c. FIFTY TWO

Vanyce's Point of View 

sobrang kati na ng buong katawan ko, kaso, ayaw ko namang kamutin ito ng kamutin, masira pa ang makinis kong balat. Kainis naman kasi! Sa lahat ng pwedeng gawing paborito ni Anasthasiah, yun pang sobrang ayaw ko naman. 

Nananadya ba sya? Grrrr! Gusto kong patayin kita ulit Anasthasiah! Kahit kailan, pahamak ka! Bwesit! 

Napatingin pa ako sa likuran ko gamit ang malaking salamin, biglang bumukas ang isang cubicle. 

Nagulat pa sya nung makita ako pagkatapos ay ngumiti din. 

"Allergies?" 

may hinalungkat sya sa bag nya. 

"Good thing, may citirizen tablet ako. Oh, inumin mo yan, makakatulong yan sa'yo." 

kinuha ko naman yung binigay nya. 

"Geh, una na ako sa'yo." 

nag wave pa sya ng kamay, ako? Tss, as if I care. Edi umalis sya. Pakialam ko ba sa kanya? 

Napatingin naman ako sa binigay nya. 

"Di kaya pampatulog to?? Baka mamatay ako nito?" 

kumati naman lalo ang katawan ko kaya naman no choice ako! Bwesit na allergy 'to! 

Lumabas ako ng cr at buti nalang at nakatalikod sa akin si baby ko. Lumapit naman ako dun sa may mini-grocery dun. 

"M-maam, okay lang po ba kayo?" 

ay bobo! 

"Kelan pa nagiging okay ang magka-allergy, aber? Tubig nga!" 

alisto naman syang kumuha ng bottled water na kinuha ko naman kaagad. Ang kati na talaga! 

Maya maya pa, naramdaman kong unti unting nawawala ang kati sa katawan ko pero andun pa rin ang pamumula lalo na sa mukha at balikat ko. Bwesit talaga 'to oh! 

"May jacket ba kayo dyan?" 

binigyan naman nya ako ng jacket. 

"Later na yung bayad, wala sa akin ang bag ko. Nasa sasakyan." 

saka ako umalis dun at lumapit kay baby ko. 

"Sorry for taking so long. Medyo sumama kasi yung tyan ko, dala na rin sa sobrang mahangin dito, kaya ayun. Hehe. Sorry talaga ah?" 

nag peace sign pa ako. 

"It's okay. Hmm, tara, punta tayo dun." 

sumunod naman ako sa kanya. 

May nakita ako dung parang telescope. Alam kong gabi na, pero tinry ko lang na makita ang buong syudad ng Cebu kahit gabi. 

Sa ginawa ko, para lang akong sira dun. Bakit nga ba ako nag tetelescope e gabing gabi na. Buti sana kung yung mga stars ang tiningnan ko. Psh! 

*boog!* *boog!* *boog!* *boog!* *boog!* 

nagulat ako sa narinig ko, kaya naman tumingala ako. 

At muling tinakpan ang bibig ko ng mga kamay ko. This can't be! 

Oh my God! Naiyak na naman ako. 

"Will You Be My Girlfriend? Anasthasiah?" 

napalingon ako sa likuran ko, si baby ko na nakangiti. Tumingala ulit ako. Nagfa-fade na yung parang puting usok na may nakasulat na sinabi lang din ni baby ko. Tingin ulit sa kanya, nagkamot sya ng ulo nya tapos ngumiti na naman. 

Hindi ko alam kong ano ang dapat kong reaksyon. Basta sobrang saya ako ngayon! 

"Y-yes Ford." 

nanlaki ang mga mata nya saka nya ako niyakap at iniikot ikot. 

"Yes! Ang saya ko! Sa wakas! Wohooooooo hahahaha!" 

"Tae ka Ford! Nahihilo ako!" 

binitawan nya naman ako saka ngumiti. 

"Sorry naman, masaya lang. Tara sayaw tayo." 

ngayon ko lang napansin, ibang kanta na pala ang tinugtog nila. At hindi ko alam kung anong kanta yun. 

"Saktong sakto. Yung After All na ang kanta." 

so, I guess yun yung title ng kanta. 

"Alam mo bang, bagay sa atin ang kantang yan? Kasi, kahit man nagkalayo tayo nung mga bata pa lang. Tapos nagtagpo ulit tayo dun sa isang site na puro codenames lang ang kilala. Tapos nagkita naman tayo pero may fiancé nga lang. Pero, ito tayo ngayon, kahit anong pangit na dinadaanan, bagsak pa rin tayo sa isa't isa. At ngayon, nakakasiguro na akong wala ng hahadlang pa sa atin. So, I guess it's meant to be. Forever you and me, After all. Iloveyou Monokuro Boo." 

lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Ito na! Ito na ang pinakahinihintay ko mula bata palang. Ang mamahalin ako ng aking prince charming. 

"Iloveyoutoo Prince." 

dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sa akin kaya pumikit ako. Huminto na din kami sa pagsayaw. 

And now, I found my happy ending. 

With him. 

*Epilouge na ang kasunod*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top