I.
I.
"FUCK YOU, man!"
Napailing ako habang pinapanood ang mga pinsan kong parang mga gago dahil lang inaway ng mga jowa.
"Huwag mo akong angasan, bro, mas matindi pa ang sakit na naranasan ko sa inyo. Tangina niyo talaga." Sabi ko.
"Tangina mo din, Ludwig. Hindi mo alam ang pakiramdam na hindi pansinin ng girlfriend. Fuck this life. Gusto kong mambugbog."
Tinungga ko ang alak sa harap ko saka tumayo. I looked at ny cousin, Troy.
"Mas putangina ka, bro. Hindi mo rin alam ang pakiramdam na iwan sa mismong araw ng kasal mo. 'Yang nararamdaman niyo ngayon, kuko lang yan ng sakit na nararamdaman ko. Mga gago."
Iniwan ko sila. Ito 'yong mahirap kapag nasanay silang makita kang masaya. Akala nila wala akong problema. Tangina, I've been lying my whole fucking life. I acted like everything is fine. I acted like I am fucking okay but every fucking night, I'm crying in pain―while thinking about her.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung ano ang mali kong nagawa para saktan ng ganito. Nagmahal lang naman ako, putangina.
All I wanted is to marry her because I love her. Dati, gago ako. Puro kalokohan sa katawan but things changed when I met her. I witnessed a lot of heartbreaks from my cousins so I promised myself that once I found the girl I will be spending my life with, I'll give her the world and I won't fucking hurt her the way my cousins hurt their woman. I admit I wasn't perfect but I never gave her pain.
Hindi ko gusto ang ideya na basta sa Palermo ka napunta, masasaktan ka. Pinanindigan ko iyon. I love her all my life.
Hindi ko nga siya sinaktan pero putangina, ako pala ang sasaktan.
Sumakay ako sa kotse ko. I started my car engine but my phone suddenly rang. I answered it.
"Yeah."
"Sir Ludwig."
Oh, the guard house from the subdivision where I am living.
"Yeah."
"Uhm, dumating po ang asawa niyo."
My heart skipped a beat for a second.
"What did you say?"
"Dumating po si Miss Russia Gomez at dumiretso po sa bahay niyo."
I stopped for a second. Pakiramdam ko ay nagkamali lang ako ng pandinig but it was clear. She went home. She came back.
"Alright."
I ended the call. Saglit kong pinatay ang makina ng kotse ko. Mariin akong napapikit.
Why... are you fucking doing this to me...
💟
"SURE KA NA BA?"
I took a deep breath as I opened the door. After five years, I am here again, at the house... kung saan binuo namin ang mga pangarap naming magkasama. We bought this house for us. For the two of us. For me and for him.
"May choice ba ako?"
Ren closed the door as she went inside after me. She is my bestfriend. Sinundo niya ako sa airport at hindi siya makapaniwala na dito ako nagpahatid sa bahay ko⎯namin.
"Anong choice ka d'yan? You can buy your own condo unit. Kung gusto mo doon sa bahay ng magulang mo. O kaya sa hotel. Marami kang choices, bakit dito pa?"
"You know how important this house to me. Bakit pa ako bibili ng condo unit kung may sarili naman akong bahay? Hindi ko rin bet sa hotel because I'll stay here for good. At isa pa, hindi ko gugustuhing tumira sa parents ko. You know exactly the reason."
"Hindi mo pa rin ba sila napapatawad?"
I shook my head. "I despise them."
"Russia naman. Parents mo pa rin sila."
"Parents ko sila. Hindi dapat nila ginawa ang bagay na magiging dahilan para masaktan ako ng sobra."
She sighed. "Enough with your parents. Alam ko na kung saan aabot ang usapan kapag nagpatuloy pa 'to. So back to the topic. Sure ka talaga? Hundred percent? Dito ka talaga titira?"
"Paulit ulit, Ren? Unli ka?" Bahagya akong tumawa. "Kumpleto na rin ang gamit dito. As in all in na, so wala na akong po-problemahin."
"Alam ba niya?"
Natigilan ako sa habang nag aayos ng mga bagahe ko. It's been five years pero sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. Napakalinaw pa ng pangyayaring iyon sa isip ko.
"No."
"He'll hate you if he finds out."
I stared at her eyes. "I know. He hates me to death, Ren. He hates me since the day I left. Ine-expect ko na 'yon. That was my fault anyway so wala akong karapatang magreklamo."
"Hay, Russia naman. May plano ka ba? I mean, alam mo na ba ang dapat mong gawin in case he finds out? E siguradong paaalisin ka nun dito. Sinusumpa ka yata niya e."
"Basically, we owned this house fifty fifty. So I have the rights here."
"Kahit na. Hindi naman sa pag-aano, pero alam nating ikaw ang may kasalanan, ikaw ang may ginawang mali, ikaw ang nakasakit so... siguro ang lakas nalang talaga ng loob mo na makipagtigasan sa bahay na 'to?"
"Please." I stopped her. "Ayoko munang isipin ang bagay na 'yan. Bahala na si spiderman. Hayaan mo muna akong lasapin ang hangin ng Pilipinas. Na-miss ko 'to. Saka mabuti pa, ipagluto mo na ako ng adobo! You promised."
Para namang sumuko na si Ren sa pagtatanong sa akin. Ayoko lang din kasing sa unang araw ko sa Pilipinas ay problemahin ko agad siya although, hindi naman siya nawala sa isip ko.
"Whatever. Basta sinasabi ko sa 'yo, Russia. Naku! Kapag ikaw umiyak iyak na naman, sasabunutan talaga kita ng malala."
Tumawa lamang ako. Expected na 'yang iyak iyak na 'yan. Siguradong masasaktan ako ng matindi. But I deserve it, I know.
"Kunin ko lang sa sasakyan 'yong pinamili ko sa grocery kanina bago kita sinundo. Para makapagluto na rin ako ng adobo mo!"
I smiled at her. "Yan talaga ang gusto ko sa 'yo e! Fine, fine. I should clean up my things."
Lumabas si Ren. Naiwan akong mag isa dito sa loob ng bahay. I looked around. Limang taon ang nakalipas pero napakalinis ng bahay. Kung sabagay, I hired a cleaner para kahit papaano ay hindi mapuno ng alikabok ang bahay na 'to. Once a month nagpupunta ang cleaner dito for general cleaning kaya na-maintain ang kalinisan ng bahay. This is one of the things I treasure. Ito nalang ang kaisa-isang bagay na masasabing may koneksyon kami sa isa't isa.
Kumusta na kaya siya?
I made myself busy for five years in London. I worked hard and earn for myself. I never talk to anyone here in the Philippines except Renilyn Cuevas, in short Ren. Kahit pamilya ko, hindi ko kinausap. Hindi ako humingi ng tulong kahit kanino. I was born with silver spoon in my mouth. Hindi ko kailanman naranasang problemahin ang pera but when I went to London, doon ko naranasan lahat ng hirap. Mayroon pa ngang araw na halos wala akong kainin at nagtitiis ako sa gutom hanggang sa nakahanap ako ng magandang trabaho. I also worked as a commercial model. Sa field na iyon ako mas nag-enjoy at itutuloy ko iyon dito sa Pilipinas.
"Russia!"
Kumunot ang noo ko dahil sa sigaw ni Ren. I tilted my head as I looked at her at the door. Humahangos siya at nanlalaki ang mga mata na parang nakakita ng multo.
"Si... si..."
"What?"
Bago pa man makapagsalita si Ren ay may lumitaw na lalaki sa likod niya. He is seriously looking at me with his cold eyes.
I missed him.
"Why are you here?"
I gulped. I can't even speak right now. My heart stopped from beating for a moment. All I could do is stare at his handsome face.
"WHY THE FUCK ARE YOU HERE?"
Natauhan ako nang tumaas ang boses niya.
"L-Ludwig Ivan."
Para bang gumuho bigla ang mundo ko nang mag-sink-in sa isip ko na narito siya ngayon. Sariwa pa lahat ng nararamdaman ko. Sariwang sariwa pa sa isip ko noong araw na iniwan ko siya. His anger and pain, our past.
Kakabalik ko lang sa Pilipinas pero parang gusto ko nalang ulit umalis at lumayo pero ito na 'yon. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kailangan kong tibayan ang puso ko. It will hurt, yes. But that's part of loving him and giving him pain for the past five years.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top