Chapter XXXV

"I can't wait for the moment
where all my feelings for you are gone."

MAAGA akong nagising para pumasok sa trabaho. Ayoko rin namang magmukmok lng sa mansyon. Isa pa, hindi naman ako kilala ng mga kaaway ni Papa bilang anak niya so safe naman akong lumabas at pumunta sa trabaho.

Lahat ng pag-aari ni Papa ay naiwan lahat sa pangalan ko. Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang. Actually, iba ang tingin sa akin ng mga ka-trabaho ko kanina nang dumating ako. Siguro'y nagtaka sila kung bakit ilang araw akong hindi pumasok. Well, walang may idea na ako ang totoong anak ni Mr. Figueroa. Sabi nga ni RJ, hindi pwedeng makalabas ang impormasyon na iyon dahil siguradong ako ang magiging target ng mga iyon pagkatapos nilang patayin si Papa.

"Kakaloka 'tong si Rochelle. Alam mo bang naging marites na siya. Ina-update pa kami araw araw na buntis ka raw kaya ka hindi nakakapasok ng trabaho."

Napailing ako sa sinabi ni Lia. I am the newest president of the company pero hindi ko inilabas ang identity ko. Itong trusted lawyer pa rin ni Papa ang humaharap sa mga meetings.

"Saan naman niya nakuha ang ideyang buntis ako?"

"E kasi nga daw no'ng bago ka mag-absent-absent hinahatiran ka pa raw ng foods dito no'ng jowa mo."

Ah, si RJ.

"So possible daw na buntis ka kasi alagang alaga ka saka syempre kahit ako nagtaka na hindi ka pumapasok. Syempre alam mo naman, namatay pa si Mr. Figueroa so ang daming ganap."

Ang alam lang ng lahat ay may pumalit sa posisyon ni Papa bilang may-ari ng kompanya. Pero wala silang ideya kung sino. Wala silang ideya na ako iyon. Ako ang anak ni Mr. Figueroa.

"Sa tingin mo ngayon, mukha ba akong buntis?" Tanong ko. "Nagpahinga lang ako. Hindi uso ang vacation leave?"

Ngumisi si Lia. "Alam ko girl, kung buntis ka man, wala naman silang pakialam do'n. Dug, nasa tamang edad ka na. May stable job ka, may sarili ka nang condo unit, wala ka namang ibang ginagastusan so I believe, ready ka nang magka-anak. Mas naku-curios ako kung sinong ama."

Bahagya ko siyang hinampas. "Baliw ka talaga. Hindi ako buntis. Okay."

Itinuon ko na sa trabaho ang pansin ko. Hangga't maaari ay ayokong isipin si Aries. I am trying to accept the reality. Ayokong magpakalulong sa pain na nararamdaman ko. If we don't have a happy ending together, so be it.

"Goodmorning, Mr. Palermo!"

Halos tumalon ang puso ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakahinga ako ng maluwag nang si Ludwig ang makita ko. Nawala sa isip kong investor pa rin si Aries dito at siguro, si Ludwig muna ang pinapunta niya rito.

"Miss Cassidy, follow me to the office."

Nagtaas ako ng kilay. Iba na naman ang tingin sa akin ng mga ka-trabaho ko. Baka mamaya ay may madagdag na sa tsismis na si Ludwig ang ama ng pinagbubuntis ko. Mga tao talaga, ang daming time na pakialamanan ang buhay ng ibang tao.

Tumayo ako saka sumunod sa office ni Aries. Ano naman kayang pag-uusapan namin ni Ludwig.

Pagpasok ko ay isinara ko lang din ang pinto saka diretsong umupo sa couch ro'n.

"How are you?"

I arched my eyebrow. "Mukha lang akong okay pero hindi, alam mo naman ang reason so din't ask me how am I."

He looked at me. "Cassidy... si Aries..."

Tumingin ako sa mga mata niya. "What..."

Bigla akong kinabahan sa klase ng tingin niya.

"Ayun, gago pa rin." Preskong sabi niya.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ayoko nang makarinig pa ng tungkol sa kaniya."

"Kaya pala pa-what what ka pa."

I rolled my eyes. "Can't you see? I chose to move on. Hindi ako magpapakatangang maghabol sa kaniya. Isa pa, ayaw na niya akong makita, so ganoon din ako."

"Kaya siguro ako nalang ang pinapunta niya dito para sa mga papeles na pinapakuha niya na kailangan ng pirma niya. Nautusan pa ako ng gago."

"Tama lang. Mas maigi nang hindi na siya sumipot pa dito."

"Pero talaga bang ayos na sa 'yo na magpakasal si bro?"

"Ilang ulit ko bang dapat sabihin? Choice niya 'yon. Who am I to interfere?"

"Babaeng mahal niya?"

Ngumisi ako. "Kung mahal niya ako, sa tingin mo bakit hindi ako ang pinakasalan niya? So meaning hindi niya ako talaga mahal."

Napailing si Ludwig. "Wala akong lovelife pero hindi ko akalaing po-problemahin ko ang lovelife ng pinsan ko, hayop."

Tumayo na ako. "I have so many things to do. Ilng araw din akong hindi nakapasok so, maiwan na kita dito."

"Sandali, Cassidy. May ipinapabigay si Aries."

I frowned. "What."

Iniabot niya sa akin ang maliit na box. May kasama iyong envelope.

"Hindi ko alam kung ano 'yan. Hindi naman siguro wedding ring. Hehe, o 'wag kang umasa." Ngumisi si Ludwig. "Saka nagtataka pa ako na nakita ko nalang 'yan sa kotse ko tapos may number na nagtext sa akin. Si Aries at sinabi na ibigay ko daw sa 'yo 'to. Huwag daw akong tumawag o magmessage sa facebook niya tungkol dito. Weird nga e."

Naguluhan ako bigla.

"Bakit naman kaya?"

"Baka secret, tsk, s'yempre may lahing detective conan yata si Katarina. Baka bantay sarado si bro. Saan na nakakita nang may kabit tapos hindi tinatago?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako kabit."

"Oo na. Basta gano'n. Muntik ko na ngang basahin 'yong letter d'yan sa loob ng envelope. Napigilan ko naman ang sarili ko."

"Marites ka talaga."

"Marites ampota. Aalis na nga ako. Ito na ba ang mga papel na kailangan ng pirma ni bro?" Itinuro niy ang isang folder na nasa ibabaw ng table ni Aries.

"Yes." sagot ko.

Tumango siya saka sumenyas. Aba't literal na kinuha lang ang mga papeles. Ayun at nag-walk-out na palabas ng office.

Umupo ako saglit sa couch. I looked at the small box. Nagulat ako sa nakita ko.

Necklace. With letter "C" pendant na may ruby stone. Wait... ito 'yong in-order niya dito sa FF Jewelry na si Rochelle ang nag-asikaso. Itong ito 'yong style dahil nakita ko sa order slip 'yong description. Ang pinagkaiba lang, sa pagkakaalam ko at naaalala kong narinig ko pa iyon na letter "k" ang ipinagawa niya so how come?

Napansin kong mahilig sa ruby stone si Aries. Naalala kong itong in-order din niya noon ay ruby na nawala pa nga na naging dahilan kung bakit ako nagtrabaho sa kaniya.

Anong meron sa ruby stone, at anong meron sa kwintas na 'to?

I looked at the envelope. I opened it and saw a letter inside. Binasa ko iyon.... until my tears suddenly fell down.

♣️

I SLAPPED her hard. Iyong galit sa dibdib ko, hindi basta basta mawala. I despise her, her fucking whole clan.

"How dare you?" I hissed. "Putangina! Kadugo niyo ang pinapatay niyo! Mga hayop kayo!!"

Ayaw tumigil sa pagtulo ang luha ko.

"Just because of money, diamonds, just because of that, sinayang niyo ang buhay ng isang tao?! Your fucking whole family deserved to rot in jail! If I can just kill you all, pero may respeto pa rin ako sa batas."

I felt his hand against mine. Hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong nakatingin sa mga to sa harap ko.

"Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito ako makapag-react. Kung bakit galit na galit ako. You know what, bitches? I am the only daughter of Mr. Figueroa. I am his daughter, a real daughter. And I won't let any of you to not rot inside that fucking jail."

Kitang kita ang pagkagulat sa mga mukha nila. Sino nga bang mag-aakala na ako ang anak ng Papa ko? They had no any freaking idea.

"With all the documents, the CCTV footages, the phone calls conversation, all of those are the proof that your whole family is the mastermind! Imagine... knowing that you are my father's relative. Money over blood? Disgusting!"

Hindi sila nagsalita. Galit na galit pa rin ako.

"Kahit lumuhod pa kayo at umiyak ng dugo, hinding hindi ko kayo mapapatawad. This is the only thing I could do for my father. Justice."

Tinalikuran ko sila saka hinarap ang lawyer ni Papa.

"Attorney, kayo na ang bahala sa kanila. Hangga't maaari, ayoko nang makita pa ang pagmumukha ng mga taong 'yan."

Tumango si Attorney.

"Don't worry, Miss Cassidy. Ako na ang bahala sa lahat. Like what your father told me, he wanted you out of this so take a rest and go home. We will take this legally and we will make sure that they will be punished for what they did."

Kahit papaano ay nabunutan ng tinik ang dibdib ko. Nagpasalamat ako kay Attorney saka umalis sa lugar na iyon habang nakahawak pa rin sa kamay ko ang kamay niya.

"I hate to fucking see you crying, baby."

Sinamaan ko ng tingin si Aries. "Galit pa rin ako sa 'yo."

"Yeah, whatever, baby."

Sumakay kami ng kotse. Nagmaneho siya. Nanahimik muna ako dahil hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. I just don't want to speak. Ang sakit sakit lang na namatay 'yong tatay ko sa kamay ng mga ka dugo niya nang dahil lang sa kayamanan. Napakasama nila.

After reading the letter yesterday, sa isang iglap ay nakuha ko ang justice para sa Papa ko.

I remember how I reacted with the letter. A letter from Aries... but it was actually from my father. He gave it to Aries to give me in the right time.

Cassidy,

Anak, siguradong matatanggap mo ito kung wala na ako sa mundong ito. Alam kong malungkot ka at nasasaktan pero gusto kong maging masaya ka. Alam kong darating ang panahon na mawawala ako dito sa mundo dahil sa mga taong naghahangad ng lahat ng ari arian ko. Huwag kang mag-alala, anak.

The guy, Aries Chastin Palermo, I met him when you were eighteen. Remember your debut? He is one of your 18 roses because I had a business with his father. You maybe don't remember but this guy clearly remembers you. He told me he would marry you when the times comes. I just laughed with that. Three years ago, I met him again by coincidence. He remembered me and asked me about you. So by that time, while talking to him about you, hindi ko alam na inamin ko na sa kanyang anak kita. Na ako ang tunay mong ama. He was happy to hear that, imagine that. He asked me if I still remember the thing he told me when you were eighteen and yes, he was serious that time. I can't believe that a man will take my daughter seriously. Damn, I like that guy. I love his guts and I saw his sincerity.

I am writing this letter today, the day that you started working at Aries Palermo's company. Yes, anak. I know you will get mad at me about this but everything is planned. The ruby stone that he ordered is just an act. Sinadya iyong mawala. I don't know how they successfully swapped the ruby stone box nang hindi napapansin ng partner mo that time that you will meet her at the building where Aries Palermo lives. He was acting mad, and the plan to ask you to work with him succeed. I said yes to his plans because he was desperate to get your attention. He wanted you to fall in love with him naturally while you're with his side. Well, I don't really know what will happen to the two of you. I admit that it was only an acting too when I got mad at you for losing the ruby stone.

I am happy. Happy and grateful that you can do everything for FF Jewelry. I appreciate you for that, anak. From today, I will trust this man to take care of you. I know he will love you as much as I love you.

You've been captured, anak. That guy is so madly in love with you.

With love,
FF

Hindi ako makapaniwala nang mabasa ko iyon. Kasunod pa niyon ang isang letter na galing naman kay Aries mismo. Binasa ko rin agad iyon.

My Cassidy,

Fuck, if you know how much I fucking miss you, damn it. I know you're mad at me. Yes, I understand but I want you to know that eveything I told you is not true. All of them are lies. Believe me or not but I am wiretapped. Yes, fucking Katarina. She's a psycho. So I acted rude to you but damn it nagsisisi ako na makita kang nasasaktan. Kung alam mo lng kung gaano kita kamahal, baby. Fuck, this letter is supposed to be short but fuck I have so many things I wanted to say. Maybe tomorrow? But one thing, I never love Katarina. I had something to do so I needed to act like I wanted to marry her. You will know why, well later baby. I gathered everything you needed. The flashdrive inside the envelope, give it to your father's lawyer as soon as you read this letter. I know there's a lot of question in your mind right now but I will answer everything tomorrow.

I can't wait to fucking kiss you, baby.

ACP

Gulong gulo ako nang mga oras na 'yon until I found out that Katarina's family is the one who ordered to kill my father. Ang masakit lang, kadugo ko sila. Magpinsan si Papa at ang tatay ni Katarina but because of money, they chose to kill my father. No other reason. Kinain sila ng kaguatuhang nakuha lahat ng pag-aari ni Papa. Naghain agad ng warrant of arrest ang mga police sa tulong na rin ng lawyer ni Papa, using the flashdrive containing all the solid evidences na sila ang nagpapatay sa Papa ko.

They hired thugs to hurt my father, how dare them. And that's when I found out that Aries did his best to gathered evidences. Wala akong kaalam alam na ginawa ni Aries ang lahat para makuha ang justice na para kay Papa, and with his efforts, he proved to me how much he really cares for me. Kumilos siyang mag-isa.

Katarina's whole family was arrested dahil sa isang CCTV footage na nasa flashdrive, naroon sila kung paano nila pag-usapan kung paanong ipapapatay ang Papa ko. Napakawalang mga puso. Ang kakapal ng mukha.

"Baby, hey."

Nawala ako sa pag-iisip nang marinig si Aries. I looked at him. He's staring at me.

"Marami pa akong tanong sa 'yo. Magulo p ang isip ko at isa pa galit pa ako sa 'yo."

"Fuck, baby. Can't we just make love?"

"Shut up."

Mariin akong pumikit. Ang bilis ng pangyayari. Masaya lang ako na nahuli na at ongoing na ang pagsampa ng kaso sa pamilya ni Katarina pero napakarami pang tanong sa isip ko. Kulang pa ang mga nasa sulat na nabasa ko, marami pa akong gustong malaman.

I need rest. Fuckin' rest.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top