VI
VI.
HINANG HINA ako. Nakaligo na ako at nakapag-prepare na ng gamit na dadalhin ko today. I don't need to bring make up kasi si Dave na ang bahala do'n and besides may make up artist naman do'n.
Para akong tulala sa kawalan. Bakit kasi kung kailan naman first day ko sa trabaho e, nagpakalasing ako kagabi. My gosh.
Although ilang beses na nangyari ang ganito noong nasa London ako, iba kasi ngayon sa Pilipinas. Hindi pa nga yata ako recovered kasi nag-a-adjust ulit ako lalo na sa oras.
I took a deep breath and stood up, bitbit ang bag ko. I am ready. Kakatawag lang ni bakla na malapit na siya so I need to go outside para hindi na rin maistorbo si Ludwig. I forgot to tell Dave na huwag nang bumusina kapag narito na siya.
Lumabas ako ng kwarto. I walked towards the main door pero natigilan ako nang may magsalita.
"Too early."
Nilingon ko si Ludwig na nakatayo sa may hagdan. He's wearing bathrobe at mukhang kakabangon niya lang.
"For work." Sagot ko. "Nagising ba kita? Maingay ba ako? Aalis na ako. You should sleep more, Ludwig. Bye."
Ewan ko ba, kung makapag-bye naman ako parang may pakialam siya.
Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hindi ko na rin siya nilingon. I made sure I locked the door. Natanaw ko na rin ang sasakyan ni Ren sa labas kaya mabilis akong lumabas ng gate.
Sinenyasan ko si Dave mula sa windshield ng sasakyan dahil tanaw ko naman siya. Sumenyas rin siya kaya sumakay na ako sa unahan.
"Good morning!" Bati ko.
"Good morning! So how's your sleep?" Dave asked while manouvering the stirring wheel.
"Ano pa nga ba? Look at me. I feel so ugly today." Sabi ko. Nagsisisi pa rin talaga ako na nagpakalasing ako kagabi.
"Nah! You're always pretty even with your bare face. Bihira nalang ako makakita na ang ganda ganda kahit walang make up like 'yung iba, they look really good with make up on."
Kumibit lamang ako. Madalas din kasing magkwento para mag-rant ni Dave about models.
Tumunog ang phone ko and I frowned with the unregistered number on the screen.
I answered it dahil baka sa new work ko 'to.
"Yes, hello? This is Russia."
Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya.
"Who is this?" Tanong ko.
Wala pa ring sagot. I was about to end the call when I heard someone's deep breath.
"Hey..."
I don't want to assume but this is Ludwig's voice. I know for sure. I know every bit of him. Kahit pa nga hininga niya lang, kilala ko.
"Yes? Who is this?" Muli kong tanong kahit may hint na ako na siya iyon.
"You see, uh, I think you forgot something."
Kumabog ang dibdib ko. Si Ludwig talaga 'to. I am very sure. And wait... ayaw mag-process ng utak ko. Anong naiwan ko? Paano niya nalaman ang number mo? Oh my, ano ba talaga ang uunahin kong isipin?
"Hm, w-wala akong maalalang may naiwan ako. I think—oh my heels! Stop the car!"
I automatically turned off the call and looked at Dave.
"Punyeta, bakla! Stop the car ka d'yan!"
"Gaga! Naiwan ko 'yong heels ko!"
He immediately stop the car and looked at me with his confuse face.
"So, who called you? Don't tell me..."
I gulped. "Hindi ko rin alam, ang bilis ng tibok ng puso ko. Balik tayo. I need to get my heels."
Walang nagawa si Dave kung hindi bumalik. Napailing na lamang siya, as if may choice.
Hindi ako mapakali na hindi ko maintindihan. I forgot my heels, yes. Hindi ko alam kung bakit nawala sa isip ko 'yon. Inilagay ko yun sa paperbag at naipatong ko kanina sa sahig malapit sa main door.
Iyong kabog ng dibdib mo. I don't know what to think. Damn him for making my heart race. Walang kahirap hirap na nagagawa iyon ni Ludwig. Ganoon kalakas ang impact niya sa akin.
Nang makabalik ay bumaba agad ako. Patakbo akong lumapit sa main gate ng bahay nang bigla akong mapatigil dahil bumukas iyon at iniluwa si Ludwig na may hawak na paperbag—and yes, he still wearing bathrobe. Napaka-hot niya sa umaga. Ang sarap lang sana niyang titigan.
Kung hindi pa bumusina si Dave ay hindi ako kikilos dahil para akong tangang nakatingin lamang kay Ludwig.
Lumapit ako sa kaniya. Inabot niya ang paperbag.
"Thank you, Ludwig. And, and... sorry. Sorry talaga sa istorbo. Hindi na mauulit. I have to go." Dire diretso kong sabi. "Bye!"
Mabilis akong tumakbo pabalik ng sasakyan saka agad na sumakay.
"Ikaw na gaga ka, inuna pa ang paglalaway!" Sabi ni bakla.
Inirapan ko siya. "Really. E tingnan mo nga 'yang lalaki na 'yan, tingin mo hindi ako mapapatitig sa gwapo niyan? Asawa ko na dapat 'yan ngayon." Sabi ko sabay nguso sa di kalayuan kung nasaan si Ludwig.
Nang maiikot ni Dave ang sasakyan ay naging smooth na ang pagda-drive niya.
"Oo asawa mo na dapat kaso..."
"Nawalang parang bula." Dugtong ko. "Grabe 'yong pagsisisi ko, bakla."
"I know." He answered. "Mahal na mahal mo e."
"Sobra." Sagot ko. "At never iyon nabawasan kahit ang tagal naming nagkalayo."
"Pero girl, wala ka bang balak na ipaalam sa kanya ang reason mo? I think ready naman siyang makinig. Mabait naman siya. Kita mo nga inabot sa 'yo ang heels mo. Tinawagan ka pa. So thoughtful."
"Gaga, sa heels 'yon. Ibang usapan 'yong past naming dalawa."
He took a deep breath. "You know what? Huwag nyong sayangin 'yong mga oras na dapat ay maayos na kayo. Are you going to live your life like that? Okay na sa 'yo ang ganyang set up niyo? Like you two are living in the same roof, my gosh ha, tapos walang pansinan! Sa halip na you're doing nasty things with him like sex on the floor, sa kitchen and more!"
"Alam mo?" I said and arched my eyebrow. "Damn your mouth."
Tumawa na lamang si Dave.
"But kidding aside, stop wasting your time doing nothing, Russia. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Huwag kang papayag na hanggang ganyan nalang kayo."
"I know my limitation but yes, I don't know. Basta ang mahalaga, kuntento na ako na magkasama kami sa bahay. Seeing him is enough for me."
"Love is just fucked up." He commented.
Hindi na ako sumagot. Yup, kung sa ibang tao, iisipin talaga nila na nagsasayang lang ako ng oras sa ginagawa ko. But what can I do? Hanggang doon lang ang kaya kong gawin. Wala akong karapatang magdemand kay Ludwig dahil matagal na kaming tapos at ramdam kong wala na siyang balak pang makipag-ayos sa akin. He's enjoying his life with his friends and with his girls. Ang makitang masaya siya ay sapat na sa akin.
I will live like a shadow and I won't do anything that could trigger his anger towards me. Okay na ako sa ganito. Okay na akong mahalin siya. Okay na ako g nakikita at nakakasama siya. Okay na ako... iyon ang dapat.
🔗
I AM EXHAUSTED but happy. Iba talaga ang sayang nararamdaman natin kapag gusto natin ang ginagawa natin. Ang maghapong photoshoot ay hindi biro. Change make up style, change outfit, everything! Nakakapagod pero worth it. Ito naman talaga ang gusto kong trabaho.
Kanina nga pala ay umalis rin si Dave para ihatid ang kotse ni Ren dahil gagamitin niya iyon. May lakad rin si Dave kaya naiwan akomg mag-isa. Magta-taxi na lamang ako pauwi.
I am enjoying my iced coffee when one of the male models approached me.
"Hi, you're a great model. I think you have a lot of experience. Yvo nga pala."
I smiled at him. "Modeling has been my passion. You're good too. Everyone is great." Sabi ko. "Nice to meet you, I'm—"
"Russia. I know your name already. It's nice meeting you." He chuckles.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. I just smiled again. I don't know. I don't feel like talking because I am really exhausted. Ayoko rin naman kasing maging suplada.
"Uh, do you mind if I get your number? For projects, and yeah, since we are in the same industry I wamt to get to know more about you."
He's straighforward. Kumuha ako ng calling card sa bag ko saka ibinigay sa kaniya. Sino bang aayaw sa projects?
"Oh wow, thank you, Miss Russia."
"You can call me for work." I smiled. Gusto ko lang na ma-gets niya na kaya ako nagbigay ng contacts ko ay dahil sa trabaho and not anything more.
"Yeah." He answered. "By the way, are you going home? I can drive you home, baka iisang way lang tayo."
"No, thanks. Magkikita pa kasi kami ng friend ko." I lied. I don't want to be rude to him.
"I see, alright! We have a session again tomorrow ao see yeah."
Tumango ako and bid a goodbye.
Nang sa wakas ay nakaalis na si Yvo ay nakahinga na ako ng maluwag. I don't know. Hindi naman sa feelingera ako but I know he's trying to hit on me. Ewan ko ba kung bakit parang allergy ako sa mga lalaking lumalapit sa akin—expressing their intentions to me. Pakiramdam ko kasi ay nagtataksil ako kay Ludwig kapag gano'n when in fact I am a hundred percent single. Ganoon yata kapag talagang mahal na mahal mo ang isang tao to the point na kahit they are not giving the same energy, patuloy mo pa rin silang mamahalin ng totoo at tapat.
Baliw na nga talaga ako.
I stood up and decided to go home. Masakit na rin ang paa ko dahil sa heels na suot ko kanina. Naninago kasi ngayon lang ulit ako nag-mode
Nang makalabas ako ay agad akong nakasakay ng taxi. I told the driver my address and lean my head while looking at the window.
This is life. This is actually a life.
Habang nagmumuni-muni ay iniisip ko na naman kung bakit iba ang awra ni Ludwig kaninang umaga. Never kong na-imagine na gagawin niya ang ginawa niya kanina. Small things pero grabe ang impact sa akin.
All I know is he doesn't care about me pero pakiramdam ko ay may pakialam siya sa akin. Kahit nagmagandang loob lang siguro siya dahil napansin niyang naiwan ko ang paperbag ko? Ako lang talaga ang hindi maka-move on dahil aaminin ko, bawal kilos ni Ludwig, apektado ako. I know he's a great guy. He's the kindest person I know at baka nga oo, nagmagandang loob lang siya. There's no special thing about it.
Sa araw araw na pagtataboy niya sa akin at ang ipamukha sa akin na wala na siyang pakialam pa aa akin, iyong ginawa niya kaninang umaga ay palaisipan talaga sa akin. Umaasa na naman ako tapos masasaktan rin. Bahala na. Every pain is worth it naman basta kay Ludwig.
"Manong sa tabi nalang po." Sabi ko saka nagbayad sa taxi driver.
Ang dami ko na agad naisip sa buong byahe ko pauwi. I opened the gate and locked it again.
Dumiretso ako sa main door kung saan bukas iyon and heard laughters. Ludwig and his company I think. Saglit akong napatigil. Para bang gusto kong mag-ipon ng confidence para daanan sila na parang wala lang kahit deep inside nasasaktan ako sa tuwing makikita ko si Ludwig na masaya sa piling ng ibang babae.
It's already seven in the evening and hindi pa pala ako kumakain ng dinner. Pakiramdam ko ay gutom na gutom ako ngayon. Magpapa-deliver nalang siguro ako dahil wala na akong energy magluto. Isa pa, ayokong maka-istorbo kina Ludwig. I will stay inside my room.
Muli akomg huminga ng malalim saka pumasok ng bahay. Hindi ako nagkamali. Ludwig and his friends including his girl na nakalingkis na naman sa kaniya giving him small kisses in his cheeks.
Masakit. But what can I do?
Bahagya lamang akong tumango kay Ludwig bilang senyas saka ako dumiretso sa kwarto. Ayoko na ring maulit iyong nangyari na sinabunutan ko iyong babae niya. I don't want to see more of their sweetness. Hindi ko ma-take. Oo, masakit talaga.
I sat on the bed and heaved a sigh. Kinapa ko ang dibdib ko. I don't know, bigla nalang tumulo ang luha ko. Siguro dahil sa pagod? Nah, I know dahil nasasaktan ako.
Alam niyo iyong pakiramdam na pagod na pagod ka sa trabaho and all you want to do is to take a rest but here I am—hurting.
Pinahid ko ang luha ko. Dapat na akong masanay sa ganito. Makita si Ludwig na masaya sa piling ng iba, dapat tanggapin ko na iyon ng buo. Ginusto ko naman 'to e. Ginusto kong saktan ang sarili ko.
I looked at my feet. May mga paltos ako sa paa pero mas ramdam ko iyong sakit sa puso ko.
Muli akong huminga ng malalim saka pinahid ang luha ko. I should eat. I need to eat. I need to survive.
I checked my phone and opened a delivery app when someone knocks on my door.
Tumayo ako saka bahagyang binuksan ang pinto upang silipin kung sino ang kumatok and to my surprise, it's Ludwig.
I immediately wiped the tears in my eyes and composed myself.
"Y-Yes, Ludwig? Do you need anything?"
"There's a lot of food in the kitchen. Masasayang lang ang nga 'yon. You can eat that."
Para akong napako. Hindi ko alam ang dapat kong isagot dahil unang una bakit niya ako pinapakain. O dahil talagang masasayang lang ang pagkain? Ayokong bigyan ng meaning iyon at paasahin na naman ang sarili ko.
"Uh, kumain na ako, Ludwig. Thank you for informing me." I lied.
Hindi siya nagsalita. He just look at me with his blank eyes and looked at my feet. Napaurong ako ng kaunti. Halatanh halata naman kasi ang mga paltos sa paa ko. Ang pangit tingnan. He can't see this.
"I-If you need anything, you can tell me, Ludwig." Sabi ko na lamang dahil hindi pa siya umaalis sa harap ko.
He looked at my eyes. "Just eat."
Tinalikuran na niya ako like what was that? Nagsinungaling na nga ako na kumain na ako pero wait, bakit ko kasi sinabi iyon e nagugutom na ako. So pano... paano ako kakain nito? Magpapa-deliver pa rin ba ako? Pero makikita ni Ludwig. Sinabi naman niya na maraming pagkain si kitchen. Pero inalok naman niya ako e saka sinabi naman niyang just eat kahit sinabi kong kumain na ako.
Wala naman sigurong masama?
Bahala na. Basta kakain ako sa kitchen. Bahala na kung anong isipin ni Ludwig as if naman may paki siya sa akin. Nagugutom talaga ako.
Lumabas ako ng kwarto saka dumiretso sa kitchen. Hindi na ako sumilip sa living room dahil ayokong makita sina Ludwig na masaya ro'n.
Napansin ko ang mga food trays sa kitchen counter and my jaw literally dropped when I saw everything.
Everything... is my favorite. These are the foods that I love at hindi ko alam kung sinadya ba ito ni Ludwig o hindi. But all I could feel right now is...
Natigilan ako nang biglang sumulpot dito sa kitchen si Ludwig.
"We are all done eating. You can eat anythi—"
Hindi na natapos ni Ludwig ang sasabihin niya nang kusang lumapit ang mga paa ko sa kanya saka siya niyakap. Hindi ko alam kung tama ba 'to pero nao-overwhelmed ako. Pakiramdam ko kasi nawala ang pagod ko dahil mga paborito ko ang narito though baka nagkataon lang talaga.
Wala akong naramdamang pagtanggi kaya hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. Sulitin ko na dahil baka last na 'to.
"T-Thank you..." i whispered and slowly released him.
I bit my lower lip. Na-realize kong ang gaga ko para yakapin siya pero why not. Pagkakataon ko na 'yon. Mula nung makauwi ako dito sa Pilipinas ay ngayon ko lamang siya nayakap. Ang sarap sa pakiramdam.
Hindi siya sumagot bagkus ay hindi ko inaasahan ang gagawin niya.
He pulled me closer to him, cupped my face and claimed my lips.
I lost my sanity and respond to his kisses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top