Chapter XXI

"I don't trust words.
I trust actions."

BATANGAS. Hindi ko akalaing sasama talaga ako sa mga Palermo. It's just that, kung iisipin, wala naman akong ka-close sa kanila. Hindi rin ako connected sa kanila maliban sa naging assistant ako ni Aries, naging friend ko si Devan at nakilala ko ang abnormal na si Ludwig. That's all. Wala akong alam sa pamilya nila. Wala akong ibang kakilala sa kanila.

But here I am, in a place where only the Palermo's are here. Well, may mga partners sila but still, pag-aari 'tong resort ng mga Palermo.

"Are you okay?"

I looked at Devan. We just got here at nasa lobby kami. Waiting for their cousin na magbibigay daw ng susi sa mga rooms for us.

"Okay lang." Sagot ko.

"Bro! Sinama mo pala si Cassidy. E sinama ni Aries si Katarina. Nararamdaman kong may World War 3."

I rolled my eyes at him. "Hanggang ngayon abnormal ka pa rin."

"Bi-bingo ka na sa akin, Cass!" Ani Ludwig.

"Stop it, man." Awat ni Devan. "Stop being childsih, damn it."

Hindi ko pa nakikita si Aries. Actually, alam ko sa sarili ko na pinagtabuyan ko na siya. Pinamukha ko na rin sa kanya na ni katiting ay wala akong nararamdaman para sa kaniya. I don't chase assholes. Pero sa ginawa ko ngayon para tuloy akong nagpapapansin kay Aries. Bakit kasi sumama pa ako? Pwede bang umuwi nalang ako? Pwede pa bang umatras?

Inaamin ko nadala ako ng damdamin ko no'g sabihin ni Devan na fiance na ni Aries si Katarina. 'Yon naman talaga ang reason ba't bigla akong napa-oo sa pagsama dito. Para bang sa loob loob ko, I want to confirm it myself kung totoo. Yes, feeling jowa ako kahit walang kami.

"Your keys!" Sigaw nung babae na hindi ko kilala. "We can use a lot of rooms kahit pa tig iisa kayo. Here's the keys. Kuha lang kayo and go to your room. You decide kung gusto niyong solo, group or may kasama or what. Basta alam niyo naman ang don'ts and do's right? Nasa dugo natin ang pasaway but please be mindful na makakarating sa parents natin kapag may ginawa kayong kalokohan." Paliwanag nong babae. "Huli na 'yong ganap noon kina Arion at Maleha. Kaya kung may magkakaaway na magjowa d'yan, ilugar niyo."

"Yes mam!" Sigaw ni Ludwig.

"She's Arisse Chandria. Aries older sister." Sabi ni Devan sa tabi ko.

Napa-woah ako kasi ang ganda niya. Ngayon ko lang din napansin na magkamukha sila ni Aries.

"Really?"

"Yeah. Let's go get our key."

"Key, you mean isa lang? For both of us?"

He nodded at me.

"No, Devan. Sabi naman kanina maraming rooms e."

He chuckles. "Are you fine alone in a room?"

"As if naman duwag ako."

"Alright."

Lumapit kami sa Ate ni Aries. She's really pretty, as in. Nasa dugo na yata talaga nila ang magandang lahi? Hindi ko pa nakikita 'yong iba nilang pinsan but I bet may mga itsura silang lahat.

"Cass, she's Arisse Chandria Palermo. Arisse, she's Cassidy Gerson but call her Cass."

Ngumito ako sa kanya. Gano' rin siya.

"I didn't expect na magdadala ka ng girlfriend, Devan. Not in your personality. Sa generation natin, ikaw ang pangalawa kay Lucio sa patinuan."

Parang napakamot sa ulo si Devan. "She's actually just a friend and she's your brother's ex──"

"Oh my gosh?! Ex girlfriend?? Si Arion? Ah no, he can't be. He's not the type of guy na magkakaroon ng kabit because he is so inlove with Maleha. Then you mean, Aries the fucker?!"

Muntik na akong matawa sa pagsasabi niya ng Aries the fucker. Sa kanya siguro nanggaling 'yon, parang sinabi iyon ni Aries before.

"Let me finish, damn. Ex assistant of Aries."

Natutop niya ang bibig niya. "Omg, sorry nabigla ako. My brothers are kind'a abnormal kasi kaya minsan exxagerated ako mag-react when it comes to them. So you were his assistant. And why hindi na?"

I bit my lower lip. Hindi ko napaghandaan ang tanong niya.

"Stop torturing her. Just give us our key. Two keys for us."

Sumimangot siya. "Maraming time mamaya so chika tayo. Here's your keys."

Ibinigay niya ang susi namin. Tig isa kami. Pagkatapos ay hinila na ako ni Devan papuntang elevator. Tumango nalang ako kay Arisse.

She seemed nice. May pagka maarte siya magsalita pero hindi nakakairita at hindi trying hard.

We get inside the elevator. Si Devan ang nagbitbit ng duffel bag ko. Three days lang daw kami dito and hindi naman ako gano'n kaarte pagdating sa mga bagahe. Sakto lang ang dala ko saka malaki naman ang duffel bag ko

"Here's yours." Inabot niya sa akin ang isang susi. "Magkatabi lang tayo ng room so whenever you feel sad or if you're afraid alone, you can just call me."

Mabait talaga si Devan. So siya ang pangalawang matino sa generation nila according to Arisse. How about Aries?

"Yes, I know what to do." Sabi ko.

Maya maya pa ay bumaba na kami ng elevator. Hinanap namin ang room namin.

"So we're here." Aniya.

Binuksan ko agad ang room ko. Pumasok ako. Maganda iyon at malaki. Grabe as in nakaka sosyal.

Pumasok rin si Devan saka ipinatong sa may kama ang duffel bag ko.

"Let's eat lunch by twelve." Aniya.

I looked at my wrist watch. Ten pa lamang ng umaga. So I have time pa para mag ayos.

"Okay. Twelve."

"And we have a scheduled bonfire at seven tonight after dinner. After lunch we can roam around the resort."

"Required 'yong bonfire?"

"Yeah. All of us needs to be there. Childish but they love doing truth or consequence so better prepare yourself. Magaling manggisa ang mga pinsan ko but they are nice."

Truth or consequence?! At kung lahat sila required, meaning andon din si Aries? Parang bigla akong kinabahan.

Pero... narito na e. Shit. I need to act calm and I need to show him that I don't care about him.

"Fine." Iyon na lamang ang naisagot ko.

Nagpaalam na si Devan para pumunta sa kwarto niya. Naiwan akong mag-isa.

Napaupo ako sa kama saka napailing.

What the freak. Akala ko kaya namang hindi ko makita si Aries but hell... the bonfire and a truth or consequence. Goodluck to me.

KAKATAPOS lang naming mag-dinner ni Devan. May malaking hall pala dito for buffet so enjoy na enjoy naman ako sa mga pagkain. Unlike kaninang lunch, um-order kami sa menu sa isang restaurant sa loob mismo ng resort na 'to

Pagkatapos naming maglunch kanina ay namasyal kami ni Devan. Inikot namin ang buong resort. Ang laki pala nito. Hindi muna ako nagswimming kasi mas feel ko bukas ng umaga para hindi ganoon kainit.

Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa tabi ng beach dahil doon daw ang bonfire. Unti unti nang kumakabog ang dibdib ko dahil alam kong naroon si Aries. Wala rin naman kasi akong idea kung alam niyang narito ako. Depende nalang kung nasabi na ni Ludwig dahil napakadaldal niya. Para siyanv marites boy version.

"Are yiu ready for the truth or consequence? Like what I told you, malalakas ang trip ng mga pinsan ko. Gigisahin ka nila so you just have to be sport. Malakas lang din sila mang-asar. Don't worry, susuwayin ko sila kapag sumobra na."

"Okay lang, Devan. Ano ka ba, sanay ako sa mga ganyan. Don't worry. Sports ako and hindi ako basta basta napipikon."

"Then that's great."

Natanaw ko na ang bonfire. May mga nakaupo na sa buhangin na paikot sa bonfire.

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kahit malayo ay kilalang kilala ko na si Aries. I saw how Katarina fixed his hair. Sweet naman pala ang gusto ng fucker.

Nang makalapit kami sa kanila ay pilit kong pinigilang mapatingin sa gawi ni Aries so I really don't know kung anong reaction niya na makita ako.

As if may paki ang fucker na 'yan?

Umupo kani ni Devan. Katabi ko ay babae na hindi ko kilala. Halos katapat namin si Aries which is nadaanan ko lang ng tingin.

"Whoa! Devan is so cool! Sana all!" Sigaw ng isang babae na halos kamukha din nila but I don't know her.

"Shut up, Hershey." Ani Devan.

"That's her name?" I asked him.

He smiled. "Yeah. You know the cafe that we went last time? Cafe de Lucio. The owner is hef brother's wife."

"Really pumunta kayo sa cafe ni Kuya Lucio? So meaning you like her na Devan?" Sabi no'g Hershey.

Anong connect no'n?

"Hershey, hindi pa simula ang truth or consequence. Huwag kang excited." Sabi ni Ludwig.

"Whatever, Kuya!"

"Oh, so they are siblings?" Tanong ko kay Devan.

Tumango siya. "Yes, she's also Ludwig's sister."

Tumango tango lang ako. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong tumingin kay Aries pero nafe-feel ko na nakatingin siya sa akin.

"Are we complete na? Let's start na? As usual. Truth or consequence. Alam n'yo naman sigurong lahat ang larong iyon. Sinasabi ko sa inyo, bawal ang pikunin at bawal ang sinungaling. So kapag truth, you will tell the truth and nothing but the truth. At kapag consequence, kung sino ang nag-spin ng bottle siya rin ang magbibigay ng consequence. You can choose not to answer kapag truth but you have to drink two glass of beer, bottoms up. Kapag consequence naman, walang choice kundi gawin ang dapat gawin. Maliwanag? Sports ba ang lahat ng andito?"

So parang si Arisse pala ang host nila. Magkakasingtanda lang kaya sila?

Nagsigawan naman ang lahat. Sige, go. Makikisakay na lang ako sa trip nila. Mukha naman silang harmless at sabi nga ni Devan, they are all nice naman.

"Sinong gustong unang mag-spin ng bottle?" Tanong ni Arisse. "Ikaw nalang Lidwig, tutal bida bida ka naman."

Nagtawanan ang lahat. Kilala pala soya sa ganoong ugali. Okay now I know. Aware naman pala ang lahat na abnormal si Ludwig.

"Ako na dahil ako naman talaga ang pinakagwapo dito."

"Spin mo na dami pang satsat." Pangangantyaw nila.

He spinned the bottle at tumigil iyon kay Katarina. Wow kauna unahan. Hindi ko na napigilang mapatingin sa kaniya. She's beautiful. Pamatay naman talaga ang katawan niya kaya may rights naman siyang magsuot ng sexy and revealing.

"Oh my, truth nalang." Sagot ni Katarina.

"Sige ako ang magtatanong 'di ba?" Tanong ni Ludwig. "Magbigay ka ng isang bagay na nagustuhan mo kay Aries."

Fuck you, Ludwig. Ay te, bakit ako affected.

"He's sweet." Sagot ni Katarina.

Talaga ba? Sweet naman pala sa lahat.

"Tangina sweet mo pala, bro." Sabi ni Ludwig kay Aries.

Nagtawanan sila. Ako lang yata ang hindi tumawa.

Iniikot na ni Katarina ang bote at tumapat iyon kay Aries. Wow meant to be.

"I'll go for consequence." Mabilis na sagot ni Aries.

"Kiss me." Sabi ni Katarina.

Naghiyawan ang lahat. Ang iba ay kinikilig pa at naghahampasan. Sana all masaya.

Nakakainis lamg iyong sarili ko dahil hindi ko magawang matuwa sa kanila.

Tumingin ako kay Aries. He pulled Katarina and kissed her lips. Naoalunok ako saka umiwas ng tingin. Napatingin ako kay Devan.

"Kaya?"

Ngumiti ako. "Oo naman."

Napuno ng asaran at tilian ang lahat. Ang saya saya nila, shit. I shoukd be happy too. At least for myself.

Aries spineed the bottle at lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tumapat sa akin iyon.

I looked at his eyes. He is serious. Nawalang parang bula iyong ngiti sa labi niya kanina no'ng inaasar sila ni Katarina. Malamang hindi siya masaya na makita ako. Asa naman.

"Tanong na bro. Ilabas mo ang sama ng loob mo." Pang aasar ni Ludwig.

"Shut up, Ludwig." Suway ni Devan.

I gulped. Lahat ng mata ay nasa akin. Jusko, para akong nasa hot seat nito. Hindi ako mapakali dahil wala akong idea sa pwedeng niyang itanong kapag truth at mas lalong kabado ako sa consequence dahil baka kung anong ipagawa niya.

Pero sa truth, may choice ako na hindi sumagot. Two glass of beer kayang kaya ko naman e.

"T-Truth." Kinakabahang sabi ko.

"Woah! Truth daw. It's your chance to shine, bro!" Sigaw na naman ni Ludwig.

Punyetang Ludwig 'yan epal talaga.

I looked at Aries. He's staring at me with his cold eyes. Huminga ako ng malalim. Ni hindi ako makatingin sa iba dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Wala silang alam kung anong meron kami ni Aries at lalong andyan lang si Katarina sa tabi niya.

Nanaig ang tensyon sa pagitan namin.

"Why..." panimula niya.

Para akong nanlumo sa boses niya. He sounded cold but sad.

"Why do you have to be here? Why do I need to see you here looking so happy? Why do you have to be that fucking gorgeous? Why do you have to──"

"Aries Chastin, isang tanong lang!" Awat ni Arisse.

I was... speechless. Hindi ko ine-expect ang mga tanong niya. Parang nahulog ang kaluluwa ko mula sa katawan ko. Hindi ko maialis ang tingin ko kay Aries.

Ngayon ko mas napansin na may inom siya. His eyes looks so sad while staring at me.

Kitang kita ko kung paano siya hilahin patayo ni Katarina. They left together habang ako, tulala sa kawalan──kasabay nang malakas na pagkabog ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top