Chapter XXII
"Don't wait for the day to come that
you'll regret everything you did
to let something end."
PARA akong timang na hindi makausap nang maayos. Paano ba naman kasi, bakit ganoon ang in-akto ni Aries? Bakit may ganoon siyang mga tanong na parang kasalanan ko bang maganda ako ngayon o mukha akong masaya?
"Are you okay?"
Tumango ako kay Devan. "Actually, hindi. Ginugulo ng pinsan mo ang utak ko." Sabi ko.
"He's drunk. He maybe... you know, hindi na-kontrol ang sarili."
"But those questions, para kasing iba. I mean, ayokong maging assuming pero gusto ba niya ako? Sa pagkakaalam ko kasi wala lang ako sa kaniya and he's happy with Katarina naman na."
Pagkatapos nilang maghalikan kanina, kekwestyunin ako ng gano'n na parang inakusahan pa ako ng masama? Napaka fucker talaga.
"Cass! Iba ka talaga. Hayop si Aries bumanat. Tulala ka ano?"
Tinaasan ko ng kilay si Ludwig. "Alam mo? Epal ka."
Tumawa lang siya. "Kung ako sa 'yo, kabahan ka na bukas kapag nasa katinuan na si Aries. Halimaw 'yon sinasabi ko 'yo."
"Man, shut up." Suway ni Devan kay Ludwig.
"Awts, gege alis na ako." Paalam ni Ludwig.
Naiwan kami ni Devan dito sa tabing dagat. Nakakahiya tuloy na parang dahil sa akin ay nasira ang gabi nila. Iyong truth or consequence sa bonfire, hindi na nila itinuloy dahil sa amin.
"Nakakahiya sa mga pinsan mo. Sana talaga hindi nalang ako sumama."
"It's not your fault." Aniya.
"Kasalanan ko na rin iyon kasi hindi naman magkakagano'n si Aries kung wala ako rito. Bakit kasi kailangan ko pang sumama, nakakainis! Pwede bang umuwi nalang ako bukas?"
Umiling siya. "Nah. I told you it's not your fault. Just enjoy your vacation while you are here. Do not mind Aries."
I took a deep breath. "Nakakainis talaga..."
"Cheer up, Cass. Let's have a drink?"
Tumango ako kay Devan. "Buti pa nga."
We walked back to hotel. May mini bar naman sa ground floor so doon nalang kami.
Nang makapasok kami sa hotel ay napatigil ako nang makasalubong namin si Katarina. She's looking at me seriously.
"Can we talk?" She asked.
Saglit akong tumingin kay Devan. He nodded.
"Okay."
"I'll be at the mini bar, Cass. Let me know when you're done talking with her."
Tumango lamang ako kay Devan saka sumunod kay Katarina palabas ng hotel. Nakarating kami sa may parang garden style sa tabi lamang ng hotel.
"Do you like Aries?"
Iyon agad ang bungad na tanong niya sa akin.
I looked at her eyes. "No."
Lies.
"Then why do you have to be here? Sabi nga ni Aries, bakit kailangan mong pumunta dito? Are you really here for Devan o dahil kay Aries? You are just his ex assistant yet you're acting like you're an ex girlfriend."
Kumunot ang noo ko. Saan galing ang ipinuputok ng butsi ng babaeng 'to?
"Wait, anong ginawa ko? Nagkita lang tayo sa bonfire and you see, si Aries 'tong basta nalang nagkaganoon without me doing anything. I was just there sitting and enjoying the bonfire! Bakit parang kasalanan ko?"
"That's the main problem. Your whole existence! Hindi ka naman kasi dapat narito. My gosh, babae rin ako. I know you are here because of Aries kahit pa itanggi mo iyon."
Well, she's actually right.
"Wait, why are you so galit? Did I do anything to harm him or you? Sinira ko ba ang bakasyon ninyo? Did I flirt with him or did I chase him? My gosh din, Katarina ha? Hindi ako narito para maghabol o magpapansin kay Aries. Isaksak mo siya sa baga mo kung kasya. Okay?"
"Bitch." She said.
"Yes, I'm a bad bitch. Kaya pwede ba, Katarina? Let me enjoy my stay here. Huwag kang toxic. Fiance ka na 'di ba? So bakit parang threaten ka sa akin when in fact, wala naman akong ginagawa at wala akong planong gumawa ng kagagahan para makuha si Aries. Sayong sayo na."
She rolled her eyes at me. Maldita! Hindi ba niya alam na mas maldita ako sa kanya?
"Yes, fiance. Meaning magpapakasal kami very soon and I will be his wife so back off."
Ang lakas ng loob. Ang kapal ng mukhang pagsabihan ako ng ganyan. Hindi ko siya kinakaya.
"Really, edi sana all!" I exclaimed.
"I am warning you, don't ever look at him!"
"Luh, gaga ka? May mata ako so sa tingin mo maiiwasan kong tingnan siya? Pipikit ako gano'n? Bakit hindi 'yang si Aries ang pagsabihan mo? Siya 'tong fucker at siya 'tong gumagawa ng bagay na ikagugulo ng isip ko."
Kitang kita sa mukha niya ang galit. "You know what? Kung ano mang company ang meron ang pamilya mo, kayang kaya kong pabagsakin 'yon."
I chuckled. "Gaga, wala kaming company."
Mas uminit ang dugo niya.
"I can destroy your life!"
"Whatever!" I rolled my eyes at her. "Huwag mo akong bantaan, Katarina. I can do worst than that. So shut up ka na lang kung ayaw mong mawalan ka ng fiance at hindi matuloy ang kasal niyo. Huwag na huwag mo akong hinahamon dahil hindi gagana sa akin ang nga linyahan niyong mayayaman para manakot ng tao. Yes I do watch teleserye kaya aware ako, duh. Pakibago ang lines please."
Gigil na gigil na siya. Ready naman ako sa sabunutan, subukan niya lang.
"I hate you!" Sigaw niya saka hinila ang buhok ko.
Wow, hate daw niya ako. "Bakit ikaw gusto ko ba, bruha ka!" Sigaw ko saka gumanti. Sinabunutan ko siya.
Fuck her. Sabi ko naman ready ako sa sabunutan.
I pulled her hair while she's shouting in pain. She's too weak!
"Hep hep! Putangina, may sabong. Talpakan na. Saan kayo tataya?"
"Fuck you, Ludwig!"
Hindi ko alam kung sino nang mga narito pero ayokong bitawan ang buhok ni Katarina hangga't hindi niya binibitawan ang buhok ko. Fuck her, ang sakit ng anit ko letse siya! Hindi ako gumagamit ng mamahaling shampoo para lang sabunutan niya!
Mas hinila ko ang buhok niya. Sigaw siya ng sigaw. Ang arte! Ako nga tahimik lang kahit nasasaktan.
Nagulat nalang ako nang may malakas na kamay na nagpabitaw sa kamay ko sa buhok niya. Napabitaw ako kasabay ng pagbitaw ni Katarina sa buhok ko. Pag angat ko ng tingin ay tumambad sa akin si Aries. He looked mad.
"What the fuck, Cassidy?"
Bakit ako?
"Are you okay? Look at me..." sabi niya kay Katarina.
Bias. Favoritism.
Muli siyang humarap sa akin. "Seriously, Cassidy? What did you do?"
"What? Siya ang unang nanabunot sa akin!" Sabi ko.
"I know you better than anyone." Aniya.
"Wow, talaga ba, Aries? Kung kilala mo talaga ako, alam mong hindi ako ang nauna!" Bulyaw ko.
He's raging mad. "You know what? This is a happy vacation for everyone but because of you, nasira ang bakasyon ng lahat. If you didn't come here, walang gulong mangyayari."
Wow. Bakit may kumirot sa puso ko?
Biglang dumating si Devan saka hinarap si Aries.
"Man, walang kasalanan si Cassidy. Your woman asked her to talk. Please don't push my button, Aries Chastin. Stop being an asshole to Cass."
"What are you, her saviour? Fuck, fine. Then send her home. She's not related to us. She has no reason to be here, Devan Ezekiel."
I want to cry for real but I am trying my best to stop it. Ayokong maging mahina sa harap ni Aries. Ayokong ipakita na nasasaktan ako. Ayoko.
Hindi na sumagot si Devan. Nilapitan ni Aries si Katarina saka inalo.
"Let's go to our room." Sabi niya kay Katarina saka sila umalis.
Tumingin ako sa paligid.
Si Ludwig lamang ang narito na tahimik nalang na nakamasid sa amin. Mabuti nalang dahil nakakahiya sa iba nilang pinsan.
Hinarap ako ni Devan. He cupped my face. Inayos niya ang buhok ko. From that moment, my tears fell.
"Hey..."
Lalo lamang akong naiyak. Punyeta kasi ni Aries, bakit kailangan niya akong pagsalitaan ng ganoon?! Bakit ako nasasaktan sa sinabi niya, sa tingin niya, at sa pagko comfort niya kay Katarina without considering my side.
Ako pa talaga ang nagmukhang kontrabida. Kasalanan ko bang gusto kong lumaban? Anong tingin nila sa akin, papayag na ganunin?
"I am going home. Hindi ko na kaya, Devan. Please let me go home." Sabi ko habang umiiyak.
"Alright, we'll go home. Just stop crying, damn it."
I looked at his eyes. "Ako lang ang uuwi. Tama nang nasira ko ang unang gabi niyo dito sa bakasyon niyong magpipinsan. Ayokong nang dahil sa akin ay uuwi ka rin. Just let me use your car. Kaya ko namang mag-drive pauwi ng Manila."
"But—"
"Please, Devan."
He sighed. "Alright."
Pinahid ko ang luha ko. Sobra ka na talaga, Aries the fucker. Sobra ka na manakit.
"You need to rest so you can drive tomorrow morning." Devan said.
Tumango ako. Bago pa man sumikat ang araw, sisiguraduhin kong aalis ako sa lugar na 'to. Ako pala ang pampagulo dito e, fine. I'll do my best para hindi na kami magkita pa.
Kasalanan ko rin kasi. Dahil sa punyetang nararamdaman ko para sa kanya, i took the risk and came here. Nakakapansisi.
♤
I JUST got home from Batangas. Ramdam na ramdam ko 'yong pagod ko. Bukod sa halos napuyat ako kakaiyak kagabi ay maaga pa akong nag-drive.
Umuwi akong mag-isa dahil ayoko rin namang samahan pa ako ni Devan. Sinabihan niya ako kanina na pwede naman siyang sumakay sa sasakyan ng mga pinsan niya so sa akin nalang muna daw ang kotse niya.
Nag-inat-inat ako ng katawan saka dumiretso sa kwarto ko. Nag-landing ako sa kama ko. Fuck, ang sarap sa pakiramdam na makahiga sa malambot na kama.
I took a deep breath. Hindi ko maiwasang malungkot. Aminado naman akong naging apektado ako sa nangyari. Iyong magulong in-akto ni Aries pati mga sinabi niya na nasaktan ako.
Pero sabagay, ako si Cassidy e. I am unbothered. Hindi ko na dapat pa iniisip 'yon. Hindi dapat. Tama na 'yong nasaktan ako ng slight sa nangyari. That's enough for me to stop. Wala nang dahilan pa para magkita kami at hangga't maaari ay ako na ang iiwas.
Gulo lang naman ginagawa ni Aries e. Magsama sila ng Katarina niya na napaka bitchesa.
Kumunot ang noo ko nang may mag-doorbell. I tilted my head. Wala akong inaasahang bisita o sino man.
Bumangon ako. Tamad na tamad pa ako dahil kasarapan na ng paghiga ko. Lumabas ako ng kwarto saka dumiretso sa pinto. Sumilip ako sa peep hole. Wala akong makita.
Hindi na ako nagdalawang isip pa. I opened the door. Walang tao.
"Ahh!"
Bigla akong napasigaw nang may humawak sa paa ko. My eyes widened when I saw RJ lying on the floor—full of blood.
Agad ko siyang dinaluhan. Para siyang hirap na hirap.
"Anong nangyari sa 'yo? Dadalhin kita sa ospital!" Sabi ko.
Parang nabuhay ang katawang lupa ko dahil sa itsura niya. I never expected this to happen. What the hell happened to him?!
"N-No... no please."
"Nahihibang ka na ba? Gusto mo na bang mamatay?! Kung gusto mo lang din namang mamatay bakit dito ka pa sa akin pumunta, letse ka!"
He shook his head. "C-Cass... please... just let me in."
Hindi na ako sumagot. Sinunod ko na lamang siya. Inalalayan ko siyang makatayo. Ipinasok ko siya sa loob ng unit ko. Inalalayan ko siyang makaupo sa couch.
"Wait lang, kaya mo pa ba? Kukuha ako ng first aid kit." Sabi ko.
Pinigilan niya ako sa braso ko.
"C-Close the door. Lock it."
Napalunok ako sa sinabi niya. Mabilis kong binalikan ang nakabukas na pinto. I forgot to close it dahil inalalayan ko si RJ na makapasok ng unit ko.
I double locked it saka binalikan si RJ.
"Sure ka bang hindi kita dadalhin sa ospital? You looked... I don't know but the looks of you, kailangan mong magpa ospital!"
Umiling siya. "K-Kaya ko pa. Just buy some things from the drugstore."
"Seryoso ka ba d'yan?!"
He nodded at me. "I'll tell you one by one. Get a pen and paper. Jott it d-down."
Namumutla na siya at ako naman, mas natataranta. Ni wala akong idea kung anong nangyari kay RJ. Ayaw niyang dalhin ko siya sa ospital, but why? Gulong gulo na nga ang isip ko kay Aries, mas gumulo pa ngayon dahil kay RJ.
I am fuckin' stressed out!
My gosh, what really happened to him? Nakipagpatayan ba siya? Nakipagbugbugan? O may killer ba na humahabol sa kaniya kaya ayaw niyang pumunta sa hospital?
"A-And Cass... you have to... to clean my blood from the floor outside. I am sure I left blood stains from the elevator. S-Sa basement parking ako g-galing paakyat dito. Just clean it when you g-go down to go to drugstore."
Jeez! Oo nga pala. Baka mabulabog ang buong building kapag nakakita sila ng mga blood stains sa elevator. Jusko. I need to hurry up.
This is crazy. What the fuck is really happening...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top