c. FORTY
Vanyce's Point of View
Tumakbo ako hanggang cr. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Good thing walang tao dito.
Hindi ito ang Anasthasiah na kilala ng lahat. Kahit kailan man, hindi tumatakbo si Anasthasiah ng naka heels, nakakasira ng poise yun.
Okay Vanyce, punas luha, chin up and smile.
Lumabas na ako ng cr at laking gulat ko nalang nang makita ko kung sino ang nasa labas nakasandal sa pader at tila may hinihintay. Ako. Ang gwapo nya pa rin. Mas pumogi lalo. Tumalbog talbog na naman ang puso ko nung lumingon sya sa gawi ko.
"Alam kong pogi ako, dapat masanay ka na."
saka sya ngumiti ng nakakaasar. Napakunot noo tuloy ako. Is this how he talks to Anasthasiah?
"May bagyo daw na paparating. Yung yolanda the 2nd."
tumawa naman sya na ikinapula ng pisngi ko. Bakit ganun? Kinikilig ako?
"Hahaha, si Ana ka nga. Teka, ba't ka nga pala tumakbo?"
nilapitan niya ako kaya naman lumakad na ako. Bago ko pa sya magahasa sa loob.
Pero, wait, ANA? Ang sweet nya naman. Hindi pa rin talaga nagbabago ang tawag nya kay Anasthasiah nung makilala nila ito nung mga bata pa kami.
Bwesit kasi na babae yun, bakit pa kasi lumabas? Ayos na sana e. Nginitian na ako ni Tan nun.
Bigla namang kumulo ang dugo ko sa naisip.
"Hey Ana, galit ka ba?"
teka, naglalambing ba sya? Ganito na ba siya tratohin ng taong mahal na mahal ko?
Ay oo nga pala, ako na nga pala si Anasthasiah ngayon.
Nilingon ko sya, saka nginitian.
"Hindi naman. Uy, ikaw ha? Anong ginagawa mo dun sa tapat ng cr ng girls? Hinihintay mo 'ko no?"
panirang AJ kasi yun, di man lang sinabi sa akin kung paano si Anasthasiah umakto sa harapan ni Tan. Nangangapa tuloy ako. Kainis!
"I'm following you. And obviously, oo hinintay kita."
bigla syang lumapit sa akin saka dahan dahan akong sinandal sa pader. Oh my God! Ang lapit nya! Kinakabahan tuloy ako.
Napansin kong napatingin sya sa labi ko. Oh my God talaga!
Napalunok tuloy ako. Pero hindi, umakto akong si Anasthasiah, kaya naman sinabayan ko yung pangsi-seduce nya.
Kung flirt si Anasthasiah sa lahat ng lalaki, siguro ganun rin sya kay Tan.
Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko kaya pumikit ako pero ilang segundo pa, walang labing umangkin sa labi ko. Kaya dumilat ako ta---
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
pinagtawanan nya ako. Hindi! Hindi ako papayag na pagtatawanan nya lang ako! Pinagtritripan nya 'ko? Pwes ako, HINDI!
Marahas kong hinablot ang balikat nya saka ko sya hinalikan. Yung torrid. Nakita ko pa ngang nanlaki ang mga mata nya. Tumugon naman sya sa mga halik ko ng may magsalita.
"B-babe?"
kaya agad kaming napaghiwalay.
Tiningnan ko yung nagsalita and I swear! Gusto ko ding isama sya kay Anasthasiah! Ang epal epal talaga nitong babaeng 'to!
"Besty."
mahinang bigkas nya. Hindi ko alam kong anong reaksyon ang meron sya ngayon. Galit? Teka? Sa akin sya nakatingin! Galit sya sa akin? Bakit, ano bang ginawa ni Anathasiah sa babaeng 'to? Badtrip! Bakit wala 'to sa mga nalaman ni Aj!
Biglang nag ring ang bell, ibig sabihin, 5 minutes nalang first subject ko na.
"Uhm, i'll go first, may klase pa ako. Bye!"
nginitian ko muna si Tan at inis-naban ko naman si Danica. Saka ko iniwan ang dalawa. Kahit masakit sa loob ko na iwan yung taong mahal ko sa taong kinainisan ko, ginawa ko. Kailangan ko lang talagang umaktong si Anasthasiah sa harapan ng lahat.
Para sa freedom.
Para makita't makasama ko si Trystan paminsan minsan.
Hindi ko alam na dito rin pala yun nag-aaral.
Nagkulang pala ako sa impormasyon tungkol kay Anasthasiah. Bakit nga ba yung katauhan nya lang at kung ano sya sa labas ang inalam ko?
Nagiging bobo na pala ako.
**
gabi na. At sobrang kinabahan ako sa susunod kong puntahan.
Pupunta ako ngayon sa bar kung saan tambayan yun ni Anasthasiah.
Pwede naman sanang huwag nalang akong pupunta pero kasi, gusto ko ring maranasan ang kalayaan na naranasan nya. Yun lang ata wala ako. Kahit pa dun sa Thailand. Pano kasi, laging may buntot ng buntot sa akin.
Gustuhin ko man silang paalisin pero di ko magawa.
Utos daw kasi yun ni Madam Angelika which is si mamu. Psh! Kaya hinayaan ko nalang at sinunod lahat ng mga sinabi nya.
Robot na kung tawagin o puppet, basta yun yung way ko para mapansin at mapamahal ako ng mga tao.
Kahit pa magmumukha akong aso sa kakasunod, okay lang.
At kahit na halos masuka na ako sa kabaitang taglay ko, okay lang. Purihin lang ako ng lahat at respitohin.
Pero, pagod na ako. Kaya naman, nananakawin ko nalang ang pagkatao ni Anasthasiah, kahit pa alam kong hindi sya nagugustuhan kailanman ng mga taong may gusto sa akin. Wala raw kasing galang. Unlike me.
Good thing wala si mamu, kaya naman mabilis lang akong nakalabas.
Bakit nga ba ako nagtatago?
Ewan. Siguro dahil di kami in good terms ni mamu simula kaninang umaga.
**
kinakabahan akong ngumiti sa bouncer na agad din naman akong nginitian at saka binati.
Pagkapasok ko sa loob parang gusto ko na atang tumambay lagi dito. Parang ang saya ng lahat na tila walang problemang hinarap.
Nagulat nalang ako ng may biglang humapit sa bewang ko saka ako hinalikan.
Seryoso, unti unti akong nalulunod sa mga halik nya. Parang ang sarap nyang humalik. Bumilis din ang tibok ng puso ko, ewan ko lang kung bakit.
Dahan dahan naman nyang ginalaw ang mga kamay nya, hanggang sa mapunta ito sa ibabang parte ng mini skirt ko.
*Slap!*
isang malutong na sampal ang inabot nya mula sa akin.
"Bastos!"
saka ko sya iniwan. Pervert yun ah!
**
kasalukuyan kong nginitian ang lalaking nasa bartender ngayon. Ang lagkit ng mga tingin nya sa akin. Siguro kung ako lang si Vanyce ngayon, panigurado, supalpal na 'tong mukha nya sa lupa. Swear!
Umupo na ako sa isang table dun. May pumalibot pa sa aking 4 na mga nag gwagwapohang lalaki. Kaya naman mas lalo ko pa silang nginitian ng sobrang tamis na parang nang-aakit.
Hinalikan naman ako ng isang gwapong nilalang na kararating lang.
Sabay sabing . . .
"We missed you."
"Yeah. Wala tuloy akong gana this past two days."
"Where have you been, Anasthasiah?"
sunod sunod naman nilang tanong.
"Masyado nyo naman ata akong namiss boys."
may lumapit pa sa akin at hinapit ang bewang ko.
"Dude. Pumayag tayong maging bfs ni Anasthasiah kahit sabay sabay, pero wag naman sanang sarilinin mo lang sya."
biglang angal din nung isa.
"Sorry bro. I can't help e."
okay? Am I that attractive?
"By the way sweety. Himala ata, wala na yung lalaking aaligid aligid sa'yo?"
sino naman daw ?
"Tsaka, yung lalaking laging tumambay dito na laging nakamasid sa'yo."
sino ulit? Ito, may idea ako. Si Aj yun. Pero yung isa? Sino naman?
Bigla may humawak sa dalawang balikat ko sabay hinaplos ito.
"Sorry dude. But, I have to get my fiance back. Thank you for not harming her."
lihim akong napangiti sa narinig ko. At the same time, kinilig din.
"Shall we wifey?"
agad ko namang nginitian yung mga lalaking kasama ko.
"Tara na nga mga pare. Andyan na naman kasi sya."
so, si Tan pala ang tinutukoy nila kanina. I wonder kung anong ginagawa nila Anasthasiah dito sa bar.
Bakit di sinabi sa akin ni Aj to? Badtrip talaga sya ha? Ang bobo!
"Oh, kinilig ka naman?"
bungad nya sa akin habang papunta kami sa pinakasulok na parte ata nitong bar.
Kunwari di ako kinilig. Baka magkahinala pa 'to.
"Tss. As if. Ang kj mo talaga."
tama! Sobrang kj nya! Biruin nyo, pinagtawanan ako nito kanina? Sus! Kung di ko lang talaga 'to mahal!
"Haha, we're even now. Ah, no. Mas lamang ka pa pala."
kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Clueless ako.
"Mukhang nakasanayan mo na kasing lagi ako ang pinatayan mo ng kaligayahan. Kaya, bumabawi lang ako."
grabe! Talaga bang napag-iwanan na ako kay Anasthasiah pagdating kay Tan? Nakakainis talaga yung babaeng yun!
"Tsk. Whatever. Excuse me lang ha? Cr lang ako."
**
pagbalik ko galing cr, gusto kong pumatay bigla!
Kumukulo ang dugo ko sa nakita ko!
Umalis lang ako sandali, ito na ang madadatnan ko?
Dalawang babae ang kasama ni Tan, habang kahalikan naman nya yung isa. Yung isa, parang tanga lang na nanunuod kung kelan matapos yung dalawa at naghihintay sa oras nya.
Nilapitan ko sila at agad na hinablot ang babaeng kahalikan ni Tan.
Akin lang sya!
Kung magdadrama ako't tatakbo, walang mangyayari!
Kaya sinampal ko na saka kinaladkad palabas si Tan.
"Hey hey! Easy there Ana. What's with you?"
pilit kong wag maiyak. Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. Siya lang ang minahal at mamahalin ko habang buhay, kaya hindi ko kayang makitang may kasama syang iba.
Yung kina Anasthasiah pa nga, parang mabaliw na ako sa kakaisip kung anong ginawa nila.
Hinarap ko sya at agad kong nilagay ang dalawang braso ko sa batok nya saka ko sya hinalikan.
Wala akong paki-alam kung nasa labas man kami. Hello, bar ito, kaya okay lang.
Humiwalay na ako sa paghalik sa kanya bago pa ako mawalan ng matinong isip.
"I'm selfish. Gusto ko akin ka lang."
mukhang natawa pa sya sa sinabi ko.
"Haha, seriously, anong nangyari sa'yo? Wait, gusto mo na ako?"
Ganito ba kadali mag-isip ang mga lalaki? O sadyang, matalino lang talaga sya.
I-try ko ngang i-seduce 'tong isang 'to.
Hinaplos ko yung buhok nya sa batok. Pina-slide ko din yung kamay ko sa balikat nya.
"Hmmm, oo. Pero don't worry, gusto lang kita, pero hindi kita mahal."
pwede banag baliktarin na lang?
Ngumiti naman sya saka nagsalita.
"Pwede na ba natin sigurong gawing makatutuhanan yung deal natin?"
wait, what? Anong deal ba yun?
"Tsk! Akala ko nagpapanggap ka lang nun na di mo maalala o matandaan man lang na may deal tayo. Totoo pala. Naku, hudyat na talaga yan na tumanda ka na."
anong deal yun!? Bakit di ko man lang alam yun!? Bwesit! Sadyang may malalin na ba talaga silang pinagsamahan ni Anasthasiah!?
Yung babaeng yun talaga! Napaka-ahas! Alam naman nyang sya lang ang mahal ko simula bata pa lang! Traydor!
"Sorry naman. Di ko na talaga maalala e."
act normal Vanyce.
"Okay then. Ipapaalala ko sayo. Be my girlfriend."
shocks! Ganun yung deal nila!!!?? Aaaahhhh bwesit! Naunahan ako nung babaeng yun!
Kalma Vanyce, ito na ang pagkakataon mo.
"Tss. Demanding."
totoo naman ah! Wala man lang 'will you' ??
"Ang arte arte mo talaga. Don't worry, liligawan muna kita. Tapos yung mga babae ko, kalimutan ko muna. Alam mo namang, ikaw lang sapat na."
lihim akong napangiti sa mga sinabi nya.
THIS IS IT!
*see yah! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top