hawak kong bouquet.

Proud ko syang nginitian na may halong pang aasar.

"Jealous much? Poor bitch."

Tapos binigyan ko ng smirk. Masindak sya! Bruhang yun! Magkatunog pa talaga kami ng pangalan.

Shanyce's Point of View

Ano kayang nakain nitong si Anasthasiah?

Para kasing may nag iba.

Alam ko yun, dahil Psychology student ako.

O sadyang nagiging paranoid na ako lately, kasi . . . . grrrrr! Yung lalaking yun talaga!

Tiningnan ko ulit sya. May iba talaga sa kanya! Ibang aura!

Pero sabagay, sabi nga nila, 'like season , people change'.

Dumako naman ang tingin ko dun sa bandang kanan. Si Trystan pala, titig na titig ito kay Anasthasiah.

Sa pagkakaalam ko, nililigawan daw nito si Anasthasiah pero hanggang ngayon, di pa rin sinagot.

Kung noon pag may nanligaw, on the spot, sagot agad. Pero iba 'to!

Aish! Bakit ko nga ba binigyan ng mga kahulugan ang mga bagay bagay patungkol kay Anasthasiah?

Siguro dahil, nakilala ko na sya noon.

Yung batang nagpapatahan sa akin sa tuwing nabully ako nung elementary.

Pero matagal na yun. Kaya di na nya ako naaalala pa. Pero pala isipan pa rin talaga kung bakit sya nag iba.

Bakit ba? Bata pa naman sya nung huling makita sya at talagang magiging iba na sya ngayon.

Teka nga! Bakit ba ako nag iisip ng ganito? Sino ba sya? Tss!

***

Hapon na at pauwi na rin ako ng may dumamba sa akin.

"Ay sorry miss Shanyce. Sorry po talaga. Di ko po sinasadya."

Sabi nya saka yumuko. Tumango lang ako kasi naguguluhan ako e. Bakit parang nagmamadali ata mga estudyante ngayon?

"Anong meron?"

Tanong ko sa babaeng bumunggo sa akin.

"Ah si Trystan po kasi, hinaharana si Princess. Nandun po sa quadrangle."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Kaya naman naki-usyoso din ako.

Nadatnan ko ngang kumakanta si Trystan habang nag gigitara din. Nakaluhod ito at nakatayo lang si Anasthasiah sa harapan nya.

"No pa rin."

'Awwwwwwwee!'

Sagot nito nung tanungin sya ni Trystan na maging girlfriend. Pero bakit ganun? Parang iba yata ang sinasabi nya?

Parang kunwari rejected pero deep inside heaven yung feeling.

'So, totoong relationship na talaga yan?'

'Obvious naman di ba? Pakipot na nga yang si Anasthasiah oh.'

'So, this is the fall of both Casanovas ika nga?'

'Hope so.'

Haay! Sana nga. Sana nga totoo na yan.

Pero kasi e. Parang may mali. At hindi ko talaga alam kong saan at ano.

Waaaaa! Don't tell me naiinggit ako?

Kaya puro nega thoughts ako!!!

Jusmeyo MARIMAR! Yung nagsulat nito!

Hahahaha! Kaloka! Bakit naman ako maiinggit?

Pero kasi di ba? Baka MAHAL KO NA SI TRYSTAN?!

uy naku! Malala na 'to. Pa psychiatrists na ako mamaya!

Waaaaa! Nababaliw na talaga ako!

*see yah! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top