c. FORTY NINE
Vanyce' Point of View
7:30 am nandito na kami sa Cebu Westtown Lagoon sa Subangdako, Mandaue. Sobrang ganda pala dito.
Good thing at napapayag namin si mamu na mag summer vacation sa Cebu Westtown Lagoon kahit 2 days lang. Syempre di nya alam na kasama namin si Tan baby ko. Baka di yun papayag.
At oo nga pala, di rin alam ni Aj na kasama namin yung ex nya.
"Hey, buti pinayagan ka ni mamu Angelika, di ba grounded ka? Sabagay, ako kasama mo e."
"Haha kapal. Di, alam nyang kasama ko yung fiancé ko. Kaya pumayag."
bigla namang sumimangot ang mukha nya.
"May fiancé ka na pala."
"Meron ka din naman ah. Teka, asan na ba yun?"
nilingon lingon ko pa likuran nya baka nakasunod lang di ba?
"Ewan. Masyado atang excited kanina kaya nauna nang pumasok."
tumango nalang ako sa sinabi nya. Nawala rin kasi sa paningin ko si Aj. Hmm? Baka magkasama na yung dalawa?
"Tara, kain muna tayo, bago tayo maliligo."
pag aya nya sa akin.
"Teka, pano yung mga kasama natin?"
naglakad na kami.
"Yaan nyo na yung mga yun makapag moment. Isipin mo nalang na tayong dalawa lang ang nandidito at di natin sila kasama."
saka nya ako nginitian at nilagay ang kamay sa bewang ko. Namula ako sa sinabi at ginawa nya. Promise!
"Bakit ba ang liit masyado ng bewang mo?"
tanong nya out of the blue.
"Omg, inggit ka?"
napatakip pa ako ng isang kamay ko sa bibig habang nilingon ko sya. Baka bakla din 'to di ba? Na nagpapanggap lang?
"Haha sira. Mas maganda naman yung akin dyan. Mas macho."
sabi pa nya na kinurot yung bewang ko. Kyyaaah! Kinilig tuloy ako!
Ganito pala yung feeling na makasama mo yung taong mahal mo di ba?
"Edi, inlove ka na nyan?"
"Matagal na."
sabi nya yan sabay lingon at tinitigan ako sa mga mata. Ang sincere! Nag-iwas tuloy ako ng tingin. Saka napalunok din.
Naguiguilty ba ako? No. Kasi, nagpakatotoo lang ako ng naramdaman ko sa kanya. At naging totoo din ako sa totoong pagkatao ko maliban sa pangalan ko.
**
sa wakas nakita ko na rin si Aj. Saan kaya 'to galing?
At tapos na rin kaming kumain ni Tan baby ko na nag-aasaran lang at minsan sinusubuan pa nya ako. Ang sweet namin noh?
"Hey, saan ka galing kanina? Pag 'yun nalaman ni mamu na iniwan mo 'ko. Malalagot ka nun."
syempre, mabait ako ngayon, nakasama ko si Tan baby ko e.
At ngayon naman, kasalukuyan kaming nasa hotel room namin, sa deluxe suit. At nagready para sa susuotin ko later. Samantalang sya, busy sa pag papogi. Ano kayang nangyari dito?
"Sus, nag enjoy ka naman kasama yung crush mo. Kala mo di 'ko alam ha? Sinama mo sila para magkamoment kayo."
nagkibit balikay lang ako sa sinabi nya.
"Sus ka rin. Baka nung nawala ka kanina, si Danica ang kasama mo. Yung ex mo right?"
natigilan pa sya sa pag ayos ng buhok nya saka tiningnan ako sa malaking salamin.
"Nalaman mo? Paano?"
ngumiti pa ako sa hangin.
"Forte ko kasi ang eavesdropping."
huminto naman sya saka ngumiti na parang may inaalala.
"Wag mo nang ituloy."
alam ko na kasi kung anong iniisip nya. Yung, ginawa namin kay Anasthasiah na nandudon lang pala sa paligid namin at nagmasid. Magaling din talaga yun.
Sakto 9:30 na para maligo.
"Tara na sa baba."
inaya na nya ako. And yes, we're on the same room.. Yun ang usapan namin kay mamu. Para din daw mabantayan ako nitong fiancé ko kuno. Tss!
"Ikaw ha? Maliligo ka lang, pero kung makaayos ka ng buhok mo para kang aatend ng prom."
biro ko sa kanya pagpasok namin sa elevator.
"Syempre, para may pang tapat din ako dun sa crush mo."
"Sa akin o sa Ex mo na fiancé nya?"
"Sa'yo."
walang ganang sabi nya.
"Haha, lokuhin mo lola mo."
bumukas na ang elevator at dumiretso naman kami sa pool area. Sakto namang pagdating namin dun ay kadadating lang din nina Baby ko.
Hindi ko alam pero, si Danica kasi, titig na titig sa akin.
**
naglalaro lang kami dun sa pool. Hindi ko alam kung anong tawag dito basta yun yung nakasakay ako sa balikat ni baby ko. At nag volleyball naman kami ni Danica. Minsan, naghahampasan kami nang tubig. Ngayon ko lang 'to naranasan. At aaminin ko, tuwang tuwa ako sa ginawa namin.
"Oh, pyramid naman."
sabi ni baby ko. Paano kaya kami makakaform ng pyramid dito e kulang kami nang isa?
"Ang bobo mo matsing! Kulang tayo ng isa!"
inirapan naman sya ni Danica. Maldita pa rin 'tong isang 'to. Di na nagbago.
"Edi, maghabulan nalang tayo dito."
sabi din ni Aj.
"Isa ka pang tanga. Pang bata lang yun."
"E kung ihulog kaya kita, di na pang bata yun. Masaya pa."
sagot din nya kay Danica. Lihim akong napapangiti sa dalawa.
"Subukan mo! Ikaw ang ihuhulog ko sa bangin! Makikita mo!"
nakapameywang pa nyang sagot.
"Haha, tara na nga dun. Mukhang nagmomoment na yung dalawa oh."
sabi ni baby ko at umalis naman ako sa pagkakasakay sa kanya.
"Ano, paunahan tayong makapunta dun sa dulo?"
sabi pa nya, at tumango lang ako.
Hindi ba nya alam na magaling ako sa swimming?
**
"Ikaw naman kasi, bakit mo sila pinag pair?"
tanong ko sa kanya.
"Kasi, gusto ko sa akin ka."
*see yah :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top