Chapter XXIX

"Save your heart for
someone who cares."

NAKATITIG ako kay RJ habang abala siya sa pagluluto sa kusina. Sobrang ideal niya talaga when it comes to being a boyfriend. Bukod sa maalaga e, maasikaso pa.

Iyon nga lang, naniniwala akong pinagtagpo lang kami at hindi itinadhana.

"Are you hungry? Malapit na 'to."

Umiling ako. "Hindi, hindi. Take your time."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na namalayang napansin na pala niya ang pagtitig ko.

Kanina ay nagisa ako ng wala sa oras sa office. Pahamak talaga 'tong si Ludwig kahit kelan. Malapit ko na tuloy isipin na bakla siya. Dinaig pa ang babae sa kadaldalan e. Idagdag mo pa na dakilang Marites siya ng Palermo's.

Napailing na lamang ako sa naisip ko.

Kung anu ano nalang ang idinahilan ko sa mga ka-trabaho ko. Ayoko rin naman kasing isipin nila na may connection kami ni Aries. When it comes to work, ayokong may maisusumbat sa akin like may kakilala lang ako kaya ako nakapasok sa FF Jewelry, something like that. Iyong kay Papa Uncle nga, hindi nila alam na siya ang backer ko until now sa tagal kong nagta-trabaho sa FF Jewelry. Tapos 'tong mga Palermo na 'to, papahamak pa ako.

"Cass?"

Natauhan ako sa tawag ni RJ. "Yup?"

"Tumutunog 'yong doorbell."

I tilted my head. Wala akong ine-expect na bisita and besides, wala namang ibang pumupunta rito sa unit ko maliban kay... what the...

"Sorry natulala lang." Sabi ko saka tumayo na.

Sana naman mali ang iniisip ko. I don't want him to be clingy. Mula nang siya ang pumalit kay Mrs. Mercado sa FF Jewelry ay para bang napapansin kong ume-epal lang siya sa buhay ko.

I looked at the peep hole. Kumunot ang noo ko dahil wala akong makita. Napalunok ako. What if katulad sa mga movies, may box sa labas ng pinto ko at may lamang patay na ibon na duguan? What if someone is trying to threaten me? O hindi kaya baka natunton na kami no'ng mga bumugbog kay RJ?

Kinapa ko ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog niyon. Ano ba kasing iniisip ko. I hate overthinking.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Sumilip ako at nagulat ako nang si Ludwig ang bumungd sa akin.

"May ulam kayo?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako but at that very moment, bumukas ng bongga ang pinto at tatlong lalaki ang sunod sunod na pumasok na para bang pag-aari nila ang bahay ko.

What the fuck?

"Anong ginagawa n'yo rito??" Malakas na boses ko ang umalingawngaw sa buong unit ko.

I locked the door saka sila sinundan lahat sa living room.

"Makiki-kain lang kami, Cass. Uy, ang bango tangina nagutom ako lalo."

Kumunot ang noo ko. "Naghihirap na ba kayo? Tatlo kayong puro Palermo na alam kong mayayaman tapos makikikain kayo dito?"

Itinaas ni Devan ang kamay niya. "I'm a Hong, Cass."

Si Aries ay tahimik na nakamasid sa akin na para bang sinusuri niya ang buong pagkatao ko.

"Kapag makikikain, naghihirap agad? Judgemental ka, Cass ah!" Sabi ni Ludwig.

"E pwede naman kayong kumain sa mga restaurant e. Bakit dito pa? Wala man lang kayong pasabi, seriously..."

"Well it's suprays!!" Sigaw ni Ludwig na iba pa ang bigkas sa surprise.

"Cass sorry for coming here unannounced but the truth is..." binitin ni Devan ang sasabihin niya.

Pumunta sa may pinto si Ludwig, binuksan iyon at may kinuhang kung ano.

WHAT THE FUCK?

Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok siyang may hila hila nang maleta. What the hell is happening?

"Overnight kami dito, Cass. Hehe." Sabi ni Ludwig.

"For three days actually." Dugtong ni Devan.

Para akong matutumba. Nahihilo ako sa pinagsasasabi nila. Hindi ko sila kinakaya.

"Ginagago niyo ba ako? Ano bang trip niyo sa buhay?" Tanong ko.

Si RJ ay nakatingin lamang mula sa kusina.

"Ito 'yung trip namin Cass. Trip to Cass' house. Hehe." Sabi pa ni Ludwig.

Nasapo ko ang noo ko. Punyeta talaga.

"Manahimik ka, Ludwig. Nagdidilim ang paningin ko sa 'yo." Sabi ko.

Tinakpan naman ni Ludwig ang bibig niya.

"Hindi ako pumapayag sa balak niyo. Unang una, walang dahilan para mag-stay kayo rito. Pangalawa, tatlong lalaki? Kasama pa si RJ so apat na kayo at nag-iisa akong babae rito. Ano 'to? F4 with Sancai??"

Tumawa si Ludwig. "Mas safe ka pa nga na narito kaming tatlo, Cass kesa isang 'yon lang ang kasama mo."

I rolled my eyes. "We've been living together for days and besides, I trust him!"

"I don't trust men." Sa wakas ay nagsalita na si Aries. Seryoso ang mukha niya. Bumaling siya kay Ludwig. "Bring my luggage at her room."

Mas nanlaki ang mga maya ko. "Hep! Anong room ko? Bakit do'n? If you want to stay here then stay here at the living room."

Tumaas ang isang kilay ni Aries. "As if you can stop me, baby."

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Wala na akong nagawa nang hilahin ni Ludwig ang maleta sa kwarto ko. Punyetang mga 'to.

"As much as I want to stay at your room too, alam ko ang limitation ko so I'll stay here at the living room." Sabi ni Devan.

"Seryoso ba talaga kayo?"

"Do we look like we're kidding?" Ani Aries.

"Tingin mo sa luggage, props lang Cass?" Sabi pa ni Ludwig.

Lumapit na sa amin si RJ. Nakasuot pa siya ng apron. Mabilis na lumapit sa akin si Aries saka ako hinila sa gilid niya. Nasa gitna na namin siya ni RJ.

"Hindi ko kayo kilala maliban kay Aries Palermo pero tama bang basta na lamang kayo pumunta rito at mag-desisyon na mag-stay dito." Sabi ni RJ. "Ayokong makisali rito pero bilang kasama ni Cass dito sa bahay ay mangingialam ako."

Nagkibit balikat si Ludwig. "Pala desisyon ka rin namang nag-stay dito. Lul."

"Nagpunta ka rin dito para basta nalang makitira. The fuck, you really think na maniniwala kaming malinis ang intensyon mo? You are fucking here with her alone. We never know what you're capable to do." Sabi ni Aries.

"Tama tama!" Sabi ni Ludwig.

"As long as you two are not in a relationship, hindi magandang tingnan na nagsasama kayo sa iisang bubong. Even if you're the ex-boyfriend doesn't mean you are trustworthy enough to let you stay here with her alone." Sabi ni Devan.

"I have reasons. Alam 'yon ni Cass. I don't care about your opinions. Ang mahalaga lang sa akin ay pumayag si Cass. This is her unit. Her rules." Sabi ni RJ.

"Gago ka ba? E baka tinakot mo 'yang si Cass o kaya ni-blackmail mo kaya pumayag na tumira ka rito. Huwag kami, gago." Sabi ni Ludwig.

"Huwag mo akong tawaging gago dahil mas gago kayo." Sabi ni RJ.

"Aba gago talaga 'to. Ano, ano!"

Inawat ni Devan si Ludwig. Napailing na lamang ako. Apat na lalaki ang dinaig pa ang mga babae sa pagsasagutan. Parang sumakit bigla ang ulo ko.

"Fine. Three days." Sabi ko. Wala na rin naman akong magagawa. Knowing the Palermo's, alam kong maipilit nila ang gusto nila.

"Yown!" Sigaw ni Ludwig. "Tara na kumain, gutom na ako talaga tangina naman."

"Cass." Parang nagtatanong ang mga mata ni RJ.

"Let them." Sabi ko. "Wala rin namang magagawa."

Wala naman nagawa si RJ. He sighed and walked back to kitchen.

Hinarap ko ang tatlo.

"You three will stay here at the living room." Panimula ko.

"Nah. I'll stay at your room." Sabi ni Aries.

Punyetang lalaki talaga 'to.

"Cass, dinner is ready." Sabi ni RJ.

"Dinner na daw!" Sabi ni Ludwig. "Kain na kain na ako."

"And yes, let's eat." Sabi ko sa kanila.

Pumunta kami sa kitchen. Mabuti na lamang at maraming niluluto si RJ na ulam na pwedeng initin lang kinabukasan.

"Ako ang nagluto, huwag kang kakain." Sabi ni RJ kay Ludwig na nauna pang maupo sa hapag.

"Nagluto ka lang pero kusina ni Cass 'to kaya huwag kang pala-desisyon." Sagot ni Ludwig.

Huminga ako ng malalim. Ang sakit nila sa ulo. Isipin mong tatlong araw silang narito. Disaster.

May magagawa la ba ako para hindi matuloy iyon? Napakalabo.

Umupo kami sa hapag. Tinabihan ako ni Aries. Ipinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko.

"Parang hindi kasya ang kanin. Magsaing ka pa oy!" Sabi ni Ludwig kay RJ.

"Kasya 'yan. Pasalamat ka marami akong magsaing para makapagluto ako ng sinangag kinabukasan dahil favorite 'yon ni Cass."

"Oy oy! Pinapamukha sa ating alam niya ang favorite ni Cass. Alam ko ang favorite niyang alak. Redhorse!" Sabi ni Ludwig.

Daldal talaga kahit kailan.

"Baby, hey."

Iyong puso ko...

"Stop calling me that!" Suway ko kay Aries.

Alam ba ng fiance niya ang pinaggagagawa niya?

He chuckles. "Eat."

Tumingin ako sa kanilang lahat na abala na sa pagkain. Dinaig ko pa ang nag-iri ng apat na anak dahil sa konsumisyon.

Ikakain ko nalang 'to dahil wala naman akong choice. Hay. Aasa pa rin sigiro akong magbabago ang ihip ng hangin.


PUMASOK ako sa kwarto ko. I am done with Ludwig and Devan. Sa living room sila. Ipinaglatag ko sila ng comforter. Mabuti na lamang at marami akong extra comforter.

Saglit rin kaming nag-usap ni RJ dahil nag-aalangan siyang hayaan ako sa kwarto ko na kasama si Aries. As if naman may magagawa ako kahit ayoko. Maipilit ang gusto akala mo jowa e.

Tsismosa rin ni Ludwig kaya itinigil ko na ang pakikipag-usap kay RJ.

Naabutan ko si Aries na may gamit na laptop habang nakasandal sa headboard ng kama. Nakatutok ro'n ang mga mata niya at hindi na niya napansin ang pagpasok ko.

"Sa sahig ako tutulog." Sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. He looked at me down to my body. Para bang pinapasadahan niya ako ng tingin mula mukha hanggang paa.

I am wearing my pajamas at wala akong balak na hayaang magkalapit kami ni Aries. Alam ko man na abnormal sya at hindi ko magawang mapigilan ang mga trip niya, kaya ko namang tibayan ang lock sa shield na binuo ko para sa puso ko.

Ititigil ko ang nararamdaman ko para sa kanya and that's my only goal.

"We'll sleep together under the bed." Aniya saka isinara na ang laptop niya. Ipinatong niya iyon sa side table.

"Mag-uusap pa tayo." Sabi ko. "Akala mo ba gano'n gano'n nalang ang pagpayag ko sa trip niyo?"

"Stop being mad, baby."

"Sinabi ko na sa'yong tigilan mo ako sa pagtawag ng ganyan. Hindi na nakakatuwa, Aries. Nakakabastos ka na."

"Paano naging bastos 'yon? Really."

Huminga ako ng malalim.

"Iyon palang pagpunta niyo dito at mag-decide na mag-stay, nakakabastos na 'yon."

Tumayo siya mula sa kama saka lumapit sa akin. Bahagya akong napaatras. Tumigil siya sa harap ko.

"I'm sorry."

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon. He looked sincere.

"I just don't trust that guy. Mababaliw ako kakaisip na kasama mo ang gago na 'yon sa iisang bubong."

"Aries."

"And... I missed you. So fucking bad."

Punyetang puso 'to. Hindi 'to pwedeng bumigay ngayon. Kahit hindi ko inaasahan iyong mga sinasabi niya ay matatag ang puso ko.

"Tigilan mo ako sa ganyan, please lang. Alam ba 'to ng fiance mo? Sino bang pinaglalaruan mo? Ako o ang fiance mo, kasi ang gulo gulo mo."

He held my hands. He is looking at my eyes. "Can't you just let me do this? Pagpapansin sa 'yo, pagsulpot basta basta, lapitan ka, hawakan ka... fuck, just... just let me please."

Lalong gumulo ang utak ko sa kaniya.

"Why would I let you do that, Aries? Ilang beses ko bang dapat ipamukha sa 'yo na walang namamagitan sa atin? We were just a boss and an assistant tapos ngayon nasa iisang trabaho tayo and you're the head. Malinaw naman 'di ba? You have a fiance dahil mahal mo siya. Ano pa bang kulang? Ano pang kulang na dahilan para itigil mo 'to? Itigil mo ang ginagawa mo dahil hindi na nakakatuwa."

He looked sad. He stared at my eyes and I saw how sad his eyes were.

"Every fucking night, I am misisng you. Every fucking day I am longing for you. I don't want you out of my sight. I always want to see you..."

"Aries⎯"

"Don't you fucking get it?" He asked

"Ginagawa mo pa akong manghuhula kaya nga tinatanong kita e!"

"Tangina mahal na mahal kita, Cassidy."

Para bang nanghina ang tuhod ko habang nakatingin sa kaniya. Para akong nabingi. Hindi ko alam kubg sigurado ba ako sa narinig ko.

"All the things that I am doing right now... i have my reasons, okay? I didn't mean to confess this way because I want it to be so special but hell I just thought I needed to do that now."

Hindi na ako makapagsalita pa. Nakatingin lamang ako sa kanya.

"I love you, Cassidy. Itatak mo 'yan sa isip mo at tigilan mo na ang pagpapagulo sa isip mo because whatever you're thinking of, mali ka. The only fact that you need to put in your head is I love you. I love you, wholeheartedly. Putangina i-suntok mo pa sa ilong ni Ludwig."

Halos matumba ako pero naagapan niya ako.

"I can always catch you when you fall." He almost whispered.

Ilang paglunok ang ginawa ko. Ito ang tagpong hindi ko pinaka inaasahang mangyayari. Pero nangyari.

"I think you should sleep, baby."

Sa halip na sumagot ay isinabit ko ang dalawang braso ko sa batok niya saka hinalikan ang labi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top