X
X.
ANG DAMI na naming nainom and I'm still in my sanity. Sabagay, kung beer lang naman ang usapan, hindi ako mabilis malasing. And besides, masaya ang kwentuhan namin kaya siguro hindi ko pa gano'n nararamdaman ang alak sa sistema ko.
"Gosh, my fingers feels so numb! I can't feel it. Am I drunk?" Sabi ni Dave.
"Ako rin. Kaloka, kanina pa tayo umiinom. Lasing na yata ako. Ano 'to? Magdamag na session?" Sabi naman ni Ren.
Inubos ko ang laman ng bote ng beer. "Fine, let's stop. Dave, can you still drive to your hotel?" I asked.
Tumawa si Dave na abala na sa phone niya―wait, phone ko ang hawak niya but nevermind.
"Dito na kayo sa bahay matulog. You're both drunk. It's almost midnight na rin." Sabi ni Ren. "Let's go inside my house."
Sa likod lang kasi ng Asterisk bar ang bahay ni Ren. I am not sure if her family is living with her. Hindi ko pa natanong sa kaniya but I think she lives alone. Nasa probinsya siguro ang family niya.
Hindi na umangal si Dave. Ako rin. Syempre mas gusto kong magpalipas ng gabi rito because I won't go home. Sinabi ko naman kay Ludwig na solo nila ng girlfriend niya ang bahay ngayon.
Tumayo na kaming tatlo. Napahawak ako sa mesa. Umiikot ang paningin ko. Freak, akala ko hindi ako lasing but when I stood up, I felt a pang in my head. Punyetang alak 'yan.
Sumunod kami ni Dave kay Ren papunta sa bahay niya. She locked the bar's door and she opened the house.
Pumasok kami ni Dave. Ngayon lang ako nakapasok sa bahay ni Ren but it looks amazing. White and wood ang theme niyon. Studio type iyon and mukhang siya lang ang nakatira.
"Kukuha ako ng comforter and pillows. Keri na kayo dito sa living room?" Ren asked. "Isa lang kasi ang kwarto ko and single bed lang ang meron ako."
"Ugh, of course that's fine." Sagot ko saka umupo sa sofa. Damn my head is spinning.
Sumulyap ako kay Dave na tahimik na ginagamit ang phone ko. Well, wala naman siyang mapapala sa phone ko.
"Hey, let's take a selfie."
I laughed. "Para kang baliw." Sabi ko.
Tumabi siya sa akin sa sofa saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko. He's acting sweet and took a photo of us.
"Anong trip mo?" I asked.
"Nothing. I just want to play around." He answered.
Tumayo si Dave saka sinalubong si Ren na dala ang comforter saka tinulungan siyang ilatag iyon sa sahig. He left my phone beside me.
"Magkatabi ba kayong tutulog?" Tanong ni Ren.
"Nah, I'll sleep at the sofa." Sagot ko. "Si Dave na sa comforter. Just give me a pillow and blanket."
"Fine, sandali."
Isinandal ko ang ulo ko sa sofa. Hilong hilo talaga ako, gosh. Pero 'yung huwisyo ko, napakalinaw pa.
I heard my phone ringing. I frowned. Sino namang tatawag sa akin ng madaling araw na?
Dinampot ko ang phone ko saka tiningnan kung sino ang tumatawag. My heart almost fell when I saw his name. Bakit tumatawag si Ludwig? Does he need anything maliban sa damit para sa girlfriend niya?
I composed myself and answered the call.
"Where the fuck are you?" Kalmadong tanong niya. Pero naloka ako sa mura niya.
I heard Dave chuckles. May binubulong pa kay Ren habang nakatingin sa akin. Si Ren naman ay impit na napatili. What the hell?
"My friend's house." Kaswal na sagot ko. "Do you need anything for your girlfriend?"
"Go home."
Napalunok ako. "W-What did you say?"
"Give me your address. Susunduin kita, Russia."
He speaking tagalog. He's serious.
"Uh, I told you I'll stay out. And... I am supposed to sleep now. Do you need something? Or do you need my help? What... bakit kailangan kong umuwi, Ludwig?"
Parang timang na nakapwesto sa magkabilang gilid ko sina Ren at Dave na pinapakinggan ang pakikipag-usap ko kay Ludwig sa phone. Mga tsismosa.
"Hey, Russia. Let's sleep please? Damn, lasing ako."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dave. Out of fucking nowhere!
Si Ren ay nagpipigil ng tawa sa kabilang gilid ko.
"Fucking answer me, Russia. Your address."
"A-Ah, for what... uhm, Ludwig, can you tell me what's your problem?"
"Just go home."
"Uuwi ako bukas. If you need something, you can tell me." Sabi ko. Litong lito na ako sa inaasal ni Ludwig.
Lalong nanlaki ang mga mata ko ng halikan ako ni Dave sa pisngi with sounds! Punyetang bakla 'to!
"I said let's sleep." Sabi pa niya.
I mouthed him "what the hell" and he just chuckles.
Naguguluhan na nga ako dito kay Ludwig, dumagdag pa si Dave na parang baliw.
"I'll hang up, Ludwig. I'll be home tomorrow. If you really need anything na rush, just send me a message. Bye."
I turned off the call. "Punyeta naman Dave, anong trip mo?"
Humagalpak ng tawa ang dalawa.
"Ang galing mo, Dave! Mukhang effective. I bet hindi na mapakali si Ludwig ngayon. He deserves it 'no!" Sabi ni Ren.
"Seriously, anong trip niyong dalawa?"
"Maybe you can check your imessage with Ludwig." Sagot ni Dave saka humiga sa comforter. "Deal with it, Russia. I'm gonna sleep. My head is aching. Fuck."
"Ako rin, tutulog na sa kwarto. Goodnight, fellas! Goodluck, my dear bestfriend." Sabi pa ni Ren.
Sarap pag-untugin ng dalawang 'to.
I checked my imessage with Ludwig and my jaw literally dropped.
Russia : Hey it's Dave. Russia will stay with me tonight. She's not going home
Ludwig : She's going home
Russia : No. She's not. We are getting ready to sleep
Ludwig : Where is she?
Russia : She's drunk and yeah, i'll take care of her. It would be great to sleep beside her
Ludwig : I am asking where is she
Russia set a photo
He sent a photo. Iyong picture kanina na magkatabi kami sa sofa at nakasandal siya sa balikat ko. So that's for Ludwig? Gosh, Dave!
Ludwig : Pangarap mo bang maging kabit?
Nasamid ako sa message na iyon ni Ludwig. Bakit naman niya nasabi iyon?
Russia : Kung kay Russia lang naman, why not? She's fucking hot and gorgeous
Napailing ako sa cringy messages ni Dave kay Ludwig. Baklang 'to talaga!
Ludwig : Give back her phone. I want to talk to her
Russia : No
Doon na natapos ang conversation nila. Tumingin ako kay Dave na mahimbing nang natutulog after the chaos he did.
Muling tumunog ang phone ko. It's Ludwig again.
"Lud―"
"Don't sleep. Wait for me. I am on my way there."
Sasagot pa sana ako pero naputol na ang tawag. I heard a car engine sa kabilang linya. Fudge, don't tell me he's coming here? But wait, how did he know kung nasaan ako?
Bigla akong hindi mapakali. Damn, ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ano bang kailangan ni Ludwig para pauwiin pa ako? It's already midnight. Saka ano nalang ang sasabihin ng girlfriend niya?
Gusto ba nyang umuwi ako para masaktan ako? Para makita ko kung gaano sila ka-sweet ng babae niya? Is that what he aims for?
I took a deep breath. I bit my lip as I felt the tension. Parang nawalang parang bula ang pagkalasing ko.
Affected ba siya sa sinabi ni Dave? Or sa convo nila? But it's impossible. As if naman may pakialam sa akin si Ludwig. He doesn't care for me at all.
Maya maya pa ay tumunog muli ang phone ko.
"Come outside. Bring your stuff. Now."
Hindi na ako nakapagsalita. He ended the call just like that.
Nataranta naman ako. I grabbed my purse. Inilagay ko sa loob ang phone ko. Saka tumayo mula sa sofa. Hindi na ako magpapaalam kina Dave at Ren. I'll just send them a message.
Lumabas ako ng bahay and I locked the door before closing it.
Dumiretso ako sa labas, and he was right. Damn him, he's here standing. Nakasandal siya sa kotse nya habang nakapamulsa.
I gulped. Para tuloy akong sinusundo ng asawa sa inuman. Ano bang pakiramdam 'to. I'm getting nervous.
"L―ludwig."
He's staring at me. He looks like checking up on me from head to toe.
"Get inside the car."
Sumunod ako sa kaniya. Sumakay ako sa kotse saka tumikhim.
"What do you need? Is there a problem at the house? Do you need me for something? Madaling araw na, Ludwig."
"Is that his house?"
I frowned. "Huh?"
"The guy's house. I thought he's staying at a hotel?"
He's talking about Dave. "Ah, no. It's my bestfriend's house. Si Ren. You... know her. We planned to stay at her place."
"With that guy."
"Ah, yes."
"Really."
Ano bang pakiramdam 'to? Nawala na nang tuluyan ang kalasingan ko dahil sa kaba. Wala naman dapat akong ika-kaba dahil wala naman akong ginawang masama.
"I already told you earlier, Ludwig. Solo niyo ang bahay. Hindi ko naman kayo i-istorbohin ng girlfriend mo."
"I don't have a girlfriend." Mabilis na sagot niya.
"You have."
He looked at me coldly. Napalunok naman ako.
"I was alone at the house."
"Pero tumawag ka 'di ba? You needed spare clothes pa nga for her."
"Nah. That was an excuse." Sabi niya.
Naguguluhan talaga ako. "Excuse?"
"Stop asking. Just sleep. I'll wake you up when we reached our home."
Our home.
"Pero wait, paano mo pala nalaman kung nasaan ako? I didn't tell you."
"You car's GPS."
"Huh? Oh, oo nga pala. May GPS ang sasakyan ko pero paanong nalaman mo? Are you connected to my car's GPS?"
"Yeah, just in case."
Hindi na ako nagsalita pa. Parang hindi na kayang i-absorb ng utak ko ang mga sinasabi ni Ludwig. The fact that he fetched me, the fact that he made an excuse... oh dang! Hindi ko na alam ang iisipin ko.
I rested my head and closed my eyes. I need to stop thinking. Bukas ko na lilinawin ang lahat kay Ludwig. It's too much information and I can't bear it anymore.
♾️
NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ang ulo ko, punyeta ang sakit.
I rolled at my bed and buried my face to my pillow. Kumunot ang noo ko when I smell something different. Hindi ito ang amoy ng unan ko.
Nagmulat ako ng mga mata ko saka tiningnan ang unan ko. I looked at the bed and looked around the room.
Saka nag-sink-in sa utak ko na hindi ito ang kwarto ko. Is this Ren's room? No, sinundo ako ni Ludwig kagabi at―OH MY GOSH!
"We're here." Sabi ni Ludwig saka bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako saka inalalayan ako pababa ng kotse.
He held my waist while where walking inside the house. Habang inila-lock ni Ludwig ang main door ay yumakap ako sa kaniya mula sa likod niya.
"I love you..." I said while sniffing his clothes. "I miss your smell. You smell so good."
Inalis ni Ludwig ang kamay ko mula sa pagkakayakap sa kaniya saka ako hinarap. He's about to speak when I reached his lips and kiss him.
He respond to my kisses. He's a fucking great kisser.
We both stop. Mapupungay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. I put my arms around his neck.
"Can we sleep together?" I asked.
"Yeah."
He carried me in a bridal style and bring me to his room. Maingat niya akong ini-upo sa kama niya.
"You should change. You're reek of alcohol." He said.
Nanatili akong nakaupo habang kumukuha ng bathrobe si Ludwig.
Dahan dahan niyang inalis ang damit ko. I let him do it while I am staring at his face.
Nang maalis na lahat ni Ludwig ang saplot ko sa katawan ay sandali niya iyong tinitigin.
"These are mine." He whispered but enough for me to hear.
Isinuot niya sa akin ang bathrobe saka ako inalalayang humiga sa kama.
"Hug me." I pouted my lips while reaching him.
Walang pagdadalawang isip. He joined me to bed and hug me. I even kiss his cheeks and whispered.
"Kahit ngayon lang... let me... let me be with you, Ludwig."
And that's all I remember. I think I fell asleep at that moment.
Punyeta! Nakakahiya!
I looked at myself. I am wearing a bathrobe so accurate itong naalala kong nangyari kagabi. Bakit pala ang bait ni Ludwig? Dahil lasing ako? Kaya siguro pumayag siya sa mga trip ko kagabi?
Babangon na sana ako nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Ludwig. He's only wearing black jogging pants. He's topless punyeta!
"You're awake. The breakfast is ready. Let's eat."
I tilted my head. Huh? Tama ba ang narinig ko?
"Earth to you, Russia."
"Ah, ano, ah, are you sure?"
"What?"
"You're asking me to eat together? Teka, gising na ba talaga ako or is this a dream? Yeah, maybe this is a dream―"
"Get up." Aniya saka lumapit sa akin. "Wash up so we can eat."
I gulped. So this is freaking real pero bakit? Paano?
Paanong naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Ludwig? Paanong nangyari na magsasabay kami kumain? That he's treating me like this?
"Russia."
"Ah, oo! Sige. I'll wash up.
Mabilis akong tumayo saka dumiretso sa bathroom. I locked the door and looked at the mirror.
"This is real. This is not a dream. But how the hell did this happen?"
Huminga ako nang malalim. I composed myself. Nalilito ako sa inaasal ni Ludwig but I need to keep my sanity. I never expected this to happen. I need to know what's gotten on him to act like this.
The fact that I slept at his bed. Hindi ko maalala kung magkatabi ba kaming natulog o he just let me use his bed dahil sa inasal ko kagabi.
Mababaliw yata ako kakaisip. Ang daming tanong na nag-pop out sa utak ko. I'm in at awe and I can't fucking understand what's going on.
Mabait ba siya sa akin dahil may kailangan siya? May favor ba siyang hihingiin? Does he need help for her girlfriend? Ugh! Enough with this!
Muli akong huminga ng malalim. I need to wash up. Ludwig is waiting for me outside.
Kakausapin ko siya about this later. I need to clear this up.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top