c. FORTY SEVEN

Vanyce's Point of View

bumaba na ako at nadatnan ko si Aj na naka-upo sa mahabang couch.

"Anong kailangan mo?"

"Sungit. Ano, ready ka na?"

pinagsasabi nito?

"Not really. Wala pa akong agahan. Di ba obvious?"

inirapan ko nalang sya. Saka nag-cross arms ako. Bwesit na umaga 'to!

"Good. Tara na."

naningkit talaga mga mata ko sa sinabi nya.

Anong good ka dyan? Papatayin nya ba ako sa gutom?

"Haha, sa labas tayo kakain. Ikaw talaga."

"Oh, libre mo?"

umiling iling pa sya.

"Kala ko di ka na babalik sa dati e. Tara na. Di ba gutom ka na?"

sumunod nalang ako sa kanya. Gutom na din naman ako. At ayos 'to! Makakalabas ako nito! May asungot nga lang akong kasama. Pero wag ko na nga lang yan pansinin.

Pinagbuksan nya ako ng pinto. At bumaba na kami ng hagdan. Pinagbuksan din nya ako ng pinto ng gate. Hindi ko nalang pinansin yung mga butlers na nadadaanan namin at bumabati sa akin. They're not that special anyway.

Pinagbuksan din nya ako ng pinto ng sasakyan nya. At nasa passenger seat ako naupo.

Gusto ko sana sa likod para magmukha syang driver, kaso, fiancé nga nya pala ako. Tss! Suck this fixed marriage!

"Bad morning ka ata? Anong meron?"

tanong ng tanong e. Bakit kaya di nalang sya mag drive di ba?

"What is it to you then?"

"I'm your fiancé."

kapal ng mukha!

"Anong konek?"

seryoso, naalibadbaran talaga ako sa mukha nya. Napatingin pa ako sa side mirror at nakikita ko ang sarili kong sobrang salubong ang kilay at straight na straight ang mukha pero nakabusangot. Still, maganda pa rin. At para mas gaganda pa lalo, inayos ko yung sarili ko saka nginitian ang sarili ko sa salamin.

Wag mo lang pansinin ang isang epal dyan. Okay na.

"Haay. Nga pala. Saan pala si Vanyce?"

oh? Anong kailangan nya sa akin at hinahanap nya ako?

"Miss mo?"

Am I sounded like, I care? Psh!

"No. Pero may namiss ako. Yung dating ikaw."

kita kong medyo lumingon pa sya sa akin.

Wala akong masyadong alam tungkol sa kanilang dalawa ni Anasthasiah kung paano sila nag-uusap.

Kaya naman, mangangapa ulit ako. Baka magkahinala pa 'tong isang 'to.

"This is the real me. May problema ba?"

Yumuko muna sya saka nagpatuloy sa pagsalita.

"Oh, I thought you're sweet to every men."

as in, tumaas talaga ang kilay ko.

Hindi ko alam kung paano sya itrato ni Anasthasiah noon. Pero isa lang ang nasisiguro ko.

Alam kong di nya nagustuhan ang arrange marriage na 'to, even me naman siguro.

At pati na rin yung ginawa nitong isang 'to sa kanya.

Panigurado, una pa lang, di na nya ito binigyan ng magandang trato. Pwera nalang kung may isang dahilan para pagkatiwalaan sya ni Ansthasiah.

Kilala ko yun, kahit di kami close. Magkapatid kami e.

"Ano bang ginawa mo?"

siguro naman, maiintindihan din nya kung ano ang ibig kong sabihin sa linyang yun.

"Look, I'm sorry na di ba? I'm really really sorry."

hininto pa nya ang sasakyan sa gilid saka hinawakan ang kamay ko.

"Anasthasiah, sorry talaga kung nagawa ko yun sa'yo. Aaminin ko, wala naman talaga akong balak na sakyan yung trip nang kambal mo. Pero kasi, nahihiwagaan lang kasi ako sa'yo. Kaya yun, nauwi sa pagpapanggap na bakla ako at dumating yung favor ni Vanyce, kaya pumayag na din ako. I'm really sorry talaga. I will do anything, para mapatawad mo 'ko."

ibig sabihin, kaya sya pumayag sa sinabi ko kasi may sariling gusto rin sya? Putangina ka! Ginamit mo lang pala ako! Pwes, humanda ka! Maling mali na ako pa ang ginamit mo!

"I don't want to hear your stupid rants. And I'm hungry."

walangya kang lalaki ka! Deserve mo nga talagang tratohin ka ng cold treatment ni Anasthasiah, and yes, even me! Ginamit mo lang ako! Bwesit kang lalaki ka!

Nagbuntong hininga ulit sya saka pinaandar na ulit ang sasakyan.

**

pumunta kami sa mango square at pinark naman nya yung sasakyan sa parking lot.

Dumiretso kami sa chowking. Gutom na talaga ako!

Sya na nag order. Bahala syang mamili. Basta ako, kung anong nasa haparan, kakainin ko. Basta gutom talaga ako.

**

pagkatapos naming kumain, pumunta naman kami sa ayala.

"Hmm, marunong ka ba maglaro sa arcade?"

kumunot noo ko sa sinabi nya. As in, yung parang timezone? WOF? Etcetera Etcetera.

"I guess di ka pa nakakapunta dun. Puro school-bahay-bar-shopping lang kasi alam mo. Tara sama ka sa akin."

hindi nalang ako umimik pa at nagpahila nalang sa kanya. Masaya kaya maglaro dyan?

Nasa tapat na kami ng Timezone at kitang kita ko ang daming tao sa loob. Grabe, umaga pa lang ah!

Ganito ba ka saya dito?

**

aaminin ko, sobrang saya pala talaga dito! Kahit di ako marunong sa ibang laro, tinuruan naman nya ako.

Sus, maganda sana kung si Tan baby ko ang kasama ko ngayon. Pero di bale, sa susunod, sya naman dadalhin ko dito.

Lahat nalang ng laro sa loob di namin pinalampas. Ang saya nga e. First time ko dito at sobrang saya talaga!

Para lang akong bumata ulit. Napatingin naman ako sa mga kabataang naglalaro dito.

Buti pa sila, bata pa lang, may kalayaan na. Samantalang ako nung kabataan ko, puro pang sosyaling laro lang ang meron ako. Yung tipong di ka pagpapawisan.

Sobrang saya ko nga sa tuwing pumunta sina Tan at Danica sa bahay nun, kasi may kasama na din ako sa paglalaro na kapareho sa akin, bata din.

Sino kayang batang gustuhing maglaro kasama ang yaya mong matanda na, di ba? Mga katulong na ang boboring kalaro. Ang papangit pa. Matanda na nga, bobo pa. Tss!

"Hey Anasthasiah, ano ng gagawin natin sa tickets na 'to?"

bakit ako tinatanong, di ko naman alam. Bobo din 'to e.

"Aanhin yan? Edi, itapon. Basura na yan. Obvious naman, tinatanong pa."

ngumiti naman sya sa akin. Samantalang ako naglalaro ng Deal or No Deal! Hahaha, paki nyo ba? First time ko dito e.

"Di. Bawat tickets na nakuha mo, may kapalit ito. Depende sa dami."

muli na naman akong napatingin sa kanya. May ganun?

"Ano namang kapalit?"

"Kita mo yun?"

sabi nya sabay tinuro yung parang booth ata, na may maraming naka display na kung ano ano.

"Dyan natin ipagpalit 'tong tickets."

di ba, depende sa dami yun? Sabi nya e.

May nakita akong stuff toy na aso! Yung nasa 101 dalmatians. Ang cute cute oh! Magkano kaya yun? Malaki laki rin yun e.

"Magkano yang stuff toy na puppy dyan?"

"Hmmm, I bet, nasa mga 2k yan. Bakit, gusto mo ba yan?"

ngumiti pa ako sa kanya saka tumango. At dun ko pa narealise ang reaction ko. Pwe! Pangit ko nun! Kaya balik poker face ulit.

"1k palang yung nakuha nating tickets. Tara laro pa tayo."

saka hinila naman nya ako sa kung saan saan.

Pumunta kami sa may parang ring at bola ng basketball.

"Dito tayo, maraming tickets binigay dito. Basta ba shoot ka lang ng shoot. Pero kailangan walang palya para masaya. Marunong ka naman siguro mag shoot di ba?"

di ko sya pinansin at kumuha ako ng bola. Ni-swipe naman nya yung card kaya ibig sabihin, umpisa na at pwede ng mag shoot.

"Magaling ka naman pala."

sabi nyang ngumingiti pa.

"Sa kabila ka, para mas madali."

ayaw ko ngang maki-share, nag enjoy ako dito e. Galing ko kaya, walang palya oh!

**

nakuha namin yung stuff toy na yun at sobrang lapad talaga ng ngiti ko. Sa wakas, hindi na talaga ako maalibadbaran sa kwarto ni Anasthasiah, lalong lalo na sa cr nyang puro baboy ang nandudun. Mapa tiles man yan. Tss! Adik sa baboy kay nagmukhang baboy e!

Infairness ah, malaki pala 'tong Timezone at talagang hindi pa namin to nalibot masyado. May nadaanan kaming hindi ko talaga alam kung anong tawag dun. Basta yun yung kukunin mo yung stuff toy sa loob ng pahirapan. Tss! Wala namanh maganda dun. Mas maganda sana kung nandudun ang favorite ko.

"Ayun, may stuff toy na tuta oh. Teka ah, kukunin ko for you."

hindi ko lang talaga sana sya pansinin kaso nung tumingin ako sa ginawa nya . . .

"Ayan ayan ayan! Dali dali! Malapit na---aish! Ayusin mo nga!"

tinawanan lang nya ako saka nagkamot ng ulo. Habang nakita ko syang gumanon, parang nag slow motion ang kasunod nyang ginawa. Kaya umiling ako.

Anong nangyari sa akin?

Naging seryoso ulit sya. Nang biglang napatitig talaga ako sa kanya ng husto. Di nga ako naimik e.

May sakit ba ako?

"Yes! After 3 tries! Nakuha ko rin. Oh ito oh."

kaya di ko talaga napansin ang sinabi nya at kung ano nang nangyari. Naramdamn kong nakakunot noo lang ako na nakatingin sa kawalan.

Ano bang nangyari sa akin?

"Hoy!"

saka nya pinitik ang noo ko. Sinamaan ko talaga sya ng tingin. Hayop na 'to!

"Akin na nga yan!"

hinablot ko sa kanya yung stuff toy at nauna ng lumakad.

May nadaanan kaming naglalaro ng xbox games ata yun. Natawa tuloy ako sa nakita. Ang cool lang kasi sumayaw nung isa samantalang parang nakalunok ng kahoy yung kasama nya.

"Wann try?"

napalingon ako sa nagsalita.

Ako? Sasayaw? Sa harap ng maraming tao? Ha!

"Never! Tara na nga!"

maya maya pa, bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Gusto mo nito di ba?"

kumunot ang noo ko sa tinuro nya, daughnuts? No no no no! Never!

"Ayoko. Nyan."

"Why? I thought favorite mo 'to?"

oh? Loka lokang Anasthasiah yun ah! Alam naman nyang di ako mahilig sa sweets. Teka, mahilig sya sa sweets? Naku naman! Ang malas!

"Nag-iba na ang favorite ko."

nauna na akong lumakad at pumasok sa moon cafe.

"Dito ka kakain?"

ang bobo lang! Napaface palm talaga ako!

"Sa tingin mo, matutulog ako dito?"

bwesit sya! Pasalamat siya naging good mood ako dahil dun sa Timezone.

"Mag order ka na nga lang."

kumakalam na sikmura ko oh. Halos dalawang oras din kami nagtagal dun sa loob. At quarter to 11 na, so, gutom na ako. Nakakapagod dun, super pero ang saya din at the same time.

"Ano bang gusto mo?"

"Kahit anong meron dyan. Basta wag lang yung may shrimp."

**

pagkatapos naming kumain. Inaya nya akong mag sine. Edi, pumayag din ako. Ewan ko ba kung anong meron dyan sa loob, bukod sa malaking screen daw.

Nakakahiya mang aminin pero, kahit kailan, hindi pa ako nakatuntong sa sinehan. Para saan pa? May sarili naman kaming movie room dun sa bahay? Di pa din maingay. Tss!

Sya lang pumili ng movie, wala naman akong alam sa latest movie ngayon e. Busy kasi ako.

**

natapos ang hapon namin na masaya naman ako kahit papaano. First time ko ata yun. Teka, first time? E bakit sya kasama ko? Dapat si Tan baby ko yun!

Ahh, oo nga pala. Fiancé! Psh!

"Nga pala, I've heard na grounded ka raw sabi ni mamu. Sya kasi sumagot sa phone mo nung tumawag ako."

sabi nya habang nasa tapat kami ng malaking gate namin.

"Boring nga e."

nginitian nya ako as if ang brilliant ng idea nya.

"You know I can help."

kumunot talaga noo ko sa sinabi nya.

"Help what?"

"To ease you boredom. Gusto mo, ulitin natin 'tong araw na 'to?"

napangiti ako! As in! May plano ako e.

"Great idea! Di ba, sabi mo, you'll do anything mapatawad lang kita?"

tumango sya.

"What if, next time, isama natin si Trystan?"

bigla syang natigilan. Saka nag iwas ng tingin sa akin.

"May fiancé na yun. I doubt kung papayag yun."

nung binanggit nya ang salitang fiancé bigla syang nalungkot! Ha! If I know! Psh!

"Edi, isama natin sya, sige, please?"

nag puppy eyes pa ako.

"Para naman masaya di ba? The more the merrier ika nga. Tsaka, ayaw mo bang patawarin kita?"

nagbuntong hininga muna sya.

"Tsk! Fine!"

lumapad ang mga ngiti ko! Ayan! Sa wakas, mahahawakan na din kita sa leeg!

Hahahahahaha! Akala mo di ko alam ha?

I know your secret dude! Hahahaha!

Alam kong may namamagitan sa inyo noon nung epal na babaeng yun.

Wala eh. I'm just good on eavesdropping eh. Hahahaha!

Don't worry, I have a plan.

Plano na ikaw at ako lang ang makikinabang!

Hahahahahaha!

This is great! Ang talino ko talaga.

*see yah! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top