Chapter XXXII

"You're both my comfort and my
light through my darkest times."

I TRIED to be strong pero aminado akong mahirap. Sobrang hirap lalo na't parang hindi mo na kinakaya ang sakit na nararamdaman mo.

Tinulungan ako ni Aries na asikasuhin ang funeral ni Papa. We stayed at the hospital hanggang mai-discharge ang katawan niya. Yes, I chose to cremate him dahil iyon ang nasa last will niya. His lawyer showed up and gave me a letter from my father.

Binasa ko iyon and all I did is cry in pain. His words... It's just hard to accept na hindi man lang kami nagka-bonding as a father and daughter. How I wish I could turn back time.

All his assets, his business, lahat lahat including his mansion kung saan ako lumaki, nakapangalan sa akin. Wala naman kasi akong pakialm sa properties niya. All I want is him. All I want is my father.

Habang nakatingin sa puntod niya ay hindi ko maiwasang manghinayang. Sa mga araw na narito siya, sa mga araw ma pwede ko pa sana siyang makausap at makatawanan, sa mga araw na maiparamdam ko man lang sa kaniya ang pagiging anak niya, sa mga araw na makasama ko lang siya bilang tatay ko...

"Baby, come here."

Nilingon ko si Aries. He's been with me mula pa sa hospital. Hindi siya umalis sa tabi ko and I appreciate him. I need his comfort, I admit.

Kanina pa tapos ang funeral pero para bang hirap akong umalis dito sa puntod niya. Nakatitig lamang ako na para bang umaasa pa ako na mabubuhay siya.

"You should rest, Cassidy. Let's go. You can go back here anytime. But for now, you need a rest."

Naiintindihan ko naman si Aries. Wala pa akong maayos na tulog mula nang mawalan ng buhay si Papa.

Humakbang ako papalapit sa kanya. He's just looking at me. Yumakap ako sa kaniya. I cried again.

"Hey... sshhh."

Ang dami kong pinagsisisihan. Ang dami kong sinayang na oras.

"S-Sana... sana noong time na nalaman ko na tatay ko siya, sana... sana kinompronta ko siya. Sana... e'di sana nagkaroon pa kami ng pagkakataon na magkasama bilang totoong pamilya. Sana man lang napasaya ko siya... sana..."

"Cassidy, your father won't be happy to see you like this."

Tama si Aries. Nasa letter ni Papa na alam niyang isang araw ay mawawala siya at kapag dumating ang araw na 'yon ay ayaw niyang iiyak ako o ilulugmok ang sarili sa kalungkutan. Pero hindi naman kasi madali e. Hindi madaling sundin ang gusto niya. How could I not cry? How...

Bumitaw ako kay Aries saka tumingin sa mga mata niya. "I will find them. I'll do everything para pagbayarin sila. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya para kay Papa. I will do everything, Aries..."

He wiped my tears and nodded. "I'll help you do that but for now, give yourself a rest. Please?"

I took a deep breath. I turned around and looked again at my father's grave.

"You've done a lot things for me, Papa. I'll make sure to put them in jail and let them pay for what they did to you. I... will find them."

Pinunas ko ang luha ko saka muling tumingin kay Aries.

"I will go home."

"To your condo?"

Umiling ako. "To my father's house."

Tumango lamang si Aries saka hinawakan ang kamay ko. We walked out of the cemetery.

Nasa letter ni Papa na gusto niyang tumira ako sa mansyon niya. He asked me to take care of his house dahil para sa akin iyon. And he cherished the moment na doon ako lumaki.

Sumakay ako sa kotse ni Aries. He started driving while I'm looking at the car's window. The memories with my father since I was a child keeps on playing inside my mind. I was happy with him. Pinaramdam niya ang pagmamahal ng isang tatay sa akin even though that time ang alam ko ay kinupkop niya lang ako.

Muling tumulo ang luha ko. I am an independent woman. Sanay na akong mabuhay na nag iisa lang ako dahil alam ko sa sarili ko na wala nang natira sa akin, that I am alone in my life. Pero ngayong nalaman kong tatay ko si Mr. Figueroa at nawala siya bigla, ramdam na ramdam ko ang pangungulila. Para ba akong nanghihina at ramdam ko ang tunay na pakiramdam na nag iisa nalang ako sa buhay.

Maya maya ay hindi ko namalayang nakarating na kami sa mansyon. Sobrang layo ng takbo ng isip ko.

Bumaba ako saka tiningnan ang mataas na gate, ang malaking mansyon. Muli akong naiyak.

I spent my childhood here since mawala iyong kinilala kong magulang ko. And now I'm here again. Thinking how my father lives here alone mula nang humiwalay ako, lalo akong nasasaktan. Naiisip ko na sana, nanatili ako dito kasama siya.

Bumukas ang gate at sumalubong si RJ. He's wearing a black shirt and looked like a mess. His eyes were filled with tears.

Umalis na si Aries dahil gusto niyang bigyan kami ng pribadong pag-uusap ni RJ.

Sinalubong niya ako. Hindi ko napigilang yumakap sa kaniya.

"Sorry... sorry hindi ko na-protektahan ang papa mo. Sorry..."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka hinarap siya. "Wala kang kasalanan. Salamat dahil kahit sugatan ka, pinilit mong mapuntahan ako para ipaalam ang nangyari kay Papa. Masaya pa rin ako na naabutan ko siyang buhay at nasabi lahat ng gusto kong sabihin."

"Nasasaktan ako. Tangina, para ko na ring tatay si Mr. Figueroa. He's a good person. Hindi ko matanggap na bigla siyang nawala ng gano'n gano'n lang."

"Salamat pa rin na pinaalam mo sa akin na tatay ko siya, sinabi mo sa akin ang katotohanan."

Tumango siya. "Cassidy, gusto kong maging masaya ka. Masakit mawala si Mr. Figueroa but please live your life. Iyon lang ang gusto ng Papa mo. Bukambibig niya na kapag nawala siya gusto niyang siguraduhin ko na maging masaya ka lang. I was waiting for you because I need to say goodbye to you."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Gusto ng Papa mo na kapag nawala siya ay lumayo ako sa 'yo. He wanted to make sure you'll be safe at kapag malapit ako sa 'yo, baka mapahamak ka pa. Ang alam ng mga kalaban ni Mr. Figueroa ay patay na rin ako so I needed to go abroad and live there. Pumirma ako sa kasulatan na ginawa ng Papa mo na mga dapat at gusto niyang gawin ko kapag nawala siya."

"Yeah, marami ka nang nagawa para kay Papa. But can... can you tell me who's behind this?"

Umiling siya. "Alam ng Papa mo na kapag nawala siya sa kamay ng mga kalaban niya ay hahanapin mo sila and he asked me not to let you do that. He wants you to live peacefully."

"Sorry but I can't do that. Hindi ako papayag hangga't hindi ko sila napapanagot sa ginawa nila kay Papa."

"Cassidy, ilang taon ang lumipas na walang ginawa ang Papa mo kundi ang protektahan ka. Huwag mo sana iyon sayangin. I'll do the rest. Habang nasa abroad ako, gagawa ako ng aksyon pra pagbayarin ang mga may gawa nito kay Mr. Figueroa. The moment that I put them in jail, babalik ako dito sa Pilipinas. I need to work for it habang malayo sa 'yo. And besides, this mansion is safe. Hindi nila alam 'to. Ganoon katindi ang ginawang pagpo-protekta ni Mr. Figueroa sa 'yo. Kaya nga dito ka lumaki kasama siya. You were safe here because he made sure this will be your safe home."

Muli akong naiyak. Palagi nalang kapakanan ko ang mahalaga. Hinding hindi ako pinabayaan ni Papa.

"There's a group of lawyers na gagawa ng aksyon laban sa mga gumawa nito sa Papa mo. It's been planned, Cassidy. Alam ng Papa mo na balang araw ay mangyayari 'to so he planned everything. Ayaw niyang ilalaan mo ang sarili mo sa paghahanap ng hustisya para sa kaniya. Sa laki ng utang na loob ko sa kaniya, iyon nalang ang maibabalik ko that's why I want you to live here peacefully and I will do the rest. Gagawin ko 'to hindi para sa 'yo, kundi para kay Mr. Figueroa. He gave me and my family a good life. I don't deserve the money and the properties he gave me but he insisted. He trusted me so I will do my best until the last drop. Let me seek justice for him. So please, live your life to the fullest. Gusto lang ng Papa mo na maging masaya ka."

Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Buo ang loob kong ipaghiganti si Papa but like what RJ said, hindi gusto ni Papa na ako gumawa nito. He planned everything. Ganoon ba talaga siya? All he did is protect me. Para bang buong buhay niya ay inisip lang niya ang kapakanan ko.

"Si Manang Auring, you know her. She'll stay here at the mansion with you. This mansion is built with protection. From this time that you stepped here, automatically activated na ang protection ng main gate. This mansion is surrounded by CCTV and alarms. Ang kabuuan nito, imagine mo when someone unfamiliar came here or tried to go inside the vicinity of the land around the mansion, tutunog ng malakas ang security alarm. There's a security team na nakabantay sa buong mansion that is continously paid by your father until you're fully safe."

Planado nga ang lahat. Alam na alam ni Papa ang mga mangyayari. Deserve ko ba siya? Wala man lang akong nagawa para sa kanya bilang anak niya.

"Before I go, I will bring you to his big vault. That's my last mission that I need to do for you. Iyong sinabi ko sa 'yo na naglalaman ng kayamanan ng Papa mo na gustong makuha ng mga taong gumawa nito sa kanya and the documents are inside. May letter din doon ang Papa mo about that vault that you can only go inside. Dadalhin lang kita do'n but I won't let you open it in front of me. Like what I told you, you can open it by your eyes biometric."

"O-Okay..."

"Hindi mawawala na isipin mo na baka gumawa ako ng hindi maganda. Hindi kita masisisi kaya gusto kong patunayan na wala akong intensyong masama sa 'yo. Sapat na iyong naibigay na tulong sa akin at sa pamilya ko ni Mr. Figueroa."

Tumango lamang ako.

"Are you ready?"

"Narito ba sa mansion?"

He nodded at me. "Tulad nang sinabi ko noon, naiuwi na namin dito. At dito sa mansion na ito dinala."

I heaved a sigh. "I am ready."

Kahit nangako ako kay Aries na magpapahinga ako, pakiramdam ko ay hindi ako makakapagpahinga hangga't hindi ko nagagawa ang mga bagay na dapat kong gawin.

Sumunod ako kay RJ. Napansin kong sa malaking garden kami pumunta. Kumunot ang noo ko nang tumigil siya sa isang pader na puno ng mga vines and flowers. Nagulat nalang ako nang binuksan niya iyon. Isa iyong pinto--na hindi mo aakalaing pinto dahil na rin sa mga dahon at bulaklak sa pader. Iisipin mong simpleng pader lang iyon.

Pumasok kami sa loob. Madilim. He turned on the lights. Lumiwanag ang buong hallway. Tinahak namin iyon hanggang makarating kami sa pangalawang pinto.

He opened it using a key. Saka kami magkasunod na pumasok.

Halos mapanganga ako sa nakita ko. Isang kwadradong kwarto. Malawak iyon pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang rehas at sa loob niyon ay may malaking vault.

"Iyan ang vault ng Papa mo, Cass. Ang vault na pinag-aagawan ng mga taong nagpapatay sa kaniya."

"Iba talaga ang nagagawa ng kayamanan. Maraming nagiging demonyo para lang dito."

"Tama ka, Cass. Iyang rehas na 'yan, biometric mo rin ang gagamitin mo sa pagbukas pero iyong hintuturo mo."

Sobrang protected talaga ni Papa.

"Hanggang dito lang ako. Here's the key to the door." Aniya. "Lalabas ako sa pintong pinasukan natin habang ikaw, mula sa loob ng rehas na 'yan, sa gilid ng vault may secret door dyan na fingerprint biometric mo rin ang makakapagbukas papunta sa playroom mo noong bata ka."

Namamangha ako sa setup na ginawa ng Papa ko. He's a wise man.

"Ngayon na rin ang alis ko papuntang abroad, Cassidy. Tatawagan kita one of these days. Kailangan ko pa ring mag-ingat habang hindi napapanagot ang pumatay sa Papa mo."

"Salamat, RJ."

"Let's be strong for your father, Cass. Matatapos rin 'to. You deserve to live happily and peacefully."

Tumango lamang ako. I hugged him for the last time.

"Aalis na ako."

I took a deep breath and nodded at him. "Take care, and thank you."

He smiled at me as he turned his back. He went out of the door. I locked it using the key. Dahil may lock siya sa loob. Huminga ako nang maalim saka hinarap ang rehas.

I tried my fingerprint through the biometric at bumukas nga iyon. I went inside and closed it. Ngayon ay kaharap ko na ang malaking vault.

I never thought may ganitong twist sa buhay ko.

May maliit na biometric sa harap ng vault, I scanned my eyes, and to my surprised, nagbukas iyon.

I just... can't believe this.

The big vault containing all the jewelries, sako sako iyon sa ilalim. Sa pangalawang level ay may mga papeles na naka envelope. Katabi niyon ay mga passbook and atm cards. Sa pinakataas na level ay mga diamonds na nakalagay sa acrylic box. Kitang kita ang dami niyon na may iba ibang laki. I just... my God.

Gaano kayaman ang tatay ko?

Kinuha ko iyong mga papeles kasama ang mga bank book and atm cards saka ko iyon isinara.

I sat down at the floor and looked at the documents.

All properties, may bahay sa subdivision, may resthouse, may beach, may hotels, restaurants and other companies na lahat under my name.

CASSIDY FIGUEROA

Even a copy of my birth certificate. Naiyak akong muli nang makita ang pangalan ni Mr. Figueroa na nakalagay sa Father. All my documents are in here. Inayos na lahat ni Papa. Lahat lahat. I am registered as Cassidy Figueroa. Lahat ng ID's din ay meron dito. Parehong pareho ng IDs na hawak ko ngayon as Cassidy Gerson. Surname lang ang napalitan. How powerful he is to make this possible.

I checked the bank books. Lima iyon. Iba ibang pangalan ng banko. Inisa isa ko iyon and each of it has five billion pesos. Seriously. The atm cards na may nakadikit na papel kung saan nakasulat ang password--my birthday.

Huminga ako ng malalim. Ang ibang papeles ay katunayan na pagmamay ari ng Figueroa ang mga alahas at mga diamonds nasa vault. Lahat ay idinaan sa legal na paraan.

Muli kong binuksan ang vault saka ibinalik iyong ibang documents maliban sa mga properties ni Papa. I need to check each of one. Ayokong pabayaan ang mga pinaghirapan niya.

I also keep the bank books inside the vault. Iyong atm card lang ang kinuha ko. I also kept the letter from my father. A simple letter that made me love him even more.

To my wonderful daughter,

I didn't work hard for myself but for you, my daughter. I am giving you everything I have in exchange of your smile.

These are all yours, my daughter. As you are reading this letter, I am hundred percent sure that I am no longer with you but always remember to just look up at the sky because I will always watch you.

I love you, my daughter, Cassidy.

Napakaikli, napakasimple pero yung message ng letter tagos sa puso ko.

Kinalma ko ang sarili ko. I am Cassidy Figueroa. At hindi matatahimik ang buong katauhan ko hangga't hindi ko napapanagot ang pumatay sa tatay ko.

If RJ and some lawyers are working for it, i will work on it, too.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top